Libo-libong Pinoy ang mas biniling bumili ng hybrid at electric vehicles sa gita ng mataas na presyo ng produktong petrolyo. Bukod sa matipid, marami ring benepisyo ang electric vehicles tulad ng exemption sa coding. Nasa frontline ng balitang yan si Ria Fernandez. Masakit na masyado sa bulsa ng abugadong si Patrick Cua ang mataas na presyo ng petrolyo. Kaya nang masira ang dating sasakyan niya sa baha, ang pinalit niya rito, isang hybrid car.
o klase ng sasakyan na pwedeng patakbuhin ng electric at gasolina o diesel. Maganda raw ito dahil kung nawala na ito ng gasolina, pwede itong tumakbo sa pamamagitan naman ng kuryente. Dalawang buwan niya pa lang daw itong ginagamit, pero dalawang beses pa lang daw siyang nagpapagas. Parang isang full tank niya, 1.5 yung range na tinakbo niya. Once na nag-hybrid ka na, parang you'll never go back to the traditional car.
Ang iba naman, mas pinili ang full electric vehicles vehicles na hindi na kailangan talaga ng gasolina at sinacharge lang. Gaya ni Dr. Gil Cabalbat na hindi lang isa, kundi lima ang EV cars. Bukod sa wala siyang gasto sa gasolina, pasok din daw ito sa Renewable Energy at Environmental Advocacy niya dahil wala itong usok. Halos pareho rin daw ang halaga nito sa mga degasolinang sasakyan.
Ang maganda pa, exempted siya sa coding at may mga libre pang charging station. Ang lumalabas, so... Ang isang litro ng gasolina sa diesel, 55 to 60, lumalabas lang dito sa, yung equivalent ng 1 liter sa EV cars is around nasa 15 pesos, 10 pesos to 15 pesos. So napakalaking tipid. Sa datos ng Land Transportation Office, 7,500 pa ang electric vehicles mula sa 14 milyong rehistradong sasakyan noong 2023. Mahigit limandaan naman ang otorizadong EV charging stations ng DOE sa bansa.
Balak ng gobyerno na paabuti ng 300,000 ang EVs pagdating ng 2028. Para maabot ang target, pinalawid pa noong nakarang taon ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 12 na nagbibigay ng tax breaks sa mga EV owner. Dahil dyan, may tax incentives na rin sa pagbili ng mga gaya ng hybrid car, e-trike, e-bike at e-jeepney. Sa kabila ng mga benepisyon ng electric at hybrid vehicles, may ilan pa rin duda rito.
Minumungkahi naman ang Institute for Climate and Sustainable Cities Nagamitin din ang e-vehicle sa pampublikong transportasyon. Makatutulong yan sa tao at sa kalikasan. Nagbabalita mula sa Frontline, Ria Fernandez, News 5.