Maraming suliranin ang tao sa kanyang buhay sa mundong ito. Marami rin ang nagpipilit na ihanap ang mga ito ng lunas sa sarili nilang pamamaraan. Ngunit alin ang tamang lunas?
Ano ang sinasabi ng Biblia upang maging maayos at matuwid ang pamumuhay ng tao? Inihahandog ng Iglesia Ni Cristo ang palatuntunang, ito ang payo. Kumusta na po kayo mga giliw po naming taga-subaybay sa pangalan po ng Iglesia Ni Cristo?
Ito po muli ang palatuntunang ito ang payo at ako po ang kapatid na Arnel Solano. Ang pagkakaroon po ng mga anak ay isa sa mga pinakamaliligayang karanasan ng pagiging magulang. Pero kakambal po niya ng responsibilidad. na kailangang mapalaki ng maayos ang mga anak.
Kasi kung paanong ang anak ay nagdudulot ng kaligayahan at karangalan sa kanyang magulang, gayon din naman maaari silang maging sanhi ng kalumbayan at kahihiyan kung hindi po magiging wastoh ang pagpapalaki sa kanila. Kaya itong ating tatalakayin ay may kinalaman po sa ilang payo sa pagpapalaki. pagpapalaki ng mga magulang sa mga anak. Sapagkat ang mga anak ay biyaya ng Panginoong Diyos sa mag-asawa, ang saligan po na dapat gumabay sa mga magulang sa pagtrato at pagpapalaki sa mga anak ay ang mga salita ng Panginoong Diyos na nakasulat po dito sa banal na kasulatan.
Kaya aalamin natin, batay sa Biblia, ano po ang dapat na maging saligan ng magulang sa kanilang kaugnayan, sa kanilang pagtrato. sa kanilang mga anak. Pagsimula tayong bumasa ng talata ng Biblia.
Basahin natin itong nasa Tito. Sa Dos ang talata ay 4. Ganito po ang itinuturo sa atin ni Apostol Pablo. Inyo pong pakinggan at akin pong babasahin.
Upang kanilang maturuan ang mga babaeng may kabataan na magsiibig sa kanikanyang asawa. Magsiibig sa kanilang mga anak, mangag pakahinahon. Maliwanag po ang itinuturo dito ng banal na kasulatan.
Ang sabi, yaon anyang mga babaeng may kabataan ay maturoang magsiibig sa kanilang mga anak. Kung ganoon, itinuturo po na ang dapat na maging saligan sa pagtrato ng magulang sa anak ay yung pag-ibig, marapat na ibigin ng magulang ang kanilang mga anak. Pero siguro iniisip ng mga magulang na nakikinig sa atin, lalo na ng mga ina, di ba talaga namang likas na damdamin ng isang magulang, lalo na ng isang ina, yung mahalin yung kanyang anak? Eh kahit nga rong mga hayop, kakikitaan ng manifestasyon, ang tawag nga nila ay instinct, may mother instinct, pagmamahal ng isang ina o ng isang magulang sa kanyang anak. Sabi pa nung iba, Mula pa lang sa panahong nalaman na nagdadalan tao na ang asawa, naroon na yung kaligayahan ng mga bagulang at yung pagmamahal na ibinubuhos sa kanilang magiging anak.
Halos hindi na nila malaman kung ano ipapangalan, yung pinapangarap para sa kanilang anak. Ganun nila kamahal, lalo ng isang ina. Tingnan po ninyo.
Gaano mang katindi yung hirap na maaaring maranasan ng isang ina, mula pa lang sa paglilihi. Sapagkat mayroong napakaselan sa paglilihi, di ho ba? Hanggang doon sa kanilang panganganak. Pero nakakayang tiisin lahat yun ng isang ina dahil sa pagmamahal sa anak. Kaya kung ang pag-uusapan, pagmamahal, siguro sasabihin nyo, pasado na po kami dyan.
