Narito ang malalaki at makabulahang balita ngayong araw. Hatao! Balita!
Ngayon! Nilinaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi residente ng Quezon City, ang unang kaso ng MPAX sa Pilipinas, pero nagpuntaan niya ito sa dalawang establishmento sa Lungsoda. Sa isang press conference kapon o... Sinabi ng alkalde na unang nagpunta ito sa isang spa para magpamasahin noong August 11 at sa dermatology clinic noong August 15 kung saan ito nakitaan ng lesion o sugat sa iba't ibang bahay.
At sa pagpapahagi ng katawan, tiniyak naman ng Alkalde na hindi kailangang mabahala ng publiko dahil bumuuna ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng Quick Response Team para masigurong maipit na pagbabantay at contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente para mapigilan ng lalo pang pagkalat ng nasabing sakit. Inayag ni Sen. Riza Hontiveros na naiulat na ng Department of Foreign Affairs ang mga pasaporte ni Dismissed Banban Tarlac Mayor Alice Guo sa Philippine Center for Transnational Crime Interpol. Kabilang dito ang pasaporte ng mga kasamang kaanak ni Guo na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo at Catherine Cassandra Lee Ong.
Ang paliwanag ni Sen. Hontiveros nasa Interpol na kung ano ang kanilang kaukulang aksyon. na gagawin kaugnay ng informasyon. Mahalagaan niya ito dahil maaaring makatulong ang Interpol sa law enforcement sa loob ng horesdiksyon ng Pilipinas. Nirease na nila sa atensyon ng Interpol yung mga passport nitong apat na taong ito para pwedeng maging subject ng kung anong aksyon tingin ng Interpol ay tamang dapat niyang gawin. Hinamon ng ilang kongresista si Vice President Sara Duterte na pangalanan ang mga kaibigan niya sa kongreso na nagsasabi umano sa kanya tungkol sa impeachment effort laban sa pangalawang Pangulo.
Tuloy na itinatanggi ng Kamara ang paratang ni VP Duterte na naghahanda ang mga ito para mapatalsik siya sa pwesto. Ngihit na mga mambabatas, walang ganitong hakbang sa Kamara at abala lamang ito sa kanilang trabaho, lalo na sa budget deliberations. Kaya panawagan nila sa pangalawang Pangulo itigil na ang pagkakalat ng chismis at hayaan silang gawin ang kanilang trabaho. Siguro i-identify na lang niya yung mga friends niya na nagsabi para yung mga friends niya ang magsabi kung tama po yung mga nakukuha nilang informasyon mula sa grapevine but dito po sa House of Representatives wala naman pong ganun na napag-uusapan.
Iginit ng Office of the Vice President na ang layunin ng libro na isinulat ni BP Sara Duterte ay makahikayat ng mga kabataan na magbasa at ito ay walang halong politika. Naging mainit ang talakayan ni na BP Duterte. At Sen. Risa Ontiveros nang matanong ng mambabatas ang 10 milyong pisong pondong hinihingi ng OBP para sa librong ipamimigay sa mga bata. Ang librong may pamagat na ang kaibigan ay librong...
pambata na isinulat mismo ng pangalawang Pangulo. Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni OBP's spokesperson attorney Michael Powa na sa tansya nila ay 50 pesos kada libro ang kailangan para sa printing services ng libro na ipamimigay sa 200,000 learners. Just to add details to that para ma-appreciate ng tao yung budget, yung 10 million po, ang target po niyan ay 200,000 na learners.
Kasi 200,000 po yung bags na ibibigay. At least that's the target for 2025. Definitely wala pong intensyon na gamitin ito sa form of pangangampanya. In fact, maliban dyan sa about the author which is common in a lot of... books, wala pong pahalan ang mga pinamimigay ni VP ng mga bags or even po mga tarpaulin natin, wala rin pong pahalan niya.
It's all just Office of the Vice President and the name of the program. Pagtuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees habang naghihintay ng special immigrant visa bago makapasok ng Estados Unidos. Ayon kay Sen. Pr.
