Transcript for:
Epekto ng EDSA People Power 1986

Pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagwawakas ng batas militar. Sa videong ito ay ating tatalakayin at ipapaliwanag ang iba't ibang pangyayari kung bakit nabuo ang 1986 EDSA People Power Revolution. Ilalahad at aalamin kung paano winakasan ng sambayan ng Pilipino ang diktatorya ng Rehimeng Marcos. Sa pagtagal ng batas militar sa ating bansa ay lalong tumindi ang pagnanais ng mga Pilipino na manumbalik ang demokrasya. Ang pagmamalabis sa kapangyarihan ni Pangulong Marcos ang nagpasidhi sa hangari ng mga Pilipinong wakasan ang diktatorya. Narito ang ilan sa mga pangyayaring nagbigay daan upang mabuo ang people power. Ang pagpatay kay Sen. Binigno Ninoy Aquino. Isa siya sa pinakamahigpit na kalaban ni Marcos sa politika. Isa rin siya sa ikinulong sa Fort Bonifacio sa loob ng pitong taon at pitong buwan. Pinahintulutan siyang pumunta sa Amerika. Amerika upang magpagamot sa sakit sa puso. At makalipas ang tatlong taon ng pamamalagi sa Boston kasama ang kanyang pamilya ay nagpasa siyang bumalik sa Pilipinas dahil nais niyang tulungan ng bansa na mapanumbalik ang demokrasya. Ito ay sa kabila na pagtutol ng pamahalaan na siya ay bumalik. August 21, 1983 ay lumapag ang sinasakyang eroplano ni Ninoy Aquino sa Manila International Airport. Habang pababa sa tarmac ang eroplanong kanyang sinakyan ay pataksil siyang binaril at namatay. Binaril din ang mga sundalong kasama ni Ninoy ang pinaghinalaang si Rolando Galman. Ngunit pinaghinalaan din ang mga sundalo na sila mismo ang pumatay sa senador at ginamit lamang si Galman para mapagbintangan. Pinuo ni Pangulong Marcos ang Agrava Fact-Finding Board para magsiyasat sa pagpatay sa senador. Lumitaw sa investigasyon na si General Fabian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas, kasama ang 25 sundalo ang may kinalaman sa tridor na pagpatay sa senador. Kaya't sinampahan sila ng kaso ng Sandigan Bayan, ngunit pinawalang sala din dahil sa kakulangan ng katibayan. Ang pagbagsak ng ekonomiya Ang pagpaslang kay Ninoy ay nagkaroon ng hindi mabuting dulot sa ekonomiya ng bansa. Maraming namumuhunan ang lumipat ng kanilang negosyo sa lugar na walang panganib tulad ng Hong Kong at United States. Sa maikling salita ay nagkaroon ng capital flight. Pumina ang mga negosyong lokal lalo na ang mga umaasa sa mga dayuhang namumuhunan. Marami ang nawala ng trabaho at lumiit ang kita ng bansa. Dahil sa paghina ng ekonomiya ay hindi nakabayad ang pamahalaan ng malaking utang nito sa institusyong pandayigdig na umabot sa $127 billion noong 1983. Humingi ng palugit ang pamahalaan sa international. International Monetary Fund at World Bank, ngunit higit na mahigpit na pakikialam sa ekonomiya ng bansa ang kapalit nito, at maging sa pamamalakad ng pamahalaan. Bumagsak ng patuloy ang ekonomiya ng bansa, marami ang walang trabaho at sobrang taas ng presyo ng mga bilihin, at nawala ng tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan dahil sa labis na kahirapan. Ang Snap Election ng 1986 Nais ng IMF o International Monetary Fund na magkaroon ng matatag na pamahalaan ang Pilipinas bago ito paautangin muli, kaya nagkaroon ng biglang halalan o Snap Election. noong February 7, 1986. Tumakbo si Pangulong Marcos sa pagkapangulo at si Arturo Tolentino naman bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng partidong KBL o Partidong Kilusang Bagong Lipunan. Ang biyuda ni Ninoy na si Corazon