Ang Kabyas ng Romano Ang Kabyas ng Romano ay sumibol sa bansang Italy na matatagpuan sa kanlurang Europa. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo na maraming kabundukan at ilang mga kapatagan.
Isang mahalagang kapatagan dito ay ang kapatagan ng Latium, kunsaan dumadaloy ang ilog Tiber. Ang Rome ay naitatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo bago ang karaniwang panahon. Ito ay itinatag ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo.
Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa kapatagan ng Latium. Ayon sa isang matandang alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang sila ay sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa ilog Tiber ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kanyang trono. Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaeng lobo. Nang lumaki ang kambal at nalaman ang kanilang pinagmulan, ay kanilang inangkin muli ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Ilog Tiber noong 753 BCE.
Ang mga Romano ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika at sayaw, at dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal at kalakalan. Noong 509 BCE ay namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Matagumpay niyang napatalsik ang huling haring Etruscan ni si Tarquinius Superbus at itinatag ni Lucius Junius Brutus. ang isang republika na tumagal mula 509 hanggang 31 BCE.
Sa Republikang Romano, sa halip na pumili ng hari ay naghalal sila ng dalawang konsul na may kapangyarihan na tulad ng isang hari at manunungkulan lamang sa loob ng isang taon. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul ay humina ang sangay ng tagapagpaganap. At sa oras ng kagipitan ay kinakailangang pumili ng isang diktador na manunungkulan lamang sa loob ng 6 na buwan. Ang isang diktador ay magtatamasa ng higit na kapangyarihan kaysa sa mga konsul.
Tanging ang mga patricians o maharlika ang maaaring mahalal na konsul, diktador at senador. Ang mga plebians o karaniwang mamamayan ay hindi pinapayagang makakuha ng posisyon sa pamahalaan maliban sa pagiging isang sundalo. Ang Republika ng Roma ay naging imperyo noong 27 BCE at si Octavian ang naging unang emperador na mas kilala sa titulong Augustus Caesar.
Matapos ang halos limang siglo ng pamamayani, ang imperyo ng Roma ay bumagsak noong 476 CE. Ito ay bunga ng sunod-sunod na pagkatalo sa digmaan, problemang pang-ekonomiya, Sobrang gastusin sa gawain militar, korupsyon sa pamahalaan, at marahil na rin sa sobrang lawak ng kanilang nasasakupan. Ang ilan sa mahalagang kontribusyon ng kabihas ng Romano para sa mundo ay ang batas. Ang mga Romano ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinuunang panahon.
Ang kahalagahan ng 12 tables ay ang mga katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrisyan man o plebian. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at atyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at pamamaraan ayon sa batas. Ikalawa ay ang panitikan.
Ang panitikang Romano ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo bago ang karaniwang panahon. Subalit ang mga ito ay salin lamang na mga tula at dula ng bansang Greece. Ang halimbawa nito ay si Lubius Andronicus na nagsali ng Odyssey sa wikang Latin. Si Macchius Plotus naman at Terence ang mga unang manunulat ng komedya.
Ang iba pang kilalang manunulat at orador na Romano ay si Natitus Lucretius Carus at Gaius Valerius Catulus. At si Cicero, isang manunulat na nagpahalaga sa batas at nagwikang ang batas ay hindi dapat maimpluwensyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera. Pagdating naman sa Ingenieria o Engineering ay ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing.
Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pagugnayin ang buong imperyo kabilang na ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ay ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at Timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalihin ang tubig sa lungsod. Pagdating sa arkitektura ay sinasabing ang mga Romano ang nakatuklas ng semento.
Marunong na rin silang gumamit ng stuko. Isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay kinamit sa mga templo, aqueduct at iba pang mga gusali.
Ang estilo ng gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilika, isang bulwaga na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng asembleya. Ang forum ay ang sentro ng lungsod. at ang Coliseum, isang amphitheater para sa labanan ng mga gladiator.
Pagdating sa pananamit ay dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay ang kasuotang pambahay na hanggang tuhod at ang toga ay isinusuot naman sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin ang kasuotan, ang stola.
ay ang kasuotang pambahay na hanggang talampakan at ang palya na inilalagay sa ibabaw ng istola. Ang kabiyas ng Romano