Nangaraw, ngayon ay tatalakay tayo muli ng isa pampaksa para sa asignaturang komunikasyon at pananaliksik, kung alin ito ay ang sitwasyong pangwika sa panahon ng modernisasyon. Ano nga ba ang kalagayan ng ating wika, ng wikang pambansa sa modernong panahon natin sa kasalukuyan? Kung titignan natin sa dami na mga pagbabago sa ating kapaligiran, paano na nga ba ang nagiging katayuan at kalagayan ng ating wika? Ano-ano pa nga ba ang nananatili para sa mga datihan o mga nakatatanda nating henerasyon? At ano-ano ang nalalaman pa at patuloy ba itong ginagamit at napagbubuti ng bagong henerasyon?
Ito yung ilan sa mga katanungan na maaari nating maisip kapag pinag-uusapan natin ang sitwasyon ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon o sa modernong panahon. Sa katunayan, may mga ilang sektor o bahagi ng ating lipunan na nananatili ang puro na paggamit ng wikang Filipino. May ilan naman na tila nagkakaroon ng paglalaro at pagpapaunlad sa paggamit nito sa pamagitan ng pagpapalit ng ilang salita o pagdaragdag ng ilang letra.
Nagkakaroon dito ng pagpapaunlad, ngunit mayroon din namang mga bahagi na hindi na alam ng ating mga kabataan. May ilan tayong mga salita o bahagi ng ating talasalitaan ng wikang Filipino na hindi na alam o batid ng ating mga kabataan sapagkat At maaaring hindi na nila ito nagagamit o hindi na nila ito naririnig kaya't di na nila alam gamitin. Pero kahit na ang usapin natin ay sitwasyong pang wika sa panahon ng modernisasyon, ito pa rin ang may isip natin.
Na maging sa larangan ng ating sitwasyong pangwika dito sa panahon ng modernisasyon, masasabi natin ang kasabihang walang permanente maliban sa pagbabago. Filipino ang ating nakasanayan at nalinang na wika at ating patuloy na ginagamit bilang pangunahing instrumento sa pakikipag-ugnayan ng mga Filipino. Pero sa panahon natin ngayon, marami ng pagbabago.
Marami ng nag-iba, katulad na lamang sa pag-usbong ng mga call center o iba-iba pang bahagi. ng teknolohiya ng ating bayan. At kaalinsabay ng mga pagbabagong yan, nagkakaroon din ng iba't ibang pangangailangan.
Naroong tumataas ang pangangailangan, higit lalo sa paggamit o paglinang ng ating kasanayan sa paggamit ng wikandayuhan tulad ng wikang igles. At maaaring ito ay nagiging dahilan para pabayaan o hindi nalinangin ang sarili nating kasanayan para sa sarili nating wika na wikang Filipino. Pero bagamat nagkakaroon ng mga pagbabago at walangang permanente maliban sa pagbabago, dapat patuloy at isinasabay din natin sa pagbabago ang ating wikang Filipino. Nagbabago ang paligid, nagbabago ang mga pangangailangan, pero huwag natin kalimutan ang una nating instrumento sa pakikipag-ungnayan ay ang ating unang wikang natutunan kung alin ang wikang Filipino. Ang kasunod natin ay ang impluensya ng mass media at teknolohiya.
Kapag pinag-uusapan natin ang sitwasyong pang wika sa panahon ng modernisasyon, hindi natin agad maihiwalay yung usapin ukol sa mass media at teknolohiya. Marami ang nagaganap na pagbabago sa kasalukuyan, lalo na sa larangan ng ating teknolohiya. At kaakibat ng mga teknolohiyang ito at gayon din ng kabatiran kusa nagmula ang mass media, Ito ay mula sa konsepto at imbensyon ng ibang bansa. At kaakibat ng pagdadala ng teknolohiang yan sa ating bansa ay ilang mga technical na salita mula sa kanilang wika. At itong mga salitang to ay nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw na pagsasalta at pakikipag-ugnayan.
Isa yan sa mga nagiging impluensya sa ating sitwasyong pang-wika ng wikang Filipino sa panahon ng modernisasyon. Kaya nagpapatuloy na nagkakaroon ng modernisasyon, umuunlad ang ating paligid, dapat isabay din natin ang pagunlad ng ating wika. Bagamat ito ay may kaakibat na paggamit ng ibang wika, huwag natin kalimutan na gamitin pa rin ang ating wika.
Ang telebisyon, radyo, dyaryo, internet ay ilan lamang yan sa instrumento. Dapat isaisip natin na ang mass media at yung ating teknolohiya ay nagiging instrumento natin. para magkaroon ng mas mabuting pakikipag-ugnayan o pakikipag-komunikasyon. Huwag natin hayaan na hilahin tayo pababa nito o hilahin ang wika natin pababa nito bagkos isabay natin sa paglinang ng ating wikang pambansa ang pag-unlad din ng ating teknolohiya.
Kaya't bagamat maraming wika o salita ang nagahalo-halo na dahil sa pakikipag-komunikasyon, dahil din sa teknolohiya, Tayo bilang mga Filipino, kayo bilang mga mag-aaral ay maging mapagmasid sa tamang paggamit ng wikang Filipino at iiwasan kung hindi kinakailangan ang code switching lalo na kung ano ang antas ng paggamit kung ito ba'y formal o di-formal na paggamit ng wika bagamat tayo ay kabilang sa panahon ng modernisasyon. Sa pahayag na iyong nabasa, pag-usbong ng ating wika, ano ang sumagi sa iyong isipan? Paano nga ba ang gagawin ko bilang isang mag-aaral, bilang isang bahagi ng lipunan ng Pilipinas? Ano ang aking gagawin para sa pag-usbong ng ating wika? Nasa ating kamay ang pagpapanatili at ang kalagayan ng ikabubuti ng ating wikang Filipino.
Nariyan na ang ating wikang pambansa. Nasa sa atin na lamang para ito ay panatilihin, payabungin. Palaguin at paunla rin pa.
Tayo ang magpapanatili nito sa pamamagitan ng patuloy na paggamit. Gamitin natin ng wasto, angkop at batay sa pangangailangan din sa bawat sitwasyon. Kaya nga nagpag-aaralan natin yung iba't ibang sitwasyon pang wika ng wikang Filipino. Hanggang sa kasunod na henerasyon, nasa atin ang ipagpapatuloy ng gamit ng wika at pagpapasa nito sa panibagong henerasyon. Gayun din kaakibat nito ang pagbibigay halaga sa kulturo.
Ito ang kulturan kalakip ng ating wika. Nawa po ay may naunawaan kayo dito sa ating talakay sa Filipino. Tara, usap tayo.