Mabuhay Pilipinas! This is Teacher Neri and welcome back to my channel. Halika! Aral tayo! Ngayon ay ating pag-uusapan ang apat na himagsik ni Balagtas.
Noong unang panahon, naging mahigpit ang mga Kastila sa pagbabalathala ng iba't iba mga aklad. At talagang... Binabasa nila at inaalam nila kung anong nilalaman ito bago ito mapayagang mailathala.
Si Balagtas ay mapalad na nagtagumpay na may palathala ang Florente at Laura dahil inisip ng mga Kastila na ito ay isang ordinaryong kwento lamang sa pag-iibigan. Sa pag-iibig ni Florente at Laura, ang pagkakaibigan ng Muslim at ng Kristiyano, yun ang inaakala ng mga Kastila. Ngunit sa katotohanan, meron ang mga dahilan si Balagtas kung bakit niya isinulat ang Florante at Laura. Meron siyang mga ipinakipaglaban at naunawaan mga Pilipino yung ipinakipaglaban ni Balagtas na yon. Kaya hanggang ngayon, atin pa rin inaalagaan, tinatresher, hinahangaan at pinag-aaralan ang akdang Florante at Laura.
Sa katotohanan, si Dr. Jose Rizal ay isa rin panatiko ni Balagdas. Ang librong Florante at Laura ay laging daladala ni Jose Rizal sa kanyang mga paglalakbay at ito ay naging instrumento niya sa pagsulat ng kanyang obra maestra na Nolly Metangere. Ngayon ay isa-isahin natin ang apat na himagsik ni Balagdas.
Unang himagsik, Laban sa malupit na pamahalaan. Si Balagtas ay biktima ng malupit na pamahalaan. Siya ay nakulong ng dalawang beses sa mga kasalanang hindi naman niya ginawa. Una, unang beses na siya ay nakulong dahil sa kanyang karibal sa pag-ibig.
So naiingit sa kanya yung kanyang karibal sa pag-ibig at ang kanyang karibal sa pag-ibig na si Mariano Capule ay may pera. Ibig sabihin, nagamit niya ang kanyang pera bilang influensya. Kaya naipakulong niya at nagawa niya ng paraan na manatili sa kulungan si Balagtas.
So yun ang unang pagkakulong ni Balagtas. Ikalawa, nung si Balagtas ay meron ng asawa. Naging asawa niya si Luana Chambeng at nakulong siya. Ang ikalawang dahilan, dahil siya napagbintangan din. Napagbintangan na ginupit niya raw ang buhok ng isang aliping babae ni Alperes Lucas.
At... At talagang ipinakipaglaban nila mag-asawa yung kanilang karapatan hanggang sa naubos na ang kanilang kayamanan. Ngunit, talo pa rin sila sa kaso na natili pa rin sa kulungan si Balagtas. So makikita natin na ang buhay ni Balagtas ay isang patunay na talagang merong malupit na pamahalaan noong unang panahon. Yan ang unang himagsik.
Ang ikalawang himagsik ay laban sa hidwang pananampalataya. Ang ibig sabihin ng Hidwa ay mali, maling pananampalataya. So anuman ang reliyon ng isang tao, ito ay dapat nating irespeto.
Walang karapatan ang sinuman para kusgahan ang kanyang kapwa. At tayo, bilang mga mananampalataya, kailangan na lamang nating ipakita na talagang buhay ang Diyos na ating pinaglilingkuran. Nasinusunod natin...
ang utos ng Diyos at hindi ang utos lamang ng tao. Ang ikatlong himagsik ay himagsik laban sa maling kaugalian. Likas sa tao magkasala. Meron ng kasabihan dati na, sorry, tao lang. Pero kung ito ay naging kaugalian na at nakasanayan na, ngunit alam na mali, ito'y hindi dapat ipagpatuloy.
Ika-apat, Himagsik, laban sa mababang uri ng panitikan. Baligtas ay nalungkot. Noong panahon na siya ay tinanggihan ni Jose Ciciu, nagtulungan siya sa pagpapaganda ng kanyang akda. Ngunit hindi iyon naging daan upang tigilan na niya ang pagsulat at sumuko siya. Sa halip, ito ay naging challenge, naging hamon para kay Baligtas na mas pagbutihin niya ang kanyang pagsulat.
Hindi siya sumulat para makasulat lamang. Kundi siya'y sumulat na mayroong pagkabihasa at talagang nagpakadanobhasa siya sa kanyang pagsulat. Kaya naging napakaganda ng kanyang akdang, Florente at Laura. Ngayon ay idaragdad ko na rin mga aral na pwede natin makuha mula sa akdang ito. Una, ang wastong pagpapalaki sa anak.
