Intro Welcome guys sa isa na namang video ng Accounting.com Habang work in progress po ang ating basic accounting series inumpisahan naman natin itong business law series Intro Ang ating series na ito ay umpisa natin mula sa topic na Law on Obligations and Contracts. Ngunit ang tatalakayan lang natin sa video nito ay General Provisions or yung Chapter 1 ng Law on Obligations and Contracts. Kung makapansin nyo rin, may nakasulat dyan na Part 1, so meaning meron pa tayong Part 2 ng General Provisions. Doon sa Part 2 ng General Provisions, doon po natin i-discuss ang sources of obligations in details. Pero madidiscuss naman ito.
itong part 1 na video. Nais ko lamang pong paalalahanan na ang series na ito or law series na ito ay intended para po sa mga accountancy students natin. And hindi po ito intended for law students. Ang ginamit po natin as a reference material sa lesson na ito, Itong Law and Obligations and Contracts na General Provisions ay ang libro ni Hector De Leon. Umpisaan muna natin ang series na ito or ang video na ito sa pagtingin sa mga learning objectives.
Narito ang ating mga learning objectives. Number one, to understand what is civil obligation and why is it a juridical necessity. Number two, to know and understand the four essential requisites of a civil obligation.
Number three, to understand the meaning of right, cause of action, injury, damage, and damages. Number four, to understand the different sources of obligations and be able to cite examples from each sources. And number five, to understand what is restitution, reparation, and indemnification. Ang video pong ito ay hinati natin into four parts.
parts. So, nariyan po ang mga different parts natin. Sa part 1, tatalakay natin kung ano nga ba ang meaning ng obligation.
Part 2 naman, nandyan yung mga essential requisites ng isang obligation. Part 3, nandyan po yung mga sources. Pero basic lang ang ididiscuss natin dahil meron pa tayong part 2 nitong general provisions which is next video na po.
And part 4, scope of civil liability. So, umpisan na natin. Part 1. What is obligation?
Under Philippine Civil Code, Article 1156, obligation is defined as a juridical necessity to give, to do, or not to do. Ang definition po na ito ay ang legal definition ng obligation. Pero kung talagang titignan natin, kung anong term ang nararapat na gamitin sa meaning na ito, ito po ay ang civil obligation.
Ito po yung mga examples ng civil obligations natin. So, obligation to pay your tuition fee at school. Kung babalikan po natin yung meaning, meron po dyang to give, to do, and not to do. So, bali meron tayong tatlong way para...
gawin or parang tatlong forms nitong obligation na ito. So number one, to give, to pay your tuition fee, so to give money specifically. Number two naman, obligation of a parent to take care of their children, so to do po yun.
Number three, obligation of anyone not to steal, so ito naman po ay nagpo-fall under not to do. So kapag i-recall po natin yung definition, nandun po yung word na juridical necessity. So napaka-importante po nitong word na ito dahil madi-distinguish po ang civil obligation from any other type of obligation dahil tanging civil obligation lang ang merong pwedeng mong ma-associate ang word na juridical necessity.
Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng juridical necessity? So tatalakayan natin sa slide na ito. In case of non-compliance, the courts of justice may be called upon to enforce its fulfillment. or in default, the economic value that it represents. So pag sinabi natin, juridical necessity, ang isang obligation, kailangang gawin.
Dahil kung hindi, pwede kang kasuhan in a court of justice. So narayan po, malinaw na malinaw po dyan, kakasuhan ka sa isang court of justice at i-enforce ng korte ang fulfillment. nung specific civil obligation na yun. Okay? So, ito, binalikan natin ang mga different examples nung civil obligations na nabanggit natin kanina.
Dito naman, susunod sa ating listahan, nakasulat dito yung mga different obligations pero hindi siya juridical necessity. Meaning, hindi po siya nag-fall under the meaning of civil obligations. So, number one, your obligation to attend masses.
So, hindi po yan civil obligation. Yan po ay isang tinatawag nating moral obligation. Yung number two naman, to pay back your debt of gratitude.
So, in Tagalog, yan po ay utang na loob. Ang utang na loob ay hindi po siya mag-fall under the meaning of civil obligation dahil under civil obligation, pwede mo siyang kasuhan kapag hindi mo siya or kapag hindi ginampanan yung obligation. So kapag utang ng loob kasi, meron kang option whether bumawi ka doon sa meron kinakautangan mo ng loob, kung sino man yun, or hindi.
Pero kapag hindi ka nakabawi sa taong yun, hindi ka niya pwedeng kasuhan. So ito pong number 2 ay nagpo-fall lang po siya under natural obligation. Next slide tayo.
Punta naman tayo sa essential requisites of obligation. Kapag sinabi natin essential requisites, ito po yung mga parts ng obligation wherein kapag merong missing or merong wala sa isa sa mga requisites, hindi po natin siya maituturing na civil obligation. So number one, meron tayong apat na requisites.
At kung mapapansin nyo rin, Bawat requisite, merong multiple terms. So for example, yung number 1, passive subject. Ang passive subject ay pwede rin nating tawagin obligor.
Ang active subject naman, which is number 2, is pwede rin nating tawagin obligee. So basically, itong dalawang to, ang tinutukoy ng dalawang to, ay mga persons involved. in an obligation. Yung number 3 and 4 naman, hindi po siya tumutukoy sa person.