Aquino ay tumakbo bilang pangulo sa ilalim ng oposisyon na lakas ng bayan o laban at si Salvador Laurel naman bilang pangalawang pangulo. Sinaksihan ng buong mundo ang pangyayaring ito dahil sa malawakang pagbabalita. Iniulat ang mga insidente ng pandaraya tulad ng pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan at pakikialam sa mga election returns. Ayon sa COMELEC o Commission on Elections ay panalo si Marcos na may lamang na mahigit 1.5 milyong boto. Ayon naman sa NAMFREL o National Movement for Free Elections ay panalo si Aquino. Sa nasabing eleksyon ay nag-walk out ang dalawang putsyam na computer workers dahil napalitan o nabago ang mga datos na ipinadala ng Comelec sa kanila. February 15, 1986 ay inihayag ng Comelec na si Marcos ang nanalo sa naganap na eleksyon sa kabila ng kontrobersya. Ang parehong mga nanalo sa pagkapangulo ay nanumpa sa magkaibang lugar. Si Marcos ay nanumpa sa Malacanang, samantala sa Club Filipino naman nanumpa si Cory. Nanawagan si Cory na pag-boycott at strike ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo ng mga crony ni Marcos. Ang Mapayapang EDSA Revolution February 22, 1986, nang magpatawag ng press conference sa Camp Aguinaldo, sina Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Pambansa at Lt. Gen. Fidel V. Ramos upang ianunsyo ang kanilang pagkala sa Rehimeng Marcos. Pinangunahan ni Enrile ang hindi pagkilala kay Marcos bilang commander-in-chief at pagsiwalat sa katiwaliang naganap sa halalan. Inihayag din ni Enrile na ang pagtambang sa kanya noong 1972 ay gawagawa lamang ni Marcos para may sakatuparan ang batas militar. Sinuportahan ng mga pari, seminarista at madre sa pamumuno ni Jaime Cardinal Sin at mga taong bayan. Kabilang na ang mga Aquino ang pagtiwalag ni Nainrile at Ramos kay Marcos. Humingi ng suporta si Cardinal Sin sa mga tao tulad ng pagkain, gamot at mga supply sa pamamagitan ng broadcast ng Radyo Veritas. February 23, 1986 ay libu-libong tao ang nagkapitbisig sa palibot ng Camp Rame at Camp Aguinaldo upang ipadama ang kanilang suporta at pakikiisa sa panawagan ni na Cardinal Sin, Enrile, Ramos at iba pa. Ang mga madre, pari, kalalakihang walang armas, mga kababaihang kasama ang kanilang mga anak ay nagsama-sama sa EDSA. Kinarang nila ang mga tanking ipinadala ni Marcos. Umupo sa harap nito at nagbigay ng mga pagkain. at bulaklak sa mga sundalo ng hindi alintana ang panganib na maaaring mangyari. Kinaumagahan ng February 24 ay ramdam na ang katapusan ng rehimeng Marcos. Marami sa mga tropang sundalong inutusan niyang paalisin ang mga nagpoprotesta sa paligid ng kampo ay hindi na sumusunod sa kanya at sa halip ay pumanig na sa mga taong bayan. Ang mapayapang revolusyon ay nagwakas noong February 25 at ito rin ang araw ng pagproklama kay Ginang Corazon Aquino bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Ang pamilyang Marcos ay lumisan sa Malacanang tinatayang alas 9.30 ng gabi sakay ng tatlong helikopter patungong Clark Air Base at kung saan ay nilipad sila ng isang eroplano papuntang Hawaii, USA. Nagtagumpay ang taong bayan sa pagpapatalsik kay Marcos sa loob ng 77 oras. Ang mapayapang revolusyong ito ay hinangaan at naging modelo ng ibang bansa na may kaparehong karanasan sa Pilipinas. Itinayo ang simbahan ng Edsa Shrine at People Power Monument bilang parangal at simbolo ng mapayapang himagsikan. Pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay daan sa pagwawakas ng batas militar.