Estrukturang Panlipunan Kahulugan, Katangian at Kahalagahan Ang Kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng kalagayang kaunlaran na nalinang ng isang pangkat ng taong naninirahan sa isang lugar. Sa Asia, umusbong ang Mesopotamia, Indus at Shang. Sa Afrika, tanyag ang Egypt. Sa Europa, namayani ang Minoan at Mycenaean.
Sa Amerika, nagsimula ang Olmec. Olmec, sumunod ang... Maya, Aztec, at Inca.
Sa Oceania, kilala ang Polynesia, Melanesia, at Micronesia. Balikan natin ito sa aral ng nakaraan, Sandigan ng Kinabukasan. Sa Kabihasnanbay, Bihasa ka na?
Tukuyin ang tamang sagot. Lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Mesopotamia Rehiyon ng kabihas ng Maya Yukatan Peninsula Ito ay nangangahulugang maraming isla.
Polinesia Panahong bumagsak ang kabihas ng Mycenaean at bumaba ang antas ng pamumuhay sa Greece. Greek Dark Ages Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian Hieroglyphics Intro Estrukturang Panlipunan Bawat kabihasnan ay hindi lamang binubuo ng mga gusali, sining at teknolohiya. Ito ay umuunlad dahil sa mga taong may kanikanyang tungkulin.
Tulad ng isang dula, bawat isa ay may papel. At dito nabubuo ang estrukturang panlipunan. Isang sistemang nagahati at nag-uugnay sa tao batay sa gawain, kapangyarihan at katayuan.
Ang estrukturang panlipunan ay tumutugon sa organisadong kaayusan ng pag-uugnayan na humuhubog sa lipunan. Ito ang nagtatalaga ng mga batas, pamantayan at mga inaasahang gabay sa pag-uugali ng isang individual bilang kasapi ng isang pangkat o ng lipunan. Mga katangian ng estrukturang panlipunan.
Ito ay may hierarchy o antas, tulad ng pinuno hanggang sa karaniwang kasapi. May tiyak na tungkulin at gampanin. May organisadong ugnayan ng mga tao at tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan. Sa kasaysayan, maraming kabihasnan ang gumamit ng malinaw na estruktura upang magtulungan at makamit ang mahalagang adhikain. Isang kamanghamanghang halimbawa nito ay matatagpuan sa Egypt, kung saan ang malinaw na paghahati ng gawain at pagkakaisa ng mamamayan ay nagbunga ng isang obra maestrang tulad ng Great Pyramid of Giza.
Ang Great Pyramid of Giza na itinayo noong humigit-kumulang 2560 BCE ay patunay ng kahangahangang talino, disiplina at pagkakaisa ng sinaunang kabihas ng Egyptian. Hindi lamang bilang libingan ng mga paraon, kundi bilang simbolo ng kulturang may likas na tibay at kagandahan na umaabot sa maraming henerasyon. Iba-iba, pero lahat mahalaga.
Sa paggawa ng mga dakilang gusali tulad ng piramid sa sinaunang Egypt, bawat isa ay may gampan. mula sa paraon na nag-uutos hanggang sa mga manggagawa at tagapagdala ng bato. Iba-iba man ang tungkulin, lahat ay mahalaga upang matapos ang isang obra na tatagal sa daang libong taon.
Tulad sa kasalukuyan, may kanya-kanyang papel ang bawat tao sa lipunan upang ito ay umunlad. Bakit kaya may ganitong hati-hating gawain sa lipunan noon at ngayon? Paano naapektuhan ng posisyon sa lipunan ang buhay ng isang tao? Patas ba ang ganitong sistema noon?
Paano naman sa kasalukuyan? Sino sila sa lipunan? Tukuyin kung ang bawat tao ay kabilang sa mataas, gitna o mababang antas ng estruktura. Mataas Gitna Gitna Mababa Mataas Gitna Mataas Gitna Mababa Mababa Mapapansin na kadalasan nasa mataas na antas ang mga leader ng pamahalaan at relihiyon at nasa ibaba naman ang mga manggagawa.
Bakit kaya ganoon ang pagkakaayos ng mga tao sa lipunan? Bakit may antas ang lipunan? Ang lipunan ay nahahati dahil sa Yaman Sino ang may mas maraming ari-arian?
