Transcript for:
Pagsusulat ng Introduction at Background sa Research

Intro Magandang araw po sa inyong lahat at tayo ngayon ay mag-uusap ulit tungkol sa isa na namang bahagi ng inyong pagsusulat sa research Ito pong series ng videos na ginagawa natin ay sa lingwa Intro ng Tagalog or Taglish. Kung paminsan-minsan may mga termino tayo na hindi natin maisipan kaagad ng translation sa Tagalog, gagamitin na natin yung salitang English. So, ang susunod natin itidiscuss, o pag-uusapan ay yung part ng introduction o background of the study. Ipapaliwanan ko kung bakit. Ang background of the study ay nakapaloob sa tinatawag natin introduction. Kaya maraming nagtatanong, paano po isulat ang introduction, paano po isulat ang background of the study? So, yun ang relasyon ng dalawa. Uulitin natin, ang introduction ay isang bahagi ng research paper ninyo. Ito. Ito ang pinakaunang bahagi ng chapter 1. At nakapaloob sa introduction ay ang tinatawag natin background of the study. Ano ngayon ang background of the study? Ito ay may tatlo hanggang limang talata. May tatlo hanggang limang paragraphs. Ganun lang kaiksi ang introduction ninyo. So unang-una, yung tinatawag natin background of the study, ito yung may kinalaman sa ginagawa niyong research. Ano ang ilalagay? sa unang paragraph. Kailangan makonvince nyo kaagad yung mga nagbabasa nito o yung panel ng research defense ninyo na meron talagang pangangailangan, immediate need, may pangangailangan na gawin yung research. So, isight ninyo ano yung mga problema na nagiging bunga ng hindi paggawa nitong research na ito. Sa halimbawa nito ay ang tinatawag natin reading comprehension. Kung ang research ninyo may kinalaman sa pag-iimbestiga ng mga dahilan kung bakit hindi naiintindihan ng mga bata ang kanilang binabasa, kailangan kumbinsihin ninyo yung panel ninyo na dahil dito marami ang hindi nakakapasa sa kanilang grado o sa grade level nila at ilang beses na silang umuulit doon sa grade level na yun. Yun yung tinatawag nating argument. So sa unang parang sa unang talata, i-present ninyo yung problema, i-introduce nyo yung problem, ano yung effect ng problem, and then bakit kailangan gawa ng research yung problema na yun. So, yun yung tinatawag nating background of the study. Sa unang paragraph pa lang, dapat meron na kayong solid na dahilan, matatag na dahilan, matibay na dahilan, kung bakit kailangan gawin yung research ninyo. ulitin natin, nasa unang paragraph pa lang yun. So, i-state na ninyo ano yung problema, ano yung epekto nitong problema, at bakit kailangan gawan ito ng study. Bago tayo pumunta sa susunod na paragraph, o kung ano yung dapat yung isulat doon sa susunod na paragraph, bibigyan ko muna kayo ng isang paalala, o reminder, na kapag nagsusulat kayo ng research paper ninyo, lalong-lalo na doon sa introduction, I-practice ninyo yung tinatawag nating paraan ng pagsusulat, which is deductive method. Ang deductive method is inverted pyramid, pabaliktad na pyramid. So, from general, malapad yung nasa dulo niya, papunta sa pinakababa, specific. Okay? So, ang discussion ninyo magiging generic, tapos maliliit na yung discussion ng topic ninyo, hanggang sa maging specific doon sa area na ginagawa nyo na. ng research. Example, kanina sabi natin, ang ginamit natin is reading comprehension. Nakakabasa pero hindi naiintindihan. Okay? So, in general, sa buong mundo, ano ba ang status ng reading comprehension? Ano ba ang epekto nito doon sa bansang yun? O mga bansang ito? Generic, general, malawak. Okay? And then, from that point, punta na kayo sa Pilipinas. Sa Pilipinas, ano naman ang status ng reading comprehension? Ano ang epekto ng reading comprehension na ganito? Na hindi nila naiintindihan yung kanilang binabasa nila. And then, from the second part, kanina diba generic yung sa mundo anong epekto? Tapos sa Pilipinas, lumiliit. Tapos, doon na sa pangatlo, gawin nyo na kagad ano naman ang epekto nitong reading comprehension. Doon sa school na ginagawa nyo ng research, nakita