Intro Mga Salik na Nakakapekto sa Demand Intro Pinalakay natin sa nagdaang video ang tungkol sa Law of Demand. Ito ay nagsasaan na kapag tumaas ang presyo, bumaba ba ang demand. At kapag bumaba ang presyo, tumataas ang demand, eteris paribus.
Subalit kung minsan, may mga pagkakataon kahit tumaas ang presyo ng produkto, tumataas pa rin ang quantity demanded para rito. Kung ganun, maaari palang ma-violate ang law? Bakit kapag Valentine's Day, mataas ang presyo ng mga bulaklak, subalit mataas pa rin ang demand ng mga tao para rito? Bakit hindi maganda ang panic buying para sa ekonomiya? Yan ay masasagot sa ating paksa ngayong araw.
May dalawang pangunahing salik na nakakaapekto sa demand. Ang presyo o price factor at ang depresyong salik o non-price factor. Ang salik o factor ay tumutukoy sa mga dahilan o saninang isang epekto o pangyayari. Ang law of demand ay ginagabayan ng Ceteris Paribus Assumption. Ipinagpapalagay na applicable lamang ang law of demand kung ang tanging nakaka-apekto dito ay ang presyo.
Subalit may pagkakataon na may iba pang nakaka-apektong bagay o faktor sa demand. Sa pagkakataon ito, hindi maaaring may apply ang law of demand unless kung gagalawang kod ba nito, pakanan o pakaliwa. Explain to yan later. Sa ating textbook, may limang salik o non-price factor na nakakapekto sa pagbabago ng demand. Ito ay ang kita, panlasa, dami ng mamimili, presyo ng kaugnay produkto sa pagkonsumo, at inaasahan ng mamimili sa pagbabago ng presyo.
Sa kita, meron tayong itinuturing na inferior goods at normal goods. Ang inferior goods ay ang mga bagay na itinuturing nating mas mababa o may less value kumpara sa normal goods. Ang normal goods naman ay ang mga produkto ng normal nating binibili kapag marami tayong pera. Halimbawa, para sa iyo, ang donut ay normal goods dahil normal mo itong kinokonsumo.
At ang common bread naman ay ang inferior goods. Kapag tumaas ang iyong kita, tataas din ang iyong demand para sa normal goods. At bababa naman ang iyong demand para sa mga inferior goods.
Ito ay dahil sa mas marami kang pera at hindi mo nagugusto yung pangbumili ng produkto na para sa iyo ay inferior o nakabababa. On the other hand, Kapag bumaba naman ang iyong kita, tataas naman ang iyong demand para sa inferior goods at bababa naman ang iyong demand para sa normal goods. Ito naman ay dahil sa hindi nasasapat ang iyong budget upang kumonsumo ng mga normal goods. Mapipilitan kang bumili ng mga inferior goods dahil sa pagbaba ng iyong income. Halimbawa pa nito ay ang corned beef.
May corned beef na gawa sa angus beef. na maaaring ituring nating normal goods. Kung mataas ang iyong kita, maaaring dalasan mo ang pagbili ng ganitong klase ng corned beef. Ngunit kung bumaba naman ang iyong kita, ordinaryong corned beef na lang ang iyong mabibili.
Tandaan, magkakaiba tayo ng kagustuhan. Maaaring ang ibang tao ay mas gustong kumonsumo ng sardinas kung kaya ang sardinas ay ang normal goods para sa kanya. Pangalawang salik, panlasa. Gaya ng nabanggit ko, nagbabago ang demand depende sa panlasa ng tao.
Magkakaibang mga tao ng hilig sa kasuotan, musika, kinakain at pinapanood. May mga taong pandisa lang pang almusal, kung kaya mataas ang demand nila para rito tuwing umaga. Ang iba naman ay kumakain ng rice meal gaya ng tapsilob, kung kaya mataas naman ang demand nila sa ganitong mga pagkain. May mga Pilipino rin na gustong kumain ng kimchi at takoyaki na mga pagkaing dayuhan.
Kung kaya mataas ang demand nila rito. Ang ibang Pinoy naman ay ayaw naman ng mga lasa ng mga pagkaing ito. Kung kaya mas pinipili nilang kumain ng lugaw, kwek-kwek at fishball.
Dami ng mamimili. Kung minsan, may mga taong naihikay at bumili ng isang produkto dahil marami ang bumibili nito. at nakikigaya sila upang hindi mahuli sa uso. Ito ang tinatawag na bandwagon effect.
Nauso noon ang pagsusuot ng ripped jeans at mga kasuotan na may tatak na supreme. Sumikat rin ang palabas na Squid Game. Kung kaya... Marami na rin ng nakigaya at nanonood nito kahit hindi naman sila noon nanonood ng mga Korean series.
