Transcript for:
Mga Proyekto ng Reklamasyon sa Pilipinas

Ito ang Pilipinas, perlas ng silanganan, binubuo ng nasa 7,600 at 41 mga isla. Pero tila hindi pa ito sapat para sa iba. Halos dalawang daang reclamation project ang isinusulo ngayon sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang reclamation ay ang prosesong paglikha ng bagong lupa mula sa mga karagatan, dagat o ilog sa pamamagitan ng pagtatambak. It's a kind of surreal na nasa gitna tayo ng dagat tapos ngayon biglang meron ng malaking isla dito. Senyalis man ang pagundad para sa iba, marami rin ang umaaray. Masama po yan, pati po yung sa Yololay na malayo po na yun. Napaka-delikado kasi bigla lang bumuguho yung mga bato. Para saan ba ang mga proyektong ito? Ano ang kapalit? At sino ang makikinabang? Magsisimula ang ating kwento sa Bayan ng Koron. kilala sa kanyang nakabibighaning karagatan at mga isla. Ngayon, bahagi na rin ang tanawin ang espasyong ito, 22 hektarya ng bagong tambak na lupa sa baybaying dagat. Phase 2 ito ng Coron Bay Development Project. Proyekto ito ng Palawan Provincial Government, kasosyo ang dalawang pribadong developer, ang BCT Trading and Construction at 428 Hitech Group, Inc. Plano sana itong tayuan ng iba't ibang establishmento, kaya ng mga mall, kondominio, hotel at kasino. Sinimula ng pagtatambak noong 2020 sa kasagsagan ng mga lockdown dahil sa pandemia. Tutulman sa nangyayari, wala rong magawa noon sina Edgar. Isa pa naman sa pangunahing apektado ng reclamation project, ang mga manging isda tulad niya. Malaking kawalan po kaagad yun sa side ng mga manging isda. Tsaka kumunti talaga yung huli. Dati nakaka-30 kilos, so kalahati nun nawalan. Batay sa pag-aaral ng ilang marine biologists sa karagatan malapit sa reclamation site, bumaba ang klase o uri ng mga isda, kanilang timbang, at bilang ng mga isdang matatagpuan sa mga bahura. Dahil sa siltation o pagdeposito ng lupa at putik sa dagat na idinulot ng reklamasyon, napinsala raw ang mga bahura, bakawan at seagrass ecosystems na nagsisilbing tahanan ng mga isda at ibang lamang dagat sa paligid. Kinumisyon ang Sagipkoro ng Pag-aaral, isang grupong nabuo para tutulan ang reclamation project sa lugar. Naging aktibong miyembro nito si Edgar. At noong Marso, malaking tagumpay ang nakamit ng grupo. Kinansila ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang Environment Compliance Certificate o ECC ng proyekto. At ipinatigil ng Philippine Reclamation Authority o PRA ang anumang reklamasyon. Noong Hunyo, ipinag-utos ng PRA ang Total For Feature ng nareclaim na lupa. Ibig sabihin, magiging pag-aari na ito ng pambansang pamahalaan. Dahil sa utos, mahigit kalahati lang ang natapos sa dapat sanay 50 hektarya ng tatambakang karagatan. Pero bukod sa karagatan, nag-iwan pa ng ibang pinsala ang proyekto. Tulad na lang sa mga quarrying site na pinagkuna ng panambak. Ano po ito dati? Bundok lang ito? Bundok po ito. Ganyan, kahuyan din. May mga kahuy. Ganun po yan. Isa pa sa community leaders ng Sagip Coron ang magsasakang si Rudy. Ipinakita niya sa akin ng isang kwari na ipinasara din ng DENR dahil sa mga paglabag nito sa permit. Yung ganito po bang pagkakwari, may epekto sa inyo bilang magkasaka? Malaki po, malaking epekto. Yung mga tubig na pinangguling na siyang kailangan ng magsasaka, pangunahing kailangan ng magsasaka, natutuyo. Parang binuksan mo siya, binalatan mo yung bungok. Pero ang isa pang pangamba ni