Pero ang problema, mga giliw namin taga Subaybay, naroon sa paraan. ng pagkahayag ng pag-ibig kapag pinalalaki na yung mga anak. Kasi dyan po karaniwang nagkakaroon ng pagkakamali yung iba.
Kaya para magabayan ang mga magulang, lalo na ang mga nagsisimula pa lang na bumuo ng pamilya, yung maliliit pa lang yung mga anak, naiho ba? Tsaka yung mga nangangarap na mag-asawan at magkaroon ng anak. Narito pong ilang mga payo. na mula sa banal na kasulatan na dapat mong matupad para maipakita ng tama at saka yung tunay na pagmamahal. sa kanilang mga anak.
Ano pong isa? Sa katunayan ng pagmamahal sa anak ayon po sa Biblia. Pakinggan po ninyo. Ito namang babasahin ko ay nasa Kawikaan. Sa 3, ang talata po ay 12. Ganito po ang ating matutunghayan na itinuturo sa atin ng banal na kasulatan.
Pagkat lahat ng mahal niya'y itinutumpak ng daan. At ang anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Ito pong isa sa kahayagan ng tamang pagmamahal.
Ano po yun? Ang sabi, lahat ng mahal niya'y itinutumpak ng daan. Sa makatwid, hindi pagmamahal sa anak pagka pinababayaan lang ng magulang ang anak sa kung ano gusto nitong gawin. O kung anong...
klaseng daan ang gustong tahakin noong kanyang anak. Pag nakikita na ng magulang na mali na ang daan o yung paraan ng pumumuhay ng anak, ang nagmamahal ng magulang agad siyang gagawa ng paraan para niya yun maitumpak. Papaano ang tamang pagtutumpak sa maling daan o buhay ng isang anak? Ang sabi ng Biblia, ang anak anya na minamahal Sinasaway ng magulang. Mahalaga yung pagsaway.
Gusto lang naming samantalahin ito. Tawagan ng pansin yung mga anak na nakikinig. Pagka kayo po ay sinasaway ng magulang, huwag po kayong magagalit. Huwag po kayong magdaramdam. Iyon ay pagmamahal sa inyo ng inyong mga magulang.
Kasi hindi naman sasaway ang magulang. Kung hindi kailangan. Kaya sumasaway ang magulang dahil may nakikita silang mali na ginagawa ng anak na dapat matigil o dapat na maitumpak. Sa panig naman ng mga magulang, huwag po nating pipigilin o iuurong ang pagsaway sa mga anak.
Hindi po pagmamahal yung pagsasawalang kibo kahit mali na yung ginagawa ng anak. Lalo namang hindi pagmamahal. Pagka yung mali na yung ginawa ng anak, pinagtanggol pa o kaya ay binigyan pa ng katwiran. Di ho ba?
Ano lalong nagpapatunay niyan? Pakingganin nyo, dito rin sa Kawikaan, sa 13 at talata ay 24, may mababasa tayong ganito na pahayag ng Biblia. Ang mapagmahal ng magulang ay dapat magparusa sa anak.
Pagkat ang supling na minamahal ay dapat ituwid ng landas. Ang linaw di ho ba? Ang mapagmahal anya ng magulang ay dapat magparusa sa anak.
Sapagkat ang supling anya na minamahal ay dapat ituwid ng landas. Yung pagpaparusa o pagdidisiplina, kung yan man ang termino na gusto ng iba, eh dapat po sa layuning ituwid ang anak. Kaklaruhin natin, hindi dapat gamitin ang pagdidisiplina o pagpaparusa para lupigin o saktan lang ang anak. Hindi ho pinahihintulot yun kahit ng Biblia, kahit nga ng batas eh, diba, ng gobyerno.