Francis Cheese Escudero, gagamitin nila ang budget hearing para malaman ang iba pang bagay tungkol sa napagkasundoan ng Pilipinas at United States para tulungan ang mga Afghan na naipit sa labanan sa kanilang bansa. Dagdag pa ng Sen. Pr. sa pagkakaalam niya. ay pansamantalang lamang ang pananatili sa bansa ng mga ito at kung hindi maaprobahan ang visa, ay babalit sila sa bansa ang kanilang pinanggalingan. Sa ilalim ng kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos, sasagutin ng U.S. ang lahat ng pangangailangan ng Afghan refugees habang nandito ang mga ito sa Pilipinas.
Kabilang na ang pagkain, bahay, siguridad, medikal at transportasyon ng mga ito, bago dalhin sa Amerika pagkatapos makapuha ng visa. Alam ko temporary lamang yan, babalik sa pinanggalingan. Pero alam ko pagdating dito ay halos processing na lang ang kulang para makapasok sa Amerika. Tandaan nyo, ang nangako sa kanila yung Amerikano, ang pangako ay dadalhin sa Amerika.
hindi sa Pilipinas. Gagamitin namin pagkakataon marahil ang budget para talagang yun ang Department of Foreign Affairs ng detailing ito para mapagbigyan lang din sa publiko. Ang budget ay pagkakataon hindi lamang para maningil pero para maliwanagan din sa mga issue na kailangan. na kinakaharap natin bilang isang bansa. And we will use that opportunity.
Hataw Palita ngayon! Sa kabila ng nakaraanga panghaharas ng dalawang Chinese Air Force sa aeroplano ng Pilipinas na nagsasagawa ng maritime patrol sa Scarborough Shoal, nanindigan ng Armed Forces of the Philippines na hindi gagamit ng fighter jets ang Pilipinas sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Circes Trinidad, wala silang layon na palalain pa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Dagdag ni AFPA spokesperson Col. Francel Margaret Padilla, hindi angkop ang fighter jets para sa isinasagawa nilang regular na maritime patrol sa pinagagawang teritoryo. Sa ngayon, mayroong labing dalawang FA-50PH light fighter jets ang Philippine Air Force at pinag-aaralan na itong dagdagan pa ayon sa huling pahayag ni Defense Secretary Gilgamesh. Alberto Tidoro Jr. bilang bahagi ng modernization program ng hukbo.
Tiniyak ng Senado na walang sensitive but confidential data ang naapektuhan sa umanoy hacking incident sa Senate website. Nilinaw ni Senate Spokesperson Arnel Jose Banas na ang mga username at logs na sinasabing nakuha mula sa Senate SharePoint site ay mga pangalan o account na ginagamit para mag-a- mag-upload ng mga pampublikong dokumento at hindi magdudulot ng anumang banta sa seguridad. Kinumpinom rin nito ang pahayag ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso na hindi dapat igabahal ang insidente dahil ang na-access lamang sa website ay mga dokumento na para sa pampublikong kaalaman. Gayunman, patuloy na nagsisikap ang Senado upang matiyak na ang kanilang website sa masamang loob.
Hataw Palita Ngayon Sa ikalawang aprobado na sa ikalawang pagbasa ng Senado, ang Senate Bill No. 2620 o ang panukalang magbababa sa premium ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Mula sa 5% ngayong taon, sa 3.25% sa susunod na taon, sa ilalim na rin ng Universal Health Care Act. Ayon kay Sen. J.B. Ejército na siyang nag-sponsor ng panukala, mahalaga na may baba ang pilipinas.
PIL Health Premium dahil hindi pa nakaka-recover ang maraming Pilipino mula sa epekto ng coronavirus pandemic. Gayunman, sinabi ng Senador na makabubuti na hayaan na muna ang 5% Premium ngayon taon at simula ng mas mababang Premium sa susunod na taon. Sa ilalim ng panukala, simula 2025, 3.25% na ang Pil Health Premium ng mga membro ng Pil Health na may buwan ng sweldo mula 10,000 pesos hanggang 50,000 pesos. suot ng face mask o anumang takip sa muka habang nagmamando ng checkpoint sa Davao City.
Kasunod ito ng pakiusap ni Sen. Ronald de la Rosa sa pulisya na iwasan na ang anumang aksyon na magdudulot ng takot sa publiko sa gitna ng mainit ngayong sitwasyon kaugnay ng paghahanap kay Religious Group Leader Apollo Quiboloy. Nagpaliwanag din ang pulisya kasunod ng reklamo hingil sa paglilibot ng napakaraming pulis na nakapull battle gear malapit sa Dabao Airport at compound ng KOJC. Sila Lane Moreno, Humahataw. Bahagi lang ng graduation run at hindi kasama sa regular na police operation.