Rudy, ang piligrong maaaring itulot ng mga lugar na ito na tila iniwan na lamang ng nakatiwangwang. Hindi na ho na rehab. Dapat sa isang mountain quarry dapat nakasunod agad yung nagrehab. At yan po, palambot na ng palambot yan. Delikado din para dito sa mga nakapaikot na nakatira dito. Sa kalapit na quarrying site, nagpapatayo na ng stadium. Pagamat mapapakinabangan naman sana ng mga residente, tingin ni Rudy, delikado ang lugar na ito. Ano pong nangyari dito? Mountain quarry po ito. Gumuhu. Gumuhu po yan dahil lumukan. Lumambot yung lupa tuloy-tuloy na po. Kabila't kabila gumuguho na. Nakikita natin. Ano po ang inaalala nyo dito? Inaalala po namin ito yung mga... Dahil stadium po ito, pupunta yung mga maraming tao. Eh, napaka-delikado. Kasi bigla lang gumuguho yung mga bato. Dito. Pero may iba pa palang reclamation project sa Coron na tila patagong ginagawa. Sumama ako sa isang lokal na opisyal ng DENR para silipin ang isa sa mga ito. Saan po yung daan dito? Ano pong problema? Walang. Dito po ba, Dan? Saan po ang office? Oo. Dito ba yung tinatambakan yung mangrove? Yung nagre-reclaim dito yun, sa loob? Laptime. Anong meron sa loob? Hindi ka pa nakapunta doon? Ganon katagal ka na dito? Isang buwan pa lang po. Kasama kayong DNR, e. Di ba kami pwedeng tumingin sa loob? Hindi kasi, pro. Doon nang pala mo na rin sa... Ano? Sa... Yung part na riniklaim nandun sa loob. Dahil sa naka... Naka-backhood at linock nila yung gate, hindi natin malapitan. Pero aware po kayo dun sa nangyayaring reclamation dito? Noon, nagkanda kami po ng inspection. May-exit pa lang noon. Then, agad-agad, nag-file po agad kami ng case against po sa developer. Kaso, nag-dismissed. Paano pong nag-dismiss? Hindi ba dapat humihingi sila ng permit sa inyo bilang Senro ng Koron para gawin ito? Dahil bakawan ito eh. Sa totoo lang, hindi naman talaga bibigyan ng permit dahil siyempre bakawan yan. Bawal na mong tapot talaga ito yan. Sinilip namin ang lugar mula sa ere. Sa itaas, makikita na tila tinambakan ang isang bahagi ng bakawan malapit sa dagat. May ilang gusali na rin doon. Sabi ng opisyal, plano nilang muling maghahain ng reklamo laban sa developer sa lugar. Pero sa isang liham na ipinadala sa amin ng developer, itinanggi ng tagapangulo ng kumpanya na nagsasagawa sila ng reklamasyon doon. Giyit pa nila, tituladong lupa ito. Hindi po posibleng na magkaroon sila ng titulo dyan. Hindi po magkakaroon ng titulo yan dahil ito ay unclassified public forest, considered as forest land. So yung mga construction dyan, katulad ng building na itinayo, talagang illegal yun dahil wala po permit na nagaling po sa DGNR. Ngunit paano kung mismong lokal na pamahalaan ang hindi dumaan sa tamang proseso? Ako po! Sunod kong pinuntahan ng lugar kung saan itinatayo ang bagong palengke ng bayan. I-denonate daw ang lupa sa probinsya ng may-ari ng isa sa mga developer ng Coronbey Development Project. Sa ibabaw, kitang-kita ang bahagi ng wetlands o bakawan na tinambaka ng lupa. Pero ayon sa DENR, Walang kaukulang mga permit ang proyektong ito. Yan din ang sinabi ng PRA. Mas malinawang pinsala sa malapitan. Ito yung edge ng dating mangrove area na natabunan na rin itong reclamation project. Masakit tignan. Hindi ko alam kung worth it ba yung cost na magkaroon ng ganitong destruction ng napakahalagang resource. ng napakahalagang mangrove forest. At yun nga yung lagi nating tinitimbang kapag pinag-uusapan ng mga