Transcript for:
TV Patrol News Report

Magandang araw kapamilya, ngayong ikalawang araw ng Enero, nagbabaga ang mga balita, pumuputok ang mga istorya. Live sa ANC Kapamilya Channel, A to Z, Jeepney TV at All TV. Mga impormasyong mahalaga live din sa YouTube at TikTok, no more no less, sa tid ng TV Patrol Express. Sa ulo ng ating mga balita, nasawi ang isang bata matapos mabaggan ng kumaharurot na motorsiklo sa Minglanilia, Cebu, madaling araw ng bagong taon. Panoorin niyo po ito, kita sa CCTV. na tumatawid ng kalsada sa barangay Kalahuan ang biktima ng masalpok na motorsiklong matulin ang takbo. Tumilapon ang bata sa lakas ng impact. Isinugod siya sa ospital pero namatay rin habang ginagamot. dahil sa tinamong matitinding sugat at mga bali sa buto. Sugatan na rin ang rider na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Iniimbestigahan din kung nakainong siya noong maganap ang insidente. Namatay rin ang isang bata matapos namang tamaan ng piraso. ng bato mula sa sumabog na iligal na paputok na Goodbye Philippines sa Talisay City, Cebu, madaling araw ng bagong taon. Base sa investigasyon ng mga pulis, nanonood lang sa mga nagpapaputok ang biktima kasama ang apat na kaibigan bandang alas dos ng madaling araw. Tumama o mano ang piraso ng bato sa dibdib ng sampung taong gulang na biktima at tumagus pa sa kabilang bahagi ng kanyang katawan. Sugata naman ang kanyang mga kaibigan. na natalsikan din ng mga pira-pirasong bato. Napag-alamang sa tabi ng mga nabiyak na tal, sinindihan ang iligal na paputok. Patuloy na iniimbestigahan ang mga pulis ang insidente para matukoy kung sino ang nagsindi sa nasabing paputok. Ito pang isang minorda edad na nabiktima rin ng paputok. Naputulan ng dalawang kamay ang isang 13 anyo sa Binatilio matapos sumabog ang pinulot niyang paputok sa Tayterizal nitong miyerkules ng umaga. Kwento ng mga kaanak ng biktima, lumabas ang mga kaanak ng biktima. Pabas ito ng bahay pagkagising at namulot sa kalsada ng mga hindi pumutok na firecrackers noong nagdaang gabi. Pero sumabog sa kanyang mga kamay ang isa sa mga dinampot niyang paputok. Isinugod siya sa ospital kung saan kinailangang putulin ang kanyang mga kamay. Nasugatan rin siya sa tiyan at sa mga paa. Sa ibang balita, naawi sa enkwentro ang pagresponde ng mga pulis sa umani-insidente ng pagdukot sa isang lalaki sa Caloocan City madaling araw nitong bagong taon. Kita sa CCTV na pilit isinasama ng sospek ng isang lalaki sa barangay 15. Agad na humingi ng tulong sa mga pulis sa mga kaanak ng biktima at doon na nagkaroon ng enkwentro sa pagitan ng sospek at mga tauhan ng Caloocan City Police. Nabaril sa paang sospek na nagkublis na nakaparad ng sasakyan bago sa pagitan ng Caloocan City Police. Bago tumakbo sa Esquinita, inabutan siya ng mga pulis sa isang bahay at agad na inaresto. Narecover sa kanya isang baril at isang granada. Iniimbesegan pa kung bakit gustong kunin ng sospek ang biktima. Sinampahan na siya ng reklamong attempted murder at illegal possession of firearms and explosives. Pinag-aaralan na ng Police Regional Office 9 na gawaran ng promosyon ang polis na nasugatan sa pakikipagbarilan sa dalawang gunman sa Zamboanga City noong besperas ng bagong taon. Ito'y dahil sa ipinakita niyang katapusan. at pagganap sa tungkulin. Ayon sa Zamboanga City PNP, nakatoka noon si Police Senior Master Surgeon Ryan Mariano para magbantay sa mga simbahan at pampublikong lugar sa pagsalubong sa bagong... May natanggap umano silang TIF na nasa paligid ng Mount Carmel Parish Church ang dalawang lalaking wanted sa kasong murder. Pero natunugan ang mga suspect na sinusundan sila ni Mariano kaya pinagbabaril nila ang polis. Gumanti ng putok si Mariano. Dead on the spot ang isa sa mga suspect habang dead on arrival sa ospital ang isa pa. Sugatan din si Mariano na tinamaan ng bala sa tiyan. The regional director ordered already for the assistance for him to make sure that he is properly supported by the PNP and we are looking hopefully for a spot promotion for him or a medal for him also. Dead on the spot na isang lalaki habang sugataan ng kanyang bayaw matapos silang pagbabarilin sa loob ng bahay nila sa Dasmarinas, Cavite, madaling araw nitong miyerkules. Sa imbesigasyon, hinabol ng dalawang sospek ang mga biktima sa kasagsagan ng pagsalubong sa bago. sa pag-aagong taon hanggang sa abutan sa bahay. Agad na nasawi ang isa sa mga biktima dahil sa tama ng bala sa ulo. Tinamaan naman sa mata ang kanyang bayaw na agad na dinalas sa ospital. Ayon sa mga kaanak ng nasawi, may natanggap itong banta sa buhay noong Disyembre. Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen habang patuloy na tinutugis ang mga namaril. Yung biktima pong namatay, tumakbo para mailigtas yung buhay niya. So hinabol po siya ng gunman at binaril din po. Pag-responde po namin doon sa crime scene, nakita po namin na sumasalubong po sa amin yung biktima na may tama po sa mata. Dumagsang mga diboto ng Jesus Nazareno sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila para pabindisyonan ang dala nilang imahe at replika ng Nazareno ngayong Webes, buho sa mga mananampalataya na naglakas. Ang mga If we're going to follow the way of Jesus Nazareno, if we're going to follow his image through the streets of Quiapo one week from today, we need to follow the truth in the other 364 days of the year. Because by loving the truth, we love Jesus. Because Jesus is the truth. Susunod, Uncabogable Phenomenal Superstar Vice Ganda. Surpresa ang bumisita sa block screening ng kanyang MMFF movie na inorganisa ng Nation's Girl Group, Beanie. Abangan sa pagbabalik ng TV Patrol Express! Happy Thursday mga kapamilya! Live po tayong napapanood sa YouTube at maging sa TikTok. I-search lang po ang TV Patrol account sa TikTok para maka-access sa ating live program. Siyempre, mag-like, share, and follow na rin kayo. Sararata po tayo sa ating... ating mga viewers sa TikTok, si Rafael Reyes, si Jas Gatipunan. Sabi niya, good afternoon po Miss Denise and Tito Johnson. Happy World Introvert Day. World Introvert Day pala today. Happy anniversary rin sa TV Patrol Express. Yun. Si Jun Brazal, sabi sa YouTube ng first commentary natin, Good evening, kapamilya watching TV Patrol Express from Taguig City. Shout out tayo kay Miss Love, kay Squeegee Plays, kay Team Cagayan, tapos si Prince Charles Roble. Sabi naman ni Tyler Miles, you know, January 2 na agad. Sabi niya, ganun ang pagkasabi, you know, sabi niya, January 2 na agad, katatapos lang magtrabaho. Happy New Year pa rin. Happy New Year po. Welcome back to work sa mga nagbalik trabaho. ba ako ngayon? Si Andrew, shout out din, happy new year. At si Ali and Raisin Dump. Siyempre, sabi ng aking Bikong Nilo from Qatar, happy new year pa din. Patuloy na sumusubaybay sa program ng TV Patrol Express mula dito sa Doha, Qatar. Salamat po. Ito naman si UAE Lover 7755 from London at si Hannah Macuana, hello. Pati si Tong Vitz, sabi niya, shout out siya. Introvert daw siya talaga. Okay, salamat. kahit introvert ka na, niniwala ka sa World Introverts Day. At balikan na natin ang mga balitang atid ng TV Patrol Express. Nagbabalik ang TV Patrol Express. Iniimbesigahan na ng Armed Forces of the Philippines ang hinihinalang underwater drone na narecover ng mga manging isda sa masbate nitong lunes. Ayon sa hepe ng AAP Public Affairs Office na si Col. Sir Cesar Rineda. may markang H1 o HY-119 ang nasabing drone na tumutukoy umano sa Chinese Underwater Navigation and Communication System. Inaalam naan yan ang Philippine Navy ang pinagmulan at para saan ginagamit ang drone. Pinuri din niya ang kalistuhan at suporta ng mga manging isda sa pagre-report ng mga kadudadudang aktibidad sa dagat na sakop ng teritoryo ng Pilipinas. Natagpuan ng tatlong manging isda ang drone na palutang-lutang sa dagat siyam na kilometro mula sa baybay ng bayan ng San Pascual. Ibinigay nila ang device sa mga opisyal ng barangay na nagdala naman ito sa Municipal Police. Ang latest na showbiz sa ating Star Patrol Express. Surpresa