Transcript for:
Mga Prinsipyo at Layunin ng Buwis

Intro Hi guys! Welcome to my channel. Welcome to another episode of EDT Talks. My topic in this particular video is pertaining to fundamental principles of taxation. Or kuminsan, tinatawag nating basic principles of taxation. Okay? Before we proceed, let me thank first lahat ng mga supporters natin. Okay? Thank you very much for subscribing. And thank you very much sa pagpapaabot nyo ng mga appreciation nyo sa ating mga videos. Okay? Sa mga hindi pa nag-subscribe, I hope you will subscribe very soon after watching our video. Okay, so the topic, Fundamental Principles of Taxation, ay medyo mahaba, as you all know. Kaya we decided, as usual, kagaya ng mga nakaraang nating mga videos, we will divide this topic into several videos. So in this particular video, I will discuss three items or three subtopics. Number one, syempre yung pinaka-important, yung unang-unang dapat malaman natin, definition of taxation. Number two, we will discuss the processes or the aspects of taxation. And lastly, number three, purposes of taxation. Bakit may tax? So these are the particular topics that I will be discussing in this video. So let's proceed. Definition of taxation. Ano ba ang taxation? So taxation is defined as the process. or means. So, pamamaraan. Taxation is the process kasi dadaan ito sa series of actions na kailangan gawin para talagang ma-exercise ng government yung kanyang power to tax. So, hindi ito basta nangungolekta na lang ng tax. Merong dadaan ng mga proseso yan. So, taxation is the process or means by which the sovereign, o tinatawag din nating independent state, through its lawmaking body. So sa pamamagitan ng kanyang lawmaking body, na of course sa Pilipinas tinatawag natin yan na Congress at Senate, or simply the Legislative Department. So balikan muna natin ulit, taxation is the process or proseso. or pamamaraan, na kung saan yung gobyerno natin, sa pamamagitan ng kanyang legislative branch, the Congress and the Senate, ay nag-i-impose. So, ito na yung nagpapataw ng tax. So, sa pamamagitan ng kanyang legislative branch, nagpapataw sila ng tax. Imposes burdens. E saan pinapataw o kanino pinapataw? Sa subjects and objects of... taxation. So, ito yung mga pwedeng i-tax. So, sinong pinapatawan ng tax? So, sinong sinasubject sa tax? So, sa batas natin, meron tayong tinatawag na persons. So, it may be imposed on persons. So, when we say persons, natural, dalawa na yan. We have the natural persons, so tayo yun. And we have juridical persons, kagaya ng corporations. It may also be imposed on properties. Kaya may mga property taxes tayo eh. Kaya pwedeng i-impose yan sa pagmamayari ng mga taxpayers o ng mga tao. And lastly, number three, pwedeng i-impose ito sa mga privileges. Okay? Dali ha, nawala yung ating, yan. Privileges or rights. Limbawa, you have the privilege to earn. So, may tax yun. You have the privilege to donate. So, may tax yun. You have the privilege na mag- nagpamanan, may tax yun. So, yun yung mga subjects and objects of taxation. Aside from that, pwede rin sa mga transactions or interest. Halimbawa, nagbenta ka, so pwedeng itax yun. Kagaya nung nag-donate kanina, that is a transaction. So, may tax yun. So, balikan natin. Taxation is the process or proseso or pamamaraan na kung saan yung ating gobyerno Sa pamamagitan ng Kongreso ay nagpapataw ng taks sa mga tao. Sa mga pagmamayari, sa ating mga pribileyo or rights, including transactions. Siyempre, within its jurisdiction. Hindi naman siguro pwedeng magpataw ng tax ang Philippine government sa mga taga-Amerika na wala namang kinalaman dito sa Pilipinas. Isaglit lang, bakit siya nagpapataw