reclamation project. At habang gumugulong ang malalaking proyekto, marami pa rin residente ng Coron ang tila na huhuli, nagtitiis sa mga lugar na masikip at marumi. Ilang ulit naming sinubukang kunin ang panig ng lokal na pamahalaan ng Coron tungkol sa mga kontrobersyal na proyekto. Good morning po. Adyan na po ba si Mayor? Pero hindi nagpa-unlock ng interview si Mayor Mario Reyes Jr. Samantala, tiniyak naman ang Palawan Provincial Government na susunod sila sa anumang kautusan ng mga ahensyang nakatutok sa proyekto. Pareho namin hiningi ang panig ng dalawang developer ng proyekto. ang BCT Trading and Construction at 428 Hitech Group, Inc. Ayan niya. Ayan yung original na plano ng base 2. Si Engineer Ernesto Mercado, dating Vice Mayor ng Makati at taga-Pangulo ng isa sa mga developer, ang natasang magsalita para sa dalawang grupo. Gihit niya, nasa proseso na sila ng pagkumpleto ng mga requirements Nang biglang ipatigil ang proyekto. Bakit po sa tingin ninyo pinatigil yung reclamation kung sa posisyon ninyo eh complied naman kayo dun sa lahat ng requirements? Well, yan ang big question mark sa aming side na hindi namin alam. Dahil inisiyohan kami ng notice of violation, imbis na pakinggan yung sagot namin, kinasil yung aming isisi. Pero hindi pa rin daw sumusuko si Mercado. Uma-appel na raw sila sa mga otoridad. So umaasa pa po kayo na eventually makakabalik kayo doon? Naniniwala ako dahil sa yung huling meeting namin with the DNR Secretary, meron siyang mga ipinakukumplay sa aming na requirement. On process kami doon. Ang PRA naman iginiit na hindi dapat nagsimula ang reklamasyon kung kulang pa sa mga rekisitos. Wala rin daw politika sa likod ng kanilang utos na ipatigil at i-forfeit ang reklamasyon. Hindi siya chismis eh. We went to the place and na-verify namin and na-confirm namin na may illegal reklamasyon. Alam ni La Rudy na minsan, mabilis magbago ang ihip ng hangin, lalo na sa politika. Sa ganitong mga laban, hindi raw pwedeng magpakakampante. Kailangan po tuloy-tuloy yung pagbabantay. Hindi po pwedeng ipagpahubayan sa mga ahinsya na siyang nag-handle nito. Hindi po namin pinagkakatiwala talaga yung tagumpay na yan. At may isa pang dahilan na maging maingat at mapagbantay. Si Rudy, ilang beses na rin daw nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay. Sa 2022 report ng grupong Global Witness, Pilipinas ang pinakadelikadong bansa sa Asia para sa environmental defenders. At pang-apat na pinakadelikado sa buong mundo. At tila nasa bakuran lamang ni Rudy. Ang panganib Bago pa sumingawang umano'y maanumalyang paggamit ng Malampaya Fund na mula sa Malampaya Gas Project sa Palawan, naamoy na ito ng pinaslang na broadcaster na si Dr. Jerry Ortega. Noong 2011, pinaslang ang broadcaster na si Dr. Jerry Ortega sa Puerto Princesa, Palawan dahil umano sa isiniwalat na katiwalian sa Malampaya Fund. Ito rin ang pinanggalingan ng pondo para sa 10 hektaryang Phase 1. ng Coron Bay Development Project na ginawa noong 2007. Ang itinuturong mga mastermind sa krimen, ang magkapatid na sinadating Palawan Governor Joel Ríez at ang kasalukuyang Alcalde ng Coron na si Mario Ríez Jr. Mariin nilang itinatanggi ang mga parata at patuloy ang paglinig sa kaso. Hindi ka ba napapaisip na environmental defender ka din? Baka mapag-initan ka. Iniisip ko din po yan minsan pero pagka lahat po ng tao ay mag-isip na hindi kayang gawin, wala na pong mangyayari. Pero hindi