Transcript for:
Maling Edukasyon sa Kolehiyo

Ang mga aralin sa video na ito ay una, tala-salitaan. Alamin natin at unawain ang kahulugan ng mga piling salita na ginamit sa akda. Ikalawa, basahin natin ang sanaysay ni George Bacobo na pinamagatang maling edukasyon sa kolehyo. At ikatlo, mga mahalagang tanong ukol sa akda at gabay na sagot. Dumako na tayo sa unang bahagi ng ating aralin. Alamin natin at unawain ang kahulugan ng mga piling salita na ginamit sa akda. Unang bilang, kabalintunaan, palusot, kabaliktaran ng tunay na pangyayari o salungat. Ikalawa, kalakaran. Karaniwang kaganapan, karaniwang gawain o kinasanayan. Ikatlo, pagkabansot, kinulang sa paglaki o lalong lumiit, lalong walang natutunan o hindi lumawak ang isipan at unawa. Ikaapat, dahok, walang sapat na yaman o ari-arian at nangangailangan ng tulong pinansyal o material dahil sa kakulangan. Ikalima, hagilap, pagsisikap na makahanap, makakuha o makatuklas ng isang bagay o ideya na mahirap makuha. Ikaanim, nagtangka, sumubok, nagbalak, sinubukan gawin o nagplano. Ikapito, mapanlinlang, mapagpanggap, hindi tunay ang kilos sa intensyon. Ikawalo, tiwalag, inalis, bilang kasapi o kasama. ng isang samahan. Ikasyam, pasaring, parinig, padaplis o hindi tuwirang sinasabi sa taong dapat makabatid. Ikasampo, maitatwa, maiwaksi, maalis, makalimutan at hindi iisipin. Ikalabing isa, mainam, mabuti, mahusay ang kalidad o di kaya naaayon o pinakaakma sa sitwasyon o pangangailangan. Sa ating pagpapatuloy sa ating aralin, basahin natin at unawain ang akda ni George Bacobo na pinamagatang maling edukasyon sa kolehyo. Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang itinuturo sa kolehyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko dito ay oo. Isa itong kabalintunaan. Subalit, hindi maitatatuhang katotohanan. Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa universidad kung kaya't tayo ay nag-aaral sa mga universidad. Datapwat katulad ng mga paraan upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo, maggupo, magturo o manlinlang. Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob ng sampung taon ng paglilingkod sa Universidad ng Pilipinas. Karamihan sa mga estudyante ay nakatupad sa inatas sa kanilang tungkulin sa isang aspekto ng universidad. Subalit, malungkot aminin na ang kilos at pag-iisip ng maraming estudyante ay nagbibigay daan sa pagkabansot. Sa pagkatuyo ng puso at sa pagkitil sa kaluluwa, tatalakayin ko ang tatlong paraan ng maling edukasyon na binabayara ng mga estudyante ng mataas na matrikula at di mabilang na sakripisyo. Una, nariyan ang dirasyonal na pagsamba sa pahina. Ano ang sinasabi ng aklat? Ang pinakamahalagang tanong sa isip ng mga estudyante tuwing kakaharapin nila ang mga suliranin na kinakailangang gamita ng pangangatwiran. Maraming estudyante ang halos mabaliw sa paghagilap ng impormasyon hanggang sa maging kasintaas ang mga ito ng bundok at ang mga isip ay madagana ng datos. Wala nang ginawa ang estudyante kundi ang mag-isip. kung papaano dadami ang impormasyong hawak nila. Sa ganoon, mawawala ang kanilang kakayahang mag-isip sa malinaw at makapangyarihang paraan. Nakalulungkot makinig sa kanilang pagtatalo at talakayan sapagat dahop sila sa katutubong sigla ng malinaw na pangangatwiran. Puno ang kanilang talakayan ng walang kawawaang argumento sa halip ng malusog na pangangatwiran at wastong pag-ibig. Sa ngayon, isinusuko na mga estudyante ang kanilang kakanyahan sa mga aklat na nagbibigay daan sa pagkawala ng kanilang iwing karapatan ang mag-isip para sa kanilang sarili. At kung nagtangka silang gumawa ng sariling pasya, ipinakita nila ang kanilang pagiging pedantiko. Mananatiling mapanlin lang ang edukasyon hanggat hindi nalilinang ng mga estudyante. ang kakayahan nilang mga tuwiran sa isang tama at mapanariling paraan. Ihambing ang mga estudyanteng mahilig sa pagkutingting sa kaalaman ng mga Juan de la Cruz sa baryo. Kakaunti lamang ang nabasa ni Juan de la Cruz, hindi pinapurol nang di natutunaw ng impormasyon ang kanyang iwing talino. Tiwalag ang