ng tax? For the purpose of raising revenue. E ba't kailangan niyang mag-raise ng revenue? Eh syempre, to carry out the legitimate objects of the government. O kagaya ngayon, may pandemia. O eh dahil nakakolekta siya ng tax, eh gagamitin niya ngayon yun para tumulong sa atin ngayong may pandemia. So, balikan natin yung ating definition of taxation. So, advice ko lang, pwede niyong ulit-ulitin na aralin yung mga binabasa niyo or yung mga pinapanood niyo para mamaster niyo. So balikan natin, ano ba ang definition ng taxation? So taxation again is the process or means na kung saan yung ating gobyerno sa pamamagitan ng kanyang legislative branch, the Congress and the Senate, ay nagpapataw ng tax sa atin sa mga pag-aari, sa mga pribileyo, mga rights, mga transactions, na syempre na within... ng kanyang nasasakupan para ito ay makalikom ng pera o ng revenue o ng pondo para syempre magampanan niya yung mga legitimate objectives niya or objects of the government. So, yan yung ibig sabihin ng taxation. So, ano ba ibig sabihin ng proseso na ito? So, i-discuss natin ito mamaya. There are three processes actually of taxation. Kasi nga, hindi pwede na basta na lang nangungulekta si gobyerno. May ano yan? Dadaan yan sa proseso. Kumbaga parang step-by-step procedures. So bago kukulektahan ng tax si Tabag, kalimbawa si Sir Tabag nyo, eh dapat meron mo dinaan ng series of actions ang gobyerno natin bago pumunta sa akin at kulektahin yung particular tax na yan. So I hope maliwanag yung definition ng taxation. Okay? So puntahan natin yung another definition of taxation in simple terms. By the way, kung mapapansin nyo, yung ating nasa mga PowerPoint ay yung mga galing sa libro natin. So sa mga hindi pa nakakaalam, okay? So merong libro si Sir Tabag nyo, okay? Na taxation books. So I hope i-support nyo. The 2020 edition ay available na. So, thank you very much sa mga sumusuporta sa atin. If you need exercises, lalo na later pagdating sa mga computations natin, meron ding CPA reviewer si Sir Tabag Nyo. So, if you buy my textbook, kalimbawa, Tax 1, Tax 2, makikita nyo sa likod, may nakalagay doon CPA reviewer in taxation. So, ang nandon, Just in case you are not yet familiar ano ang laman ng reviewer, meron ding review notes, may mga exercises with answers and explanations. Kaya if you want to, halimbawa, mag-practice na sumagot ng mga questions on taxation, then you must have your CPA reviewer in taxation. Okay. Meron din akong 2020 edition. So lahat ng tax books natin ay 2020 edition na. Okay. So, balikan natin. Another definition of taxation in simple terms, it is the act of levying. Ano ba ibig sabihin ng levying? Levying is pag-i-impose ng tax. Levying is pag-enact ng tax law. Therefore, ang unang proseso is ito, levying a tax. Bakit kinolektahan ng tax si Tabag o si Sir Tabag nyo? Eh kasi may batas tungkol sa income tax. At kung babasahin mo yung batas tungkol sa income tax, pasok ako doon. And based sa batas na yun, I am liable to pay income tax. So, bago ako kukulektahin, dapat meron muna tayong tinatawag na tax law. Kaya meron tayong tax code. The National Internal Revenue Code of the Philippines. So, by the way, ang tawag natin o yung tawag natin sa batas natin or tax code natin is National Internal Revenue Code. of 1997 na nag-take effect noong January 1, 1998. RA 8424. So, dapat huwag niyong kalimutan yan kasi kumbaga sa taxation, yan ang ating Biblia. Okay? Yan ang ating standard. Kung accounting standard, so you have your IFRS, so sa tax naman, we have our tax code. So lahat dapat ng pinag-uusapan natin ay pertaining sa tax code o kung ano yung mga nakasaad sa tax code. So balikan natin yung definition