Wherein, yung number 3, so, tignan natin, prestation, pwede rin tawaging object, pwede rin tawaging subject matter. So, nilagay na po natin lahat yung mga different terms na pwedeng ma-associate dyan sa specific essential requisite na yan dahil yung mga libro natin, medyo iba-iba yung terms na ginagamit. So, para hindi na tayo malito later on. Number four naman, juridical tie, vinculum or vinculum juris. So, yan yung mga different terms na ginagamit rin.
So, may tendency na kapag nagbasa ka ng, for example, book number one, iba yung tawag naman sa book number two na babasahin mo. Okay? So, puntahan natin. Number one, passive subject.
This is the person who is bound to the fulfillment of obligation. So, yung passive subject, siya yung gagawa or magfulfill. nung obligation. Yung number 2 naman, sya naman yung entitled to demand the fulfillment of obligation. So, for example, meron tayong utang.
So, nandito, okay. So, ito yung example natin. Naruto is obliged to pay his income taxes.
So, i-analyze natin yung situation. Sino ang merong obligation? Si Naruto.
Dahil kailangan niyang magbayad ng kanyang taxes. So, makukonsider natin siya as the passive subject. Ngunit, sino naman ang active subject?
Although hindi nakasulat dito sa example natin, hindi nyo bababasa dyan, pero it's understood na sino bang pinagbabayaran ng taxes. Specifically sa BIR. Pero ang BIR ay under ng Philippine government.
Assuming si Naruto ay nakatira sa Philippines. So, prestation, medyo hindi natin natalakay ito. So, balikan natin yung meaning. So, prestation, it is the conduct required to be observed by the debtor. So, nakasulat dito, it may consist in giving, doing, or not doing.
Pag nirecall nyo yung meaning ng civil obligation, nandun po yung, basayan natin ulit, it is a juridical necessity to give, to do, or not to do. So, basically, yung part ng definition na yun, which is yung to give, to do, or not to do, yun din po yung prestation na tinatawag natin. So, ayan, balikan natin yung example. So, dito, ang prestation is to give under this example. Specifically, to pay the income tax.
Normally, nagbabaya tayo ng tax sa BIR in cash or hindi ko alam kung ano pang other mode of payment. Pero, syempre, ang pinaka-usual na mode of payment is via cash. So, meron tayong huling... element or essential requisite.
That is the juridical tie. Balikan natin. So, juridical tie. It binds or connects the parties to the obligation. So, sino na yung kinokonek niyang parties?
Specifically, yung kinokonek niya is si passive subject and the active subject. So, makikita natin dito yung first and second essential requisite natin. So, sino ang benign niya in this case sa example natin? Ang benign niya ay si Naruto and the Philippine government. So ano specifically yung nag-bind sa dalawang parties na yan?
Nandito po nakasulat law dahil meron tayong tinatawag na tax code. So yung tax code po natin na yan, batas po yan tungkol sa tax wherein kapag kumikita ka or di ba kumikita ka, meron kang trabaho, obligado ka na magbayad ng taxes at specifically tinatawag po yun na income taxes. So, ayan po. Balikan natin ang passive subject, sinaroto, dahil siya yung may obligasyon na magbayad or obligado na mag-fulfill ng isang bagay. Pangalawa naman, active subject, the Philippine government, dahil siya yung merong, kumbaga, right to demand the fulfillment of an obligation.
Number three naman, What is the prestation or the subject matter or the object? So, that is to give money, specifically to pay income tax. And lastly, what is the juridical tie? Or what binds the two parties, the passive and active subjects?
So, in this case, in this situation, yun po ay batas. Or specifically, ang batas na yun ay yung tax code po natin. So, parang kumbaga, naisipin nyo na lang sa... Juridical tie, bakit nga ba merong obligation yung passive subject?
So, ang reason is because of the law. Sinabi ng law. Meron siyang obligation.
So, next tayo. So, another example. So, meron tayong contract of sale naman this time. So, basahin natin yung example. Tanjiro sold a bottle of wine to Inusuke for 1,000.
Pesos. Kung mapapansin po, kung mapapansin nyo po meron tayong ginawang table. So under this table nilagay natin yung apat na essential requisites. And kung mapapansin nyo ulit, meron tayong bali tatlong columns.
So yung column number 2 and column number 3 meron tayong nilagay na obligation number 1 and obligation number 2. So anong pinagkaiba nitong second example natin from the first example. Yung first example po natin kasi, isa po itong uri ng tinatawag nating unilateral. Unilateral. So, pasensya na po. Mouse ang gamit po natin.
Unilateral obligation. Pag sinabi nating unilateral obligation, yung isang party lang po, ang passive subject or yung isang party lang ang merong obligation. Pero in this case, contract of sale, ito naman po ay hindi yung lateral. Ito po ay tinatawag nating bilateral. So pag sinabi naman nating bilateral, yung dalawang parties merong silang obligation.
So kung mapapansin nyo po, ang passive subject po natin ay si Tanjiro sa obligation number 1. Samantalang sa obligation number 2, yun naman si Inusuke. Balikan natin yung contract. So, contract of sale, ibig sabihin, nagbenta. Binenta ni Tanjiro yung isang bottle of wine to Inusuke at si Inusuke naman ay magbabayad ng 1,000 pesos dahil siya yung buyer, syempre.
So, may dalawang obligation po dyan. Sa obligation number 1, i-analyze natin. Sa obligation number 1, ang passive subject po natin ay si Tanjiro at ang active subject ay Inusuke.
Kung i-recall po natin ang meaning ng passive and active subject, ang passive subject po, siya po yung merong obligasyon. Yung active subject naman, siya po yung merong right to demand the fulfillment of the obligation nung passive subject. Ano naman ang prestation?