Ito ang paliwanag ng Police Regional Office Davao sa presensya ng mga polis na naka-full battle gear habang nagdajagging sa kahabaan ng Philippine-Japan Highway sa Davao City kung saan nakatayo ang compound ng Kingdom of Jesus Christ na pinumunuan ni Apollo Quibuloy. Ayon kay Pier 11 Spokesperson Police Major Catherine Delary, isinagawa lamang ito ng mga polis. na nagsipagtapos sa Basic Internal Security Operations Course o BISOC at Special Weapons and Tactics Training o SWAT.
Kasama pa umano sa takbo si Pier 11 Regional Director, Police Brigadier General, Nicolas Torre III, na ayon kay Delray ay may layon lamang na i-boost ang moral ng mga pulis. Hindi ko maano yung exact date na sumabay si RD sa jogging but yun ay graduation run for two trainings. So isa sa umaga and then isa sa...
sa hapon. Yun lang naman, graduation run. After that, wala nang nag-jogging.
Nauna nang inireklamo ng KOJC ang mga pulis na umaaligid sa kanilang compound na umanoy, nagdudulot sa kanila ng takot. Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, and dangerous drugs noong August 20 na talakay ang deployment at police checkpoints sa tapat ng compound ni Kibuloy. Ayon sa chairperson ng komitena si Sen. Ronald De La Rosa, personal niyang nakita kung gaano karaming police at checkpoint ang nakalatag sa lugar na umuwi siya sa Davao City noong weekend. Kinumestiyon din ng Sen. na dating PNP chief ang pagsusot ng face mask ng mga polis sabay tanong kung bahagi na ba ito ngayon ng PNP uniform.
Alikabot! Alikabot! Nakamask kayo? Kayo lahat nakamask palagi 24x7? Bakit lahat ng police ay nakamask?
Which is very intimidating. Para sa akin lang ba? Para sa mga tao?
We must be friendly. Tugo naman, the interior and local... Government Secretary Benjir Abalos.
I will assure you, I will talk with the chief and make sure bukas na bukas lahat po walang mask po yan and to make sure yung protocols like the name ay properly mailagay po. Samantala ipagbabawal ng pag-aaralan. pagsusot ng face mask sa mga pulis na nagmamando ng mga checkpoints sa Davao City.
Batay sa obserbasyon sa police checkpoint dito sa Bohangin area, epektibo na agad ang pulisya dahil hindi na nakatakip ang mukha ng mga pulis. Sakop ng no mask policy ang lahat ng police personnel na nakajudis sa checkpoints sa buong lungsod. Ipa-implement naman na to na hindi na mag-wear of mask ang mga nag-checkpoint. unless na asilay valid health reason. Nagugat ang issue sa police deployment sa Davos City ng suguri ng mga otoridad ang KOJC compound noong June 10 para isilbi ang arrest warrant laban sa paghanteng si Apollo Quibuloy.
Lelaine Moreno, Humahataw sa Balita Ngayon. Hataw Balita Ngayon! Inaas. Ang sasahang aalisin ng ngayong linggo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang fishing ban sa Kabite.
Kasunod ito ng resulta ng pagsusuri kung saan nakita na ligtas ng kainin ng mga isda na nauhuli sa lalawigan. Si Benedict Samson humahataw! Tila mabubunutan na ng tinik ang mga manging isda at mga bendor.
Sa kanyang aalisin na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BIPAR ang fishing ban sa lalawigan. Lubao man nung mahirap ang kanilang sitwasyon dahil wala naman silang ibang ikinabubuhay kundi ang panguhuli ng mga labang dagat. Sa isilagawang pagdinig sa Kongreso noong Martes sa August 20 patungkol sa labubog na MTKR Terra Nova, MTKR Jason Bradley at ang pagsadsad ng MB Mirola 1, silabi ng BIPAR na inaasahan na ngayong linggo na mailalabas ang kopya ng resulta. Pero hinihintay pa ito sa ngayon para opisyal nang maideklara na ligtas na pabiuman konsumsyon.
