Transcript for:
Katangiang Geografikal at Yaman ng Pilipinas

Magandang buhay mga bata! Tara! Samaanin nyo ako kasama, see? Teacher Aika, your online teacher! Please don't forget to subscribe, like, share, and hit the notification bell for more videos. Thank you! Matatag kurikulum, araling panlipunan, grade 4, quarter 1, araling 8, pagkakakilan lang geografikal ng Pilipinas, geografiyang pantaong. Ako si Teacher Aika, ang inyong online teacher. Nakasanayan at layunin. Napahahalagahan ang katangiang geografikal ng bansa. Una, natutukoy ang katangiang geografikal ng Pilipinas. Ikalawa, naiisa-isa ang mga katangiang geografikal ng Pilipinas. Ikatlo, napahahalagahan ang mga salig pangheografiya sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat. Pagproseso ng pagunawa. Gawain bilang isa. Humanay ayon sa... Panuto, hatiin ang klase sa apat. Pipila ang mga mag-aaral na pagkakasunod-sunod patay sa kategorya na babanggitin ng guro. Hintayin lamang ang signal ng guro na humanay ayon sa GO! Kapag nakaayos na ang pagkakahanay ay papalakpak ang buong grupo ng tatlong beses at uupo sa pwesto. Mga kategorya Una, pinakabata hanggang pinakamatanda ang edad. Ikalawa, pinakamalapit hanggang pinakamalayo ang bahay mula sa paaralan. Ikatlo, pinakakaunti hanggang sa pinakamaraming bilang na magkakapatid. Ikaapat, pinakamarami hanggang pinakakaunting bilang na kapatid na babae. Ang prosesong tanong. Una, ano ang naramdaman mo pagkatapos ng laro? Ikalawa, bakit iba-iba ang naging sagot ng bawat grupo? Ikatlo, naging madali ba o mahirap ang iyong paghanay? Bakit? Ibahagi ang iyong sagot sa mga kaklase. Ngayon naman, talakayin natin ang tungkol sa populasyon. Tingnang mabuti ang larawan. Ito ay nagpapakita ng populasyon. At ayon sa sosyolohiya, ito ay katipunan ng mga tao. Barzon ang may pinakamaraming populasyon. Car ang rehyon na may pinakakaunting populasyon. Populasyon daw po ay bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehyon. At dahil sa iba't ibang topografiya ng bawat rehyon, iba-iba rin ang bilang ng tao na naninirahan dito. Proseso ng pag-unawa Ano ang populasyon? Sa ang rehyon sa Pilipinas ang may pinakamaraming populasyon? Sa ang rehyon sa Pilipinas ang may pinakakaunting populasyon? Saguti natin ang mga katanungan. Ano ang populasyon? Ang populasyon ay ang kabuang bilang ng... mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar, bansa o rehyon. Ikalawa, saang rehyon sa Pilipinas ang may pinakamaraming populasyon? Ang sagot, rehyon ng Calabar Zone o Rehyon 4A, ang may pinakamaraming populasyon sa Pilipinas. Ikatlo, saang rehyon sa Pilipinas ang may pinakakaunting populasyon? Ang sagot, ang Cordillera Administrative Region o CAR. Ang rehyon sa Pilipinas na may pinakakaunting populasyon? Bawain bilang dalawa, knows ko yan. Panuto, maghahanda ng flashcard o larawan ang guro na ipapakita sa mag-aaral. Pipili lamang ang mga mag-aaral kung anong subsektor ng agrikultura, kung ito ay paghahalaman, paghahayupan, paggugubat o pangingisda. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral na Nose mo yan? Ang magiging tugon ng mag-aaral ay nose ko yan. Narito ang mga larawan. Saguti natin. Paghahalaman, frutas at gulay. Paghahayupa naman ay ang pag-aalaga ng mga hayop, pagugubat at pangingisda. Pagproseso ng pag-unawa. Una, ano-ano ang sektor ng agrikultura? Ikalawa, naging madali ba sa iyo na matukoy ang mga sektor ng agrikultura batay sa mga larawan? Ikatlo, bakit sagana ang Pilipinas sa isda, halaman, gubat at hayop? Sagutin natin ang mga katanungan. Una, ano-ano ang sektor ng agrikultura? Ang sagot, paghahalaman, paghahayupan, pangisdaan at pagkakaingin. Ikalawa, naging madali pa sa iyo na matukoy ang mga sektor ng agrikultura batay sa mga larawan? Sagot, oo, naging madali ito para sa akin. Ikatlo, bakit sagana ang Pilipinas sa isda? Halaman, gubat at hayop. Ang sagot, dahil sa masaganang likas na yaman at tropikal na klima na angkop para sa iba't ibang uri ng buhay o hanap buhay. Basahin at unawain natin ang mga subsektor ng industriya. Ngunit bago iyon, Ano nga ba ang salitang industriya? Industriya ay tumutukoy sa sektor ng ekonomiya na nakatuon sa produksyon ng mga kalakal at serbisyo sa pamamagitan ng mga proseso ng paggawa at pagmamanupaktura. Ang industriya ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya. Dahil ito ay nagbibigay ng trabaho, nagpapalago ng ekonomiya at nagpapabuti sa antas ng kabuhayan ng mga tao. Una ay ang pagmamanupaktura. Ito ay kung saan