So, in the case of obligation number one, ang prestation po natin is to deliver the bottle of wine. So, sino ba ang merong obligasyon? obligation na mag-deliver ng bottle of wine.
So naturally, ang merong obligation na mag-deliver ng bottle of wine in this case ay si Tanjiro dahil siya yung seller. At ang merong right to demand the delivery of the bottle of wine ay si Inusuke dahil in this case, siya po yung buyer. Next, punta naman tayo sa obligation number 2. Sa obligation number 2 naman, nabaliktad po ang ating... mga parties.
Kumbaga, yung dating passive subject naging active naman and the dating active subject naging passive naman this time. So, sa obligation number 2 natin, passive subject si Inusuke. Siya yung kumala natin siya yung buyer and active subject naman siya yung seller si Tanjiro.
So, yung presentation po sa obligation number 2 is yun yung to pay 1,000 pesos. So, i-analyze natin. Ang pagbabayad ng 1,000 pesos, sino pong may obligation?
Yun po si, tama, si Inusoke ang merong obligation to pay 1,000 pesos. So, consider natin siyang passive subject. At ang party na merong right to demand the 1,000 pesos ay si Tanjaro, which is the seller yung nagbenta.
So, consider po natin siya in this obligation as the active subject. Kung makapansin nyo, both obligations are bound or meron siyang juridical tie na contract. So, iisa lang po.
Kung recall ulit natin yung definition ng juridical tie, ito po ang nagbabind dun sa dalawang parties natin, which is the passive and active subject. At kung baga, para mas madaling tandaan, ano nga ba ang reason kung bakit? Tanongin nyo na lang sa sarili nyo ano nga ba ang reason kung bakit merong obligation and right yung mga parties natin. So, simple lang kasi meron silang kontrata which is a contract of sale. So, next tayo.
Okay. Ito naman, i-de-define po natin itong mga terms na ito. So, maya-maya i-illustrate po natin para mas maintindihan nyo.
Unahin ko natin yung obligation. Nabanggit na natin ito kanina. Obligation is the juridical necessity to give to do or not to do.
At gusto ko lamang ipaalala na specifically ang definition na ito ay para sa tinatawag nating civil obligation. So, palala lang natin yan. Next, right. So, actually, if there is an obligation, there is always a corresponding right. So, ano nga ba ang right?
It is the power which a person has under the law to demand from another any prestation. So, ayan po yung meaning. So, kung binalikan natin yung example dito.
For example, si Tanjiro, meron siyang obligation, which is to deliver the bottle of wine. Pero, meron ding corresponding right dun sa obligation ni Tanjiro to deliver bottle of wine, which is si Inosuke, meron siyang right to... demand delivery of the bottle of wine. So, balik tayo dito.
Next naman is cause of action. So, kailan ba nag-a-arise tong cause of action? Kapag nagkakaroon po ng tinatawag nating act or omission.
Pag act, so, tumutukoy po yan sa hindi pag-fulfill nung obligation po natin. Or, I mean, Baliktad, baliktad, I mean Yung omission, yun po yung hindi pag-fulfill Nung obligation natin Yung act naman, kung maalala nyo kasi Merong obligation not to do So kapag may obligation not to do Hindi ka dapat mag-act Pero nag-act ka. So, pwedeng maging cause of action po yun. Okay?
So, ang definition po ng cause of action, it is an act or omission which violates a right. Okay? So, maya-maya, i-illustrate natin ito para mas maintindihan natin.
So, next. Punta naman tayo sa ito. Another term. Other terms ulit. So, meron tayong injury, damage, and damages.
So, kung mapansin nyo, magkaiba pala yung damage na may S at damage na walang S. Pero bago yan, unahin muna natin yung injury. Injury is the act or omission which causes harm.
Next naman, damage, it is the harm done to a party. And damages, it is the sum of money recoverable by reason of damage done. So, maya-maya, in the next slide. i-explain natin or i-illustrate natin para mas naintindihan natin.
Next slide tayo. So balikan natin ulit yung example ni Tanjiro and ni Inusuke. So meron tayong contract of sale between the two. So ayan, makikita po natin dito sa table na meron tayong obligations and rights. So under the obligations, nandyan.
Tanjiro to deliver the bottle of wine at si Inusuke naman ay to pay the 1,000 pesos. Under the rights naman, parang kumbaga dinagdagan lang natin ng word na demand pero basically, ito rin lang yun collection of 1,000 ito rin yung payment of 1,000 ito delivery of bottle of wine so delivery of bottle of wine so kapag right the right to demand certain prestation lang po siya pero so ituloy natin yung example natin So, if Tanjiro delivered the bottle of wine and Inusuke does not pay Tanjiro 1,000, Tanjiro will have a right of action. So, bagong term na naman po yung right of action. Kung i-recall po natin yung meaning ng civil obligation, it is a juridical necessity.
Juridical necessity. Ano nga ba ulit? ang meaning ng juridical necessity.
So, period-period na lang, medyo mahirap magano. So, ano na nga ba ulit ang meaning ng juridical necessity? Sabi dito na necessary siya. Dahil kung hindi, kumbaga yung obligation, necessary siyang gawin or i-fulfill nung passive subject po natin.
Dahil kung hindi, si active subject magkakaroon siya ng tinatawag nating right of action. Yung right of action po, kumbaga yan po yung commencement ng pag-file ng kaso against a certain party. So under juridical necessity, sabi po dito, pwede nyong kasuhan ang sino mang hindi mag-fulfill ng kanyang civil obligation.