At yun ang mga nahuhuling mga sa kabite. Sir, we will wait for the final result ng PAH at the same time yung pangatlong testing for the sensory evaluation para ma-declare po natin na safe na talaga for consumption. For this week po, we'll try our best na I-facilitate yung result po ng PAH po at yung another conduct of the sensory evaluation.
Halos mag-isang buwan na nga ang tigil sa pangingisda ha mga mangingisda dito sa bayan ng Nabileta, Cavite. Kaya naman malaking bagay para sa kanila. kumaalisin na ang naturang fishing van.
Kabilang narito si Fernando Riel Jr. na isang manging isda. Aniya, iba't ibang diskarte na lang ang kanilang ginagawa kung paano maitatawid sa araw-araw ang kanilang pamilya. Maganda nga sana para itarunan ng halaga yung pagdibeta ng isda. Malaking efekto sa amin sa presyoan.
Damay-damay lahat. Sa sana lang magahanap ng itabubuhay. Dahil syempre dito sila umakas sa dagat. Ang Ang vendor naman na si Virginia umaasang magiging maganda na muli ang kanyang benta kapag naalista ang fishing van. Ang dalawang daan, pahirapan pa.
Pero pahirapan pa po ang dalawang daan. Kaya yun, sobrang saya ko po kung yan po ay pagbibigyan na ng gobyerno natin dahil sobrang na po yung paghihirap namin. Samantala sa naturang pagdinig, sinabi naman ang Philippine Coast Guard o PCG na nasecure na ang nasa 24 valves. At tumabot na sa pitobula sa walong cargo oil tanks ng MTKR Terra Nova ang nalagyan na ng hot topping.
Sakali namang makompleto na ang prosedyur, saka umano sisimula ng Siponic operation para sa laman nitong langis. Benedict Samson, humahataw sa balita ngayon. Suspendido pa rin hanggang ngayong araw, August 22, ang face-to-face classes sa lahat ng mga antas ng pampubliko at pribadong pampubliko.
sa bayan ng pagsanhan sa Laguna dahil pa rin sa patuloy na banta ng Vag o Volcanic Smog mula sa Bulcang Taal. Sa isang Facebook post, sinabi ni Pagsanhan Laguna Mayor Cesar Areza na inaasahang magkakaroon ng alternatibong paraan ang mga paaralan sa pagsanhan gaya ng online activities para may pagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng sitwasyon doon. Gayunman, pinag-iingat ng... ang lahat laban sa banta ng VAG. Hataw Palita Ngayon!
Nakakaranas ng volcanic smog ang ilang lugar sa Batangas at mga karating lalawigan dahil sa ibinubog ang usok ng Bulcang Taala. Upang makaiwa sa emergency cases dahil sa volcanic smog, narito po ang ilang safety tips mula sa UNTV News and Rescue Team. Si Licelle Nael humahatawa. Hataw Palita Ngayon! Kapag na-expose ng matagal sa lugar na may volcanic smog o vague na may halong sulfur dioxide, maaari itong makadulot ng respiratory distress at makapagpalala sa kalagayan ng mga may cardiovascular disease o may sakit sa puso.
Narito ang safety tips na dapat tandaan kapag may volcanic smog sa isang lugar. Una, hanggat maaari ay umalis muna sa lugar na may kontaminasyon ng sulfur dioxide. Kung walang paraan o hindi makakaalis sa lugar, mag- magsuot ng N95 kung wala naman ay face mask.
Maraming klase ng face mask pero pagka ganito po ang incident, mas maganda na ang gamitin nating face mask ay yung N95 kasi mas talagang filtered ang bawat malalanghap nating hangin kapag po N95 yung ating gamit. Kung walang available na face mask o N95, pwedeng gumamit ng mamasama sangpanyo o bimpo. Pagka nakaramdam ng pangangati ng balat, laging magpapalit.
magpunas ng malinis sa tubig at maganda kung mayroong sabon. Magsuot ng eyeglasses para hindi mapasukan ang substance mula sa bulkan ang mga mata. Para sa mga nakamotorsiklo, kapag suot ang helmet, siguraduhin isara ang visor nito.
Para naman sa mga may asthma, lumikas agad mula sa lugar. At doon naman sa ating may mga sakit naman na asthma, better po talaga na umalis tayo sa lugar kung saan po mayroong presence ng sulfon. for dioxide kasi pwede po mag-trigger ito. At kung may nararamdamang iba sa ating pangatawan, sa ating paghinga at iba pa, mas maganda na magpa-check up agad sa doktor para mabigyan ng proper medical assistance. Lizel Nael, humahataw sa balita ngayon.