kanyang isip sa katakot-takot at mabibigat na impormasyong hinakot mula sa aklat, matalim ang kanyang pangunawa, mahusay ang kanyang pagpapasya, matalino ang kanyang mga kuro-kuro, pasaring nawiwikain niya sa matalinong pelosopong lumabis ang karunungan mo. Pangalawa, ginawang pangunahin at panghuling layunin ng maraming estudyante ang pagiging mahusay at profesional. Ipinasyan nilang maging mahusay na abugado. mediko, inginyero at magsasaka. Hindi na ako titigil pa upang usisain kung gaano kabigat na sisi ang ilalatag sa pintuan ng universidad dahil sa hindi makatwirang emphasis sa espesyalisasyon. Hindi maitatatwang malakas ang kalakarang naturan. Subalit hindi man lamang tayo mag-isip upang tingnan ang kabayaran nito. Isa ang ating paniniwala. Naniniwala ako na walang kabuluhan ang edukasyon kung hindi nito pinalalawak ang pananaw ng tao, pinalalalim ang kanyang kakayahang dumamay at pinaghahandog ng gabay tungo sa matalinong pagkukuro at malalim na damdamin. Ngunit paano natin maaasahan ang ganitong bunga mula sa kondisyong kung saan? na nagiging hamak na listahan ng batas ang isang estudyante sa abugasya. Isang preskripsyon ang taong magiging manggagamot. Isang pormula ang isang inhenyero. Ilan sa mga estudyante natin sa kolehyo ang nagbabasa ng panitikan. Hindi nga ba natin tinatanong kung hindi tunay na kinikitil ng labis na empasi sa espesyalisasyon na kaaant. Ito ay ang mga pang-intig na pang-unawa sa kagandahan at ang dakilang pagmamahal sa mga maiinam na bagay na taglay ng ating mga estudyante at maaari nilang pabungahin sa isang makapangyarihang kakayahan. Winika nga ni Kits, panghabang buhay na kaligayahan ang anumang bagay na puno ng kagandahan, subalit batid natin na batay sa panlasa ang kagandahan. Kung hindi natin malilinang ang wastong pagkilala sa mga kagandahan at kadakilaan, mananatiling payak at nakababagot ang ating kapaligiran. Maaga tayong gumigising at lumalabas sa umaga, subalit winawalang bahala ng ating kaluluwa. Ang umasa ng katahimikan at ang mga katamisang hatid ng hamog sa madaling araw. Ating namamalas ang maraming bituin sa gabi. Subalit para lamang silang makintab na bato, Hindi binibigyan ng lunas ng kanilang maamong liwanag ang ating puso at hindi natin nararanasan ang nakagugulat at nakaantig ng kaluluwang may paghanga sa dakilang pagkakaisa ng sansinukob. Tinatamaan tayo ng pinilakang liwanag ng buwan, subalit hindi natin nararamdaman ang katahimikan sa mga sandaling ito. Minamasdan natin ang mga matataas na bundok subalit hindi tayo naaakit sa kanilang tahimik na kapangyarihan. Nakababasa tayo ng walang kamatayang tula subalit hindi tayo maaantig sa kanilang tinig at waring isang pangitaing madaling mawala ang kanilang malalim na kaisipan. Ating sinusuri ang isang estatwa na taglay ang walang lipas na kagandahan ng guhit at iba pang katangian Subalit para sa atin ay isa lamang itong kopyang walang halaga. Sabihin ninyo sa akin, iyan ba ang uri ng buhay na dadayuhin sa kolehyo? Subalit ang labis na espesyalisasyon na hinahabol ng mga estudyante ng buong sigla ay itinakdang magbubunga ng ganitong uri ng buhay na walang damdamin at singtuyo ng alikabok. Maaari kong sabihin na mahusay ang edukasyon ng naunang salinlahi. Sinasabi ng mga nakatatanda sa atin at sila ay may katwiran na hindi nalilinang ng bagong edukasyon ang puso, di tulad ng mga naunang edukasyon. Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesyalisasyon na nakapako sa tagumpay sa profesyon sa hinaharap ang pananaw sa buhay. Nanganganib na maging makitid ang ating filosopiya sa buhay. sapagat nasanay na tayong mag-isip ng tungkol sa maalwang buhay na material. Oo nga't kailangan nating maging praktikal. Hindi natin lubusang masasagot ang katanungan. Kung hindi natin lilinangin ang wastong sa loobin at paniniwala at nang sagayon, ay maihihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat natin isagawa ito, hindi pagkaraan ang pagkatapos kung hindi bago magtapos sa universidad. Sapagat kung tapos na ang lahat, ang suma at ang kakanyahang