I-file mo yun sa isang korte, syempre. At yung korte, siyempre, hihintay natin yung decision with regards to kung ano yung isasampung mong kaso against a certain party. So, in this case, si Tanjiro siya yung mag-file ng kaso against si Inusuke.
Si Inusuke kasi yung violator. Kumbaga, vinyulate niya yung right ni Tanjiro which is ano ba yung right ni Tanjiro? To demand the collection of 1,000. At ano ba yung hindi niya ginawang obligation? Siyempre yun din.
Kung ano yung na-violate na right, automatically synonymous din yun dun sa hindi pinulfil na obligation. Which is, hindi siya nagbayad ng 1,000 pesos. So next, once na kinasuhan ni Tanjiro Sinusuke sa isang korte, tatawagin na itong plaintiff.
Sinusuke naman, defendant. So, analisin po natin yung transaction or yung case. So, ano nga ba ang naging cause of action?
So, huwag po kayong makukonfuse dito sa meaning ng cause of action against the meaning of the right of action. Kasi yung right of action, kumbaga, attributable siya doon sa active subject or yung plaintiff, kumbaga, si Tanjiro in this case. Yung cause of action naman, yan yung kumbaga naging cause kung bakit nagkaroon ng right of action si Tanjiro in this case so kumbaga Yung cause of action and right of action, magkasunod lang po yan na nangyayari. Once na nagkaroon ng cause of action, magkakaroon naman ng right of action yung kabilang party. So in this case, ano ba ang cause of action?
So that is the omission on the part of Inusuke, which is specifically not paying the 1,000 pesos na supposedly ay matatanggap ni Tanjiro dahil yun nga, nagkaroon ng bendahan. Dine-rever niya naman yung battle of wine, yun nga lang hindi tumupad nitong si Musuke, hindi siya nagbayad. So dito, nandito yung term na damage and damages. So i-analyze natin kung anong pagkakaiba ng damage and damages. Baka kasi isipin nyo na plural form lang yung damages na may S.
So tingnan natin, damage, Tanjiro incurred loss on the sale. So tama naman, naka-incur siya ng loss dun sa sale. Bakit?
hindi nga nagbayad itong si Inosuke. So, yun yung damage. So, specifically, ang damage, in this case, pwede natin ma-quantify. Ang damage po na na-incur ni Tanjiro ay 1,000 pesos.
Pero may mga certain examples po tayo na hindi po madaling i-quantify ang na-incur na damage nung plaintiff. Nagkataon lang na medyo simple lang yung or contract of sale yung example natin kaya madaling i-quantify yung damage. Ano naman ang damages? So yung damages, yun po yung pwedeng ma-recover ng plaintiff.
Yung pwedeng ma-recover ng plaintiff in terms of money. So nakalagay po dito 1,000 pesos plus. Bakit 1,000 pesos plus or bakit meron tayong plus dito?
Kasi normali. So kapag nag-decision ang korte at let's say nanalo si Tanjiro dahil sapat ang ebidensya laban kay Inusuke. So yung decision ng court ay against kay Inusuke at in favor kay Tanjiro.
Normally, ang i-grant na money recoverable kay Tanjiro ay more than 1,000 pesos. Dahil yun nga, aside from the 1,000 pesos, pesos na na-incur na damage ni Tanjiro, marami pang other damage na kung, I mean marami pang other damages na pwedeng ma-recover si Tanjiro so nandyan yung sinasabi natin mga moral damages, pero ito i-explain natin on next videos na lang moral damages meron pa tayong tinatawag na ano ba to Hindi ko na maalala. Pero so, yun yung mga kumbaga minimum lang yung 1,000.
May mga magagastos ka rin kasi kapag kakasuhan mo ang isang party sa isang korte. So, pati yun normally, ginagrant din yun dun sa plaintiff. Siyempre, bakit mo naman magagastos?
Siyempre, nag-take ka ng risk, kakasuhan mo siya 1,000, ang nagastos mo, let's say, nagkagastos ka ulit ng 1,000. So, pati yun, nakagastos ka ng 1,000 para ma-initiate yung action. So, pati yun, i-grant sa'yo yun nung korte para pwede mong ma-recover.
So, normally, 1,000 ang minimum na pwede mong ma-recover in this case natin. So, ano nga ba ulit ang pagkakaiba ng... Damage and damages. So yung damage, yun yung na-incur na loss ng plaintiff.
At yung damages naman, yun yung pwede niyang ma-recover from the defendant. Yun yung pagkakaiba. Hindi po siya plural form nung walang S.
So tatanda nyo po yan. Next tayo. So types of obligations according to prestation naman tayo.
So hinati natin ito into real and personal obligation. So yung real, it is an obligation to give. Personal naman, ginagawa. So hinati, ulit natin yan further into two which is positive personal and negative personal.
So medyo mas madaling tandaan yan. Positive personal, to do. And negative personal, not to do. Next tayo. Punta na tayo sa third part ng ating video.
Nandito na po ang tinatawag nating sources of obligations under Article 1157. Obligations arise from law, contracts, quasi-contracts, acts or omissions punished by law, and quasi-delics. Pero bago tayo mag-proceed dito, nais ko lamang i-emphasize ito. Itong ano na to. So, itong tatlo.
So, although may sinasabing limang sources yung 1157, pero hindi niya naman explicitly binanggit na sources ito. Sinabi niya lang na obligations arise from. Itong last three po kasi natin, nakasulat din ito sa law. So, kumbaga, kinukonsider din natin ito na sources from law.
