Transcript for:
Karanasan sa Pagkakaroon ng Crush

Crash Experience Naamoy nyo ba yun? Ang amoy! Ang amoy na nangangamoy!

Nang hanga mo yung pag-ibig na sa hangin, mga repa? Kaya ngayon, ikikwento ko sa inyo ang isa sa lagi nyong nare-request sa akin na ikwento, ang aking crush experience. At ngayon na, ang pinakamagandang time para ikwento ko to sa inyo. Okay, okay. Sa tingin ko, halos lahat naman tayo ay nagkaroon na ng crush, diba?

Mapabata o matanda ka man. Kasi ako nga, nung bata pa lang ako, ay nagkaroon na agad ako ng crush. As in, sa sobrang bata ko pa nun, eh hindi ko pala maibig sabihin ang crush-crush na yan.

Uy, Reyo! Tara laro! Ayaw ko. Ang init. Nakakatamad lumabas.

Tara na! Niyaya pa ako ni Jill na sunduin ka namin dito sa inyo. Tara na, Reyo! Sige na nga. Tara!

Noong mga panahon na yun, eh, lagi akong tuwan-tuwa pag nakakasama namin sa paglalaro si Jill. Hindi niya tunay na pangalan. Kasi minsan ay hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya na lumabas ng bahay.

Madalas din naman kami nakakapaglaro pero hindi lang talaga katulad ng iso ko pang kaibigan na talaga namang araw-araw kami nakakapaglaro sa labas. Kaya naman pag sinundo ko na iso kong kaibigan tapos kasama niya si Jill ay talaga namang masama na agad ako. Naaalala ko nga nun pag yung wala kami maisip na laruin ay ang ginagawa na lang namin ay natambay na lang kami dun sa may halamanan ng santan. At tuwan-tuwan na ako nun pag dun na kami matambay.

Kasi lagi akong ginagawan doon ni Jill na mga alahas gamit ang bulaklak ng santan Katulad ng bracelet at kwintas Talaga namang in lababo pag kinakabit niya na sa akin yung ginawa niya Manghamangha pa nga ako sa kanya noon kasi sobrang bilis niya maggawa Yung tipong lilima pa lang inapagdudog sungko bulaklak Tapos siya, inagawa na naman agad ako ng bago Lagi nga siyang tawantawa sa akin kasi ang bagal ko doon magawa Kaya minsan ang ginagawa ko na lang pag wala akong mabigay sa kanya pabalik, eh nilalagyan ko na lang siya ng bulaklak sa may lagayan ng hikaw sa tenga niya. A very nice. Fast forward naman tayo noong mga panahong elementary na ako.

At itong ikikwento ko sa inyo ay nangyari noong mga panahong grade 2 na ako. At sa tuwing naaalala ko to ay ako'y natatawa at nakyokyutan sa mga nangyari nun Nasa kalagitnaan kasi kami ng klase nun Di ko natanda kung anong subject ang pinag-aaralan namin Pero tinuturohan kami ng teacher namin nun na maging mabuti sa kapwa Katulad ng wag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo O kaya naman pag may nakita ka naayak ay kausapin at tulungan mo Mga ganun yung tinuturo niya sa amin nun At nandantanda ko na focus sa focus ako sa pakikinig noong mga panahon na yun At pagkatapos ng klase namin nun ay uwian na. Cleaners pa nga ako noong mga panahon na yun. Kaya nalate ako ng konti sa paglabas kasi nagayos pa ako ng mga upuan. Kaya pagkatapos ko dun ay talaga naman nagmadali na akong lumabas kasi excited na akong umuwi.

Tapos habang naglalakad ako papuntang gate ay nakita ko yung isa kong kaklase na babae na nakaupo sa daan tapos naiyak. Sa tingin ko nadapa siya nun kasi nakahawak siya sa tuhod niya tapos nadugo. Naalala ko pa nga nun na walang napansin sa kanya kahit sobrang lakas na nang iyak niya.

as in dinadaanan at tinitingnan lang siya nun. At pagkatapos nun, ay bigla ko naalala yung mga tinuro sa amin ng aming teacher na pag may nakita ka naiyak, ay dapat kakausapin at tutulungan mo. Kaya dalas-dali akong lumapit sa kanya, sabay tinulungan ko.

Uy, ayos ka lang ba? Masakit ba? Tahan na ikaw. Tara, tayo ka na dyan.

Huwag ka na umiyak Ako nga lagi nadada pa pero di ako naiyak Hehehe At pagkatapos nun, e biglang dumating yung tito ko Sinundo niya na daw ko sa loob kasi kanina pa daw siya nag-aantay sa labas At antagal ko daw At naalala ko pa nga nun na pag uwi namin sa bahay E kunento niya kay tita at lola yung mga nangyari Tawa pa nga sila ng tawa nun kasi anlupit ko daw sa babae At pagkatapos nun, noong mga panahon pala na yun ay di ko na malaya na nagkakrash pala sa akin yung kaklasikong babae na tinulungan ko nun at nalaman ko lang yun na itong malaki na ako at kay mama ko pa ito nalaman. Nagkwekwentuhan kasi kami nun tungkol dun sa lugar na tinitirhan ko dati at sabi niya na meron dun nagkakakrash sa akin na kaklasikong elementary sa katabing barangay namin. Ha? Sino? Anak daw nung kaibigan niya dun sa katabing barangay namin nun.

Binisita daw niya kasi yun sa kanila nung kaka-uwi pa lang daw niya galing Hong Kong. Natuwa nga daw siya nang nagsabi sa kanya yung kaklasikong babae na crush daw niya ako nung nalaman niyang mama ko daw siya. At naalala ko kagad kung sino yung tinutukoy sa akin ni mama na kaklasiko nung sinabi niya sa akin yung pangalan. Napag-isip-isip ko nga nasayang at di ko nalaman dati.

