Transcript for:
Kalagayan ng Basura sa Pilipinas

Magandang araw sa inyong lahat! Isang masayang hapon sa inyo mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Inaanyayahan ko ang lahat na kunin ang inyong mga module at naway masundan inyo ng maayos ang ating talakayan sa hapong ito. Makinig, magbasa at sundin ang mabuti ang mga panuto sa bawat pagsasanay. Sagutin ng maayos at isulat sa hiwalay na papel ang inyong sagot. Tayo na't simulan na natin ang ating masayang talakayan. Ito ang inyong paaralang pang-telebisyon sa Araling Panlipunan. At ako ang inyong tagapagdaloy, Teacher Zoraida Almero Calimbas. mula sa Magnaga National High School, Pantukan District. Ang kapaligiran ay mahalagang salik sa paghubog sa pangumuhay ng mga mamamayan. Dito nang gagaling ang mga hindi. hilaw na materyales na pinagmumulan ng mga produktong kinukonsumo ng mga tao. Dito rin galing ang mga kalakal na panluwas upang kumita ang bansa. Sa kabila ng pakinabang na nakukuha natin mula sa kalikasan, nagkalulungkot na tila ba hindi natin nakikita ang halaga nito. Nakalilimutan natin na pangalagaan nito bagkos tayo pa ang dahilan ng pagkasira nito. Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa samutsaring suliraning pangkapaligiran. Ang usaping ito ay nakaapekto sa mga mamamayan sa iba't ibang aspekto ng kanilang pangunguhay. Ang mga isyong pangkapaligiran, lalong-lalo na ang suliranin sa solid waste, ay isa sa mga kontemporaryong isyo na tuon ng pag-aaral sa Araling Panlipunan 10. Kaya marapat na balikan mo muna ang mga uri ng contemporaryong issue bago mo tuluyang galugarin ang nilalaman ng module na ito. Ngayon, buksan ang inyong mga module sa pahina apat at hanapin ang balikan natin. Paalala lang po, huwag susulatan ng anuman ang inyong mga module sa halip gamitin ang hiwalay na papel. Pagkatapos ninyong sagutan ang gawain ito ng may katapatan, maaari ninyong tingnan ang susunod na pahina. Ramdam ko na handang-handa na kayo sa panibagong aralin. Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol sa Suliranin sa Solid Weight. Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, narito ang mga layuning dapat nating matamok. Una, natatalakay ang kasalukuyang suliraning ng Pilipinas sa solid waste. Pangalawa, nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas. At pangatlo, nabibigyang halaga ang mga programa at pagkilos ng iba't ibang sektor sa pangangalaga sa kapaligiran. Sabay-sabay natin buksan ang module sa pahina 6. Kunin ang inyong mga papel at ballpen at sagutin ang mga tanong na nasa pahina 6. Pagkatapos ninyong sagutan ang gawain ito ng may katapatan, maaari ninyong tingnan ang tamang sagot sa huling pahina ng module. Mga mag-aaral, batay sa inyong sinagutan kanina, ano kaya ang ibig sabihin ng suliranin sa solid waste? Tama! Binigyang kahulugan ng Batas Republika bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000. Ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at... Komersyal na establishmento, mga non-hazardous na basurang institusyonal at industrial, mga basura na galing sa lansangan at konstruksyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report noong 2008 to 2018, ang Municipal Solid Waste or MSW ay nagmumula sa residential, komersyal, institutional at industrial na establishmento. Ayon sa ulat, pinakamalaking bahagda nito ay mula sa mga kabahayan na may 56.7%. 7%. Thank you for watching! Ang mga basura ang nagmumula sa mga kabahayan ay ang kitchen waste, gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng gulay at prutas, at mga garden waste tulad ng damo at mga dahon. Binanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang tinatawag na biodegradable na may 52.31%. percent. Halimbawa ng biodegradable na basura ay ang kitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang mga recyclable waste ay kumakatawan sa 27.78% ng MSW, kaya ng papel, plastic, bakal, bote at bubog. Pero sa palagay nyo, ano kaya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng suliranin sa solid waste? Mahusay! Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan at kung saan-saan. Tone-toneladang basura ang... Ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada at bakanting lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba't ibang sakit. Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kaya'y dipagsunod sa tinatawag na waste segregation o pagbubukod ng basura, lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmula nito. Kung mahigpit sanang ipinatutupad ito, gaya ng patakarang No Segregation, No Collection Policy, mas madali sana ang pamamahala sa mga basura. Mababawasan din ang trabaho ng mga basura. ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dump sites. Alam niyo ba na ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay nakaapekto sa kapaligiran at kalusugan? Dahil may iba't ibang pinagmumulan ang basura, mapanganib para sa mga taong nakatira malapit sa mga dump sites ang mga ito. Maaaring makakuha sila ng iba't ibang uri ng sakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito. Ang lishay o katas ng basura ay nakakakontamina sa tubig na maaaring pagmulan din ang sakit ng mga tao. Ang methane gas na galing sa mga dump sites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao, kundi nagiging sanhi rin ng global warming. Pero papaano nga ba malulutas ang suliranin sa solid waste? Maaari nyo bang buksan sa pahina 8 ang inyong mga module at sabay nating tuklasin ang mga pamamaraan sa paglutas ng suliranin sa solid waste. Isa sa mahalagang paraan sa paglutas ng suliranin sa solid waste ay ang pamamahala ng basura o waste management. Ang waste management ay tumutukoy sa wastong pagbuha, paglilipat, pagtatapon o paggamit at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Na Nasa gawa ito upang mapangasiwaan ng maayos ang mga basura para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran. Noong January 26, 2001, naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang ang mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga programang nakatoon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang sumusunod. Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center. pagtatatag ng Materials Recovery Facility, at pagsasayos ng mga tapunan ng basura. Ang National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management Plan. Ito ay binubuo ng labing apat na ahensya mula sa pamalaan. sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources or DENR at tatlo naman mula sa pribadong sektor. Bukod sa DENR, ang sumusunod ay ang mga ahensya ng pamalaan na bumubuo sa NSWMC. Department of Science and Technology, Department of Public Works and Highways, Department of Health, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, Department of Interior and Local Government Philippine Information Agency Metro Manila Development Authority Technical Education and Skills Development Liga ng mga lalawigan, Liga ng mga lungsod, Liga ng mga munisipyo, Liga ng mga barangay. Ang pribadong sektor ay kinakatawa naman ng mga sumusunod. Recycling industry, plastic industry, at non-government organizations. Ang Materials Recovery Facility ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inalalagak. ang mga balikgamit o recyclables na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang na kolekta mula sa pinagmulan. Upang maayos ang pagpapatupad ng waste segregation at resource recovery, Kina kailangang maisagawa ang mga sumusunod. Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balikgamit, special waste at latak o tirang basura, dapat magkahiwalay ang kanilang basura. kanilang lalagyan. Pagsunod sa schedule ng pangongolekta ng basura. Pagkakaroon ng materials recovery facility. Kung may mga special waste o recyclable, dapat alam kung saan ito dadalhin o pwedeng ibenta. Sa Section 48 ng RA 9003, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar. Nang sa mga pampublikong lugar ay mga daan, banketa, bakanting lote, kanal, estero at parke. Harapan ng establishmento maging sa baybay ilog at baybay dagat. Bukod dito, marami pang ipinagbabawal ang batas na ito. Ilan sa mga ito ay ang mga sinusunod. Pagsusunog ng basura, pagpapakolekta o pagbayag sa pagkolekta ng hindi pinaghihiwa-hiwalay na basura. o pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha. Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang manggongolekta. Katuwang din ang pamalaan ang mga non-government organizations sa pagharap sa suliranin sa solid waste. Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod. Mother Earth Foundation Isang Ang non-profit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura. Bantay kalikasan. Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas kayang pagunlad. Green Peace Philippines Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusok na kapaligiran. Naunawaan ba ninyong mga mag-aral? Sana'y naunawaan ninyo ang ating paksa sa hapong ito. Matapos nating matuklasan ang tungkol sa suliranin sa solid waste at mga pamamaraan sa paglutas nito, sagutan ang mga tanong na nasa pahina 10. Isulat sa inyong mga papel ang inyong mga sagot. Paalala, huwag sulatan ang module. Thank you for watching Pus na ang dalawang minuto. Susuriin natin kung tama ba ang inyong mga sagot. Maaari ninyo itong tingnan sa huling pahina ng inyong module. Sa isang hiwalay na papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa loob lamang ng dalawang minuto. Una, sa inyong sariling komunidad, paano mo na ipapakita ang pagtulong sa paglutas sa suliranin sa solid waste? Pangalawa, bakit mahalagang alagaan natin ang ating kapaligiran? Tapos na ang dalawang minuto. Diyan nagtatapos ang ating pagsusulit. Nasagutan nyo ng tama ang lahat? Mahusay! Kung may tanong kayo o nais linawin? Isulat nyo ang mga ito. Pwede rin ninyong itawag o itek sa numero ng inyong guro sa Araling Panlipunan o di kaya ay mag-comment sa ating FB Live sa TV. TV Eskwela, DepEd Davao de Oro. Siguruhing tumutok sa ating paaralang pan-telebisyon ang TV Eskwela. Dahil dito, sa TV Eskwela, sa pag-aaral, sama-sama! Ba-bye!