So, basically, meron lang tayong dalawang sources, which is law. Yung contracts po kasi, specifically, merong provisions ng contracts pero yung mga specific contracts na pwedeng buuwin o mga specific na kontrata na pwedeng buuwin ng mga tao o mga parties, hindi po natin yan maiisa-isa o hindi natin yan maililista sa isang batas na i-enumerate natin lahat ng... combinations or lahat ng ang tawag dito yung different contracts na pwedeng buuhin so ayan so basically meron lang tayong dalawa obligations arising from law at obligations arising from contracts pero syempre huwag nyo kakalimutan itong mga terms na ito kasi importante ito pero gusto lang natin linawin na itong tatlong to yung 3, 4, and 5 So kumbaga under the law din siya dahil may mga specific provisions po si law natin tungkol sa mga ito number 3, number 4, and number 5. Next. Okay.
Manahin muna natin yung obligations arising from law. So yung mga obligations po natin na nag-arise from law, kumbaga specifically or explicitly binanggit. kasi ng law na merong ganito, na merong kang obligation under this specific law. So, nandito, when imposed by the law itself. So, examples, pay taxes, which is naging example na natin kanina.
So, bakit nga ba tayo nagbabayad ng taxes? Dahil sinabi mismo ng batas or sinabi mismo ng law. So, specifically, anong law yun? Tax code.
Next naman. Obligations of parents to support the family. Ito naman, may obligation din yung mga parents.
Hindi dahil sa naturally parents sila. Pero binabanggit rin ito ng batas natin. Under the family code po yan.
Next. Punta naman tayo sa obligations arising from contracts. Pero bago natin talakayan yan.
Tignan muna natin kung ano ba ang meaning ng isang kontrata. So a contract is a meeting of minds between two persons whereby one binds himself with respect to the other to give something or render some service. So kung maalala nyo, meron tayong example kanina na contract of sales. So under that contract of sales, meron tayong dalawang persons. At nagkaroon sila ng meeting of minds with regards to kung ano yung ibibenta nila at kung magkano.
So yun yun. Kung bagat to give something or to render some service. So nandun yun. Nagpo-fall yung example natin kanina under the definition of a contract. Gusto lang natin linawin na ang isang kontrata ay hindi po siya necessarily in writing lang.
Baka kasi pag sinabi natin contract, yun... po yung mga pinipirmahan na kontrata. Isang form lang yun ng kontrata, kumbaga. Pero, pwedeng mag-exist ang isang kontrata kahit walang written document. So, for example, nag-usap kayo nung kaibigan mo na hihiramin nyo yung calculator mo for, let's say, 5 days at after 5 days, ibabalik niya na sa'yo yun.
So, nagkaroon kayo ng isang simpleng kontrata. Specifically, yung kontrata na yun ay tatawagin po nating contract of cumodatum. Pero sa kanada natin yung tatalakayin dahil medyo malayo-layo pa yun.
Next. Nasa pangatlong source na tayo of obligation. So, ito po yung mga obligations arising from quasi-contracts.
So, nandun pa rin yung root word natin na contracts. Pero, kung ire-recall natin yung contracts kasi merong meeting of minds, ibig sabihin nagkasundo. Pero in this case, medyo iba po yung definition natin.
So, tingnan natin. A quasi-contract is a juridical relation resulting from certain lawful voluntary and unilateral acts by virtue... Of which the parties become bound to each other to the end that no one will be unjustly enriched or benefited at the expense of another.
So, unayin muna natin ito. Medyo powerful itong word na ito. Unilateral act. Kung babalikan natin ang definition kasi ng contract.
May kukonsider po kasi natin na yung contract ay isang bilateral act. Excuse me. Bilateral act. So bakit bilateral act ang isang contract? Dahil kung nagkaroon ng meeting of minds, ibig sabihin nagkaroon ng kasunduan.
Ibig sabihin magkakaroon po dyan ng tinatawag nating bilateral act. Yung dalawang persons na itinutukoy natin kanina, meron silang act na gagawin. So, yung example po natin kanina is yung contract or sale kung maaalala nyo. Si Tanjiro, nabind siya dun sa act na gagawin niya which is to deliver the bottle of wine.
Si Inusuke naman, nabind din siya sa act na kailangan niya magbayad for the bottle of wine na madideliver sa kanya. So, in this case, ang contract po ay isang bilateral act. Dito naman, so balikan natin yung quasi-contract. Ang sinasabi lang sa quasi-contract, ito ay unilateral lock. So, meaning, yung mga obligations na nag-arise from quasi-contract ay hindi necessarily, although nabanggit yung word na contract, hindi talaga siya contract.
Kaya nga, nandyan yung word na quasi. Parang, kumbaga, paano ba yan? Pag sinabi natin quasi kasi as if.
As if contract. So, nandyan yung word na as if. At maya-maya, ito i-emphasize din natin itong term na ito, yung no one shall be or no one will be unjustly enriched or benefited at the expense of another. So, para mas maitindahan nyo, gagawa po tayo or magpapakita po tayo ng example.
So, number one, you receive excessive change. Excessive, ibig sabihin sobra yung sinukli sa'yo. after buying from a store.
It is your obligation to return the excessive change. So, this is an example of an obligation arising from quasi-contract. So, sino ang may obligation? Ikaw na naka-receive ng excessive change or sobrang sukle.
So, kung i-analyze po natin, wala namang kontrata in the first place na sinasabi na kapag... Kung baga, nag-uusap ba kayo nung store owner o nung nagbebenta na kapag sobrang yung naibigay sa'yo na sukle, kailangan mong ibalik. Siyempre, wala namang ganong usapan dahil in the first place, hindi naman natin alam na magkakamali yung tenderan na mabibigay pala sa'yo sobrang sukle.
