Okay, kailangan mo ng espada, panangga, blue pants. Uy, ibibigay ko yung bigoteng sinuot ko noong Halloween. Uy, ano ka ba?
E ano kung hindi mo nakuha yung role na prinsesa? Ang saya kaya maging knight? At least hindi ka nakuhang maging puno. Ang gender role stereotypes ay ang pag-asa na kikilos ang isang tao sa tiyak na paraan ayon sa inaasahan ng lipunan base sa kanyang kasarian.
Ang traditional gender roles ay noon pagpanahon kung saan malinaw at may pagkakataong hindi pantay na tuntunin sa kung paano inaasahang kikilo sa isang tao base sa kasarian. Ang mga ipinanganak na lalaki ay inaasahang maging malakas, agresibo, hindi emosyonal, at syempre gusto ang sports. Ang mga ipinanganak na babae ay inaasahang maging mabait, mapag-aruga, emosyonal, at sanay sa bahay. Ibig sabihin, inaasahan silang magluto at maglinis. Ang gender role stereotypes ay nakaka-apekto rin sa pagtingin ng tao kung sinong magaganda at hindi.
Handa pa rin ang taong gawin ang lahat para gayahin ang mga di makatotohanang itsura na nakikita nila sa popular media. Nagda-diet, sobrang pag-eheresisyo, at tumadaan sa plastic surgery. Bukod doon, ang mga strict stereotypes sa kasarian ay kumokontrol sa mga emosyon ng tao. Hindi dapat nagpapakita ng galit ang mga babae, at ang mga lalaki hindi dapat maawain, maaruga, at malambutang kalooban. Maswerte tayo sa pagbabago ng panahon, ganun din ang inaasahan ng tao sa tamang pagkilos base sa kasarian.
Mas marami ng taong may layang kumilos at maging totoo sa sarili nila. At mabuting bagay yun. Sa uulitin, huwag kalimutang bisitahin ako sa amaze.org o sa YouTube channel ko para manood pa.
Kita-kits!