Hataw! Balita! Ngayon!
Nagdaan ang pamahalaan ng kabuoang P49.8 billion na pondo para sa social pension ng... indigent senior citizens sa ilang ng Fiscal Year 2025 National Expenditure Program. Si Danny Munar, Humahataw!
Inihayag ni Department of Budget and Management o DBM Sekretary Amina Pangandaman na makatatanggap ng budget na P49.8B ang Social Protection Program for Filipino Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Nasa P4,085,066 indigent senior citizens ang inaasahang tatanggap ng monthly allowance na P1,000 para pandagdag sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at gastusin sa pagpapagamot. Nagsimulang tumanggap ang mga kwalifikadong beneficaryo ng Step Ending.
P1,000 ngayong taon kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act o RA 11916 na nagdoble sa kanilang buwan ng pensyon mula P500 at Expanded Centenarians Act para makakuha ng mahigit P3,000,000 sa 2025. Samantala, sa pagpapatupad ng Expanded Centenarians Act, kabuang P3,000,000 ang inilaan para pondohan ang P100,000 cash gift para sa mga Pilipinong umabot sa edad na isandaan. Gayon din ang karagdagang P10,000 cash gift benefit sa lahat ng Pilipinong edad 80. Siyam na po at siyam na pot lima, matatanda ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itong buwan ng Pebrero ngayong taon, ang Republica Co. RA 11982 na nagpapalawak sa saklaw ng RA 10868 upang magbigay ng mga binipisyo sa mga octogenarian at nonagenarian. Danny Munar humahataw sa balita ngayon!
Nagsalita si dating Pangulo at o dating Pangulong Barack Obama sa Democratic National Convention. Opesyal na rin ito inendorso si U.S. Vice President at Democratic Presidential Candidate Kamala Harris. Ito ang humahataw na balita ni Kath Carriedo.
Hataw Balita Ngayon Dalawang dekada nang naliligay. Nakakasalubong sina former US President Barack Obama at Vice President Kamala Harris at parehas nilang inirepresenta ngayon ang imahe ng partido at sinunda ng mga yapak na mga nauna sa kanila na lumaban para sa civil rights. Unang tinawag na female Barack Obama si Harris, nang isang mamamahayag na si Gwen Ifill noong 2009. Kinonsidera rin ni Eric Holder ang first Attorney General ni Obama na si Harris ang pumalit sa kanya.
Inendorso ni Obama si Harris noong 2010 nang tumakbo ito bilang Attorney General ng California. Noong 2012, nagsalita rin si Harris sa Democratic Convention sa Charlotte para suportahan si Obama sa kanyang re-election. Sa dulo ng kanyang ikalawang termino bilang presidente, inendorso niya si Harris sa pagkasenador ng California.
Humingi rin ang payo si Harris kay Obama nang pumasok ito sa kampanya noong 2019. Sa kasalukuyan, nilinaw ni Obama na gagawin niya ang kailangan para manalo si Harris. Nakatakdang iendorso ni Obama si Harris at Governor Tim Walz sa konvensyon sa Martes. Formal lang inendorso ni Obama si Naharis at running mate nitong si Minnesota Governor Tim Walz sa Democratic National Convention.
Kat Cariedo humahataw sa Balita Ngayon! Pinimok ni California Governor Gavin Newsom ang mga school district na dagdagaan ang kanilang paghihikpit at pagbabawal sa paggamit ng smartphones sa paaralan upang mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Ilang paaralan naman ang nahihirapan sa pagpapatupad ng ban dahil sa hindi pagsunod ng mga estudyante. Ito ang humahataw na balita ni Noel Poliarco.
Inimok ni California Governor Gavin Newsom ang pamunuan ng mga paaralan sa Estado ng California, USA, na higpitan ang mga mag-aaral sa paggamit ng smartphones sa loob ng silid-aralan. Ayon sa gobernador, ang pagpapatupad ng cellphone ban sa mga mag-aaral ay makatutulong upang makapakinig at makatutok ang mga ito sa kanilang mga guro. Taong 2019 nang nilagdaan ni Newsom ang isang batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga school district upang limitahan ang paggamit ng smartphone. Sa inilabas na survey ng Pearl Research Center noong June 2024, 72% ng US high school teachers ay nagpapahayag ng cellphone distractions bilang isang pangunahing problema sa silid-aralan.
