Transcript for:
Sinaunang Kabihasnan sa Mesoamerika

Kapag binabanggit ang mga sinuunang kabihasnan, madalas nating naiisip ang mga sinuunang kabihasnan ng Mediterenyan, Mesopotamia at Egypt. Gayunpaman, sa kabilang bahagi ng karagatang Atlantiko, isang grupo ng mga kabihasnan ang umusbong, ang kabihasnan sa Mesoamerika. Sa pagitan ng 100,000 hanggang 8,000 BCE, pinaniwala ang narating ng mga unang tao ang Amerika. Naging posible ito dahil sa Ice Age.

Malaking bahagi ng katubigan ang naging yelo, sandhi upang bumaba ang sea level. Dahil sa pagbaba ng tubig sa dagat, lumitaw ang tulay na lupa sa Bering Strip sa pagitan ng Asia at Amerika. Ayon sa mga eskolar, dito dumaan ang mga unang tao habang hinhabol nila ang mga hayop na kanilang kakainin. Iba-iba ang direksyong tinahak ng mga grupo ng unang tao sa Amerika.

May ilang nanirahan malapit kung saan sila pumasok. Ang ilan naman ay sa Great Plains ng Mississippi at meron din namang tumira sa silangan ng Ohio River. Gayunpaman, ang pinakamataas na antas ng kabihasnan na umusbong sa dalawang Amerika ay matatagpuan sa rehyon na kung tawagin ay Mesoamerika o ang Gitnang Amerika. Ang unang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerika ay ang kabihasnang Olmec noong 1200 BCE.

Naitatag ang kabihasnang ito sa isang mainit at basang lupain sa baybayin ng gulpo ng Meksiko. Ang kanilang lupain ay sagana kung kaya't naging pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga naninirahan dito. Mahalagang makilala ang Olmec dahil kinikilala ito ng mga mananaliksik bilang mother culture o ang pinagmulang kultura ng mga Maya, Toltec at Aztec.

Ang mga Olmecs ay nagpagawa ng malalaking lungsod. Isang halimbawa nito ay ang La Venta kung saan isang malaking piramid ang natagpuan. Sinasabi na ang mga piramid ay ang pook kung saan nagsasagawa ng ritual at pag-aalay ang mga Olmecs.

Bukod sa mga piramid at mga lungsod, ang mga Olmecs ay nakilala din dahil sa kanilang inukit na naglalakihang batong rebulto ng ulo. Ang mga rebulto na ito ay nagpapakita ng imahen ng kanilang pinuno o ng Diyos. Sa usapin ng relihiyon, maraming Diyos na sinasamba ang mga Olmecs. Ngunit ang kanilang pangunahing sinasamba ay ang Jaguar dahil sa angkin nitong bangis at lakas. Sa hindi pa din malinaw na kadahilanan, bumagsak ang kabihas ng Olmec noong 400 BCE.

Sa silangan ng kabihas ng ito, umusbong ang kabihas ng Maya. Ang kasaysayan ng kabihas ng Maya ay nagsimula noong taong 300 at nagbukas naman noong taong 900. Sa puntong ito ng kasaysayan, maasabing nakamit ng mga Mesoamerikan ang kanilang pinakamataas na antas ng kabihasnan. Ang kabihas ng Maya ay mayahalin tulad natin sa mga lungsod-estado ng Sumer.

Kagaya ng kabihas ng Sumeria, ang kabihas ng Maya ay binubo ng marami at nagsasariling mga lungsod-estado. Kadalasan din, ang mga lungsod-estado ng Maya ay nagdidigmaan laban sa isa't isa. Sa gitna ng bawat nung sodestado, matatagpuan ang isang piramid, kung saan pinaniniwala ang isinasagawa ang pag-aalay. Tuwing may digmaan, ang mga sundalong nauhuli ay ginagawang alipin. Samantala, ang kanilang pinuno ay iniaalay sa mga diyos.

Ang lipunang maya ay nahahati batay sa iyong katayuan sa lipunan. Sa itaas ng lipunang Maya ay ang mga hari ng lungsod estado. Bukod sa politikal na kapangyarihan, mayroon ding kontrol sa relihiyon ang mga hari dahil pinaniwala ang nagmula sila sa pamilya ng mga Diyos.

Ang sumnod na antas na lipunang Maya ay ang mga pari, maharlika at mga advisors ng hari. Ang pinakamaraming sa lipunang Maya ay ang mga karaniwang mamamayan. Sila ay kadalas ang mga mga ngalakal at magsasaka.

Sa pinakailali ng social hierarchy ng mga Maya ay ang mga alipin. Bukod sa mga pirimid at mga malalaking lungsod, ang mga Maya ay nakagawa rin ng kanilang sariling paraan ng pagsulat. Kayonpaman, nakalimutan na ng daigdig kung papaano basahin ang kanilang pagsulat. Dahil noong 16th century, winasak ng mga Espanyol ang lahat ng aklat na kanilang naisulat.

Isa sa kakatuwang bagay na nagpasikat sa kabihas ng Maya sa kasalukuyang panahon ay ang kanilang kalendaryo. Ayon sa kalendaryo ng mga Maya, ang daigdig ay magwawakas dapat noong December 23, 2012. Kay gaya ng mga Olmec, palaisipan pa din sa kasalukuyan ang sanhinang pagbagsak ng kabihas ng Maya. Ilan sa mga hypothesis sa pagbagsak na ito ay ang digmaan sa pagitan ng mga lungsodestado, overpopulation, at ang pagsalakay ng mga Toltec.

