Transcript for:
Pagsusuri sa Tula

Intro Sa Dakong Silangan Bahagi ng pinagdaanan ni Haring Pilipo at Reina Malaya sa Maalamat ng Mga Pulong Ginto, 1928, ni Jose Corazon de Jesus. Gaya ng estilo ng Florante at Laura, isinulat ni Jose Corazon de Jesus ang akdang Sadakong Silangan upang ilarawan ang ginawang pananakop ng Amerikano sa Pilipinas. Ayon sa makatang si Gregorio Bituin, 2008, makikita agad sa tulang pasalaysay na sa dakong silangan ang politika nito, aktibismo at diwang mapagpalaya.

Kung ang ibong Adarna ay paghahanap sa mahiwagang ibon sa bundok ng tabor na ang awitin ay luna sa haring may sakit. Ang Sadakong Silangan naman ay paghahanap ng kalayaan ng bayan sa kinakatawan ng nawawalang si Reyna Malaya. Sadakong Silangan Itong haring ito'y may dalawang anak, isang makadukhat, isang makapilak. Itong masasalapi, baliw na lumiyag dito kay mandiwang prinsesang Marilag. Ibig ng prinsipe, ng prinsipe dolar, nakuna ng lupat ang prinsesang hirang, nais na itanim doon sa silangan ang lahat ng kanyang ari at kalakal.

At yaong bandilang may araw at tala, may ilang panahong makita't mawala. Kung may kalayaang dooy mawiwikay, walang kasarinlan sa gintot sa lupa. Maganda ang haula na nakakatulad, ang lupang silangang mayamang mahirap, malayang ang iboy umawit sa gubat, ang gubat ay kulong ng malaking lambat.

At ang isa namang prinsipeng marangal na anak ng haring nasay kasarinlan, duke demokrito kahit sumisigaw, talo ng salapi ng panggagahaman. Ngunit si Mandiwang kakakasal noon sa panggagahamay laging tumututol at ang manan niyang pulong kinakandong masaganang dugo ang dumidilig doon. Samantala namang demokritong anak ng Haring Samuel na makamahirap.

Tumutulong siyang araw mapasikat, subalit aayaw payagan ng pilak. Sa ganyan na hati ang pakikisama, pinag-aagawan si Reyna Malaya. Mithiing ang bayay bigyan ng ginhawa, kalaban ng pilak na pambulag mata. Ang pilak na bilog na nakabubulag, tila nakasabit sa agilang pakpak, kaya pati langit no'y inuulap at ayaw matanggal sa pagpapahirap.

Matulis na kuko ng gintong dayuhay tumarak sa dibdib ng lupang silangan, mahinang lumakas ngayoy nangangamkam langaw na dumapo sa isang kalabaw. Panay na pangakong kay sasarap dinggin kung di natutupad sing sarap ng hangin, tuntunin at batas kong minsay sipain, orden ng palasyoy isang basang papel. Sa gayong pamuling lumamlam ang araw nitong sawing lahi sa dulong silangan.

Mayroong bayan palang kahit sinasakal ay di mo makita ang bakas ng kamay. Parang may engkanto ang ibong agila, nalulukuban kay Dimo Alumana. Pinag-aantay ka ng isang umaga, katanghalian ay nag-aantay ka pa.

Sa kanaturuang mga bayay mahilig, sahilig din nilang parang bagong sakit. Sa mga salitang lubhang mapangakit, nagpa-utang hanggang umabot sa liig. Mga dambana ng bayaning bantog, Panay na dayuhan ang itinatampok, bayani ng bayay madalas malimot, insenso ng puri sa dayo ang soob. Humanga ang bayan sa dinila uri, ikinahihiya ang sariling lahi, magkakabayay, nagkakatunggali sa hirap ng pinagpapalagay. hanggang may lutong sa lapi.

Mayroong magsasabing ang dayuhang iya'y dapat ng ibagsak, pagkat papanlin lang, ngunit ang dadampot at magsasanggalang mga tao na rin sa lupang silangan. Palibha saido'y malaya ang lahat. Sa isip ng bayay, malayang ang ganap. Ang bandila nilang hindi mailabas, kundi kaagapay ng bandilang padpad. Ang salapi nila ang tatak sa likod ay ibong adar ng tanda ng pagsakop.

Tugtugin ng bayan kapag tinutugtog, tugtugin ng dayo ang sinusunod. At ang kabataang tila nabubulag, kay dami ng aklat ngunit walang aklat. Libo-libong aral, laksa-laksang pilak, paglaba sa temploy, dayuhan ang utak.

Ang tula ay nagsasalaysay sa paraang maalamat. Dalawang prinsipeng anak ng hari ang sumasagisag sa dalawang magkaibang pwersa. Isang makapangyarihang makadayuhan at makasakim sa iyaman, si Prinsipe Dolar.

At isang makabayan at makamasang prinsipe, si Duque Democrito. Si Prinsipe Dolar ay kumakatawan sa imperialistang dayuhan na nais ang kinin ang lupa ng Silangan o ang Pilipinas, dala ang mga simbolo ng kapangyarihan, kalakalan at salapi. Si Duque Democrito ay larawan ng mga makabayang Pilipino na naghahangad ng tunay na kasarinlan at kalayaan, ngunit sila'y nasusupil at natatalo Dahil sa kapangyarihan ng salapi at pandarayan ng mga banyaga.

Ang Reyna Malaya ay sagisag ng bansang Pilipinas. Pinag-aagawa ng mga puwersang ito. Nais ng isay pagsamantalahan ito habang ang isay ipinaglalaban ang tunay nitong kalayaan.

May matinding puna sa mga kababayan. Ang ilan sa mga Pilipino ay nabulag na ng salapi at banyagang impluensya. Kaya't sila pa ang nagiging tagapagtanggol ng mga dayuhang mananakop. Sa halip na lumaban para sa sariling bayan, binabatikos din ang kolonyal mentalidad.

Kung saan hinahangaan ng mga Pilipino ang mga dayuhan at kinalilimutan ang sariling kultura, bayani at dangal. Hanggang sa muli Paalam Oops Huwag kalimutang mag Subscribe Salamat