Dahilan upang gumawa ng hakbang ang pamahalaan at paaralan upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mag-aaral. Sang ayon naman ang karamihan sa mga guro at mga magulang sa nasabi. panukala dahil sa positibong epekto nito sa mga mag-aaral. Noel Poliarco humahataw sa balita ngayon! Hataw Balita Ngayon!
Lumabas sa isang pag-aaral na nag-aalok ang mga employers sa ating panahon ng worth benefits para makahikayat ng mga talento sa masikip na labor market. Ito ang humahataw na balita ni Nonny Ramos. hindi lamang pera ang nagiging benepisyo.
Batay sa analysis ng Indeed's Hiring Lab, tumaas ang mga job postings na nag-aalok ng benefits mula sa mas mababa sa 40% noong 2020 hanggang 59% noong Mayo. Mas madalas na nag-aalok ng mga benepisyo ang mga sektor na may mas mababang sahod at mababang rate ng remote work. Kasama sa pinakakaraniwang compensation, ang medical at insurance, retirement at paid time off. Para sa gig economy, may mga kumpanya na nag-aadok ng benepisyo para sa mga trabahador na hindi karaniwang nakatatanggap nito. Samantala, nakahihikayat ng mga talento ang benefits habang malaki rin ang parte ng company culture, career development at alignment ng kumpanya sa personal values ng individual.
Noni Ramos, humahataw sa balita ngayon. Alamin ang magiging lagay ng panahon sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong araw ng Webes. Panorin po natin ang update mula sa Philippine Weather Bureau, Pag-asa. Sa ngayon po, tanging Easter news pa rin o yung hangin.
Galing sa silangan, ang siyang umiisip. tumiihip po dito sa may part ng Visayas and Mindanao at meron lamang mga thunderstorms na localized sa natitirang bahagi po ng ating bansa. Base naman sa ating latest satellite animation, as early as this morning, may mga areas po na meron ng malalakas ang pagulan, kabilang na dyan ang bahagi po ng... So, Mwanga Peninsula, Bangsamoro Region, Soksabjen and Davao Region, efekto po yun ng pinagsamang thunderstorms plus the easterlies. At kung mapapansin din natin sa ating latest satellite animation, itong low pressure area sa may silangan po ng Luzon ay naging ganap na bagyo na.
Ito po yung nasa tropical storm category with international name na Shanshan, contributed po ito ng Hong Kong. Sa ngayon po yung distansya nitong si Bagyong Shanshan ay 2,140 kilometers east of Central Luzon as of 3 in the morning. Ito po yung mananatiling malayo.
Tayo pa rin po sa ating kalupaan at walang direktang epekto sa ating bansa. Para naman sa naglalayag nating mga kababayan within the next 24 hours, wala pa rin tayong asahang gale warning or banta sa matataas ng mga pag-alon. Banayad ang katamtaman ang taas ng ating mga alon.
Pero pag may mga thunderstorms po, lalo na dito sa may Northern Luzon, pusingin mo umakyat sa dalawang metro ang taas ng mga alon at mga isa hanggat isa't kalahating metro naman sa natitirang baybayin ng ating bansa. Ngayong darating po na long weekend, asahan pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang fair weather conditions. So balit pagsapit po ng hapon hanggang gabi, madadalas na po yung mga pagulan at mga pagkildad pagkulog, lalo na po over the weekend.
So yung long weekend po natin, May mga areas na magkakaroon talaga ng malalakas sa mga pagulan, lalo na dito may Southern Luzon, Visayas and Mindanao, particularly ang Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Region. Yan po ay epekto ng southwest monsoon, maaring magbalik ito as early as tomorrow. Payong, at lalo na doon sa ating mga kababayan dito sa may Southern Luzon, Visayas and Mindanao, yung mga nabanggit natin na lugar, habang yung fair weather conditions actually mas iiral po dito sa may Northern and Central Luzon, kabilang na rin ang Metro Manila. For the next three days, andyan pa rin yung bahagyang maulap at nisang... Maaraw naman nakalangitan dito sa may northern and central zone.