ang mga metal, di metal at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto. Ikalawa, ang pagmimina. Ito ay isang prosesong binubuo ng paggawa. Patayo o pagbuo ng infrastruktura, kabilang dito ang gusali, estruktura, tulay at kalsada. Ikatlo ay utilities. Ito ay binubuo ng mga kumpanya. Ang pangunahing layunin ay matukunan ang pangangailangan sa tubig, kuryente, telecommunication at gas. Sa apat ay ang konstruksyon. Ito ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na material sa pamamagitan ng kamay o makina upang maging magagamit na mga produkto. Pagproseso ng pagunawa. Una, ano-ano ang subsektor ng industriya? Ikalawa, madali mo bang matukoy ang mga subsektor ng industriya base sa paglalarawan? Ikatlo, sa iyong palagay, bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa kaunlara ng bansa? Sagutin natin. Una, ano-ano ang subsektor ng industriya? Ang sagot, pagmamanupaktura, pagbimina, utilities at konstruksyon. Kalawa, naging madali ba sa iyo na matukoy ang mga sektor ng agrikultura batay sa mga larawan? Ang sagot, oo, naging madali ito para sa akin. Ngunit, ito ay depende pa rin sa iyong naranasan. Ikatlo, sa iyong palagay, bakit mahalaga ang sektor ng industriya sa kaunlaran ng bansa? Ang sagot, mahalaga ang sektor ng industriya sa kaunlaran ng bansa dahil ito ay nagbibigay ng trabaho, nagpapalakas ng ekonomiya, nagpapabuti ng infrastruktura, at nagpapasigla ng inovasyon. Paglalapat at pag-uugnay. Gawain, Katangi ang Geographical ng Pilipinas, pinahahalagahan ko. Panuto, sumulat ng sanaysay kung paano pahahalagahan ang Katangi ang Geographical ng Pilipinas, pinahahalagahan ko. Rubrik sa pagbibigay ng puntos, 10 puntos higit na inaasahan. Walong puntos nakamit ang inaasahan. Pitong puntos bahagyang nakamit ang inaasahan. Pabaong pagkatuto. Balikang muli ang mga napag-aralang konsepto tungkol sa katangiang geografiko ng Pilipinas. Gamit ang graphic organizer, Ipasulat sa mga mag-aaral ang mga kaalamang kanilang natutuhan tungkol sa aralin. Ang aking barangay, geografiyang pisikal, klima, panahon, anyong lupa at anyong tubig. Geografiyang pantao, populasyon, agrikultura at industriya. Pagninilay sa pagkatuto. Pamamaraang konseptual. Panuto, sumulat ng jurnal para sa kahalagahan ng katangiang geografikal ng bansa. Isulat ito sa iyong kwaderno. Naman sa ating pagsusulit, Panuto, punan ang graphic organizer ng pagkakakilanlang geografikal ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Narito naman ang kasagutan. Pagkakakilan lang geografikal ng Pilipinas ay nahahati sa dalawa, geografiyang pisikal at geografiyang pantao. Sa ilalim ng geografiyang pisikal ay makikita natin ang klima, panahon, anyong lupa at anyong tubig. Sa ilalim naman ng geografiyang pantao, makikita natin ang populasyon, Agrikultura at Industria Para naman sa gawain bantahanan o takdang aralin, Una, ano-ano ang pinagkukunang yaman ng bansa? Ikalawa, bakit mahalaga ang mga pinagkukunang yaman ng bansa? Ikatlo, paano nakakaapekto ang mga pinagkukunang yaman ng bansa sa tao at sa kanyang kabuhayan? Kapaligiran at Kultura Ito ang mga kasagutan. Number 1. Ano-ano ang pinagkukunang yaman ng bansa? Ang sagot, likas na yaman, yamang tao, yamang kapital at yamang enerhiya. Number 2, bakit mahalaga ang mga pinagkukunang yaman ng bansa? Ang sagot, pang-ekonomiang pagunlad, pagpapabuti ng kalidad ng buhay, paglikha ng trabaho at pangangalaga sa kalikasan. Number 3, paano nakakaapekto ang mga pinagkukunang yaman ng bansa sa tao at sa kanyang kabuhayan, kapaligiran at kultura? Sa tao at kabuhayan, ang pagkakaroon ng sapat na pinagkukunang yaman ay nagpapabuti ng kabuhayan sa pamamagitan ng paglikha ng mga oportunidad sa trabaho at negosyo. Nagbibigay din ito ng mga pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at enerhiya. Para naman sa kapaligiran, ang wastong pamamahala ng pinagkukunang yaman ay nagpuprotekta sa kalikasan. Sa kabilang banda, ang labis na paggamit o pagsasamantala ay maaaring magdulot ng polusyon at pagkasira ng ekosistema. Sa kultura, ang mga pinagkukunang yaman ay maaaring magkaroon ng epekto sa kultura sa pamamagitan ng paghubog sa mga tradisyon at pamumuhay ng tao tulad ng mga lokal na sining na gumagamit ng mga likas na materyales. o mga kaugalian sa pamumuhay na nakabatay sa likas na yaman. Maraming salamat sa panonood! Huwag kalimutang i-like at mag-subscribe para sa higit pang educational content. I-click ang bell icon para ma-update ka sa ating mga bagong video. Salamat!