lang naman sa Koron may ganitong mga issue. Sa buong Pilipinas, may mahigit 180 mga reclamation project na nasa iba't ibang yugto, batay sa opisyal na talaan ng PRA. Sampu rito ang four implementation na. Sa Manila Baylang, 24 ang pinaplanong reklamasyon, nasasakop ng nasa 7,000 hektarya ng karagatan. Nagsimula ng magtambak sa Manila Bay ang apat na proyektong aprobado na. Isa rito ang Manila Solar City, isang mixed-use development na itatayo sa 148 hectares ng reclaimed na lupa. Pinuntahan namin ang lumalaking isla sa gitna ng Manila Bay. Ganito na ang tsura ng Manila Solar City ngayon. So dito nakikita natin yung ongoing construction over there. May mga heavy equipment. At mukhang nagsisimula na rin silang mag-construct ng ilang structures aside from yung mga temporary na outpost. Malaki-laki na siya. Actually, kung tutusin... Maganda yung location kasi imagine nyo kung merong mga establishments dito, ito yung view mo, yung skyline ng Manila. Ito yung Rojas Boulevard at makikita mo yung mga gusali dyan. Pero ang isang interesting question ngayon dahil sa bagong gawa itong isla na ito, ikaw nga, sino ngayon ang may-ari nito? Ang totoo, malaki na ang ipinagbago ng Maynila dahil sa iba't ibang reclamation projects mula pa noong panahon ng mga Kastila. Sa isang mapa noong 1898, makikitang katabi na ng tagat ang Tondo, San Nicolás at magingang Intramuros. Pero ito na, ang hugis ng baybayin ngayon. Mula Rojas Boulevard, North and South Harbor, CCP Complex at Mall, umusbong ang mga bagong espasyo sa Maynila mula sa karagatan. Pero ang biyaya, may kapalit. Lalo na para sa mga nakatira malapit sa baybaying dagat. Ang mga maralitang residente ng Baseco Compound na tinatayang nasa 150,000 o higit pa, nanganganib pa paalis dahil sa mga reklamasyon sa kanilang komunidad. Si Marlon, dati na rin naranasang mapaalis dahil sa reclamation project ng malaking mall sa Pasay. Pinalipat daw sila sa isang housing project sa Cavite, pero hindi rin sila nagtagal doon. Wala rin nga na buhay, malayo sa eskwelahan, malayo sa palengke, malayo sa hospital. Niiwan namin yung bahay namin dahil din sa kahirapan. Wala kayong trabaho dyan. Nagsumiksik kami rito. At ngayon, tila maulit ang kasaysayan. Yung kinatatakot namin ay yung mawawalan kami ng karapatan dun sa aming lugar. Malaking dagok-tindawang reklamasyon sa ekosistem ng Manila Bay, na isa sa pinakamahalagang pangisdaan sa bansa. Ang grupong Oceana, tutol sa mga proyektong ito. So yung tatambakan mo na dagat, ecosystem yan. Akala natin buhangin lang yan, pero may buhay dyan. So may isda, may mga shells, at kung ano pang mga organisms. Kailangan din natin tingnan yung mga maapektohan na mga lokal, yung livelihood nila. Kung hindi ganitong klaseng development ang gusto natin makita sa Maynila, ano ba ang proposal ninyo? Hindi naman tayo against sa development, pero gusto natin na dapat sustainable. development siya. Protection na yung Manila Bay, rehabilitation. So hindi lang pagkain yung makukuha natin. Protection sa kalamidad, mas lalo ngayon na nagbabago na yung klima. Sa isang liham sa aming programa, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Manila na lahat ng reclamation projects sa kanilang lungsod ay dumadaan sa mga nararapat na ahensya, particular ang PRA at DNR. May isa pa akong gustong makita. Ang itinuturing na pinakamalaking reclamation project sa bansa. May isa pa akong gustong makita. Ang itinuturing na pinakamalaking reclamation project sa bansa. Ang New Manila International Airport sa Bulacan, Bulacan. Sinasabing may lawak na 2,000... 