Ikaapat na sali, presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo. Pinag-aaralan natin ang tungkol sa complementary product at substitute product. Ang mga complementary product ay ang mga produktong may kapare sa paggamit.
Halimbawa, ang asukal at kape ay magka-complement. Dahil hindi mo maiinom ang kape kung walang asukal. Ganda to rin ang paso at halaman, burger pati at tinapay, sasakyan at gulong, sapatos at medyas, at iba pa. Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, bumaba ba ang demand para sa komplementary product nito? At kapag bumaba ang presyo ng isang produkto, tumataas naman ang demand para sa kakomplementaryo nito.
Halimbawa ay ang asukal at kape. Kapag tumaas ang presyo ng asukal, bumaba ba ang demand natin para rito? At dahil sa pair ang kape at asukal, bababa rin ang demand para sa kape.
Kabaligtara naman para sa substitute product. Ang substitute ay ang produktong pamalit sa isang produkto. Nagahanap tayo madalas ng substitute kapag tumataas ang presyo ng isang produkto.
Kapag tumataas ang presyo ng isang produkto, tumataas rin ang demand para sa substitute product. At kapag bumaba naman ang presyo ng produkto, bumaba ba rin ang demand sa substitute product nito. Halimbawa, Ang substitute product para sa karne ng baboy ay karne ng manok at isda. Ang substitute para sa keso bilang palaman sa tinapay ay mayonnaise o butter.
Kapag tumaas ang presyo ng karne ng baboy, hahanap ang mga mamimili ng ibang pamalit na mas mura kung kaya tataas ang demand para sa mga produktong pamalit o substitute product gaya ng karne ng manok. Marami pa tayong maaaring maging substitute. Tulad na ng paggamit ng clinical mask bilang substitute sa face mask at oral vaccine bilang substitute sa vaccine injection.
Panglimang salik, inaasahan ng mamimili sa pagbabago ng presyo. Kung minsan, hindi pa nangyayari pero hinuhulaan na ng mamimili ang magiging presyo ng mga produkto sa hinaharap. Halimbawa, kapag tagulan, inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng digas.
Kung kaya, bago pa ito tumaas, bumibili na ang mga mamimili ng maraming bigas. Ito ang tinatawag na panic buying o ang pagbili ng maramihan sa panahon na kaunti ang supply ng produkto o kung mababa pa ang presyo nito. For sure na experience nyo ang panic buying ng mga tao sa produktong alkohol bilang paghahanda sa early period ng pandemic. Kapag inaasahan mong tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, tumataas ang demand para rito sa kasalukuyan. Kapag inaasahan mo naman na magkakaroon ng sale o inaasahan mong bababa ang presyo ng produkto sa hinaharap, bumababa ang demand mo para sa produkto ngayon sa kasalukuyan.
Bakit hindi maganda ang panic buying? Ang panic buying ay isang makasariling gawain ng isang tao dahil maaaring maubusan ang ibang mamimili ng supply ng produkto. Ito ay hindi maganda dahil kapag naobserbahan ng mga producer na nagpapanikbayin ang mga tao, lalo na sa mga producer ng bigas, sila ay nahikayat na magtaas ng presyo.
Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pag-uunahan ng mga mamimili na bumili ng mas marami. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga producer na magtaas ng presyo. Kung ang bawat isa sa atin ay magkakaisa at hindi magpapanik buying, maaaring hindi gumalaw ang demand at supply at maiwasan ang malakihang pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Maaaring ding mapigilan ang pagtaas ng presyo.
May iba pang salik na nakakapekto sa demand, gaya ng okasyon. Kapag Valentine's Day, tumataas ang presyo ng mga bulaklak. Ngunit kahit tumaas ang presyo, Pumibili pa rin ang mga tao ng marami. Ang kurba ng demand ay maaaring lumipat, pakanan o pakaliwa.
Tignan ang graph. Mapapansin na ang kurba ng demand ay lumipat pa kanan. Ibig sabihin, sa araw ng Valentine's Day, lumilipat ang kurba pa kanan para sa produktong bulaklak kung kaya tumataas ang demand. Pandaan, may dalawang pangulang salik na nakaka-apekto sa demand, ang price factor at non-price factor.
Ang iba't ibang non-price factor ay ang pagbabago sa kita. Panlasa, dami ng mamimili, presyo ng kaugnay na produkto sa pagkonsumo, at inaasahan ng mamimili sa pagbabago ng presyo. Panoori ng kasunod na video tungkol sa kasunod na paksa, ang Law of Supply.