Transcript for:
Pilot Implementation ng Bagong Kurikulum

Lumadain ngayon ng ilang guro na kasali sa pilot implementation ng bagong matatag kurikulum ng DepEd. Bukod kasi sa mas mahabang oras ng klase, napipilitan daw silang magturo ng hindi nila gamay na subjects dahil sa kakulangan ng mga guro. Nasa frontline...

Ang balitang niya si Rhea Fernandez. Recess ng mga estudyante nang abutan namin ang grade 1 teacher na si Crescentia Lakatan sa Palatio Elementary School sa Pasig kanina. Morning shift lang ang klase.

Mula alas 7 ng umaga hanggang 12.30 ng tanghali. Sa loob ng lima't kalahating oras, pitong subjects ang kailangan niyang pagkasahing ituro sa mga bata. Bukod pa sa isang oras na remediation o review sa mga subject na kailangan tutukan.

Parte yan ang pilot implementation ng bagong matatag kurikulum ng DepEd. Dito, mas pagtutuunan ang pagkatuto ng mga nasa kinder hanggang grade 10 sa reading, math at sa tinatawag na GMRC o Good Manners and Right Conduct. Ngayong school year, sa Kinder Grade 1, 4 at Grade 7 muna ang kasali sa pilot implementation. Maganda naman daw sana ang layunin ng programa.

Kaso para kay Teacher Cresencia, mas humama ang klase ng mga bata. Pagod po. Kasi mahaba po yung oras eh. Last year po, until 11 lang po ang klase namin, yung first grading.

Kasi yun sa bata, restless na kasi sila eh. Sobrang haba na nung oras na ginugan. Ang grade 4 teacher namang si Jeline, nahihirapan din daw. Kung dati kasi, English lang ang major subject na tinuturo niya.

Ngayon, hawak na rin daw niya ang Filipino at math na hindi niya masyadong gamay. Pag uwi ng bahay, bagsak ka na talaga. Parang gusto mo nang matulog agad. Pero hindi pa rin pwede kasi kailangan mo prepare the next day po yung ili-lesson.

Dahil dikit-dikit ang mga klase, kailangan tuloy mag-akyat-babas. ng mga grade 4 teacher dito sa Palatio Elementary School. Yun nga lang, talagang nakakahingal yun. Kaya ang isa sa mga solusyong na isip nila, maglagay ng mga upuan sa tapat ng hagdanan para kahit papaano, maisingit ang maikling pahinga bago sila dumiretsyo sa susunod na klase.

Ayon sa principal ng paaralan, dahil sa pagod, ay nagkakasakit na ang ilang guro. Siyempre, ini-embrace naman ng mga teachers ang changes. Pero siyempre, ah, Yung iba nagko-complain din na pagod na pagod lalo na yung 8 hours na straight teaching talagang mawawalan ng boses.

Tingin naman ang Alliance of Concerned Teachers, hindi talaga magiging efektibo ang matatag kurikulum kung kulang pa rin ang mga guro sa bansa. Kulang talaga yung teachers kaya kahit hindi ka math major talagang isuturo mo. Natitimit yung purpose. nga po talaga tutukan itong mga makakalagang subject na ito.

Kahapon, kinalampag ng grupo ang DepEd. Tila mga Olympian sila, bit-bit ang mga weights na sumisimbolo raw sa matatag kurikulum na pabigat daw sa mga guro. Pumaasa sila, aaksyonan nito ni DepEd Secretary Sari Angara na nangakong sisilipin ang bagong kurikulum. Nagbabalita mula sa Frontline, Rhea Fernandez, News 5. Mga kapatid, Jiggy Manikad po, iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon para sa kongkreto, kumpleto at komprehensibong balitaan sa Pagpapalaw.

Sa frontline, mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.