2,500 hectares. Base sa website ng kumpanya, itatayo ang world-class airport na may target na 100 milyong pasahero kada taon. Giit nila, solusyon nito sa air traffic congestion. na nararanasan ng Metro Manila. Makalilikha rin daw ito ng maraming trabaho, magpapalakas ng lokal na ekonomiya, at maitataas ang imahe ng bansa bilang investment and tourist destination. Kasama ang isa pang environmentalist, sinuong namin ang sangasangang daluyan ng tubig. Determinado ang mga manging isda na ipakita sa amin ang proyektong matagal lang bumabagabag sa kanila. Maya-maya pa, tumambad na ito sa amin. Dahil pinagiinitan daw ng mga otoridad ang mga kritiko ng airport sa kanilang lugar, nakiusap ang aming bankero na itago ang kanyang pagkakakilanlan. Kwento niya, balaking perwisyo sa kanila ang proyektong ito. Kayong mga mangingisda, nakakapunta pa ba kayo dito para mangingisda? Hindi na. Hindi na kami pinampuntari yan. Bakit na naglakas loob kong magpunta dito ngayon? Para makita rin ang ninyo at saka ng tao na ganito ang kalagayan ng mangingisda. Sa loob ng mga susunod na taon, ang baybahing ito tuluyang maglalaho. So, klaro naman na nandito tayo sa gitna ng wetlands. Itong nasa likod ko ay isang malawak na bakawan. At sa paligid, may mga manging ista, mga kumukuha ng mga shellfish doon. At kung lalakad lang tayo dito, ito na yung bagong airport na ginagawa. Pero may iwasan ba talaga ang ganitong mga pagbabago? Marami namang reclamation projects ang nagaganap sa iba-ibang bahagi ng mundo, kahit sa Pilipinas. Is it really that bad? Ang reclamation ay malaki talaga ang negative impact sa kabuang ecology ng... isang lugar. Maraming sinisira sa kalikasan. Kaya para sa amin, hanggat maaari, huwag mag-reclamation. Kung may mahanap na lupa na pwedeng doon naman itayo. Doon na lang itayo. Dapat itigil yung ganitong paulit-ulit na lang na business as usual na magtatayo ng malaking project at aambunan ng biyaya ang mga maliliit na mga mamamayan. Kasalukuyan pa namin kinukuha na ng panig ang proponent ng New Manila International Airport. Nakipag-ugnayan din kami sa DENR para alamin kung paano nila inaaprobahan ang mga reclamation project. Wala pa rin silang sagot. sa aming programa. Why reclaim in the first place? Ba't hindi nalang i-utilize yung mga areas na hindi kailangan na mag-reclaim para wala na rin ganun kalaking environmental impact? First reason is urban sprawl. Kasi kulag na sila ng... And secondly, economic driver itong reclamation. May infusion ng capital, may employment. Bakit hindi nalang mag-move sa mga less congested municipalities and cities? Tingnan natin yun, diba? Dapat nga pupunta sa Tarlac at Pampanga ang national government kasi tayo yung magnet eh. Pero sino ba nag-move doon? Ang sa akin kasi, madaling sabihin mo yung mag-relocate eh. Maybe ang kailangan lang sir ay political will. Yes. Wala namang masama sa pag-unlad at matagal na nating hinuhubog ang mundo ayon sa pangangailangan. Ngunit may hangganan din ang kalikasan at dumalaki rin ang mga hamon ng nagbabagong klima. Aanhin pa ang mga bagong mall, kondominium, kasino, pantalan at paliparan kung kasabay nito'y mga perwisyo. At kung mababaon lamang ang tunay nating yaman na dapat... pinangangalagaan. Magandang gabi. Ako si Atom Maraulio at ito ang Eyewitness.