Transcript for:
Epekto ng Espanyol sa Kultura ng Pilipinas

Ang mga aralin sa video na ito ay una, karagdagang kaalaman tungkol sa pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas. Ikalawa, ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng pananakop ng Espanya sa kultura ng Pilipinas. Narito na ang karagdagang kaalaman tungkol sa pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa.

Ang pagsakop ng mga Kastila sa mga Pilipino ay nagbigay sa kanila ng mga negatibo at positibong epekto na naglayon sa kanilang payabungin ang kanilang mga natututunan at patuloy na maging masigasi ang dugong Pilipino hanggang sa kasalukuyan kahit nasakop man ng mga dayuhan. Sa pagsakop ng mga Kastila sa mga Pilipino, ito ang nagbigay sa iba ng pribilehyo na madagdagan ang kanilang karunungan at kaalaman. Sa mga bagay na maaari nating makuha sa kanila tulad ng mga katawagan, lingwahe, tradisyon, paniniwala, kaugalian at kung minsan ay kung paano tayo manamit, gumalaw o manalita. Mayroon ding ibang mga Pilipino na sa pagsakop sa atin ng mga Kastila ay nagbigay ito sa kanila ng takot, pagdurusa, bagay.

Pasakit at panibugho ng mga panahong tayo ay pinagkaita ng mga bagay. Tinuring namang mang salipunan at mga pangyayaring tumatak sa ating mga isipan gaya ng revolusyon at himagsikan na naganap pati na rin ang mga buhay na nawala sa gitna ng kanilang paghihirap. Hanggang sa kasalukuyan ay nararamdaman pa rin natin ang epekto ng pagsakop ng mga mga bagay.

mga Kastila sa ating mga Pilipino. Tulad na lamang ng ating pagiging Romano-Katoliko o ang pagyakap natin sa pagiging Kristyano na hanggang ngayon at sa darating pang-henerasyon ay mananatiling buhay. Mga pagdaraos na mga piyesta o pagdiriwang sa mga bayan ay patuloy pa rin dinaraos hanggang ngayon.

Mga kaugalian tulad ng pagmamano sa mga nakatuloy. katatanda ay buhay pa rin at pinasapasa ng bawat isa bilang tanda ng pagrespeto at pati na rin sa pagkain ay nariyan ang menudo na galing sa kulturang Kastila. Ang mga nasa atin ngayon pati na ang ating mga isipan ay may bahid na Kastila.

Maparoon man at maparito kahit sa ang parte ng bansa ay may bahid na impluensya na mga Kastila. na patuloy na mabubuhay sa pagdaan ng panahon. Ang wika ay makapangyarihan dahil ito ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon.

Ginagamit din ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan at naiisip. Ito ang pangunahing gamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnaya ng isang tao. Sa lahat ng pagkakataon, magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Makapangyarihan din ang wika kung alam ng tao kung paano ito linangin.

Dumako na tayo sa ikalawang bahagi ng video na ito. Ano-ano nga ba ang mga positibo at negatibong epekto ng pananakop ng Espanya sa ating bansa? Unang bilang, ang Kristyanismo.

Alam naman natin na ang Kristyanismo ay pamana sa atin ang mga Espanyol. Ang positibong epekto nito ay nagkaroon ng diversidad pagdating sa paniniwala. Nagkaroon din ng mga pista at ganoon. sa pagiging mabuting tao sa pamamagitan ng mga turo ng simbahan.

Ang negatibong epekto naman nito ay nabago ng Kristyanismo ang tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino. Bihag ang mga Pilipino sa mga aral ng Kristyanismo dahil naging tanda ito ng katapatan sa Espanya. Ikalawang bilang, edukasyon.

Ano nga ba ang positibong epekto ng pananakop ng Espanyol sa ating edukasyon? Nagkaroon ng formal na sistema ng edukasyon ang mga Pilipino na naging daan upang magkaroon tayo ng mga bagong kaalamang sayantipiko at Ang negatibong epekto naman ay nagbago ang mga pananaw ng ilang Pilipino hinggil sa mga mananakop dahil sa mga itinuturo ng dayuhan ukol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral kung kaya't nanatiling mga alipin ang mga ito.

Ikatlong bilang, ano nga ba ang naging inaaral? influensya ng pananakop sa pamamahala sa ating bansa ng mga Espanyol. Ang positibong epekto nito ay ang payak na sistema ng pamumuno ng mga Pilipino noon na limitado lamang sa mga dato ng barangay ay napalitan na kung saan naging mas maayos at kontrolado ang mga nasasakupan.

Nagkaroon ng pamahalaan at leader na masayos. may pinakamataas na posisyon ang presidente at mga opisyalis o leader na inaatasa nito sa iba't ibang lugar o region sa bansa. Ang negatibong epekto naman ay nawala ng kalayaan ang mga Pilipino na totoong pamahalaan ang sariling bansa.