So, hindi po ito contract. Pero kahit na walang kontrata, magkakaroon ka pa rin ng obligation. Dahil nga dito sa quasi-contract na tinatawag natin.
So yung pinaka core principle po kasi dito sa quasi-contract is yung sinasabi ko kanina, yung no one shall be or no one will be unjustly enriched or benefited at the expense of another. So i-analyze natin yung situation. Kapag nakareceive ka ng excessive na sukli, anong nangyari? Na-benefit ka, tama. Pero yung pagkaka-benefit mo ay unjust or hindi makatarungan.
Kung baga... Kasi wala kang kahirap-hirap, nakareceive ka ng pera. Although maliit lang yun, pero nakareceive ka pa rin ng pera. Pero kaninong expense? Expense po ni store owner or yung tendera.
Okay, so yun yung kumbaga nabuo yung obligation mo para ibalik dahil sa core principle po na yun. So mapapansin nyo po dito, nandito yung word na solusyo indebted. So itong specific...
specific example na ito ay tinatawag po natin, solusyo indebted. So, let's go to another example. Another person, took care of your dog while you're away. It is your obligation to reimburse him the necessary expenses he incurred.
So, ganito. Let's say itong situation na to, while you're away. Yung while you're away, medyo matagal-tagal. Let's say, isang linggo.
Isang linggo kang nagbakasyon. Yun nga lang, nakalimutan mo ang may aso ka pala. At syempre, wala kang naiwanang kumbaga mag-aalaga dito sa aso na to. So, itong kapitbahe mo, na awa siya dun sa aso kasi maingay, tahol ng tahol, siguro naghanap ng pagkain. So, yun.
Nagkaroon na lang siya ng initiative na pakainin yung aso. Siyempre, pagpapakainin niyo yung aso, hindi niya naman pinupulot yung kung saan-saan lang yung ipapakain niya. Siyempre, naka-incur siya ng tinatawag nating mga expenses or gumastos siya, kumbaga. So, pagbalik mo. malamang-lamang buhay pa yung aso mo may nagpakain yung kapitbahay mo. So, in that case, obligasyon mo na i-reimburse yung kapitbahay mo doon sa mga nagastos niya para pakiinin yung aso mo.
Dahil, kung i-analyze po natin yung situation, ikaw rin po ang na-benefit. Anong benefit mo? Siyempre, buhay pa yung aso mo. Pero, kaninong expense? Expense po ni neighbor mo or kapitbahay mo.
So, itong specific example na ito ay tinatawag nating negosyorum gesto. Basta ang tatanda lang na lang natin, pagdating sa mga quasi-contract, ay yung core principle under this source of obligation, which is, no one shall be unjustly enriched or benefited at the expense of another. Yun lang po.
So aside dito, may mga iba't-ibang, kumbaga may mga other quasi-contract examples pa tayo, pero, tatalakayan na lang natin yun in the next video. So yung part 2 nung ito, nung general provisions. Next, punta naman tayo sa tinatawag nating obligations arising from delicts.
So ano po ba itong mga delicts? Mukhang hindi delict yung ginamit nating term kanina so balikan nga natin yung naka-list. So ayan, acts or omissions punished by law.
Okay, so pares din lang. po yan. So, balikan natin yung delicts.
So, sabi sa delicts, okay, so, also known as crime or felony. So, yan yung mga other terms po natin dyan sa delicts. Baka kasi gamitin rin siya sa ibang book at medyo malito kayo kung ano yung mga yan. So, crime or felony po siya.
So, sabi dito, unlike the other sources of obligation, delicts produce both criminal and civil liabilities. So yung civil liabilities, yun yung pwede kanyang kasuhan sa isang korte at once na yung decision ng court ay against sayo, magbabayad ka ng tinatawag nating mga, recall natin, damages, tama, damages. Yung criminal liability naman po, yan po yung makukulong ka.
So hindi po lahat ng, kumbaga, hindi po lahat ng obligation makukulong ka. Yung mga obligation na nag-a-arise from DELIC, yun yung mga obligation na kapag hindi mo finulfil, may tendency na makulong ka talaga. So ito, normally, itong DELIC, specifically yung criminal liability, hindi po siya masyadong matatalakay dito sa ating obligations and contracts Yung obligations and contracts po natin, specifically, tumutukoy po siya sa civil liabilities. Okay?
Or yung civil code po natin, which is kung nasaan. Kumbaga, yung obligations and contracts natin, nasaan lang siya. Article 1156 onwards.
Pero yung civil code po natin, mag-umpisa siya, syempre, sa Article 1. Okay? Normally, under the civil code, nandyan yung mga family code, nandyan yung mga other topics natin such as law and partnership, nandyan yung mga contract of sales, yung contracts, and contract of lease, etc. So, marami po tayong, kumbaga maraming under ng civil code. Pero pag sinabi kasi nating criminal liability, normally hindi na po yan sakop ng civil code.
Yan po ay sakop ng tinatawag nating penal code. Penal code. Okay? So, ayan. So, ano ba ang mga examples ng obligations arising from delicts?
So, nandito, estafa, murder, rape. So, nandito, note that doing these crimes could get you imprisoned. So, yung imprisonment nga po, yun po yung criminal liability. Okay?
So, next. Ito, last source of obligation na po tayo. So, obligations arising from quasi-delicts.
Nandito ulit yung root word na delict. Pero, hindi siya... tulad nung delict.
