Transcript for:
Ang Kuba Ng Notre Dame

Intro Ang Cuba ng Notre Dame, buod ni Victor Hugo, isinalin sa Pilipino ni Wilita A. Enrijo. Sa isang malawak na espasyo ng katedral, nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa pagdiriwang ng kahangalan na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo ang kuba ng Notre Dame bilang Papa ng Kahangalan dahil sa taglay niyang labis nakapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang.

sa Paris. Nang araw na yon, inilukluk siya sa trono at ipinirada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroon rin si Pierre Gringuri ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kanyang pangihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ng kanyang inihandang parada.

Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang parin si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa pagdiriwang. Kumalik na sa Notre Dame, nakasama siya.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringori ang kagandahan ni La Esmeralda, ang dalagang mananayaw. Ipinasyan niyang sundan ang dalaga sa kanyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki.

Si Nakwasimodo at Frollo sinubukang tulungan ni Gringori. Ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo.

Dumating ang ilang alagad ng hari sa panguna ni Phoebus, ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hating gabi na ng pagpasyahan ng pangkat na mga punobi at magnanakaw na bitayin si Gringori. Lumapit sila Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon. Mailigtas lamang ang buhay ni Gringori sa kamatayan.

Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kanyang katawan. Matindi ang sakit ng bawaglatay ng latigo na ipinapalo sa kanyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kanyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawag panghahamak sa kanya ng mga taong naroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig, subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kanya Na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kanyang kahabag-habag na kalagayan Dumating sila Esmeralda Lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig Pinainom siya Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kayo Kaila Esmeralda, tinawag siya ng babaeng, Hamak na mananayaw at anak ng magnanakaw!

Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniwalaan na dating mayaman subalit na wala ang bait nang mawala ang anak na babae, labing limang taon na ang nakalilipas. Makaraan ang ilang buwan habang sila Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao na pagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapangakit na kagandahan ng dalawa.

Talaga, nang mapuna nila Esmeralda si Phoebus ay nalangin. na paibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kanyang marinig ang paanyayan ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala.

Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugo sa nasaksihan. Ang kanyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kanya na talikuran ang... Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak na is niyang bihagin at itago sa kanyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hating gabi, sinundan ni Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda.

Habang masayang naguusap ang bagong magkakilala, ay biglang may sununggab ng saksak kay Phoebus. Ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan sa paglapastangan sa kapitan. Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa.

Pinaratangan din siyang manghukulam. Siya ay nasintensya ang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piinan. Itan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kanya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang ng kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng siya anak na monghe at pinaratangang mamamatay tao.

Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame. upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata.

Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kanya. Tumalikod si Phoebus na tila walang narinig at tinuntun ang bahay ng babaeng kanyang pakakasalan. Ilang sandali, dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame upang patunayan kay La Esmeralda sa kanya. gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa katedral at tumatangis na isinisigaw ang katagang santuaryo.

Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda ng araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong walang man lang magnasang tumulong sa kanya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Patid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hanggat nasa katedral.

Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda natitigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal naging magkaibigan ang dalawa. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw.

Sila ang kinikilalang pamilya nila Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamento na paalisin sila Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ang mga lumusob sila Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas. Das ang dalaga.

Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantahan ni Frollo ang makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga. Ang mahalin siya o ang mabitay.

Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na nakasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid ni Las na sila ay mag-ina.

Nakilala ni Sister Gudule sila Esmeralda dahil sa kwintas na suot ng dalaga. Ito ang kanyang palatandaan na suot ng kanyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak, subalit huli na ang lahat.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala sila Esmeralda, tinuntun niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, nangyayari, Napansin niya ang anyo ng dalaga. Sila esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay.

Naantig siya sa kanyang nasaksihan. Labis ang galit na naramdaman niya kay Florian. na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa talaga.

Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang namataan niya si Frollo, hinila niya ito sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore. Ang paring kubukkot sa kanya.

Inihulog niya sa kamatayan ang taong nagbahatid ng pagdurusa sa babaeng kanyang minamahal, sila Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, Walang ibang babae akong minahal! Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.

Natapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking nabukay ng pagdurusa. ang libingan nila Esmeralda na silayan niya ang hindi kapanipaniwalang katotohanan. Nakayakap ang kalansay ng Cuba sa katawan ng dalaga.

At dito nagtatapos ang kwentong Cuba ng Notre Dame. Hanggang sa muli, paalam! Oops!

Huwag kalimutang! mag-subscribe! Salamat!