Transcript for:
Mga Epekto ng Bulkang Mayon

Bagamat may kahalagahan ang bulkang mayon sa buhay ng mga taga-albay, malaking trahedya naman ang maaaring sapiti ng mga nasa paligid nito sakaling matuloy ang pagsabok. Ano-ano nga ba ang mga maaaring idulot nito? Alamin natin sa report ni Dominic Guamos.

Sa pagiging aktibo ng Bulcang Mayon na posibling magtagal pa ang pagbuga ng usok, malaking banta ito sa ating kalusugan. Nariyan ang masamang epekto nito sa ating respiratory system na maaaring magdulot ng pag-ubo, problema sa paghinga at ibang... pang impeksyon sa baga.

Posible ding itong magdulot ng iritasyon sa mata at sa balat. January 15 to 20, nakapagtala na tayo base sa mga report na nakukuha natin. 65% ng mga consultations natin ay tala ng problema. sa respiratory infections.

Paalala ng DOH, maging maingat lalo na at walang kasiguraduhan kung kailan muling tatahimik ang mayon. Kung wala namang gagawin sa labas, lalo na ngayon, nag-declare naman ang mawawalang pagpasok sa mga lugar na ito, you just stay at home. Ngunit hindi pa dyan nagtatapos ang problema ng mga Bicolano.

Meron po tayong kinahaharap na potential hazard dito po sa mga ilog na nalalaglagan po ng ash at nalaglagan. magmalagyan po ng pyroclastic density current deposits. Magmumula sa lava na naging fragmented of pyroclastic materials na makikita sa watershed ng mga ilog sa bulkan na inaanod ng tubig-ulan ang mga lahar na mabubuo. Paalala ng PHIVOX na kailangan maging alerto upang maiwasan ang masamang epekto nito.

Pagtabon po ng mga bahay, mga properties natin, at sa mga sarili po natin sa makapal na deposito ng buhangin. Sa kabila nito, malaking bahagi ng yamang nakukuha ng probinsya ng Albay ay mula sa Bulcang Mayon. Swak na swak na pagtamnan at pastulan ng hayop ang volcanic soil ng Mayon dahil sa taglay nito mga mineral na mula sa ilalim ng bulkan. Kaya po kahit na meron po tayong permanent danger zone, meron pa rin po tayong mga kababayan na may pangkabuhayan pa po sila sa loob nito. Ito rin ang primary watershed ng probinsya at dagdag pa rin yan ang masaganang biodiversity sa paligid ng bulkan.

At sino ba naman ang makakatanggi sa ganda ng Bulcang Mayon na siyang pangunahing dahilan ng mayabong na turismo sa Albay? Dominic Guamos, Para sa Bayan.