Transcript for:
Mga Suliranin at Hamon sa Kasarinlan

Araling Panlipunan 6 Quarter 3 Week 3 Milk Base Ang paksa ng ating aralin sa araw na ito ay Ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 Hello kids! It's me, Teacher Frelle! Don't forget to subscribe, like, and share! And hit the notification bell for the latest video. You can also follow my Facebook page, Teacher Frelle TV. Sa araw na ito ay pag-aaralan natin sa Asignaturang Araling Panlipunan ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap na mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. Para sa Most Essential Learning Competencies, nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap na mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga naging suliranin ng mga Pilipino at naging tugon dito ng mga mamamayan. Ngayon ay atin namang tatalakayin kung ano ang mga kinaharap ng mga Pilipino sa taong 1946 hanggang 1972 at paano ito natugunan. Bilang mag-aaral, ikaw ay inaasahang Letter A, naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. B, natatalakay ang naging pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon dito. C. Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. At D. Napahalagahan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino para sa kasarinlan nang matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Nalaman mo na ang mga layunin na dapat mong matutunan. Ngayon naman ay iyong linangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na sadyang inihanda upang maging bataya ng inyong impormasyon. Para sa unang gawain, subukan nga nating kilalani ng mga naging pangulo ng bansa matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Gawin natin ang pagsasanay bilang isa. Puna ng markang check kung naging Pangulo ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1972 at X naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Para sa unang bilang, siya ay si Rodrigo Duterte. Siya ba ay naging Pangulo sa loob ng 1946 hanggang 1972? Check o X? Magaling! Ang tamang sagot ay X. Pangalawa, Manuel Rojas. Siya ba'y naging Pangulo sa loob ng 1946 hanggang 1972? Check o X? Magaling! Ang tamang sagot ay check. Pangatlo, Ferdinand Marcos, siya ba ay naging Pangulo sa loob ng 1946 hanggang 1972? Check o X? Magaling! Ang tamang sagot ay check. Pang-apat, Elpidio Quirino. Siya ba'y naging pangulo sa loob ng 1946 hanggang 1972? Check o X? Magaling! Ang tamang sagot ay check. At pang lima, Corazon Aquino. Siya ba ay naging Pangulo sa loob ng 1946 hanggang 1972? Check o X? Magaling! Ang tamang sagot ay X. Matapos nating malaman ang mga naging tugon o kasagutan ng ating mga kasama sa bahay tungkol sa mga naging suliranin ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ating balikan ang mga pangyayari matapos nito. Tunay na malaki ang epekto ng nasabing digmaan sa buhay ng mga Pilipino. Lalo na at sa panahong iyon ay bago pa lamang tayo naghahanda sa pagsasarili matapos ang pananakop ng mga Espanyol at Estados Unidos. Isang malaking hamon sa bagong pamahalaan ang kalagayan ng bansa matapos ang digmaan. Tiyaga at katatagan ng loob ang kinakailangan upang muling isaayo sa mga bayan at lungsod na sinira ng labanan. Ngayon ay pag-aralan natin ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at naging pagtugon sa mga suliraning mula 1946 hanggang 1972. Kilalanin natin ang mga naging pangulo ng bansa matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Unahin natin kilalanin si Manuel Rojas. Siya ay naging pangulo mula 1946 hanggang 1948. Si Manuel Rojas ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Kanyang ipinatupad ang ibang pangunahing mga prioridad ng kanyang administrasyon, gaya ng Industrialisasyon ng Pilipinas Ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at espesyal na relasyon sa Estados Unidos Ang pagpapanatili ng batas at kaayusan at ang pagpasa sa Kongreso ng Batas na magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ng kabuoang kinitang ani. Ang sumunod naman na naging Pangulo pagkatapos ni Manuel Rojas ay si Elpidio Quirino. Siya ay naging Pangulo mula 1948 hanggang 1953. Sa kanyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Kinaharap ng kanyang administrasyon ng isang malubhang banta ng kilusang komunistang hukbo ng bayan laban sa Japon o hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga huk. Bilang pangulo, nagawa niya ang mga sumusunod. ang paglikha ng President's Action Committee on Social