Intro Music Music Music Music Magandang wika at maalab na panitikan sa ating lahat, Grade 10. Masaya kong makasama kayo dito sa classroom ni Ms. Pam. Ang mamatanong na kahit sa kamera laging umaanggolo, Iwala ka, sasamahan kitang mag-enjoy at matuto. LDR ka na ba?
Talaga ba? Ang module, papel at polpen ba ay hawak mo na? Kung gayon, LDG na!
Sa isang papel, Gumuhit ka ng isang puso, gupitin ito, at isulat mo ang pangalan ng iyong taong tinatangi. Gumawa ka rin ng isang maiksing sulat para sa kanya. Ilagay mo ang mga dahilan kung bakit mo siya hinahangaan.
Bibigyan kita ng isang minuto para sa gawain ito. Tunghayan ang kwento ng pag-ibig ni Cupido sa mitolohiyang mula sa Rome, Italy, isinalaysay ni Apuleius, isang manunulat na Latino, bahagi lamang ito ng mitong metamorphosis na kilala rin sa tawag na The Golden Ass. Bago natin sama-sama tunghayan ang mitolohiyang Cupid at Psyche, nais kong pagnilayan ninyo ang katanungang ito. Hindi nga ba nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala? Grade 10, ang mitolohiyang Cupid at Psyche.
Cupid at Psyche, muling isinalaysay ni Alvin D. Mangawang. Nung unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa kanya.
Inasabi rin kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Linus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kanya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay. Maging ang kanyang templo ay napabayaan na rin.
Ang dapat sanang atensyon at mga papuring para sa kanya ay napunta sa isang mortal. Dahil dito. Naggalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.
Ngunit ang nangyari ay ang kabaliktaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina.
At dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak, Hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nila lang. Ngunit, wala rin nagtangkang umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga gino'o kay Psyche, ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga.
Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging mapanglaw si Psyche sa mga nangyari, kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking iibig sa kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo. Kaya sinabi ni Apollo sa hari, na makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangang tumalima sa kanyang ipinayo.
Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinagutos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak pangkasal. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kanyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa.
Walang kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid. Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal na mahal nila ang bawat isa. Ngunit, May isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak.
Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi niya pa nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa. Nangulila si Psyche sa kanyang mga kapatid. Kung kaya't humiling siya sa kanyang asawa, nasanay makita niya ang mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala.
Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kanya. Labis kasi ang yaman ng asawa ni Psyche na hindi mapapantayan ang kanilang mga napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbolo o selos sa kanilang mga puso. Ang pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kanyang mga kapatid.
Ang nabuo nilang masamang balak. Tinulsulan nila itong suwayin ang kondisyon ng kanyang asawa. Tinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang papatay kay Psyche.
Kaya upang hindi siya mapatay, kailangang unahan ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng kanyang mga kapatid. Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, Patiyad na naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara.
Inuha niya ang mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kanyang puso nang masilaya niya sa unang pagkakataon ng itsura ng kanyang asawa.
Hindi halimaw ang kanyang nakita, kundi pinakagwapong nila lang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki, ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara? Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksaki ng sarili.
Nang akmanan niyang itatarak ang punyal sa kanyang dibdib, nanginig ang kanyang kamay at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kanyang kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa kanya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kagwapuhan ng kanyang asawa, inilapit niya ang lampara. At natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng asawa.
Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita. Tinunda ni Psyche ang asawa, subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga. Hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.
Wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. Nagsisisi si Psyche sa kanyang kasuklam-suklam na nagawa. Kung kaya't para maipakita niya ang marubdob na pagsisisi at pagmamahal, nagpa siya siyang hanapin ito.
Nakarating siya sa tahanan ni Venus. Nagpa siya siyang harapin ang mga pagsubok na ibibigay ng Diyosa para lamang muling maibalik ang tiwala at pagmamahal ni Cupid sa kanya. Nang malaman ni Venus ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay Psyche at siya ay pinahirapan ng husto.
Matapos mong sakta ng aking anak, hindi ganun kadali na patawarin ka. Binigyan niya si Psyche ng mga pagsubok. Unang pagsubok ay pagsamasamahin ang mga butong magkakauri. Bagaman nahirapan, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam.
Pangalawang pagsubok ay ang pagkuhan ng gintong balahibo mula sa mapanganib na tupa. Natutokso na siyang tumalon sa ilog, ngunit pinayuhan siya ng mga halaman ng tamang tsyempo. Tinintay niyang magtakip silim.
Pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo na nasabit sa mga sanga. Ikatlong pagsubok ay ang pagsalok ng itim na tubig mula sa itim na talon. Hindi madaling pagsubok, ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko. At para sa huling pagsubok, tinakuha siya ng kahon upang humingi kay Roserpeny ng kagandahan.
Ito ang pinakamapangalib na pinagawa sa kanya. Handa akong gawin ang lahat para sa iyo. Ngunit, kagaya ng mga naonang pagsubok, ay tinulungan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa ilalim ng lupa.
Ta? Kaharian ni Hades. Nakakuha siya ng kagandahan, ngunit natukso siyang buksan ng kahon upang kumuha ng kaunting ganda para magustuhan muli siya ni Cupid. Ngunit, siya ay nawalan ng malay.
Nalaman ni Cupid ang pagpapahirap ni Venus kay Psyche, kung kaya't dali-dali siyang nagtungo sa kanya upang ito'y iligtas. Nang makita ni Cupid si Psyche, kanya itong pinana ng kanyang palaso at pana. Nagising si Psyche. Kinulungan siya ni Cupid upang madala niya ang kahon kay Venus. Nagawa niya ang lahat ng pagsubok.