Naging alipin ang mga Pilipino ng mga Espanyol. Ikaapat na bilang buwis. Ano Ano nga ba ang naging epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa pangungulekta ng buwi sa Pilipinas? Ang positibong epekto nito ay nagkaroon ang mga tao ng kontribusyon sa pamahalaan na ginagamit sa gastusi ng pagpapagawa ng mga paaralan, simbahan at iba pang infrastruktura.

Ginagamit din ito para sa ibang proyekto at gastusin. sa pagpapaayos ng sistema ng pamumuhay ng bansa. Ikalima, programang pangkabuhayan.

Ano nga ba ang naging epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas pagdating sa programang pangkabuhayan? Ang positibong epekto nila ay ay nagkaroon ng programang pangkabuhayan kung saan inilagay ang ilang lalawigan sa maraming talima ng tabako. Ang negatibong epekto naman ito ay nagkaroon ng sa pilitan ng pagbibenta ng nyog at pigas sa pamahalaan, kung saan ang pamahalaan ang magtatakda ng presyo.

Sunod na bahagi, ano nga ba ang mga positibo at negatibong epekto sa kultura ng Pilipinas ng pananakop ng mga Espanyol? Una, ang wikang Espanyol. Ang naging positibong epekto nito ay nadagdagan ang wikang ginagamit.

Ang mga salitang natutunan ay patuloy na ginagamit sa kasalukuyan. Ang negatibo namang epekto nito ay ang wikang Espanyol ang ginamit sa komunikasyon sa pamahalaan, edukasyon at kalakalan noong buong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ikalawang bilang, kaugalian at kasanayan.

Ano nga ba ang positibong epekto ng pananakop ng Espanyol? Sa Pilipinas, nagkaroon ng mas malalim na kaugalian ang mga Pilipino gaya ng paggalang sa nakakatanda, paggamit ng po at opo. Ang negatibo namang epekto ng mga ito, ay nakuha ng mga Pilipino ang manana habit at crab mentality. Ikatlo, infrastruktura.

Ano nga ba ang positibong epekto ng pananakop sa Pilipinas? ng mga Espanyol. Nakapagtayo ng iba't ibang improstaktura ang mga Espanyol katulad ng paaralan, simbahan, tulay at marami pang iba.

Ang negatibong epekto naman ito ay sa pagbuo ng mga improstakturang ito ay ginamit ang mga Pilipino sa pamamagitan ng polo, iservisyo o sa pilitang paggawa. Ikaapat, pananamit. Ang positibong epekto ng pananakop sa Pilipinas ng Espanyol ay natutong manamit ng pantalon, sombrero at mga damit na may manggas ang mga Pilipino.

Ang naging negatibong epekto naman ito ay napalitan ang kasuotan ng Pilipino. Hindi nabigyang halaga ang mga kasuotan ng mga tribo at tinangkilik ng mga Pilipino ang makabagong kasuotan. Ikalimang Ang positibong epekto ng kanilang pananakop ay napalawak ng Espanya ang sining ng bansa sa larangan ng musika, sayaw at teatro. Ang negatibong epekto naman, hindi nabigyang pansin ang sariling kultura ng Pilipinas at hindi nito napalawak simula noong pumasok ang mga Espanyol. Dumako naman tayo sa huling bahay.

Pag-iibagi ng video na ito, ang karagdagang kaalaman ukol sa aralin. Hindi maikakaila sa ating mga Pilipino ang naging impluensya ng bawat tayuhang sumakop sa ating bansa sa loob ng mahabang panahon. Binago nila ang mga nakasanayang tradisyon at pag-uugali ng ating mga ninuno. Nag-iwan ito ng negatibo at positibo.

Sa mga Pilipino sa lahat ng aspeto, malaki ang naging impluensya mula sa pananamit, wika, kaugalian at kasanayan ng mga Pilipino. Niyakap nating mga Pilipino ang pagbabagong itinakda ng mga dayuhan. Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang impluensya ng dayuhan, ngunit kasabay na nito ang pagpapaunlad ng ating bayan.

Nagkaroon din tayo. Tayo ng ugnayan sa mga bansang ito. Ang ating sistema sa pamahalaan at paaralan ay isa sa mga nakabuting impluensya ng dayuhan sa ating bansa. Isang mahalagang aralin muli ang inyong napanood. Maraming salamat sa panunood sa channel na Aralin sa Filipino.

Huwag mag-atubiling mag-comment ng inyong tanong, suggestions o paglilinaw umul sa aralin. Munting kahilingan sa iyong kaibigan, pakilike, share and subscribe para apag- updated ka sa mga susunod pang bagong video ng aralin mo sa Filipino.