ng taxation, another way to define it. In simple terms, ito ay act of levying a tax. So yan yung imposition of tax. enactment of tax law, eh bakit kailangang gumawa ng tax law? Eh kasi kailangang lumikom ng pera ang gobyerno to apportion yung gastusin niya. Okay? Among those who in some measure are privileged to enjoy its benefits and must therefore share its burden. So yan yung Isang definition ng taxation. Okay, so we are done with the definition of taxation. I hope maliwanag. So let's proceed to the aspects of taxation or proseso. Sabi natin kanina, we are pertaining to series of actions that must be undertaken by the government in order to meet its objective. Okay, yung pangungolekta ng tax. Sabi ko nga kanina, hindi basta kukulektahan ka na lang kaagad ng tax. So dapat dadaan yan sa mga proseso. So unang-una is levying or imposition of tax or enactment of tax law. So pare-pareho ito, imposition of tax. Paano mag-impose ng tax? Mag-enact ka ng law, tax law. So yan yung unang proseso. At sinong gumagawa nito? The legislative branch. Kaya, if you remember, kanina sabi natin, through its legislative branch or body. Kaya, ang may karapatang mag-tax ay legislative branch, not the executive. So, limbawa, national government. So, ang may karapatan nito ay the Congress and the Senate. The lower house, the upper house. Next. So, hindi si President. ang nagtataks. E anong role sir ni President? O syempre, limbawa, ako si Presidente. Gusto ko ganito ang klase ng tax natin. So syempre, I will ask the Congress na baka naman pwedeng mag-enact kayo ng law pertaining to this. So limbawa, yung bagong tax code natin, yung revised tax code natin, yung revision sa tax code natin, the train law, e yan ay nag-take effect. Noong January 1, 2018, ang presidente na natin by that time is si President Duterte na. So actually, isa yan sa mga pangako niya nung siya ay nangangampan niya to amend our tax code. At inamend nga through train law. Pero liwanagin ko ito, ang nag-amend ay hindi naman si Duterte o si President. Ang nag-amend ay ang ating legislative branch. Siyempre, ang influence ni Duterte doon is, of course, yun ang gusto niya. So, di ba, kaya mapapansin nyo, yung head ng lower house sa upper house ay medyo malapit sa presidente. Kasi otherwise, hindi mapapatupad lahat ng gusto ni, yung mga gustuhin ni presidente kung ganon. But, take note that it's not really the president. na nag-enact ng law. It's the legislative branch. Sir, national government lang ba ang may karapatang magpataw ng tax? No. It also applies to local government units. Okay? Particularly, yung province natin, yung city municipality natin, saka barangay. Pero, kagaya ng national, ang may karapatan na magpataw ng tax is not the executive branch. So, sa probinsya, it's not the governor. It's not the city or municipal mayor. It's not the barangay chairman. Okay? So, sino nagpapataw? Di sanggunian. Sanggunian ng probinsya. Ng city-municipio. Okay? Sa kabarangay. So, hindi si mayor ang nag-impose ng tax dyan sa city or munisipyo nyo. yung mga binoto nyo na miyembro ng sanggunian, mga counselors, sila yung nagpapataw ng tax. So that's the first step, okay? Or first sa aspects of taxation. Pangalawa is assessment. So, ibig sabihin, when you say assessment, determination of the correct amount of the tax. By the way, kung magkano ang tax, paano kukolektahin yung tax? Ano ang penalty kapag ka hindi tinupad? Trabaho lahat yun ni legislative. So, halimbawa, bakit 30% ang tax ng corporation? Eh, yun ang inenak na batas eh. So, Enactment yun, pero yung magkano yung tamang amount ng tax due. Siyempre, ang magko-compute niyan, executive. So, limbawa, sa national