Ang kabihas ng Toltec ay umusbong sa Tula, Mexico noong taong 900. Nakilala ang mga ito sa pagiging paladigma. Sa kanilang lipunan, mayroong tatlong uri ng mandirigma, ang Jaguar Warrior, ang Coyote Warrior at ang Eagle Warrior. Gayunpaman, bumagsak din ang kabihas ng Toltec noong 1200 dahil sa isang rebilyon. Nagkaroon ng rebelyon sa kabihas ng Toltec makalipas subuking baguhin ng kanilang pinuno ang diyos na sinasamba ng mga tao.

Sa pagbagsak ng kabihas ng Toltec, isang panibagong makapangyarihang imperyo ang sisibol sa rehyon, ang Aztec. Ang mga ninuno ng Aztec ay mula sa desyerto ng Hilagang, Mexico. Noong 1200 CE, narating na mga ito ang lambak ng Mexico.

Sa simula ng kanilang kasaysayan, ang mga Aztec ay may hindi. at lagalag na tao. Ginamit sila ng mga mas malalakas na kaharian bilang mga bayarang sundalo. Ayon sa kanilang alamat, nakausap ng kanilang pinuno na si Tenok, ang Diyos ng Araw at Tigmaan na si Wizo Lipokli. Sinabi nito sa kanya na kanyang itatatag ang kanyang kaharian sa lugar kung saan may kita niya ang isang agilang kumakain ng ahas habang nakatungtong sa isang kaktus.

Pinaniwala ang natagpuan ni Tenok ang lupain na ito sa isang isla sa gitna ng Lake Texoco. Isinama niya ang kanyang mga tagasunod sa isla na ito kung saan kanyang itinatag ang lungsod ng Tenok Titlan. Nagpagawa siya ng mga causeway o isang manipis na tulay upang maidugtong ang Tenok Titlan sa iba pang mga lungsod sa lugar na ito.

Mula sa kanilang lungsod ng Tenochtitlan, unti-unting lumakas ang mga Aztec at noong 1428, sila ay nakipagsanib pwersa sa lungsod ng Texcoco at Lacopan upang maitatag ang imperyong Aztec. Nagsagawa ng isang madugong kampanya ang mga Aztec upang masahop ang mga lungsod-estado sa paligid nito. Sa pagpasok ng 1500s, nagawang masakop ng Aztec Empire ang humigit kumulang 80,000 square miles na teritoryo mula sa Atlantic Ocean hanggang sa Pacific Ocean.

Kanila ding nasakop ang hindi bababa sa 5 hanggang 15 milyong katao. Ang mga lungsod estado na nasakop ng mga Aztec ay pinagkalooban ng limitadong kalayaan kapalit ng pagbabayad ng tributo, mga sundalo at mga taong iaalay. Kagaya ng mga naunang kabihasnan, ang lipunang Aztec ay pinamumunuan din ang hari na pinaniniwala ang kamag-anak ng Diyos. Para sa mga Aztec, ang daigdig ay dumadaan sa siklo ng pagkawasak at muling pagsilang.

Upang maiwasan ang pagkawasak, nagsasagawa ang mga Aztec ng ritual at pag-aalay sa kanilang pangunahing Diyos na si Wizo Lipocli. Upang maging katanggap-tanggap sa mga Diyos, ang mga Aztec ay nag-aalay ng tao. Ang taong iaalay ay kanilang itatali ng nakahiga sa tuktok ng isang piramid.

Hihiwain ng pari ang dibdib ng taong ito gamit ang isang obsidian. Habang buhay pa ang tao, kanyang dudukutin ang puso nito at susunugin. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang kaayusan ng daigdig.

Bagamat napakalakas ng Aztec Empire, marami pa ding tao ang nangangarap na makalaya sa kanilang kontrol. Ang pagkakataon na makalaya... ay dumating noong 1519 sa pagdating ng mga Espanyol sa Amerika. Nakipag-alyansa sa mga Espanyol ang mga lungsod-estado na may hinanakit sa mga Aztec. Sa pamumuno ni Hernan Cortes, binihag na mga Espanyol ang hari ng mga Aztec na si Montezuma.

Ang pagbihag na ito sa kanilang hari ay nagresulta sa isang madugong labanan kung saan maraming mga Espanyol ang nasawi at sila inaitaboy sa Tenochtitlan. Ngayon paman, isang hindi inaasahang armas ang dala ng mga Espanyol na tumalo sa mga Aztec. Ito ang mga mikrobyo sa kanilang katawan. Ang mga Aztec ay walang immune system laban sa mga sakit na dala ng mga Europeo.

Kung kaya't makalipas ng apat na buwan, nasakop na ng mga Espanyol ang Aztec Empire. Sa loob lamang ng limang taon, tinatayang lima hanggang labing limang milyong mga Aztec ang nasawi sa smallpox na dala ng mga Espanyol. Hindi pa tapos ang ating talakayan sa mga kabihasnan sa Amerika. Sa susunod na episode, dumako tayo patimog sa lupain ng mga Inca. Kaya make sure to click the subscribe button.

This is Sir Ian and I'll see you on the next one.