Transcript for:
Kuwento ng Alibughang Anak

Nagpatuloy si Jesus sa kanyang pagkukwento. Pagkainati ng ama ang ari-ariin niya sa dalawa niyang anak. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang lahat ng minana niya at pumunta sa malayong bayan. Doon niya ginastos ang lahat sa walang kwentang pamumuhay.

Nang maubos na ang pera niya, nagkaroon ng matinding tagutom sa lupaing yon at naghirap siya. Kaya namasukan siya bilang tagapag-alaga ng baboy sa isang tagaroon. Sa tindi ng kanyang gutom, parang gusto na niyang kainin kahit pagkain ng mga baboy dahil walang nagbibigay sa kanya ng makakain. Nang mapag-isip-isip niya ang lahat, sinabi niya sa kanyang sarili, Sa amin, kahit ang mga utusan ng aking ama, ay may sapat na pagkain at sobra pa. Pero ako rito, Halos mamatay na sa gutong.

Babalik na lang ako sa amin at sasabihin ko sa aking ama. Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na ako karapat dapat natawagin anak ninyo. Gawin niyo na lang ako isa sa mga utusan niyo. Kaya bumalik siya sa kanyang ama.

Malayo pa ay natanaw na siya ng kanyang ama at naawa ito sa kanya. Kaya patakbo siya nitong sinalubong, niyakap at hinalikan. Sinabi ng anak sa kanyang ama.

Ama, nagkasala po ako sa Diyos. Wala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na ako karapat dapat na tawag yung anak ninyo. Pero tinawag ng ama ang mga utusan niya. Madali, dalhin niyo rito ang pinakamagandang damit at bihisan siya.

Lagyan niyo ng sing-sing ang daliri niya at suutan niyo ng sandalyas ang mga paa niya. At kumuha kayo ng batang baka na pinataba natin at katayin ninyo. Magdiwang tayo dahil ang anak ko na akala ko'y patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, pero muling nakita.

Kaya? Kailanagsimula silang magdiwang. Samantala, nasa bukid noon ang anak na panganay at nagtatrabaho. Nang pauwi na siya at malapit na sa kanila, narinig niya ang tugtugan at sayawan sa bahay nila.

Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, Bakit? Anong mayroon sa bahay? Sumagot ang utusan, Dumating ang kapatid niyo, kaya ipinakatay ng inyong amang pinakamatabang baka upang ihanda dahil bumalik siyang ligtas at nasa magandang buwan. mabuting kalagayan. Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay.

Kaya pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapang pumasok. Pero sumagot siya. Pinaglingkuran ko kayo ng tapat sa loob ng maraming taon at kailanman.

Hindi ko sinuway ang utos ninyo. Pero kahit minsan ay hindi nyo ako binigyan ng kahit isang batang kambing para makapaghanda ako at makapagsaya kasama mga kaibigan ko. Pero nang dumating anak ninyo inyong lumustay ng kayamanan ninyo sa mga babaig bayaran?

Ipinagpatay nyo pa ng pinatabang baka? Sumagot ang ama. Anak, lagi tayong magkasama at ang lahat ng ari-arian ko ay sayo.

Dapat lang na magsaya tayo dahil ang kapatid mo na inakala nating patay na ay bumalik na buhay. Nawala siya, pero muling nakita.