Amelioration o PACSA na layuning tulungan ang mamamayan ng bansa mula sa pagbagsak ng ekonomiya. Pangalaway ang paglikha ng Agricultural Credit Cooperative Financing Administration o ACCFA para tulungan ang magsasaka na magamit ang pautang na may mababang interes mula sa pamahalaan. At ang panghuli, ang pagtatayo ng mga bankong rural at labor management advisory board isang pampangulong Lupong Tagapayo. Pagkatapos ng termino ni Elpidio Quirino, ang sumunod naman na pangulo ay si Ramon Magsaysay. Siya ay naging pangulo mula 1953 hanggang 1957. Sa kanyang administrasyon, iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Kaya siya tinawag na tagapagligtas ng demokrasya. Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang sumusunod. Ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang patubig, tulay, balon at kalsada. Pagsasakatupara ng paggamit ng barong Tagalog. Pagtatatag ng South East Asia Treaty Organization o SIATO. Isang panreligyon na politiko-militar na agregasyon. At negosasyon sa Japon ukol sa kasunduan ng bayad-pinsala sa digmaan. Pagkatapos ng termino ni Ramon Magsaysay, ang sumunod na naging pangulo ay si Carlos Garcia. Siya ay naging pangulo mula 1957 hanggang 1961. Sa kanyang administrasyon, tinutukan niya ang sumusunod. Ang pagpapatupad ng patakarang, Pilipino muna, First Filipino Policy, para magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino. Ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng bayanihan dance troupe sa ibang bansa. pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan, ang paggawa ng Komisyong Sentenario ni Dr. Jose Rizal, at ang pagtaguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng opisyal ng mga pagbisita. Patapos ng pamumuno ni Carlos Garcia, ang sumunod na naging Pangulo ng Pilipinas ay si Diosdado Macapagal. Siya ay naging Pangulo mula 1961 hanggang 1965. Kanyang ipinangako ang bagong panahon sa Bansang Pilipinas sa pamamagitan ng sumusunod. Paggamit ng pambansang wika sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga bagyo, Diplomang Pampaaralan at iba pang mga Katibayang Diplomatiko Paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4 Paghahain ng Opesyal na Pag-aari ng Pilipinas sa Saba noong Hulyo 22, 1962 Pagkakalikha ng Samahang Malaysia, Pilipinas, Indonesia o mapilindo para sa isang pagkakaisang pang-ekonomiya. At ang pagpasa sa Kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Pagkatapos ng termino ni Diosdado Macapagal, ang sumunod na naging Pangulo ng Pilipinas ay si Ferdinand Marcos. Siya ay naging Pangulo mula 1965 hanggang 1986. Sa kanyang paglilingkod bilang Pangulo sa unang termino, nakapagpagawa siya ng mga kalsada, tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan, sistemang patubig at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa sa kasalukuyan. Dagdag pa rito ang mga pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga magsasaka. Ang efektibong pangongolekta ng buwis. Ang malawakang pagpapataboy sa mga mamumuslit at ang matagumpay na pagdaos ng Manila Summit Conference noong Oktubre 24-25 na dinaluhan ng maraming pinuno ng iba't ibang estado. Ngunit sa kabila ng kanyang magandang unang termino, dumanas ng malubhang krisis na pang-ekonomiya ang Pilipinas Dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ito ang naging sanhi upang tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin at maraming Pilipino ang nawala ng trabaho. Ang floating peso ay patuloy na bumaba laban sa dolyar. Ang kanyang pangalawang hakbang, na makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng batas militar. Si Marcos ay nagpahayag ng proklamasyon bilang 1081 noong September 21, 1972. Ngayong natutunan na natin ang mga suliranin ng Republika Matapos ang ikalawang digma ang pandaigdig. Saguti ng mga sumusunod na gawain. Para sa pagsasanay bilang dalawa, suriin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang tama sapat lang kung ito'y nagsasaad ng katotohanan. At mali naman kung hindi, isulat ang sagot sa sagutang papel. Para sa unang bilang, ang isa sa mga pangunahing prioridad ng Administrasyong Rojas ay pagpapatupad ng Patakarang Pilipino Muna o First Filipino Policy. Ang pahayag ba na ito ay tama o mali? Magaling! Ang sagot ay mali dahil hindi si Rojas ang nagpatupad ng patakarang ito, kung hindi si Carlos Garcia. Pangalawa, si Elpidio Quirino ang nagpahayag ng proklamasyon bilang 1081. Ang pahayag ba na ito ay tama o mali? Magaling! Ang tamang sagot ay mali dahil hindi si Elpidio Quirino ang nagpahayag ng proklamasyong ito, kung hindi si Ferdinand Marcos. Pangatlo, sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay na itatag ang Southeast Asia Treaty Organization o SIATO, ito ba ay tama o mali? Magaling! Ang tamang sagot ay tama. Pang-apat, sa pamamahala ni Diosdado Macapagal, nangyari ang paglipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Julyo 4. Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ang tamang sagot ay tama. At pang lima, ipinatupad ni Carlos Garcia ang pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan. Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ang sagot ay tama. Para naman sa pagsasanay bilang tatlo, punan ang pangalan ng Pangulo na nagpatupad ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Unang bilang, siya ang tinaguriang tagapagligtas ng demokrasya. Sino ang Pangulong ito? Magaling! Ang pangulong ito ay si Ramon Magsaysay. Pangalawa, pinatupad niya ang patakarang Pilipino muna. Sino ang pangulong ito? Magaling! Ang pangulong ito ay si Carlos Garcia. Pangatlo, siya ang nagpatupad ng paggamit ng pambansang wika sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan. Sino ang pangulong ito? Magaling! Ang pangulong ito ay si Diosdado Macapagal. Pangapat, siya ang naglikha ng President's Action Committee on Social Amelioration o PAXA na layuning tulungan sa pagbagsak ng ekonomiya. Sino ang pangulong ito? Magaling! Ang pangulong ito ay si Elpidio Quirino. At pang lima, pagpasa sa Kongreso ng Batas na magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ng kabuoang kinitangani. Sino ang pangulong ito? Magaling! Ang pangulong ito ay si Manuel Rojas. Para naman sa pagsasanay bilang apat, ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na samahan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Siyato, ano ang kahulugan ng samahang ito? Magaling! Ang ibig sabihin ng siyato ay Southeast Asia Treaty Organization Pangalawa, mapilindo. Ano ang kahulugan ng samahang ito? Magaling! Ang kahulugan nito ay Malaysia, Pilipinas, Indonesia Pangatlo, paksa. Ano ang kahulugan ng samahang ito? Magaling! Ang kahulugan nito ay President's Action Committee on Social Amelioration. Pang-apat, hukbalahap. Anong kahulugan ng samahang ito? Magaling! Ang kahulugan nito ay hukbo ng bayan laban sa Japon. At pang lima, ACCFA. Ano ang kahulugan ng samahang ito? Magaling! Ang kahulugan nito ay Agricultural Credit Cooperative Financing Administration. Para naman sa pagsasanay bilang lima, puna ng graphic organization. ng mga naging tugon sa mga suliranin pagkatapos ng digmaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Narito ang graphic organizer. Isulat ang mga naging tugon sa mga suliranin ng bawat pangulo pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Narito ang tugon ni Manuel Rojas. Si Manuel Rojas ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Kanyang ipinatupad ang ibang pangunahing mga prioridad ng kanyang administrasyon. Ang naging tugon naman ni Elpidio Quirino. Pinagtukunan ang pansin ni Elpidio Quirino ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Narito naman ang naging tugon ni Ramon Magsaysay. Sa administrasyon ni Ramon Magsaysay, iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas, kaya siya tinawag na tagapagligtas ng demokrasya. Narito naman ang naging tugon ni Ramon Magsaysay. Ang naging tugon ni Carlos Garcia Sa administrasyon ni Carlos Garcia, ang isa sa tinutukan niya ay ang pagpapatupad ng patakarang Pilipino Muna o First Filipino Policy para magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino. Sumunod ay ang tugon ni Diosdado Macapagal. Ipinangako ni Diosdado Macapagal ang bagong panahon sa bansang Pilipinas. sa pamamagitan ng sumusunod, gaya ng paggamit ng pambansang wika sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan, at iba pang katibayang diplomatiko. At ang naging tugon naman ni Ferdinand Marcos ay, sa paglilingkod ni Ferdinand Marcos bilang Pangulo sa unang termino, nakapagpagawa siya ng mga kalsada, tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan, sistemang patubig at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa sa kasalukuyan. Para naman sa pagsasanay bilang anim, Sa pamamagitan ng Fishbone Organizer, talakayin ang mga suliranin at ang ginawang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga Suliranin Pangkabuhayan ng Bansa Isulat sa