government, we pertain to the BIR. We pertain to the Bureau of Customs. Siyempre, sa ating LGUs, yan yung mga city treasurer, municipal treasurer, provincial treasurer, o treasurero ng barangay. So, assessment. Ibig sabihin, determination lang kung magkano yung amount ng tax. Pero in determining the correct amount of tax, syempre nakabase yun sa batas na ininak ng Congress o ng sanggunian nyo if you're pertaining to local taxes. Kaya may national taxes tayo, saka local taxes. By the way, yung tax code natin, the National Internal Revenue Code, ito yung tax code o tax law. na ang nag-i-implement IBIR, kaya national tax yan. National tax. Okay? So that's the second aspect of taxation. Number three is collection. So syempre, after determining the correct amount of tax, then we go to the third one, collection. Ang nangungolekta ng tax, hindi naman si Congress or Senate eh. Hindi naman si Sanggunian. Ang nang-o-molekta ay halimbawa sa nasyonal, si BIR, si Bureau of Customs. Kaya itong dalawang to, e trabaho to ng executive, trabaho yan ng BIR, ng Bureau of Customs o ng treasurer nyo sa city, munisipyo, or probinsya nyo. Okay? So I hope maliwanag yung first two topics natin dito. Definition of taxation, saka yung aspects or... processes of taxation. Yung iba, ginagawa lang nilang dalawa ito, levying collection. Pwede rin yun. Siguro naman, you will not collect unless nakapag-assess ka na. Diba? Kaya tandaan nyo, the power of tax, the power of the government to exercise taxation is actually exercised both by the legislative as well as the executive. branch. Okay? So, ang nagpapatupad niyan, dalawa. The legislative and executive. Pero, ang trabaho ni legislative, tagagawa ng batas na dapat i-implement ni executive. Okay? So, kung sakaling may reklamo ka sa mga taxes na kinukolekta ng BIR, actually, dapat wag mong sisihin ang BIR kasi pinapatupad lang niya yung tax law na ang nag-enact. ay Congress. So dapat sila yung anuhin natin bakit ganun klase ng tax yung kanilang in-impose. Or bakit ganun klase ng batas yung kanilang in-enact. Okay, let's proceed to the last topic in this particular video, the purposes of taxation. Before I'll show you the purposes, eh actually balikan natin yung definition ng taxation. Nandito na yun, no? Bakit nga ba may kinukolekta ng tax? Yan, no? To raise revenue. E ba't nagre-raise ng revenue? E para matupad nito. O para maisakatuparan nito ang kanyang mga lehitumong activities o programa. So, that is actually the primary. Okay? Primary purpose of taxation. Revenue purpose or tinatawag din nating fiscal purpose. The primary purpose of taxation on the part of the government, is to provide funds. Kaya magbayad kayo ng tax. Magbayad tayong lahat ng tax. Okay? Para kahit na magkakaroon ng mga problema, eh kaya tayong suportahan ng gobyerno natin. Okay? Is to provide funds or property with which to promote the general welfare. And... protection of its citizens and to enable it to finance its multifarious or maraming activities. Ibat-ibang klaseng activities. So, During this pandemic, yung mga initial stages ng pandemic natin like March, April, May, diba nagkaloob ang ating gobyerno ng financial assistance even sa mga maliliit nating mga negosyo. Diba sa mga maliliit nating negosyo, nagbigay sila ng 8,000 yata per employee, diba? So laking tulong yun sa mga maliliit nating mga negosyo. So, bakit may tax? Eh, para may pera ang gobyerno. Eh, bakit ka nakakapunta ng probinsya? Nang matiwasay? Eh, kasi sir, maayos yung kalsada. Eh, saan galing yung pinampagawa ng kalsada? Tax. Eh, bakit gabing-gabi na pero ang liwanag pa rin ng daan? So, saan kinuha yung pailaw? Siyempre, sa tax na