Transcript for:
Kasaysayan ng Mesopotamia

KABIHASNAN SA LAMBAK NANG TIGRIS EUPHRATES Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng kalagayang, kaunlaran, na nalinang ng isang pangkat ng taong naninirahan sa isang lugar. Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Mga Katangian ng Kabiyasnan Maunlad na Kasanayang Teknikal Maunlad na Batas at Alituntunin Dalubhasang Manggagawa Maunlad na Kaisipan Efektibong Sistema ng Pagsusulat o Pagtatala Mapa ng nakaraan Kabihasnan bay, bihasa ka?

Itapat ang mga sinaunang kabihasnan sa tamang ilog na pinagmulan nito at hanapin sa mapa ang lokasyon kung saan umusbong ang bawat isa. Ang kabihasnang Mesopotamia ay umusbong sa ilog Tigris at Euphrates. Ang kabihasnang Indus ay umusbong sa ilog Indus.

Ang kabiyas ng Egypto ay umusbong sa ilog Nile. Ang kabiyas ng Shang ay umusbong naman sa ilog Wanghe at Yangtze. Mapa Mesopotamia Indus Egypto Shang Mesopotamia Ang Mesopotamia na nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog ay matatagpuan sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates sa rehyon ng Fertile Crescent sa Kanlurang Asya, na ngayoy kinabibilangan ng bahagi ng Syria, Turkey at Iraq. Sa kabila ng maladesyertong kapaligiran, naging matabang lupain ang Mesopotamia dahil sa taonang pag-apaw ng mga ilog na nagiiwan ng banlik.

Tinaguri ang Cradle of Civilization o Lundayan ng Kabihasnan. Dito umusbong ang mga sinaunang lungsod-estado at kabihasnan gaya ng Sumer, Akad, Babilonya, Assyria at Chaldea na bawat isa'y may mahalagang ambag sa kasaysayan. Ambag ng Sinauna, Pundasyon ng Kasalukuyan Tukuyin ang mga ambag na nagbigay pundasyon sa kasalukuyan mula sa pangkat ng unang nanirahan sa bahagi ng Fertile Crescent.

Irigasyon at kanal. Gulong. Kodigo ng batas ni Ornamu. CUNY Form Zigurat Irigasyon at kanal Gulong Kodigo ng Batas ni Ornamu CUNY Form Zigurat Sumer Simbolot susi, buksan ang kwento ng sumer.

Punan ang mga patlang sa teksto ng tamang salita. Noong 3300 BCE, unang nanirahan sa Katimugang Mesopotamia ang mga Sumerian na siyang bumuo ng mga Lungsod Estado na isang pamayanan na may sariling pamahalaan at batas pero bahagi pa rin ng mas malaking kabihasnan. Upang harapin ang hamon ng kalikasan, nagtayo sila ng irigasyon, kanal at imbaka ng tubig upang mapangalagaan ang kanilang mga sakahan.

Sa gitna ng lungsod, itinayo nila ang Ziggurat, isang templo kung saan nakikipag-ugnayan sa mga Diyos ang mga Patesi. Tinawag na Theocracy ang kanilang pamahalaan. Isang sistemang pinamumunuan ng pinunong panreligyon. Kalaunan ang ilang patesi ay naging pinunong militar.

Nang ang kapangyarihan ay naipasa sa kanilang mga anak, nagsimula ang dinastiya, isang pamumunong na mamana sa pamilya. Dahil sa kasaganahan ng pagkain, hindi na lahat kailangang maging magsasaka. Lumitaw ang iba't ibang trabaho tulad ng pari, sundalo at tagapamahala. Ang sistemang ito ng paghahati ng gawain ay tinatawag na Division of Labor. Dahil din sa pakikipagkalakalan, lumaganap ang cultural diffusion, kung saan naipasa ang produkto, ideya at paniniwala sa iba't ibang pangkat.

Upang maitala ang batas at kaalaman, nilikha ng mga Sumerian ang cuneiform, kung saan kabilang ang kodigo ni Ornamu. Natuklasan din nila ang sexagesimal system para sa oras, araro para sa pagsasaka at gulong para sa transportasyon. Tunay na Sumer-Raming ang bag ang iniwan ng kabihas ng Sumer sa mundo.