Kasi ang dahilan kung bakit tanda ko pa din ang pangalan ng kaklasiko na yun hanggang ngayon. kasi naging isa siya sa crush ko nung aking elementary days. Fast forward naman tayo mga repa noong mga panahong high school na ako. At sa tingin ko alam nyo na yung nangyari sa crush experience ko noong mga panahon na to. Kasi naikwento ko na sa inyo yung dati sa ating first girlfriend experience animation.

Kaya kung hindi mo pa napapanood yun ay panoorin mo na lang pagkatapos ang video natin na to. Pero dun sa nalipatong kong school mga repa, nung high school ako, ay wala naman ako masyadong memorable na crush experience. May nagkakagusto din naman sa akin dun kahit papano, pero wala naman ganun ka memorable para ikwento ko sa inyo. Pero meron akong iisang memorable na crush experience sa school na yon.

Kaso wala akong lakas na loob para ikwento ko to sa inyo. At baka mapanood niya din to. Kaya para sa crush ko, na mga panahon na yon. Kung napapanood mo to, gusto ko lamang sana mag-sorry kasi hindi ko talaga sinasadya yun.

Sunod naman ay kikwento ko sa inyong mga repa ay yung mga panahon na senior high school na ako. Dito talaga ang madami akong memories. At sa tingin ko, eto din ang aking pinakang Rizzler era.

Noong high school kasi ako ay sobrang payat ko kakajaging namin. Tapos ang itim ko pa nun kasi lagi kami naglalaro ng sipa sa arawan. Pero noong senior high school na ako ay nagkalaman-laman na ako.

Kasi nagtakaw ako na sa Hong Kong nung bakasyon Tapos namuti rin ako ng sobra nun kasi naka-aircon yung room namin dun Tapos yun din ang mga panahon na nagpabraise ako One time nga nakatambay ako mag-isa sa kantin First day of school yun kaya wala pa akong tropa noong mga oras na yun Ako yung mapaya pa nakaupo lang nung sa ledgi habang nainom ng coke Tapos maya maya ay meron akong naririnig ng mga babae na nagbubulungan sa gilid ko Alam nyo ba mga repa yung pakiramdam na parang may nakatingin sayo? Yung parabang primal instinct natin mga tao na kahit nasa likod mo ay nararamdaman mo na may nakatingin Tapos paglingon mo ay meron nga Ganon din yung naramdaman ko na mga oras na yun mga repa Pero sa akin, nung pagtingin ko ay halos 7 babae ang nakatitig sa akin At siya, si Yasmin Hindi nyo tunay na pangalan? Itago na lang natin siya sa pangalan na yun kasi kahawig niyo yung aktresa GMA na si Yasmin Kurdi Naaalala ko na siyang pinakaunang babae na nagkagusto sa akin noong senior high school ako.

At isa din siya sa dahilan kung bakit naging memorable yung senior high school life ko. One time nga ay dumating sa point na parang halos lahat ay alam na may gusto siya sa akin. Kasi sa tuwing kasama ni Yasmin ang kanya mga kaibigan, tapos nakita nila ako, ay mag-iingay silang lahat, sabay uulitin nila sa akin si Yasmin.

Sabay yung mga tao sa paligid, ay mapupunta yung attention sa amin. Naalala ko nga nun pati yung advisor namin ay nakikisalin nun sa mga kaibigan ni Yasmin sa pag-uulit sa amin dalawa. Sunod ko naman na crush experience nun senior high school ako ay dun sa nagmamajoret sa banda ng school namin. Nung una talaga ay wala akong crush sa kanya.

Pero itong mga tropa ko ay inulit ako ng inulit sa kanya. Kasi ang dahilan, eh magkahawik daw kaming dalawa. Kaya naman kada may practice yung banda ng school namin, eh lagi ako niyaya na mga tropa ko manood. Lagi nga din nila akong inuulit na ligawan ko na daw kasi bagay daw kaming dalawa.

At nung kakaganon nila sa akin, inagkagusto tuloy ako doon sa nagmamajoret nung wala sa oras. Pinakilala pa nga ako doon ang isa kong tropa na kasali din sa banda ng school namin. At pagkatapos nun, inagsimula na kami mag-usap.

Halos tatlong araw nga din yun na naging smooth yung pag-uusap namin dalawa. Lagi pa nga ako nakatambay doon sa lugar na pinagpapraktisan nila. Tapos one time, napag-isipan ko na i-add siya sa fb.com at holy sweat. May boyfriend pala siya. At simula nun, eh umatras na ako sa kanya.

Buti na nga lang din hindi ko nabanggit sa kanya na manliligaw ako. Kaya hindi naging awkward yung pagdistansya ko sa kanya. Pero kahit ganun, eh tuloy pa din sa pangulit sa akin yung mga tropa ko pag nakikita namin si nagmamadyoret.

Hi na ako, Crush nga naman. Nakakatawang experience talaga pag meron ka na ito. Yung tipong kaganahan ka mag-aral, pagkaklase mo, o kaya naman sisipagin ka pumasok, masulyapan mo lang siya.

Kayo mga repa, kamusta naman ang Crush experience nyo? Kung ako sa... nyo ay umami na kayo habang Febibig pa, malay mo maging kayo. Pasensya na nga pala mga repa at ngayon lang ako nakapag-upload.

Nagpahinga kasaya ako noong January pero huwag kayo mag-alala, balik na ulit tayo sa animation mode. Kaya huwag na huwag mo kakalimutan na mag-like and subscribe at pindutin mo na din yung bell notification na yan para updated kayo sa ating mga padating pang animation. So yun lang, kita kit sa ating next video. Peace!