Medyo mainit nga lang lalo na sa mga kapatagan na sinasamahan lang ng mga pulupulong mga pagulan o pagkidlad pagulog. So lagi po magantabay sa ating mga advisories and warnings regarding po sa mga magiging pagulan natin sa susunod pa na apat na araw. Ang sunrise naman po natin ay 5.43 na umaga today at ang sunset ay 6.15 ng gabi.
At napanood po natin ang update mula kay Pag-asa Weather Specialist Benison Estareja. Tandaan, sa bawat araw na ating nasisilayan, tayo magpasalamat sa Diyos na May Lalang. Patuloy na umaasa ang Comelec na mabibigyan ng pansin ng Kongreso na maipasana ang panukalang pagbabago ng batas sa halalan. Layon ito na mapigilan ng mga bagong krimen at maparusahan ang mga lumalabag doon.
Si Weng Fernandez humahataw! Hataw! Palita!
Ngayon! Nalalapit na ang 2025 midterm elections sa bansa. Dahil dito, patuloy na nananawagan ang Commission on Election...
o Comelec sa Kongreso na maipasa na ang panukalang bagong batas patungkol sa halalan. Ayon kay Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia, hindi na ang COOP ang nakapaloob sa Omnibus Election Code na naipasa noong 1985, particular na ang isyo sa vote buying. Dagdag pa ni Chairman Garcia na nakapagsumiti na umano sila ng draft ng revised Omnibus Election Code sa Kongreso.
Ano po ang ating panawagan sa ating Kongreso sa matababang kapulungan at sa ating Senado na sana nga po makapagpasanan ang bagong mga batas patungkol sa halalan. Paano mag-file ng candidacy, paano parusahan ang mga lumalabaga at ano po ang mga iba pang bagong mga krimen patungkol sa halalan na dapat natin maparusahan para pumapigilan. Lalo lalo po ang patungkol sa laban sa vote-buying.
Umaasa ang kumilek na mabibigyan ng pansin ang kanilang isinusulong upang mabigyan ng parusa ang mga lumalabaga. at mga batas na halalan, lalo na sa mga bagong krimen. Kami po nag-file, nagsabi tayo ngayon, 163 pages na draft ng Omnibus Selection Code na revised at sana po ay mabasa at makita nila yung kagandahan at maipasanay ang pagbabago sa ating batas.
Weeng Fernandez, Humahataw sa Balita ngayon. Nagkaroon ng malawakang data leak kung saan na nakompromiso ang mga personal data ng mga residente na naninirahan sa United States, United Kingdom at Canada. Ito ang humahataw na balita ni Chris Fugaban. Sa ulat, naglalaman ang mga naturang record ng pangalan, address at social security number ng mga residente sa nasabing mga bansa. Itinuturing ang insidente ito na isa sa pinakamalaking data breaches sa kasaysayan.
Hindi naman tinukoy kung aling kumpanya ang may hawak ng nasabing records, ngunit base sa report, ang mga nakuhang records ay hindi encrypted o protektado. Hinihikayat naman ng mga eksperto ang publiko na bantayan ang kanilang mga atas. accounts laban sa mga suspicious activity at i-report sa kinuukulan kung may groong problema. Kres Fugaban, humahataw sa Balita ngayon.
Hataw Balita ngayon. Masayang pinanood ng Wishers sa Hollywood Boulevard ang ikalawang Wish USA bus appearance sa Walk of Fame ng Pinoy Pop Group na BGYO. Ito humahataw na Balita ni Clines Singka. Hataw! Palita!
Ngayon! Masayang-masaya ang Wishers na muling makita ang Pinoy pop group na BGYO. Sakay ng Wishers sa bus sa Walk of Fame ng Hollywood Boulevard sa Estados Unidos. Masaya rin ang grupo sa kanyang ikalawang pagkakataong makaperform na live sa Mobile Studio on Wheels.
Happy po! Last two years po yung nandito kami and finally nakabalik kami. We're happy kasi natin rin po.