Ang kailangan po, maramdaman ng anak na sa pagdisiplina sa kanya, pagmamahal at pagmamalasakit ng magulang ang nag-uudyok. At hindi yung galit. Ang lahat ng ito ay kailangan po para maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating mga anak. Kasi po alam nyo, batay sa mga pag-aaral ng mga eksperto, lalo na sa psychology, sinasabing yung anak na kulang sa pagmamahal, nagkakaroon ng insecurity na kadalasan, naghahatid dun sa bata na maghanap ng pagmamahal at atensyon. pati na ng simpatya na kalimitan ay naiyahayag sa pamamagitan ng pagiging bayulente.
O kaya naman yung kabaliktaranon, sobrang tahimik, yung bang hindi na nagkikikibo. Ang sabi nila ay masyadong kimi dahil sa napakababa ng kanyang self-esteem. Isa pa pong dapat maunawaan.
Ang pagmamahal ng magulang sa anak dapat po inihahayag, aaring sa pamamagitan ng pagyakap, ng pagngiti sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na mahal natin sila. Ipinakikita rin ang pagmamahal na ito kapagka ang mga anak ay tinuturuan natin ng tama at sinasaway pag nagkakamali. Hindi rin po dapat na ipagkamali na ang pagmamahal ay napakikita lang sa pamamagitan ng pagpapalayo sa anak.
Yung bang kahit ano gusto ng anak, sige na lang nansige, lalo na kung can afford. Huwag pong magagalit, ano po. Pero ang marami sa ganyan, yung kulang ang panahon na naiuukol sa anak. Kaya ang pakiramdam, makakabawi sila dun sa kakulangan na yun. Sa paraang yun, magbibigay ng material na bagay, bigay ng bigay ng pera o kung anumang magustuhan ng anak.
Kahit na sobra na o higit na sa nararapat. Hindi po pagmamahal lang gayon. Mga giliw po namin taga subaybay, alam naman natin anumang bagay na labis, masama eh. Nagiging layaw na yun.
Ano katunayang hindi pagmamahal yan at hindi yan makabubuti? Ano po bang mangyayari sa anak pagka pinalaki sa layaw ayon sa Biblia? Pakinggan po ninyo dito naman sa Kawikaan sa 21, ang talata naman po ay 17. Ito po ang itinuturo sa atin ng Biblia.
Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha. Ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman. Napansin ninyo? Yung pinilaki sa layaw. Magiging dukha yun.
Naalala ko lang yung kanta noon, ang tawag nila yung lakisalayaw, Jeffrocks. Isa kanta yun pero sa Biblia, klaro, yung lumakisalayaw, hindi anya. Yayaman, magiging dukha. Ano katumbas nun?
Magihirap. O sige, sabihin nyo po sa akin. Masasabi bang pagmamahal sa anak kung itutulak natin sila sa kalagayang magiging dukha o magihirap sila? Di ba lahat ng pagsisikap at pagpapagal ng magulang ay nakatoon doon sa ikapagkakaroon ng masaganang buhay para sa anak?
Kaya nga nagpupundar ang magulang. Di ba? Kaya pinag-aaral ang anak.
Kasi gusto ng magulang na maging maganda ang kabuhayan ng anak sa hinaharap para meron na yung anak na magagamit. Pero kahit na makaipon kayo, kahit makapagpundar kayo ng marami. Kung ang anak naman na pag iiwanan ninyo o pagbibigyan ninyo lumaki sa layaw, eh mauwi sa lahat.
Mauwi sa wala. Lahat ng ipinundar ninyo. Dahil lulustayin lang yan sa kalayawan. Ibigay po natin ang kailangan ng ating mga anak.
Obligasyon po natin yun. Kung magagawa nating ibigay, yung sitwasyong hindi sila magkukulang. Nakapag kami kailangan sila, nakukuha nila, masarap sa pakiramdam nyo ng magulang.
Pero pag layaw na, luho na, higit na sa nararapat, kahit pa po can afford, wag po nating papayagan. Kasi baka kasanayan yan, kalakihan yan ng bata, ikapapahamak nila yan pagdating ng araw. Kaya huwag po yung kung ano ang gustong gawin, kung saan gustong pumunta, todo pasa lang ang magulang. May kaiba yun naman yan, yung kabaliktaran yan.