Si Balintas ay naniniwala. na napakahalaga na ang mga bata ay mapalaki ng tama. Kaya sangayon siya dito at sa kanyang kwento makikita natin doon si Florante ay pinalaki ng maayos ng kanyang mga magulang kaya naging maayos din ang kanyang pag-uugali. Kahit siya ay naging general na ng hukbo ng Albania at naging magandang halimbawa siya. Pangalawa, ang pagiging mabuting magulang.
Sa akda ni Baligtas na Florante at Laura, nandoon ang mga halimbawa ng mabuting magulang. Si Duque Briseo, si Princesa Floresca, sila'y halimbawa ng pagiging mabuting magulang. Kung si Florante, ay naging mapalad sa pagkakaroon ng mabuting mga magulang.
Si Aladin ay naging kaawa-awa sapagkat ang sariling ama niya ang naging dahilan ng kanyang kalungkutan. Ngunit tingnan natin na si Aladin, bagamat naging masama ang kanyang ama, siya ay nanatiling mabuti pa rin sapagkat tumulong siya sa kanyang kaaway, tumulong siya sa taong hindi niya, kahit hindi niya ganap na kakilala. So, napakaganda.
ng halimbawa ipinakita ni Aladin kay Next. Ang ikatlo ay ang pagmamahal at pagmamalasakit. Kahit hindi mo kakilala yung isang tao, pwede mo pa rin tulungan. E di lalong dapat tulungan yung mga taong kakilala natin.
Kailangan din natin magmalasakit sa kanila, unawain ang kanilang kalagayan, at hindi pagpuna lamang, o kaya ay pagtuliksa ang ating gagawin. Itinuturo ni Balagtas na kailangan natin maging maingat. sa mga taong mapagpanggap, mapagkunwari, lalo na sa mga taong makasarili. Yung sarili lang ang kanilang inilisip, yung wala silang pakailam sa kanilang kapwa. Katalinuhan din ang dapat natin pairalin sa mga ganitong pagkakataon.
Sumunod, ang pag-iingat sa pagpili ng pinunong bayan. Tuwing darating ang eleksyon, marami tayong mga kasabihang naririnig. At mga paalala sa telebisyon na nagsasabing bumoto ng tama, ingatan ang boto.
Ngunit sa katotohanan, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi bumoboto ng tama. Ibinoboto kung sinong nagbigay sa kanila ng pera. Tapos sa bandang huli, magsisisiri naman sila. Bakit ba siyang naiboto kung iyan?
So, mahalaga na mapigil natin ang pansin ang pagpili ng tamang pinunong bayan. Sabagat dyan nakasalalay ang ating magandang kinabukasan. Kung tama yung ating pinulong-pinili, hindi natin ito pagsisisihan. Ang isa pang aral na gusto itulong sa atin ni Balagdas ay ang kahalagahan ng pagkakapatiran.
Hindi kinakailangan na maging kapatid mo sa dugo ang isang tao bago mo itutulungan. Ano man ang kalagayan niya, ano man ang kanyang antas ng pamumuhay, hindi ito dapat maging hadlang. para mapanatili natin ang mabuting pagkakapatiran. Kadalasan nga, marami tayong mga kaibigan na pa'ng itinuturing natin tunay na kapatid, tunay na kapamilya.
Yan ay magandang halimbawa ng pagkakapatiran na gustong ituro ni Balagtas sa ating lahat. Ang huling aral na gustong bigyan ng pansin ni Balagtas ay ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga kababaihan o yung tinatawag natin ngayon na feminismo. Si Baligtas, bagamat siya ay isang lalaki, ay nakita niya ang worth o ang kahalagahan ng isang babae.
Kung titignan natin ang karakter ni Flerida, isang babae na inaakala na mahina. Ngunit, isang babae na ipinagkipaglaban ang kanyang pag-ibig. Tumaka si Flerida sa malupit na pag-ibig na inihahandog sa kanya ni Sultan Ali Adam. Isang gabi, siya ay tumakas at nagdamit sundalo para lamang makaalis doon sa kaharian ng Persya sabagat hindi niya kaya magpakasal sa isang tao hindi niya binamahal. Hinanap niya ang kanyang tunay na pag-ibig at ito'y kanyang natagpuan.
At dito ay pinakita rin ni Baligtas na ang isang babae ay may kakayahan din na makapagtanggol ng iba. May pagtanggol ang kanyang sari at may pagtanggol ang ibang tao. Katulad ng pagtatanggol na ginawa ni Flerida kay Laura.
Bagamat si Adolfo ay isang lalaki, ito'y nagawang patayin ni Flerida para lamang maipagtanggol si Laura at mailigtas sa kasamaan ni Adolfo. So yan ang mga aral na hatid ng Florente at Laura. At nawa ay manatili sa ating isipan ang mga aral na ibinahagi sa atin ni Francisco. Balagtas Baldazar. Maraming salamat sa inyong panood at mabuhay tayong lahat.
Hanggang sa muli!