At this time, napakinggan ang kailang all-English single na may titulong Trash sa Wish You Is A Boss. Ayon sa all-boys group, ngayon na ang tamang panahon na makilala ang galing at husay ng grupo sa world stage. We are very ready and the time is now because we've been experimenting with our music for a while now and we finally feel like this is our sound. Matapos ang kailang performance, nagpakitang gilas din ang mga ito sa pag- para sa kailang loyal fans na dumayo pa mula sa mga karating syudad na Los Angeles. Kitang-kita naman ang pagiging mag-ilaw nila Jello, Akira, JL, Miki at Nate sa kailang fans na makasalamuha ang mga ito matapos sa live performance sa West USA Bus.
Hirit ng BGYO para sa kailang fans. Hey Wishers! Catch our Wishclusive video trash on Wish USA YouTube channel! Abangan ang kailangang Wishclusive video soon sa official YouTube channel ng Wish USA.
Klein Sinka humahataw sa balita ngayon! Inanunsyo ng Philippine Embassy ng Riyadh ang pagsasagawa ng Embassy on Wheels o EOW sa Al-Qubar Kingdom of Saudi Arabia. Magsasagawa naman ang survey ang Embahada ng Pilipinas sa Qatar para malaman ang mga consular needs.
ng mga Pilipino sa labas ng Doha. Ito ang humahataw na balita ni Lynn Perez. sa gawan ng Embassy on Wheels or EOW sa Al-Qabar Kingdom of Saudi Arabia. Gaganapin ito sa Sumaw Al-Qabar Hotel, alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa biyernes, August 30, at alas 8 hanggang alas 12 ng tanghali naman, Sabado, August 31. Para sa passport-related services, mag-book ng appointment sa DFA Global Appointment System or GOAS sa passport.gov.ph. Para sa notaryals, authentication services naman, Kumuha ng appointment sa link sa riadhpe.com.
Maaaring namang mag-walk-in sa iba pang mga serbisyo. Para sa iba pang detalye, maaaring tawagan ng consular section ng embahada sa numerong 0569-893301 o di kayang mag-send ng email sa consular at philembassy-riadh.org. Samantala, inaniyahan naman ang konsulado ng Pilipinas sa Spain ng mga organisasyon ng mga Pilipino sa Espanya at Andorra na magparehistro muli para mapabilang sa kapisanan sa listahan sa embahada.
Para sa kumpletong informasyon kung paano magparehistro, bumisita lamang sa official Facebook page ng Philippine Embassy sa Spain sa facebook.com slash phnspain. Huling araw ng pagsumitin ng registration ay sa September 20, 2024. Inilabas sa Facebook page ng embahada ng Pilipinas sa Oman ang mga pangalan ng mga newly arrived passports. Maaring iklaim ang inyong mga bagong pasaporte sa embahada linggo hanggang Webes, alas 8 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon, siguraduin lamang dalangin yung mga lumang passport. Magsasagawa ng survey ang Philippine Embassy sa Qatar para malaman ang mga consular needs na mga kababayan natin na naninirahan sa labas ng Doha.
Inaanyayahan ng Philippine Embassy sa Qatar ang mga Pinoy na naninirahan sa labas ng Doha na sagutan ng survey patungkol sa consular needs ng ating mga kababayan. Makakatulong ito sa posibleng plano ng embahada na magsagawa ng mga consular outreach missions para sa mga Filipino. At sa aming ibabahaging mga salita ng Diyos na ating sandigan, mula sa Kawikaan Kapitulo 11, Palatang 5. Ang katwira ng sakdal ay magsuturo ng kanyang lakad, ngunit mabubualang masama dahil sa kanyang sariling kasamaan.
At yan po ang mga humahataw na balita ngayong umaga ng Huwebes, Ika-22 sa buwan ng Agosto 2024. Sa ngalan po ng lahat ng bumubuo ng UNTV News and Rescue, UNTV Radio La Verdad 1350 at ng ating mga correspondent mula Luzon, Visayas at Mindanao. Mula po rito sa Pilipinas, ako po inyong amigo Sherwin Pulubong. At yan po ang mga humahataw na balita sa iba't ibang panig ng mundo ngayong Thursday morning, August 22, 2024. Mula rito sa Aman Jordan, ako si Bert Ceruto.
Ako naman si Sanicos mula rito sa Los Angeles, California, USA. At dito sa UNTV at UNTV, Radyo La Verdad 1350. Diyos ang aming sandigan, servisyo publiko ang aming pinahalagahan. Susunod na ang Good Morning Kuya! Kuya, salamat po sa Diyos at magandang umaga.