Transcript for:
Kaso ni Guo Huaping at Anti-Immigration

Medyo matibay-tibay. Pagkatapos ibigay yung information ng ating National Bureau of Investigation, nag-chime in yung ibang mga authorities sa ibang mga bansa din dito sa ating bansa. Ibang-ibang sources ng dagdag at corroborating information. Kaya kung nagpupumilit pa rin ang kampo ni Guo Huaping na nandito siya, medyo mabigat ang kailangan nilang patunayan at mabibigat yung kailangan nilang... I-discredit ng mga information mula sa mga very credible sources na may interes sa kasong ito.

Ano po? Binubuo pa rin namin yung complete list na iyon pero mas masasabi na namin pagdating sa susunod na hearing. Ang clearly established mula sa office ko at... at komite namin ay hanggang sa Singapore.

Pero may mga further information pa na aming i-establish pa. Mukhang masyado siyang maluwag na nakakakilos, kaya nga't yung pinakahuling panawagan ko ay sa Department of Foreign Affairs, na-cancelahin na yung kanyang passport. Lalo na't napatunayan na natin ng NBI at sa aming investigasyon, hindi siya Pilipinong mamamayan.

So wala siyang kay humawak ng Philippine passport at gamitin nito para umiwas sa... Pag-effect ng warrant of arrest ng Senado, publicly nanawagan na nga po ako sa DFA na cancelahin na yung kanyang passport. And in the same way na sinabi ko dati na yung sandaling napatunayan ng NBI na parehong fingerprints ni Guo Huaping at ni Alice Leal Guo na dapat dinismiss na siya mula sa pagiging mayor. Gayun din, dapat sana oras na na-put into question yung karapatan niya na humawak ng Philippine passport bilang hindi na nga siya Filipino national, ay dapat sana na-cancel na rin ang passport niya at that point. Either of those are possible and either of those are unacceptable.

Dahil kung labas-masok si Guo Huaping dito sa Pilipinas, thumbing her nose sa warrant of arrest ng Senado, edi dumadami yung mga pagkakataon na kailangang ipaliwanag ng ating mga law enforcement authorities, bakit siya nakakalabas-masok nga sa ating borders na hindi na-e-effect yung standing warrant na iyan. Kung naman nagsisinungaling yung abugadong iyon, accountable din po siya. So we will get to the bottom of both those questions.

I think may mga legal requirements para dun, perhaps pag nag-mature na yung unang kasong iniha in laban sa kanya ng DOJ para sa qualified trafficking in persons, baka mahinog hanggang sa puntong iyon. Basta't ang malinaw sa akin, bilang siya ay standing subject ng isang warrant of arrest ng Senado, siya ay hinahabol at hinahanap ng Philippine law enforcement authorities. Yun yung aming pinag-aaralan ngayon pero even now ang alam namin ay may prinsipyo ng level of cooperation among different countries na pare-parehong nag-uphold ng rule of law sa kanilang mga bansa at sa ating region.

Itinatakda na namin hanggat maaga, pina-finalize lang po namin yung available na venues. Pero pag na-firmis na namin yung pechang yun, we will let you know right away. Kasi hindi po namin palalamigin yung trail ng guo-huaping na yan. Pina-finalize pa namin yung mga siguro last few lists of resource persons. na aming tatawagin sa ilan na lang pang mga pagdinig namin hanggat marap up namin itong apat na taong investigasyon laban sa Pogos.

Kailangan lang namin kumplituhin yung kwentong ito ni Guo Huaping. Yes, yes, definitely. Kailangan naming malaman paano siya nakatakas sa pagdakip ng ating law enforcement authorities bilang siya ay subject ng Senate. warrant of arrest, paano siya nakalabas sa Pilipinas dahil siya ay nakalista na sa immigration lookout bulletin order, paano siya nagkakagamit pa rin ang Philippine passport kahit napatunayan ng hindi siya Filipino national at walang karapatan sa travel document na iyan, paano siya nakakapunta at palipat-lipat sa iba't ibang mga bansa. Posibleng ang problema sa immigration authorities ay hindi lamang sa ating bansa.

Salamat sa pag-u Is it the Philippines? Where in the Philippines? Yung in-establish pa namin hanggang ngayon ay yung port of exit niya mula sa Pilipinas.

Wala pang malino na information yun from any immigration authorities. What we have, dun sa kailangan pa namin completely i-connect the dots, ay mula din sa ibang mga authorities sa ibang mga bansa na meron siyang travel from Malaysia to Singapore. And then may reports still, binaverify pa po namin na onwards from Singapore to another country. Half surprised, half not surprised, pero very indignant talaga. Kasi, di ba, ilang linggo na siyang pinagahanap, subject ng Senate Warrant of Arrest, which the Senate takes very seriously, hindi siya nagsasubmit doon.

Ah, talagang... nanging insulto lang siya sa mga institusyon at mga proseso at mga instruments natin. Kaya lalo lang tumalas yung appetite naming lahat na kailangan siyang mapailalim dun sa effect ng Senate Warrant of Arrest na yan. Well, gaya ng sinabi ko nung nirace ko itong question of privilege kahapon, Naniniwala ako na yung inquiries in aid of legislation namin ay yun na nga patungkol sa polisiya. Kaya akala ko, akala namin, lalo na nung binana ni Presidente ang mga POGO sa kanyang zona na patapos na itong part ng trabaho namin.

Now law enforcement should take up the cudgels. And yung Bureau of Immigration sa isang nakaraang hearing, nangako sila. Sa akin at kay Senate President Pro Tempo Resendjengoy na hindi nila palalabasin si Guho Haping sa Pilipinas, yung pala, nasa labas na. So kailangan itanong, ang law enforcers ba natin? Dapat din questionin, did they drop the ball?

Or meron ba sa loob nila na tumulong dito kay Guho Haping? So mga seryosong concerns talaga. Meron akong teacher dati, may kasabihan siya na naniniwala ko nag-a-apply din sa legislative work kahit sa ganitong napaka mahirap. Sabi niya noon, nothing is impossible, it just takes a little more time.

So aabot at aabot din ang long arm of the law kay Guo Huaping. Well, hindi lamang posible kundi ayon sa... mga dagdag na impormasyon mula sa ibang sources sa labas ng Pilipinas, kasama ni Guo Huaping si Wesley Guo at si Cassandra Ong, at nakipagkita sila sa Singapore, dun sa mga magulang ni Guo Huaping. Hindi lang hindi imposible, nangyari na. Maraming salamat.