nyo inverted pyramid mula sa generic, palaki, lumiliit, hanggang sa specific area ng study ninyo. Okay, pagkatapos nun sa i-discuss ninyo doon sa specific area, pwedeng tatlong paragraph lang yan. So, yung pinaka-general, tapos yung pupunta na sa Philippines, tapos pupunta na sa specific school kung saan nyo ginagawa. And then yung pang-apat na paragraph, ito po, mahalaga din. Kailangan, huwag niyong kakalimutan, kailangan ilagay ninyo. Ang pinakahuling paragraph ng introduction, dapat ang laman yan ay tinatawag nating rational of the study. Lumalabas yan sa defense ninyo. Yan karaniwan ang unang tinatanong palagi sa inyo. Ano ang dapat na laman ng rational of the study? Nandito na kalabas. talaga yung dahilan kung bakit nyo pinili at ginawa itong research ninyo. So, bakit nyo ginawa ng research yung reading comprehension? Dahil gusto nyo masolusyonan yung mababang literacy rate ng mga bata at para mas mabilis silang ma-promote doon sa susunod na level. Okay, so ito ay ilang halimbawa lang ng mga dahilan. Tandaan ninyo, Ang keyword dito is reason, rational. Ano ang dahilan at pinili ninyo yung study? So, ang lalabas sa huling paragraph ninyo, in this light, the researchers decided to conduct the study because ano na yung mga dahilan na ilalagay ninyo. So, ang lalabas, apat na paragraph lang yung introduction ninyo. So, yung argument ninyo nandun sa unang tatlo, yung problema... problema generic in general, tapos medyo lilit na siya sa Pilipinas, anong nangyayari, and then sa specific school or area kung saan nyo ginagawa ng research paper, and then yung rational or reason kung bakit nyo kinundak yung study. Dito sa introduction, pwede nyo ding idagdag o isingit yung tinatawag nating research gap. Pwede nyo ilagay sa rational of the study yun. Ano ang research gap? Ito... ay ang mga tanong na hindi pa nagagawan ng research paper o nahanapan ng kasagutan ng iba pang research paper. So, ulitin natin, pwede nyo ilagay yun, idagdag doon sa rational of the study. So, ganito lang kasimple ang introduction or background of the study ninyo. Huwag nyo masyadong pahirapan, huwag nyo masyadong pahabaan, at lalong-lalo na, huwag ninyong punuin ng citation. Sean! Ang introduction, pwedeng lagyan ng citation. In my opinion, pwede kayong gumamit ng dalawa hanggang lima ang pinakamarami. Pero kung lalampas na kayo doon, masyado na pong marami yun. At ang pinakahuli, huwag na huwag kayong magka-copy-paste nang hindi nyo binibigyan ng credit yung reference ninyo. So pwede nyo i-copy-paste, just make sure na pinapractice nyo yung tinatawag nating citation. John? Yun yung isa sa magandang ethical practices ng pagsusulat ng research. At saka para hindi rin kayo magkaroon ng problema pagdating ng defense ninyo. Okay? So sana may natutunan kayo dito. At yung mga susunod pa nating video, abangan ninyo. Please subscribe to our channel and click the notification bell para pag meron tayong mga bagong videos, ma-inform kayo agad. Gawa tayo ng series ng Tagalog. Bubuuin natin yan from chapter 1 to chapter 5. Kung gusto nyong makakita ng sample na document kung paano isinulat yung introduction, background of the study, meron akong isang video dito sa YouTube channel natin na ang title, How to Write the Introduction and then meron nakaparentesis yata na PPT, PowerPoint Presentation. So doon, inilagyan ko ng halimbawa ng introduction tapos dinilagyan ko ng introduction. discuss ko part by part. So, makikita nyo dun yung mga parts na din-discuss natin at nandun sa huli yung tinatawag natin rational of the study. Pwede nyo nga i-check yun. Kaya lang yun ay I think kung hindi ako nagkakamali nasa English din ang discussion niya. Kaya maraming salamat sa inyo sa pakikinig at sa susunod nating video, tatalakay ulit tayo ng isa pang bahagi ng research writing o ng research paper ninyo kung paano ito isulat at sana po samahan nyo ulit ako dito sa susunod. Susunod na gagawin natin video. Stay safe. God bless. See you on the next video. Bye.