Kasi yung delict, medyo mabigat ito kasi may kasama ng criminal liability wherein itong quasi-delict, wala pa namang criminal liability ito. Dahil, kumbaga, ang concept na pwede nating ma-associate dito is yung tinatawag nating negligence. Ano ba ang negligence in Tagalog? po ba ang negligence in Tagalog?
Ang negligence po in Tagalog ay kapabayaan. Okay? So, may other terms tayo ulit dito.
So, also known as tort or kulpa. So, tignan natin. This is an act or omission by one party which causes damage to another party wherein there is no pre-existing contract. So, para mas maintindihan natin, puntahan natin yung mga examples.
So, ayan. Number one, because of the organizer's negligence o nandyan yung word na negligence or kapabayaan, audience were hurt during an event. Number two naman, because you are not careful, so kapabayaan pa rin ito, while running in a busy sidewalk, you bumped into a child and the child suffered injuries.
So sabi dito, in both cases, that tort resource or Kung baga yung nakagawa, kung baga nagkaroon ng obligation dahil may kapabayaan silang ginawa. So yun yung mga tortures natin. So in this case, organizers at ikaw, ang example natin dito, will answer for the medical expenses of the audience and the child respectively dito sa dalawang examples natin.
So bakit? ikaw ang sasagot sa medical expense nila. Natural, ikaw ang naging dahilan kung bakit na-injure sila. So, for example, although walang kontrata between the organizer and the audience, walang kontrak sa dalawang yan, magkakaroon pa rin, or magbabine pa rin itong dalawang to. At ang binding force natin is yung tinatawag natin yun nga, yung quasi-delic.
Ang reason dyan is yung negligence. Although walang contract between the organizer wherein sinasabi na in case na ma-hurt yung mga audience dahil sa kapabayaan ng mga organizers, kailangan nilang sagutin yung medical expenses ng mga audience. So wala pong ganung contract in the first place, pero kahit na walang ganung kontrata in the first place, magkakaroon pa rin ng obligation itong si organizer once na napatunayan na meron nga kapabayaan itong mga ito.
Ganon din sa pangalawa. If you are not careful while running in a busy sidewalk at may nabangga kang bata at nag-suffer siya ng injury, malamang-lamang sasagutin mo talaga ang kanyang medical expenses dahil meron dyang element of negligence ulit. Basta ang keyword lang natin sa quasi-delic ay yung negligence or kapabayaan. Pero normally, hindi naman ito nag-result to criminal liability.
Pero may mga rare cases na yung quasi-delict po natin pwedeng pag-ukatan ng criminal liability. So medyo komplikadong topic na yun at hindi na natin masyadong i-expound. Okay?
So next, punta tayo sa pang-apat at huling... part ng ating video, which is the scope of civil liabilities. So, nandyan, 1, 2, and 3, restitution, reparation, or indemnification.
So, yung mga meaning po na nakalagay dyan, bali kinuha ko lang po siya sa civil code, pero para mas maintindihan natin, ganun ulit, example po tayo ulit. Okay? So, dito, so i-envibe muna natin itong example. So, again, Stole the vehicle of Senku. Gen was cited by the authority and was engaged in a car chase.
After a while, Gen was apprehended by the authority. But the vehicle he stole from Senku got damaged. Furthermore, Senku should have presented the vehicle in a car show the same day he installed the vehicle.
As a result, Senku lost potential income from the car show. So, anong nangyari dito? May nagnakaw.
Okay, ninakaw niyo yung vehicle ni Senku. At ano bang nangyari? Nahuli din naman siya ng mga auto.
authority. So, walang problema. Yun nga lang yung tinakaw na kotse.
Siguro dahil sa grabe yung habulan, ma-action yung habulan. So, na-damage siya. Naibangga sa pader, naibangga sa poste. Na-damage po yung kotse.
So, ayan. Sinasabi rin dito na on the same day, ipapresent sana ni Senku yung vehicle sa isang car show. So, parang kumagakikita siya doon. Yun nga lang, syempre hindi sya kumita. Kasi nanakaw nga yung kotse, wala syang maipipresent.
So, anong ibig sabihin ito? So, tignan natin. Under restitution kasi, ang sinasabi ng restitution, so balikan natin yung example.
The restitution of the thing itself must be made whenever possible with allowance for any deterioration or diminution of value as determined by the court. So, tignan natin. Ang restitution mo, it comprises the return of the vehicle.
Yung restitution, kumbaga, pwede pa kasing ma-return yung vehicle kasi nandun pa siya. Hindi pa siya na-loss, na-damage nga lang. Pero pwede pa siyang ma-return kasi gumagana pa naman. Pero what if, let's say, sumabog yung kotse, totally wala na.
So dito sa restitution, So instead of returning the specific car, ang i-return na lang po ni yung nagnakaw, which is specifically si Gen, is yung monetary value ng car. Kumbaga yung fair value pero hindi ko alam kung napag-aralan nyo yung meaning ng fair value sa accounting subject nyo. Yun, normally yun yung magiging basis natin.
So, ulitin natin, sa restitution, it comprises the return of the thing. Pero kung hindi na ma-return yung mismong bagay na kinuha, na ninakaw, or whatsoever, ang i-return na lang po kung sino man kumuha o nagnakaw ay yung monetary value ng bagay na yun. So, analyze natin. Kung hindi na possible na i-return yung vehicle dahil let's say sumabog, possible ba yung pangalawang scope natin which is the reparation?
Ito kasing reparation, so basahin natin yung meaning ng reparation. Reparation for damage cost or shall determine the amount of damage taking into consideration the price of the thing whenever possible. And it's... special sentimental value to the injured party and the reparation shall be made accordingly.