Kapangyarihan Sino ang may kontrol o impluensya? Edukasyon Sino ang may kaalaman at kasanayan? Reliyon Sino ang itinuturing na may espiritual na autoridad? Ang antas ng estruktura ng lipunan ay ang paraan ng pag-oorganisa o pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan.
Batay sa tungkulin, kapangyarihan, yaman o paniniwala. Dito makikita kung sino ang naguutos, sino ang gumagawa at bakit. Kung wala ang isa, paano na? Sa isang lipunan o kabihasnan, may iba't ibang grupo o antas na may kani-kaniyang dampanin. Ang bawat isa ay mahalaga para maging maayos ang buong sistema.
Sa isang kabihasnan, biglang nawala ang pangkat ng mga... Pari, mandirigma, magsasaka. Ano ang magiging epekto nito sa lipunan?
Sino ang unang maaapektuhan at bakit? Paano muling may babalik ang kaayusan ng lipunan? Ang bawat grupo o antas sa lipunan ay may mahalagang papel at responsibilidad.
Walang grupo ang mas mahalaga kaysa sa iba dahil nagtutulungan silang lahat para sa kaayusan. Kapag nawala o naapektuhan ng isa, nararamdaman ito ng buong lipunan. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ang susi para maibalik ang balanse. Ang estrukturang panlipunan ay kaayusan ng lipunan batay sa tungkulin, kapangyarihan at yaman. Ito ay nagtatakda ng gampanin ng bawat kasapi.
Nakatutulong ito sa pamamahala at kaligtasan ng kabihasnan. Ngunit maaaring magdulot din ng hindi pagkakapantay-pantay. Status sa lipunan mula noon hanggang ngayon Isa sa mahalagang bahagi ng estrukturang panlipunan ang status na tumutukoy sa posisyon o katayuan ng isang tao sa loob ng lipunan. May dalawang uri ng status. Ascribed Status at Achieved Status Ang Ascribed Status ay katayuan na ipinamamana o naituturing nalikas tulad ng pagiging anak ng isang pinuno.
Sa sinaunang kabihasnan, madalas na ito ang batayan ng kapangyarihan at respeto. Kaya ang mga anak ng mga pinuno o pari ay automaticong nagkakaroon ng mataas na posisyon sa lipunan. Samantala, ang Achieved status naman ay nakukuha o naaabot sa pumagitan ng sariling pagsisikap, edukasyon o kasanayan tulad ng pagiging isang mandirigma, artisano, mga ngalakal o tagapamahala.
Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng antas sa lipunan noon at ngayon? Magbigay ng isang sitwasyon ngayon na nagpapakita na may antas pa rin sa lipunan. Punan mo ang papel mo sa estruktura.
Ang estrukturang panlipunan ay tumutugon sa organisadong kaayusan ng ugnayan ng mga tao sa loob ng isang lipunan. Ito ang nagtatakda ng mga batas, pamantayan, at gabay Sa pag-uugali ng bawat individual bilang miyembro ng isang pangkat o komunidad. Ito ang nagsusulong sa diwa ng pagkakaisa ng isang pangkat sa pamagitan ng pagpapahalaga sa mga layunin nito.
Ito ay natural na nalili ng bunsod ng higit na malaking sistema ng pangangailangan sa isang kabihasnan. O pamayanan. Estroke Quiz Ayusin ang lipunan sa tamang sagot.
Ano ang pangunahing kahulugan ng estrukturang panlipunan? Pagkakaayos ng mga tao sa lipunan batay sa kanilang mga tungkulin at relasyon. Bakit mahalagang maintindihan ang estrukturang panlipunan?
Para mas maintindihan ang papel sa lipunan at makiisa sa pag-unlad nito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na dahilan kung bakit hinahati sa antas ang lipunan sa sinaunang kabihasnan upang matiyak na maayos na nagagampanan ang tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi. Anong pagkakatulad ng estrukturang panlipunan noon at ngayon?
Parehong nagtatalaga ng tungkulin at responsibilidad sa bawat tao sa lipunan. Paano nakaapekto ang estrukturang panlipunan sa buhay ng isang tao noon at ngayon? Nagtutulungan ang bawat isa upang maging malinaw at maayos ang tungkulin at gampanin sa lipunan. Sa bawat antas ng lipunan, may papel kang dapat gampanan.
Gawing makabuluhan ang bawat tungkulin.