Alin po yun? Yung magulang naman na sobra naman ang proteksyon. Sobrang higpit kung tawagin nila yung overprotective sa kanilang anak.
Hindi rin tama yun. Ano po katunayan? Ano sinasabi ng Biblia ukol sa ganyang pagpapalaki sa anak? Pakinggan po ninyo, pagtuturo ni Apostol Pablo sa Efeso sa 6, ang talata naman po ay 4. Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan.
Napansin niyo yan? Ito naman yung kaibayo, malabis. Nakahigpitan. Ang sabi ni Apostol Pablo, huwag na ibubuyon yan ang anak sa pag-ihimagsik.
Dapat maghigpit kung kailangan. Klaruhin natin yun. Pero kapag sumobra na ang termino na ng Biblia, malabis na kahigpitan, masama na yun. Nabanggit nga po namin kanina, ano mong bagay na sobra o labis, hindi na po nararapat. Baka sa sobrang pag-ahangad na maprotektahan ng anak, e maging parang preso naman yung pakiramdam ng bata.
Baka ang pakiramdam ng anak e... Wala na silang karapatan man lang na makipagkaibigan, makisalamuha sa ibang tao. Eh huwag naman.
Kailangan din nilang makisama. Kailangan din nilang kaibigan. Kailangan nating subaybayan at bantayan ng ating mga anak.
Pero hindi tama yung malabis na kahigpitan. Ano pa po ang ilang ipinapayo ng Biblia ukol sa hindi marapat na pagpapalaki ng magulang sa anak? Pakinggan po ninyo, patuloy na pagtuturo ni Apostol Pablo.
Dito naman sa Kolosas sa 3, ang talata naman po ay 21. Ito naman po ang itinuturo sa atin. Patuloy na pagtuturo sa atin ni Apostol Pablo. Mga ama, huwag kayong maging mabalasik sa inyong mga anak pagkat baka masiraan sila ng loob.
Bawal din ito, yung pagiging mabalasik. Ano ba yung pagiging mabalasik? Di nga.
Oo, tama. Yan yung pagiging sobrang matapang. Wala naman dahilan para pakitaan natin ang ating mga anak ng bagsik.
O yung tapang. Dahil sa hindi naman natin sila kaaway. Anak nga natin yan.
Kapag naging mabalasik ang magulang sa anak, ang sabi ng Biblia, baka masiraan sila. ng loob. Baka lumaki silang walang tiwala sa sarili.
Baka maging dungo. O kaya naman, eto masama, gayahin yung magulang. Gumanti sa iba sa paraang maging mabalasik din sila.
Maaaring sa kanilang kapwa o kaya sa kanilang magiging anak. Eh hindi papayag ang mga lolo at laka lola sa ganyan. Di ho ba? Yung gusto natin mapabuti sila, eh...
Baka yung pagpapalaki natin pa ang magtulak para sila mapariwara. Kaya dapat mapagbantay talaga lagi ang magulang. Kasi alam nyo, kung isa sa alang-alang natin yung edad at saka yung papel na ginagampanan sa parent and child relationship, ang magulang ang higit na nasa tamang posisyon para magbigay at maglatag ng tamang pundasyon. Para maging masaya at maligaya ang relasyon ng magulang at saka ng anak. Malaki kinalaman nun para maging mabuti at mapagmahal na tao ang ating mga anak pagdating po ng takdang panahon.
Yun ang gusto nating lahat tayo ng mga magulang. Paano natin matitiyak na mangyayari yun? Ano ang... pinakamabuti na pagpapalaki sa mga anak.
Babalikan ko iyang nasa Efeso. Sa 6, ang talata ay 4. Pakinggan ninyo at itutuloy natin ang pagbabasa ng talatang yan. Ito po ang nakasulat.
Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo. Ang inyong anak, dahil sa malabis ninyong kahigpitan, sa halip, palakihin sila sa tuntunan. Tuntunin at aral ng Panginoon. Ito pinakamabuting pagpapalaki sa mga anak.