edukasyon ay ang formulasyon ng layuni ng buhay. Kalakip ang tanging kasanayan sa isang aspekto ng karunungan upang magkaroon ng katuparan ang layuni ng buhay sa isang mabisang paraan. Subalit, Papaano natin maihahanay ang mga elemento ng ating filosopiya sa buhay kung lahat ng ating sandali ay iniuukol sa paggawa ng takdang aralin, sa mga pag-eksperimento sa laboratorio at kung walang tigil ang ating pagtanggap ng impormasyon? Muli, nararapat magsiupo ang mga estudyante sa paana ni Juan de la Cruz na kakauntungan. hindi ang pinag-aralan upang matutuhan nila ang tunay na karunungan. Madala siyang tawaging mangmang, subalit siya ang pinakamarunong sa mga pinakamarunong, sapagat natuklasan na niya ang kaligayahan ng taong nakababatid ng dahilan kung bakit nabubuhay. Hindi taglay ni Juan de la Cruz ang kanyang kababaang loob, ang adhika at ang ambisyon na labis ang taas. Mapapahiya ang maarte at komplikadong alituntunin at gawi ng mga edukadong babae at lalaki kung itatabi sa payak at matibay na mga katangian ni Juan de la Cruz. Kulang ang anumang papuri para sa katataga ng loob ni Juan de la Cruz sa gitna ng kahirapan. Matibay na bataya ng isang buhay na lipunan ang pagmamahal niya sa tahanan. Kalakip ang walang balat kayong katapatan, napatunayan na rin ang kanyang pagmamahal sa bayan. Maaari bang matuto ang ating edukasyon kay Juan de la Cruz o baka naman hindi sila pinagiging karapat dapat na maging estudyante ni Juan de la Cruz ng ating edukasyon. Sa pangwakas, Napansin ko sa mga estudyante natin ang nakagagambalang babala ng diwastong edukasyon. Ilan dito ang mga sumusunod? Kakulangan sa sariling pasya at pagmamahal sa walang lamang pelosopiya dahil na rin naman sa pagsamba sa pahina at nagmamadaling paghahanap ng mga impormasyon. Ang unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig na kagandahan at kadakilaan Dahil na rin sa espesyalisasyon at ang pagpapabaya sa tungkuling bigyang katuturan ang pelosopiya sa buhay, nabunga ng labis na empasis sa pagsasanay tungo sa pagiging isang profesional. Ating nabasa at naunawaan ang akda ni George Bacobo na Pinamagatang Maling Edukasyon sa Kulehyo. Dumako tayo sa mahalagang tanong pagsusuri at gabay na sagot ukol sa akda. Unang tanong, ayon sa binasang akda, saan maaaring magamit ang edukasyon? Narito ang maaari mong maging gabay na sagot. Napakahalaga ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Maaaring ito ay magbukas ng mas malaki at maraming pagkakataon upang mapag- paunlad niya ang kanyang buhay at estado, ngunit hindi maikakaila na ito rin ay maaaring magamit upang magtayo, maggupo, magturo o manlinlang, katulad sa ibang gawain na pinag-aralan, pinagplanuhan upang maisahan ang kapwa para sa isang makasariling hangarin. Ikalawang tanong, ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na di-rasyonal na pagsamba sa pahina? Narito ang maaari mong maging gabay na sagot. Sa mga henerasyon na tila ayaw ng kahit na anumang pagpapalawig ng usapin, pati na rin sa pag-aaral ay gayon din. Katulad na lamang ng paraan ng pagsagot nila sa mga tanong. Ang kanilang sagot ay kung ano lamang ang nakasaad sa aklat na hindi naglilinang ng sariling unawa at idealismo tungkol sa napag-uusapan o tinatanong sa kanila. Nililimitahang makapagpa siya mula at ayon sa kanilang naunawaan at pansariling perspektibo at pananaw. Ikatlong tanong ayon sa manunulat, kailan walang kabuluhan ang edukasyon? Narito ang maaari mong maging gabay na sagot. Naniniwala ang manunulat na walang kabuluhan ang edukasyon kung hindi nito pinalalawak ang pananaw ng tao. Pinalalalim ang kanyang kakayahang dumamay at pinaghahandog ng gabay tungo sa matalinong pagkukuro at malalim na damdamin sa kapwa. Isang mahalagang aralin muli ang inyong napanood. Maraming salamat sa panunood sa channel na Aralin sa Filipino. Huwag mag-atubiling mag-comment ng inyong tanong, suggestions o paglilinaw ukol sa aralin. Munting kahilingan sa iyong kaibigan, pakilike, share and subscribe para updated ka sa mga susunod pang bagong video ng aralin mo sa Filipino.