Transcript for:
Kahalagahan ng Purismo sa Wika

Purist, no? Formal. I appreciate that, no? Kasi, you know, I think sa akin, no?

I mean, you can only experiment if you know the theory and the rules. You don't break the rules without knowing the rules. Bakit?

Bakit ako purist? Pero para sa'yo. Hindi naman ako purist.

Well, I don't want you to have concessions naman to, you know, slang, and even, you sinasabi mga pag-common English word, gumamit ka na ng English. But if you have a choice between... Pilipino. And English, meron naman Filipino word.

Go for the Filipino. And in fact, may mga Filipino word, sabi mo nga, are even misused. Like yung kaganapan, diba? Sabi mo nga, it's not a good word for event. But bakit mahalaga itong gawin at ituro sa mga kabataan lalo na na gumamit tayo ng, hindi yung conversational na halo-halo yung English-Tagalog, pero pag Tagalog, Tagalog or Filipino, Filipino talaga or English-English talaga, bakit importante sa iyo?

Unang-una, naaawa ako dun sa wika natin kasi noon pa man, ang tingin na sa wikang Filipino ay parang mababa. Na parang magkaroon ka ng isang intelektual na discussion, kailangan naging English ka. Alam ko yan eh, kasi bago ako pumasok sa media, nung ako'y nag-aaral pa sa elementary at saka sa high school, yun ang sakotan ng katalinuhan, yung magaling mag-English. And my father, Si Randy David started a show in the 1980s, yung Truth Forum na eventually naging public forum.

And it was the very, very first talk show in Filipino. Kasi ang mission ni Papa... By the way, I watched almost every episode. I was an early...

I watched almost every episode. Okay, anyway. Pero yun, kasi ang mission ni Papa iparamdam sa mga tao at ipaalam sa mga tao na Yung Filipino ay puwekom, teleserye, yun lang. Pero anything na medyo cerebral, intellectual, palaging English na yung ginagamit.

Bakit? Ito yung wika na alam ng karamihan ng mga Pilipino. At ako, naniniwala rin ako na mas magiging matalino yung mga estudyante natin kapag nagturo tayo ng mga concepts sa kanila in Filipino kesa sa ituro natin kaagad sa kanila in English. So yun, importante sa akin na... pataasin yung pagpapahalaga natin sa wika?

At paano natin patataasin yung pagpapahalaga natin sa wika kung lahat tayo ang i-advocate natin ay taglish? Diba? Gusto kong ipakita na ang ganda-ganda-ganda ng wika natin.

That we have so many words na napaka-descriptive, na napaka-matalinghaga, na ang galing-galing ng language natin. Paano mo yun magagawa kung ipagpipilitan kong conversational tayo palagi? Pangalawa, yung... conversational na yan?

Sinasabi natin na ang conversational kailangan taglish at saka ang mga millennials ang naiintindihan lang taglish. Hindi ka maaabot ng iyong audience kapag masyado kang malalim, ganyan. Eh bakit nagsuspoken word sila Juan Miguel Severo?

Bakit? Ang lalim ng Filipino noon ah si Juan Miguel Severo. Pero grabe, hit na hit siya sa mga millennial.

So hindi totoo na para maabot mo ang audience mo, para maabot mo ang kabataan, kailangan mag-taglish ka. Hindi. Bakit si Glock9? Rap!

Tapos straight Filipino, ang galing. So kung kaya siyang gawin ng mga spoken word artist, kaya siyang gawin ng mga rap artist like Glock9. tapos maaarok pa rin sila ng kanilang mga audience, bakit hindi natin siya gawin sa media? And which brings me to my third and last reason, nasa media tayo eh. Binigyan tayo ng pribilehyo na makausap ang Pilipinas sa loob ng isang oras, isang minuto.

Gamitin na natin yung mas maganda yung wikang ginagamit. Tutal, pwede naman talagang gamitin yung wikang Filipino sa mga bagay na matatalino eh. Katulad ng pagbabalita.

Do I make sense? Of course. Well said. Also, may isang vlog ka na ang pamagat ay mga tayutay.

Talinhaga. Alam ko yung talinhaga. Pero yung tayutay, my God, kailangan kong, well, I had to listen to find out.