Ngunit ang kanilang pamumuno ay hindi naging habang panahon. Nang humina ang Sumer dahil sa labanan at pananakop, sumibol ang Akkadian Empire sa pamumuno ni Sargon I, na nagtatag ng kauna-unahang imperyo at nagpasimula ng acculturation o paghahalo ng kultura. Paglipas ng panahon, umangat naman ang Babylonian na pinasikat ni Hammurabi, ang hari sa likod ng kauna-unahang nakasulat na batas, ang Code of Hammurabi. May 282 batas na nagsilbing batayan ng hustisya at kaayusan.

Hindi roon nagtapos ang pagbabago sa Mesopotamia. Umangat ang mga Assyrian bilang mandirigma at tagapamahala. Sa ilalim ni Tiglat Pilisar I, lumawak ang imperyo. At sa Sa pamumuno ni Ashurbanipal, naitatag ang unang aklatan sa daigdig, ang aklatan ng Nineveh.

Nang humina ang Assyrian, pumalit ang Chaldean Empire sa pamumuno ni Dabo Polasar. Sa ilalim ng kanyang anak na si Nebuchadnezzar II, muling sumigla ang Babylon. Itinayo ang Hanging Gardens at nasakop ang Judah na dahilan ng Babylonian captivity.

Umunlad din ang astronomya kaya tinawag silang Stargazers of Babylon. Sino sa apat? Sinaunang imperyo ng Mesopotamia.

Piliin ang tamang imperyo. Akkadian, Babylonian, Assyrian o Chaldean. Nagtatag na ng unang imperyo.

Akkadian. May Code of Hammurabi. Babylonian. Kilala sa brutal at siege warfare.

Assyrian. Tinawag na Bagong Babylonians. Chaldean.

Pinagmulan ni Sargon the Great. Akkadian. Nagtayo ng Hanging Gardens.

Chaldean. May aklatan sa Nineveh. Assyrian. Lex Talionis Mata sa mata, ngipin sa ngipin Babylonian Kilala sa astrology at astronomy Chaldean Pinagsanib ang kulturang Sumerian at Semitic Akkadian Ang Stele of Hammurabi o Haliging Bato ay may nakaukit na larawan ni Haring Hammurabi, nakasama si Shamash, ang kinikilalang Diyos ng Katarungan at Diyos ng Araw sa Babilonya. Sa ibabang bahagi ng harapan ng stele, nakaukit ang mga batas na umabot sa 282 inskripsyon.

Batas noon, aral ngayon. Galing kay Hammurabi Pumili ng Isang batas mula sa Code of Hammurabi na sa tingin mo ay may kabuluhan pa rin ngayon. Ipaliwanag kung paano ito makatutulong sa mga kabataan o sa lipunan sa kasalukuyan.

Meso Missing Pieces of Mesopotamia Punan ang patlang ng tamang sagot. Ang unang kabihasnan sa daigdig ay umusbong sa Mesopotamia, sa rehyong tinatawag na Fertile Crescent, sa pagitan ng Ilog, Tigris at Euphrates. Dahil sa matabang lupa, nagsimula rito ang mga lungsod-estado at pag-usbong ng iba't-ibang imperyo.

Ang sumer Ang kauna-unahang kabihasnan, na kilala sa cuniform, ang unang sistema ng pagsulat. Sumunod ang Akkadian sa pumumuno ni Sargon, ang tagapagtatag ng unang imperyo. Naging tanyag naman ang Babylonian. Dahil sa Code of Hammurabi, isa sa mga unang batas na naisulat. Ang Assyrian ay kilala sa kalupitan at pagtatayo ng unang aklatan sa Nineveh.

Sa huli, muling sumigla ang Babylon sa ilalim ng mga Chaldean na nagtayo ng Hanging Gardens. Meso po? Tama!

Tukuyin ang tamang sagot. Anong estruktura ang itinayo bilang templo at sentro ng pamayanan upang parangalan ang Diyos o Patron? Zigurat Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat na ginawa ng mga Sumerian upang itala ang kanilang batas, kalakalan at paniniwala? Cuniform Ano ang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa simbahan o mga pinunong panrelihiyon? Theocracy Anong mahalagang ambag ng sumer sa larangan ng matematika?

Ang base 60 system na ginagamit sa oras at sukat. Sexagesimal system Anong gusali sa Babylon niya ang pinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World? Hanging Gardens of Babylon Sa Mesopotamia, nagsimula ang kabihasnan.

Nawa ay sa kabataan, magpapatuloy ang kaalaman. Intro Music