So, in general, yung reparation kasi, syempre hindi, kumbaga, ang meaning kasi ng reparation, yun yung ano eh, kailangan mong ibalik sa state yung bagay na ninakaw bago mo siya ninakaw. So, bago kasi ninakaw ni yung Senku, maayos, ni Gen I mean, from Senku, maayos pa yung kotse. Pero after niyang nakawin, yun nga, nakipag-abulan, so nadamage yan yung kotse.
So, kumbaga yung gastos para maibalik sa dating state yung bagay na yun, yung ninakaw, specifically the vehicle, e syempre, sasagutin din nung nagnakaw, which is si Gen. So, normally, ang reparation or reparation of damage ay hindi possible if yung mismong bagay ay na-loss. Dahil, yun nga, hindi na possible ibalik sa dating state yung specific na bagay na yun. Okay?
Pero, siguro ang exemption dito is, pag binalikan natin yung meaning ng reparation, nandyan po yung tinatawag nating special sentimental value. Siguro, yan na lang ang pwede nating ma-recover. So, for example, yung kotse, na nina-account again.
So, assuming hindi na ibalik ang kotse kasi sumabog, let's say. So fortunately, buhay pa si Gen yung nagnakaw. So ayun nga. Sumabog yung kotse.
So parang kumbaga damage beyond repair na yun. Hindi na pwedeng ma-repair. So wala na talaga. Hindi na yun maibabalik sa dati. So let's say yung kotse yun ay pamana pa ng datay ni Senko sa kanya.
So para sa kanya, meron itong sentimental value. So yung sentimental value pwedeng asaynan. pwedeng mag-assign si court ng specific value dun sa tinatawag nating sentimental value.
At yung sentimental value, under pa rin po siya ng tinatawag nating reparation. So, inuulit ko, yung reparation, possible pa rin siya if may sentimental value yung bagay na yun, kahit na yung bagay na yun ay damaged beyond repair or hindi na maibabalik. So, yun po yung reparation. Pero generally, Hindi po possible ang reparation if totally na-loss ang isang bagay. Okay?
So, punta na po tayo sa last, yung indemnification. So, ano bang sinasabi ng indemnification? Balikan natin yung situation or recall natin yung situation. Sabi dun, aaten sana si Senku sa isang car show para ipresent yung kotse. So, malamang-lamang yung kotse niya siguro or yung vehicle niya siguro ay isang...
kumbaga vintage car na parang mga makalumang model pero yun nga. O magandang uri ng kotse. So whatsoever. So basta yun. Ipapresent siya sa isang car show.
Meron siya ng kikitain. Yun nga lang, hindi niya kinita yung supposedly kikitain niya. Dahil nga kay Gen. Ano bang ginawa na Gen?
Yun nga, ninakaw niya. So yun. Siya ang naging cost kung bakit hindi nagkaroon ng income si Senku. So, para kay Senku, sa perspective si Senku, isa yung loss.
Okay? So, anong gagawin nitong si Gen naman? Ang gagawin niya is i-endemnify si Senku.
Okay? Ibig sabihin, babayaran niya yung loss. Kung ang supposedly kikitain ni Senku dun sa karsyo na yun ay let's say 50,000. So, ah... kasama sa mga civil liabilities na babayaran ni Gen ay 50,000.
So, balikan natin yung mga different scope of liability or civil liability. So, nandyan, restitution or the return of the vehicle in this case. Reparation naman is siya yung gagastos or si Gen yung gagastos ng repair cost dun sa kotse. If ever hindi naman siya totally na-destroy.
So, possible pa na ibalik siya sa dating state nito. So, gastos yung ni Gen. And lastly, yung indemnification. So, ito yung kumbaga consequential damages. So, ano bang naging consequence ng act ni Gen?
So, ang naging consequences nun ay hindi nakapag-present si Senku sa isang car show. So, sa perspective ni Senku, naka-incur siya ng loss. Pati yun, ibabalik po yun ni Gen. So, ayan. Restitution, return the car, pay repairs, and pay Senku 50,000 in case 50,000 yun.
Plus, ano bang ginawa niyang act? Nag-nakaw siya. So, aside from civil liabilities, meron ding criminal liability na haharapin si Gen. Okay? So, yun po yung last part natin which is scope of civil liability.
So, ayan. Tapos na po tayo sa part... Part 1 ng general provisions natin.
Okay. Kung gusto nyong ma-alert sa release ng susunod or sa part 2 na ito, so mag-subscribe lang po kayo sa ating channel at pakiclick yung bell button para mas madali kayong ma-alert. So ayan.
Okay. At kung gusto nyo rin pong i-test ang sarili nyo, if sa tingin nyo naintindihan naintindihan, kung naintindihan nyo ba talaga, so ayan, chinachallenge ko kayo. I-click nyo yung link sa description. Meron tayong inihandang test, which is tungkol dito, na-discuss dito sa video na ito.
Free lang pong mag-sign up. Basta i-click nyo lang yung link. Mag-provide lang kayo ng email address and mga other necessary information such as your name.
Pwede nyo na pong matake yung test. At pagkatapos nyo pong matake yung test, ipapakita po. po kung ano ang magiging score nyo pati na rin po yung sagot dun sa test na iyon.
Okay? So, Abangan nyo po, coming up next, yung general provisions na part 2. So, under this part 2, ididiscuss po natin in details or in-depth ang different sources of obligation. So, kita-kits tayo ulit mga ka-accounting. See you next video.