Transcript for:
Kasaysayan ng Sumer

Ang Sibilisasyon ng Sumer Ang kabiyas ng Sumer ay tinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabiyasnan sa daigdig na umusbong sa Mesopotamia taong 3500-3000 BCE. Ang Mesopotamia na kinilala bilang Cradle of Civilization ay matatagpuan ngayon sa Kanlurang Asia. Ang salitang Mesopotamia ay hango sa dalawang lumang salita na meso na ang ibig sabihin ay gitna at potamos na ang ibig sabihin naman ay mga ilog. Kaya't ang salitang Mesopotamia ay may literal na kahulugang lupain sa gitna ng mga ilog. Ang Mesopotamia ay bahagi ng tinatawag na Fertile Crescent.

Isang arko na matabang lupain dahil ito ay dinadaluyan ng malalaking ilog gaya ng Tigris at Euphrates. Teokrasya ang uri ng pamahalaan na umiral sa sinaunang Sumeria. Ito ay isang uri ng pamahalaan na nasa ilalim ng pamumuno ng simbahan. Ang mga pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Mipur at Kish.

Ang bawat lungsod ay pinamunuan ng mga paring hari na tinatawag na Patesi na tumayo bilang spiritual at political na leader na kumakatawan bilang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos. Ang zigurat ay matatagpuan sa bawat lungsod estado at nagsisilbing tahanan at templo ng patron o Diyos ng isang lungsod. Ayon sa matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ang siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo.

Ang mga Sumerians ay naniniwala sa maraming Diyos at Diyosa. Ilan sa mga pangunahing Diyos na kinipilala ay si Anne, ang Diyos ng Kalangitan, si Enlil, ang Diyos ng Hangin, si Enki, ang Diyos ng Katubigan, at si Min Hursag, ang Diyos ng Sangkalupaan. Sa lipunan ng sinaunang Sumerians ay may mataas na pagtingin sa mga harit na sinundan ng mga mga ngalakal, artisano at mga iscribe at sa huli ay ang mga magsasaka at mga alipin. Mayroong sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan na itala ng mga iscribe ang mga mahalagang pangyayari, tradisyon at epiko gaya ng Epic of Gilgamesh na nagsilbing katibayan ng kanilang kabiasnan.

Naimbento ang teknolohiya sa pagsasaka tulad ng araro at mga kariton na may gulong, pagawa ng palayok, paggamit ng salaping pilak, lunar calendar, at decimal system. Ang Sibilisasyon ng Sumer