Sa bil-bil-bil, yun yung train. Paano ko matuloyan kung kinakalaba ng mayla? Paano ko maswilduhan yung mga maestra?
Paano ko mas magmilihan ng mga aeroplano pa sa'yo? I need to keep this government running. Maligayang pagdating, mga minamahal naming pasahero!
Kayo po ay nasa TRAIN, o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Central Station. Ang biyaheng ito ay patungong Pilipinas 2022. Ito rin ang biyahe upang marating ang ambisyon natin 2040. Una, layunin ang train na magkaroon ng simple, patas at maayos na sistema ng pagbubuhis. Ang kontribusyon ng bawat Pilipino ay iaayon sa kanilang kakayahang magbayan. Lahat ay makikinabang sa mga pagbubuhis.
programa at serbisyo ng ating gobyerno, lalo na ang mga may hirap. Pangalawa, kinakailangan ng train upang puksain ang matinding kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhuna ng gobyerno sa infrastruktura, kalusugan, edukasyon at iba pang social services. Sa pamamagitan ng simple, patas at maayos na sistema ng pagbubuhis, makakatulong ang train sa paglikom ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa ng gobyerno ngayon at sa susunod pang mga taon upang ang maabot ang ambisyon natin 2040. Simple lang, untrained o tax reform for acceleration and inclusion ay isa sa mga solusyon upang matamu at marating ng bawat Pilipino ang tunay na na pagbabago.
Kaya, mga minamahal naming pasahero, ugaliin pong alamin ang mga impormasyon ng bawat train station na ating daraanan. Mahalagang maunawaan natin ang tax reform for acceleration and inclusion. Sama-sama tayong maglakbay tungo sa pagbabago. Maraming salamat po. Maligayang pagsakay sa train!
Tayo po ay paparating na sa Pro-Sahod Station ng train. Pro-Sahod Station. Dito, mas mataas na ang naiuwing sahod ng karamihan sa empleyadong Pilipino.
Higher take-home pay para sa 99% ng mga income taxpayers ang ipinagmamalaki ng Pro-Sahod Station. ng train law. Bago ipatupad ang train, minimum wage earners lang ang exempted sa income tax.
Ngayon, lahat ng kumikita ng P250,000 pababa kada taon ay exempted. Less income tax, more take-home pay. Tiyak na milyong-milyong pamilyang Pilipino ang makikinabang dito. Ang Pro-Sahod Station ay karugtong din ng Pro-Negosyo Station.
Mas mapapadali ng dalawang istasyong ito ang sistema para sa income taxpayers, paging individual man o mga negosyante. Simple lang. Simpler Tax System. Shorter Forms. Less requirements equals bawas hassle para sa mga manggagawa at negosyanteng Pilipino.
Tayo po ay paparating na sa ProHealth R Kalusugan Station. ProHealth R Kalusugan Station. Prioridad din ng train law ang kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.
Dati, senior citizens lang ang exempted sa value-added tax o VAT sa pagbili ng gamot. Ngayon, kung kayo ay may karamdaman gaya ng diet, diabetes, high cholesterol, at hypertension. Mas mababa na ang inyong babayaran sa pagbili ng gamot para rito dahil exempted na rin ang mga ito sa VAT pag may reseta.
Ito ang tulong ng train law sa mga May karamdaman. Gayunpaman, papatawan ng mas mataas na excise tax ang mga produktong nakakasama sa kalusugan tulad ng sigarilyo at soft drinks. Layunin itong maging mas health conscious ang mga Pilipino. Tayo po ay paparating na sa Pro-Infra Build, Build, Build Station.
Pro-Infra Build, Build, Build Station. Stasyon nito ay hindi lamang para sa pagpapatayo ng mga infrastruktura para sa lahat ng Pilipino. Layunin din itong makalikom ng pondo mula sa mga produktong petrolyo.
Ang top 10% ng mga pinakamayamang household sa Pilipinas ang may kakayahan. At sila rin ang kumukonsumo ng higit kalahati sa lahat ng mga produktong petrolyo sa lahat ng household. Mas malaki ang mayaambag ng mga maykaya ng mga pinakamayamang household sa pamamaraan ng pinatakas na excise tax sa mga produktong petrolyo. 70% ng koleksyon mula sa train ay ilalaan para sa iba't ibang proyekto ng Build, Build, Build sa buong Pilipinas. Mas marami ang maitatayong tulay, kalsada, paliparan, tren at farm-to-market roads.
Mas mapapadali ang pagbiyahe ng mga Pilipino. Mapapabilis din ito ang pagunlad ng mga probinsya dahil mas magiging accessible na ang mga lugar na ito sa kalakalan at turismo. Makakapagpatayurin ang gobyerno ng mga matitibay na eskwelahan at ospital na hindi basta-bastang mapipinsala ng mga sakuna.
Tayo po ay paparating na sa ProPoor Transfer Station. ProPoor Transfer Station Nasa istasyong ito ng train law ang iilan sa mga solusyon para makatulong sa mahihirap na pamilya at senior citizens habang nasa adjustment period ang pagpapatupad ng train law. 30% ng manilikong mula sa train law ay inilalaan para sa mga programa tulad ng unconditional cash transfers at pantawid pasada upang may iahon sa matinding kahirapan at pangalaman. ang mga nasa laylayan. Ibinabahagi ang mga unconditional cash transfers para sa umigit kumulang 10 milyong may hirap na pamilyang Pilipino at senior citizens na maapektuhan ang pagtaas ng excise tax sa mga pidutong petrolyo.
Kasama nito ang pantawid pasada, gayon din ang mga libreng testa trainings. Nakapaloob sa train law ang ganitong mga programa upang alalaya ng may hirap nating mga kababayan. Mga minamahal naming pasahero, paalala pong muli. Layunin ang mga reforma sa pagbubuhis na makarating tayong lahat sa huling station.
Ang ambisyon natin 2040 Station. Bago makarating sa ambisyon natin 2040 Station, daraan muna tayo sa Pilipinas 2022, kung saan mararanasan ang mga sumusunod. Una, tuloy-tuloy na pamumuhuna ng gobyerno sa infrastrukturan, kalusugan, edukasyon at iba pang mga serbisyo para sa lahat ng Pilipino. Pangalawa, mababawasan ang poverty rate mula higit kumulang 22% noong 2015. Pababa sa 14%, makakaahon ng milyong-milyong Pilipino sa kahirapan.
At pangatlo, magiging upper middle income country ang Pilipinas, tulad ng Thailand o Malaysia sa ngayon. Sa ambisyon natin 2040 Station, maaasahan ang mga sunusunod. Simple at maginhawang buhay. Magandang edukasyon. Mabuting kalusugan ng mga Pilipino.
At ang pinakamahalaga, isang matatag at patuloy na lumalagong ekonomiya. Zero extreme poverty, kung saan walang nagugutom na pamilya. Yan ang ambisyon nating 2040. Inaasahan namin ang inyong pagsama sa mga susunod pang biyahe ng ating TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Isa sa mga solusyon upang matamu at marating ng bawat Pilipino ang...
ang mas komportabling buhay at tunay na pagbabago. Tuloy-tuloy ang biyari natin, mga pasaherong Pilipino. Sa Train Law, sagot natin ang pagbabago.