bahaging itaas ang mga suliranin at sa bahaging iba ba naman ang Fishbone Organizer ang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang suliranin. Para sa suliranin, ang suliraning panlipunan. Ang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito ay ang paglikha ng President's Action Committee on Social Amelioration o PAXA. Suliraning pang kabuhayan Ang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ng suliraning ito ay Ang paglikha ng Agricultural Credit Cooperative Financing Administration o ACCFA Suliraning pang ekonomiya Ang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ng suliraning ito ay Ang pagpapatupad ng patakarang Pilipino Muna o First Filipino Policy Suliraning pangkapayapaan Ang hakbang ng pamahalaan upang matugunan ng suliraning ito ay Ang pagtatatag ng Southeast Asia Treaty Organization o SIATO, isang panrehiyon na politiko-militar na agregasyon at negosasyon sa Japon ukol sa kasunduan ng bayad-pinsala sa digmaan. Para naman sa pagsasanay bilang pito, Gumawa ng eslogan sa isang long bond paper tungkol sa mga suliranin at hamon sa kasarinlan at naging tugon pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Gamitin ang rubrik na magiging batayan sa pagmamarka. Narito ang aking halimbawa na ginawang eslogan. Anumang suliranin at hamong kinaharap, kapalit nito ay katugunan sa ginawang hakbang ng pamahalaan. Para naman sa pagsasanay bilang 8, ipaliwanag sa iyong sariling pananaw. Gumawa ng reaksyon kung paano naka-apekto sa buhay ng mga Pilipino ang ikalawang digmaang pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Basahin ng pahayag, para kay Marcos ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng batas militar. Ano ang iyong reaksyon ukol dito? Ang aking reaksyon ay, Ayon sa aking mga magulang ay mas maganda ang naging pamumuno ng Pangulong Ferdinand Marcos noon dahil mas ligtas ang mga Pilipino noong panahon niya at hindi niya pinabayaan ang mga Pilipino sa kabataan. kabila ng krisis sa ekonomiya. Sumunod? Basahin natin ito. Pilipino muna. First Filipino policy para magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino. Anong iyong reaksyon ukol dito? Ang aking reaksyon ay, para sa akin ay maganda ang patakarang ito upang maitaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino. Para naman sa pagsasanay bilang siyam, pumili ng isang gawaing angkop sa iyong interes at kakayahan. Maaring pumili ng isang suliranin at naging pagtugon dito ng pamahalaan. Narito ang mga pagpipilian. Letter A, gumuhit ng isang poster. B, sumulat ng sanaysay. C, sumulat ng tula. D, lumikha ng reflection paper. Kalakip ang rubrik ng bawat gawain. At para naman sa pagsasanay bilang sampu, ipares ang hanay B sa hanay A. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Umpisaan na natin mga bata. Para sa unang bilang, Manuel Rojas. Alin sa mga sumusunod sa Hanay B ang naging tugon ni Manuel Rojas? Magaling! Ang tamang sagot ay letter C. Pagpapanatili ng batas at kaayusan at ang pagpasa sa Kongreso ng Batas na magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ng kabuoang kinitangani. Pangalawa, Elpidio Quirino. Anong naging tugon ni Elpidio Quirino? Piliin sa Hanay B ang tamang sagot. Magaling! Ang tamang sagot ay letter F. Siya ay nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Pangatlo, Ramon Magsaysay. Ano ang naging tugon ni Ramon Magsaysay? Piliin ang tamang sagot sa hanay B. Magaling! Ang tamang sagot ay letter D. Sa kanyang pangunguna, nagkaroon ng negosasyon sa Japon ukol sa kasunduan ng bayad-pinsal at sa digmaan. Pangapat, Carlos Garcia. Ano naman ang naging tugon ni Carlos Garcia? Piliin ang tamang sagot sa hanay B. Magaling! Ang tamang sagot ay letter B. Isa sa kanyang binigyang pansin ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan na mabuting pakikisama ng bayanihan dance troupe sa ibang bansa. Panglima, Diosdado Macapagal. Ano naman ang naging tugon ni Diosdado Macapagal? Piliin ang tamang sagot sa hanay B. Magaling! Ang tamang sagot ay letter A. Pinangunahan niyang paglikha ng samahang Malaysia, Pilipinas, Indonesia o Mapilindo para sa isang pagkakaisang pang-ekonomiya. At pang-aaralan, Ang naging tugon niya ay nasa letter E. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Ayan mga bata, naunawa niyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Kung ganon... Magaling! Mga bata, sanay marami kayo natutunan sa ating aralin. Hanggang sa susunod na video lesson, paalam!