At upang hindi na muling magambala pa ni Venus ang kanilang pag-iibigan, humingi na sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal na rin si Psyche na pamamagitan ng pagkain ng Ambrosia, ang pagkain ng mga diyos at diyosa. Kalaunan, ang pag-ibig, ikupid at kaluluwa si Psyche ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag. Kailan pa ma? Nagustuhan mo ba ang kwento?
Ito ay isang halimbawa ng mitolohiya. Ngunit, ano nga ba ang mitolohiya? Mitolohiya ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito o myth alamat. Ang salitang mito ay galing sa salitang Latin na mitos at mula sa salitang Griego na mutos na ang kahulugan ay kwento.
Ito ay isang akdang pampanitikang kadalasang ang mga tauhan ay pumapatungkol sa mga diyos at diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalika ng mundo, ng tao, at ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig.
At ngayong alam mo na kung ano ang mitolohiya, unawain natin ang kwento ni na Cupid at Psyche. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche? Tama!
Ito ay sapagkat inakala ni Venus na kaya siya nakalimutan na ng mga tao ay dahil nahigitan na siya ni Psyche sa kagandahan. At ito ay isang hindi magandang katangian ni Venus, ang maingit at magtanim ng galit sa iba. Sabi ni Mama Tanong, hindi magandang maingit sa ating kapwa. Dapat ay makontento tayo sa kung ano ang mayroon tayo.
Matuwa sa mayroon din ang iba. Susunod na katanungan. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche? Mahusay!
Hindi lamang upang sukatin kung mamahalin ba siya dahil isa siyang Diyos. Nais lamang ni Cupid na matutong magtiwala si Psyche sa kanya bilang asawa. Sabi ni Ma'am Matanong, Hindi magandang maghihim sa ating mga mahal sa buhay.
Pagamat may mga dahilan tayo bakit tayo naglilihim, isa pa rin itong paraan ng pagsisinungaling. Tandaan, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluat. Grade 10, nais ko sanang tignan nyo ang mga sumusunod na pangungusap.
Basahin at ilawain ang bawat isang pangungusap. Hindi niya lubos maisip na dahil sa kanyang ginawang pagtataksil sa asawa, siya'y magiging labis na malungkot. Naging mapanglaw si Psyche sa mga pangyayari. Ipinagutos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak pangkasal.
Nang araw ng kasal niya, tila nawalan ng saysay ang kanyang traje de boda dahil maipakakasal lang pala siya sa isang nakatatakot na halimaw. Hindi masilayan ni Psyche ang mukha ng kanyang kabiyak. Sabik na sabik na siyang makita ito, ngunit naalala pa rin ang bili ng kanyang asawa. Nagsisi si Psyche sa kasuklam-suklam niyang nagawa.
Kung kaya, hinarap niya ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kanya upang maibsa ng kamuhi-muhi ginawa niya sa asawa. Music Isa sa mga dalikadong pagsubok ni Venus ang pagpapapuno niya ng itim na tubig sa bote mula sa ilog sticks. Hindi madaling pagsubok, ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko. Una mong gawain.
Hanapin ang kaugnay ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Music Ganito rin ba ang iyong mga sagot? Bigyang pansin ang mga salitang ating binilugan.
Ang mga salitang ito ay iba't iba. Kayarian May salitang Payak. Binubuo ng salitang ugat lamang. Gaya ng salitang asawa at bote. May lapi.
Mga salitang binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang panlapi tulad ng salitang malungkot. Inuulit. Ang kabuuan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. Halimbawa nito ay kamuhi-muhi.
Tambalan. Binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. Halimbawa. Gayak pangkasal Kayang-kaya diba? Para mas masanay ka pang makilala ang kayarian ng bawat salita, gawin natin ang pagsasanay na ito.
Handa ka na ba? Kilalanin natin kung payak, may lapi, tambalan o inuulit ang kayarian ng mga salitang may salungguhit sa talata. Sa isang malayong kaharian, naging matunog ang pangalang Psyche.
Si Psyche ay hinahanga. ng lahat ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa kanyang angking kagandahan. Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi maiwasan ang pagtingin sa kanya. Maging ang iba pa niyang kabayan ay hanga rin sa kanya. Bagaman maraming humahanga sa kanya, wala namang nangahas na siya.
siya'y ligawan at maging asawa. Kahit sa anumang parte ng mga bayan-bayan, ay wala ni isa. Kung kaya humingi ng tulong ang kanyang ama kay Apollo upang mag- magkaroon na siya ng asawa. Iminungkahi niyang siya'y makapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw. Agad namang tumalima ang hari kung kaya kinaumagahan ay nagbihis na si Psyche upang siya'y ikasal.
Sa araw ng kanyang kasal ay mistula siyang ihahatid ng taong bayan sa kanyang libingan. Nagsama sila ng kanyang naging asawa na sa una, akala niya ay halimaw, ngunit ito pala ay si Cupid na isang Diyos. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa dahil na rin sa utos ni Cupid na sinuway ni Psyche.
Aksidente na tuluan ng kumukulong langis ang balikat ng lalaki nang tinitignan ni Psyche ang mukha nito dahilan upang umalis ang lalaki. Hinarap ni Psyche ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kanya. Matagumpay niyang nagawa ang lahat at muli silang nagsama ni Cupid.
Nang sila'y nagbalikbayan, si Psyche ay naging diyosa na. Grade 10, ang mga salitang may salungguhit ay Bayan, Kabayan, Bayan-Bayan, Taong Bayan, Balik-Bayan Kilalanin mo na ang kanilang kayarian. Ganito rin ba ang iyong naging sagot?
Haba! Tignan mo! Nagawa mo ng tama, di ba?
Binabati kita! At iyan ang ating tampok na aralin para sa inyong self-learning module sa Filipino 10. Huwag mabahala, sapagkat sama-sama tayong matututo at uunawa.