Transcript for:
Origin of Globalization

Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong issue, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pag-isuri nito. May limang perspektibo o pananaw ayon sa kasaysayan sa kung paano nagsimula ang globalisasyon. Una, ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda, manifestasyon ito ng paghangat ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampanataya, mandigmat manakop at maging manlalakbay. Ikalawa, ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago.

Ayon kay Schulte, maraming global sasyon na ang dumaan sa nakalipas na panahon at ang kasalukuyang global sasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaari magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang global sasyon kaya higit na mahalagang tignan ang iba't ibang siklong pinagdaanan nito. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o epoch o panahon na siyang binigyang diin ni Thurborn. Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon. Ang unang wave ay ang ikaapat hanggang ikalimang siglo.

Tinawag itong globalisasyon ng reliyon. Sa panahon ito lumaganap ang Islam at Kristyanismo. Sinundan ito ng huling bahagi ng 15 siglo. Ito ay panahon ng pananakop ng mga Europeo. Ang pagtuklas nila ng mga bagong lupain ay nagbungsod ng globalisasyon.

Ang huling bahagi ng 18 hanggang unang bahagi ng 19 siglo ay panahon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa globalisasyon. Ang gitnang bahagi naman ng ikalabingsyam na siglo hanggang 1918 ay ang rurok ng imperialismong kanluranin. Mas maraming lupain na ang narating na mga mananakop. Matapos naman ang World War II, nahati ang daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal, particular na ang komunismo at kapitalismo.

Ang huling wave ng globalisasyon ay nangyari matapos ang Cold War. Nanaig ang kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Dahil dito, naging mabilis ang pagdaloy ng mga produkto, servisyo, ideya, teknolohya at iba pa sa pangunguna ng Estados Unidos.

Itinampok ng Thurborn na ang globalisasyon ay hindi isang bagong penomenon o pangyayari at hindi rin isang siklo. Ang ikaapat ng perspektibo ay nagsasabi na ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa espesipikong pangyayari na ganap sa kasaysayan. Ilan sa mga pinagmula nito ay ang Una, pananakop ng mga Romano bago ipanganak si Kristo.

Ikalawa, pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano. Ikatlo, paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo. Ikaapat, paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang Amerika. Ikalima, kalakalan sa Mediterranean noong gitnang panahon. At ikaanim, pagsisimula ng pagwabangko sa mga siyudad-estado sa Italia noong ikalabing dalawang siglo.

Ang mga ito ang sinasabing pinagugatan ng globalisasyon. Maaari nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo nang una ginamit ang telepono sa pamamagitan ng transatlantic table noong 19... o nang lumapag ang Transatlantic Passenger Jet mula New York hanggang London noong 1958. Maaari din namang nagsimula ito nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satelite noong 1966. Mayroon din nagsasabi na ang globalisasyon ay nagsimula noong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang global na daigdig.

Ang huling pananaw o perspektif Ang prospektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo. Tatlaw sa mga pagbabagong na ganap sa panahon ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Una, ang pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang kalawang digmaang pandaigdig. Ang lakas militar ng Estados Unidos ay ipinakita ng talunin nito ang Japan at Germany sa ikalawang digmaang pandaidig, kaya't kinilala bilang global power. Naungusan din ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sinakop ang mga bansang Korea at Vietnam.

Ikalawa, paglitaw ng mga multinasyonal at transnational corporations. Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong 18-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States, marami sa mga ito ay kasalukuyan nagtutoon ng pansin sa ibang bansa Partikular na sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at General Motors.

Dati, mamimili ng sariling bansa ang focus ng mga kumpanyang ito, subalit sa kasalukuyan, malaking bahagdan o persyento ng kanilang kita ay nanggagaling sa mga bansa sa Asia at Latin America. At ikatlo, ang pagbagsak ng Soviet Union at ang pagkatapos ng Cold War. Sinasabing ang pagbagsak ng Iron Curtain at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito, mabilis na nabura ang markang nagahati at naghiwalay sa mga bansang komunista at kapitalista.

Pumasok ang mga multinational companies sa mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas. Mula sa mga pangyayari na banggit, sa iyong palagay, ano ang naging dahilan ng pagsimula ng globalisasyon?