Sabi po ng Biblia, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon. Sabi na nga po namin sa inyo sa mga nakaraan, ito po bentahan ng Iglesia ni Kristo. Sa gana, sa pagtuturo, sa mga aral at tuntunin ng Panginoon sa pamamagitan ng tagapamahalang pangkalahatan. Sa mga pagsamba na dinadaluhan ng mga magulang, itinuturo ang mga aral ng Diyos na siya rin namang na ituturo ng mga magulang sa mga anak sa kanilang tahanan.
Meron ding mga pagsamba para sa mga kabataan na doon ay tampok din ang pagtuturo ng mga salita ng ating Panginoong Diyos sa mga kabataang Iglesia ni Kristo. Yan e para lumaki sila sa tuntunin. at aral ng Panginoon. Yan din po ang nais naming ibahagi sa inyo.
Kaya patuloy naming kayong inaanyayaan, magsuri, makinig sa mga aral ng Panginoong Diyos na itinataguyod ng Iglesia ni Kristo. Sana po mapagbigyan ninyo ang paanyaya ng aming mga kapatid na nag-iimbita sa inyo sa mga pag-aaral ng mga salita ng Diyos na itinataguyod ng Iglesia ni Kristo. Doon sa mga tahanan ng mga kapatid maaring doon ginagawa o kaya sa mga gusaling sambahan.
ng Iglesia ni Cristo na malapit po sa inyong lugar. Meron din kami mga programa sa radio-televisyon, kagaya sa INC Radio, sa INC TV. Meron din po kami online.
Isa po sa mga pwede ninyong isearch ay ang INC Radio YouTube channel. Pwede na po kayong mag-subscribe at i-click nyo yung notification bell. Yun.
Para... Ito yung merong bagong program ay mapanood ninyo at marinig nyo ang mga aral ng Diyos na itinuturo sa Iglesia ni Kristo. Kung meron po kayong mga katanungan o mga paksa na nais po ninyong ipatalakay o may nais kayong ihingi ng payo, pwede po kayong mag-email sa amin sa itoangpayo at incradio.net o kaya ay sa dzem954 at incradio.org.
Pagpalain po nawa tayong lahat ng ating Panginoong Diyos, bago tayo pansamantalang magiwahiwalay, tayo po ay manalangin. Panginoon namin Diyos, salamat po ng marami sa iyo. Muling ginamit ang palatuntunang ito para ihayad ang iyong mga katotohanan. Mga katotohanan mong napakalaking gabay, lalo na sa panig ng mga magulang, para mapalaki ang mga anak ng ayon sa iyong mga aral at tuntunin.
Para ang mga anak ay magkaroon po ng magandang kinabukasan. Pakitulungan ang mga magulang. Laging maalala po ang iyong mga salita at ito po ang maituro at matiyak na nasusunod ng kanilang mga anak. Pakiala-alang aming mga anak. Gawin mo silang masunurin sa iyong mga kalooban.
Masunurin sa mga magulang. Panginoong Hesus, sa iyo man po nananalangin kami. Lagi namin ipinakikisuyo, ipamagitan mo po kami sa Ama para pakinggan ng Ama ang aming mga panalangin.
Ama namin Diyos ang muli namin pagtawag sa iyo. Di namin malilimot ipakiusap. Pagpalain mo ang buong iglesia sa pangunguna po ng aming tagapamahalang pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo Manalo. Lingapin mo kaming lahat. Patuloy kaming makapaglingkod sa iyo.
hanggang makarating kami sa kaligtasan. Hinihiling po namin ang lahat ng ito sa pangalan po ng aming Panginoong Heso Kristo. Amen. Sumayon niyo po ang mensahe ng ating palatuntunan sa araw na ito. Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay.
Hanggang sa muli, sumaatin namang lagi ang mga biyaya ng ating dahilang Diyos. Music