ang bumisita si Unkabogable, phenomenal superstar viceganda sa block screening na inorganisa ng Nations Girl Group Beanie para sa kanyang MMFF entry na... and the breadwinner is magkakasama ang pinanood ni Nabini Aya, Maloy, Mika at Joanna. Kasama ang kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at katrabaho ang pelikula sa isang sinihan sa Quezon City. Hindi nakapunta sa block screening ang ibang miyembro ng grupo dahil sa busy holiday schedule. May kanya-kanyang paboritong eksena ang Bini member sa dramedy movie ni Vice. Sobra naman ang pasasalamat ni Vice sa ipinamalas na suporto ng Bini sa kanyang pelikula. Grabe po kayo! Very important na mapanood mo ito kasi ang daming breadwinners ang pinasasayangin. Oo ang daming breadwinners ang nadudugtungan ng hope at saka kayo yung pahinga nila. As entertainers, malaking bagay yung nagagawa ninyo. More than you know. Mapapanood ng muli ang ilan sa mga namiss nating kapamilya leading men sa kanilang comeback project sa ABS-CBN ngayong 2025. Isang action comedy series ang nakatakdang pagbidahan at i-co-produce ni... Enrique Gil ngayong taon. Magsisimula na ang taping nito sa Marso at sa Europe kukunan ang ilang eksena. Inaabangan na rin kung sino ang makakatambal ni Ken sa serye na puspusa na ang training para sa kanilang action scene. Speaking of action, intense din ang comeback project ni Daniel Padilla sa Incognito na mapapanood na sa primetime simula January 17. Muli rin sasabak sa aktingan si James Reid na nagfocus noon sa kanyang musika at sariling artist management company. Magbabalik din ang tambalang Gerald Anderson at Jesse Mendiola para sa serieng Nobody. Huli silang nagkasama sa kapamilya serieng Budoy. Yeah. Except, yeah, excited ako dito. Ryan Reynolds-ish na may lightness to it, but there's some mafia involved. I always plan to go back to acting. I feel like it's time. I needed a break just to find myself. I'm in a good place. Mag-start na kami. May mga binabago at ginagandahan yung kwento lalo. So yun, malapit na rin yun. Dapat abangan. bigating Hollywood movies ng 2025. Una na dyan ang pagbabalik sa big screen ni Superman na pagbibidahan ngayon ni David Cornsweth. Dalawang adaptation din ang nakatakdang ipalabas ngayong taon. Ang nobelang Nicky 17 na pagbibidahan ni Robert Pattinson at gagawin ng award-winning director na si Bong Joon-ho na kilala sa kanyang pelikulang Parasite. Nandyan din ang movie version ng video game na Minecraft. kasama sina Jack Black at Jason Momoa. May panibagong mission din si Tom Cruise, aka Ethan Hunt, sa latest installment ng Mission Impossible, The Final Reckoning. Ang mga icons sa sina Jim Carrey at Jackie Chan, balik big screen din. Si Carrey para sa Sonic Hedgehog 3 at sa Karate Kid Legends naman, si Jackie Chan. At yan po ang ating TV Patrol Showbiz Express sa araw na ito. Ayan, happy first anniversary! Anniversary pala! Happy anniversary! At kahit wala dito si Jeff na nag-i-enjoy, kahit isang message wala akong natanggap. Just saying. Pero nagpadala ba? Happy Anniversary! Silence! Hindi bali, babalik yan. Bumabawi yan, naniniwala ako. Sana, tas sana may kasamang... Ay, pero meron. Dalawa ang pinagdiriwang na anniversary ng TV Patrol Express. Sa July 1, yung unang anniversary ng programa sa Free TV. Ayan! Oh my God! Oh my goodness! What a year! Hi! Congratulations TV Patrol Express! Happy anniversary! Thank you! Thank you po sa lahat ng mga sumabaybay, sa lahat ng mga nagko-comment sa social media, sa TikTok at YouTube, na laging sinasamahan tayo sa ating Shout It Out segment. Yes! More years to come! At yan ang mga nagbabagang balita! Huwag kong kalimutang mag-LSSC! Like, share, subscribe! Subscribe and comment sa YouTube at TikTok. Sa ngalan po ng kasama namin si Jeff Cano, ay ako si Johnson Manabat. Mga kapamilya, bukod sa YouTube at TikTok, napapanood na rin live ang TV Patrol Express sa ANC Kapamilya Channel, A2Z, GPN TV, at All TV. Ako po si Denise Densay. Maraming salamat at magandang hapon, kapamilya.