kinolekta. Diba? So, yan yung purpose of taxation. Eh bakit wala ka ngang pera? Mahirap ka lang, okay? Eh kaso nagkasakit ka, so meron naman tayong government hospital. So I really hope free naman, di ba? Pag government hospital or minimal, okay? Kaya ma-e-tax tayo. Eh wala kang pampaaral sa mga anak mo sa private schools. Oh, that's why nandyan yung ating mga government schools. Eh saan naman galing yung mga ginastos nila? Natural sa nakolektang tax. That's revenue or fiscal purpose of taxation. Simple, di ba? I hope maliwanag. So, pangalawa, secondary purpose. So, there are two purposes of taxation. Two major purposes of taxation. Revenue purpose. So, that's to raise revenue. To support the activities, legitimate activities of the government. And number three is regulatory. Tinatawag ding sanctuary sa kakompensatory. So while the primary purpose of taxation is to raise revenue for the support of the government, taxation is often employed as a device for regulation. For regulation or control. Okay? Eh bakit kailangang i-regulate? Or bakit kailangang may kailangang i-control? Eh for the general welfare. Reduction of social inequality, economic growth. So example, dito tayo sa general welfare. Sigarilyo. So sa mga hindi pa nakakaalam, lalo yung mga first time na mag-take ng tax subject, may sin taxes tayong tinatawag. Taxes on non-essential goods. Kagaya ng cigarettes. May tax yan, kaya mahal yan, kasi may syntax yan. So, bakit may syntax ang sigaret, ang alkohol, etc. To promote general welfare, to promote health. Kasi kung hindi papatawan yan ng additional taxes, e affordable ang sigarilyo, affordable ang mga alak, e di gawin nating mahal ng konti. Para medyo mag-isip ka muna bago ka bumili. So, regulatory purpose. Okay? So, kung gusto mo talaga wala ng naninigarilyo sa Pilipinas, halimbawa, edi magpataw ka ng tax na pagkamahal-mahal sa, halimbawa, sigarilyo. Kunwari lang, no? Kunwari. Isan libo per stick ng sigarilyo. Ang alam ko, ang isang kahan ng sigarilyo ay 20 ang laman. Okay? Hindi ako nag-smoke. For your info. Pero alam ko that's 20. I'm not sure. Baga nabago na. Okay? So kung 20 yun, na-stick ng sigarilyo, edi yung syntax pa lang niya, 20,000 na. Isang sigarilyo lang, 1,000 tax pa lang yun. Edi kung bibili ka ng sigarilyo, magkano na, diba? O. Edi kung ganun, baka wala na nga maninigarilyo sa buong Pilipinas, diba? Sir question. Pwede ba yung ganun? Kamahal na tax? isang libu, isang sigarilyo, isang stick ng sigarilyo. Pwede. The power to tax is the power to destroy. As long as ang kanyang dinedestroy ay yung medyo hindi maganda. Okay? Yan. So, ididiscuss natin sa mga subsequent videos natin yung the power to tax is the power to destroy. Okay? Okay. Ano pa? Regulatory purpose. Grabe na ang traffic sa buong bansa, diba? Sobra na ang traffic. Ang daming mga sasakyan. O edi, mag-impose ng tax sa mga sasakyan. Para hindi na lang lahat bibili ng mga sasakyan. Bago ka bibili ng sasakyan, mag-isip ka muna. O edi kung ganun, hindi ganun karami ang nabibentang sasakyan. Pag ganun, medyo maiiwasan pa ng konti yung traffic. Sir, may tax naman, sir. Alam naman namin, sir, may tax yung mga vehicles. Pero ang dami pa rin yung vehicles sa Pilipinas. O edi ibig sabihin lang, hindi pa sapat yung tax. Saka siguro, kung ako tatanungin nyo, eh dapat siguro itax yung mga masyado ng matatagal na mga sasakyan. Imbawa, more than 10 years na, more than 15 years na. Meron pa dyan, more than 20 years na. Eh di itax natin pag ganun ng katatagal yung mga sasakyan nila para hindi na nila gamitin. Okay? So pag ganun, kaya naman kasi ang daming sasakyan sa Pilipinas kasi maliban sa ang daming bago, ang daming ring luma, di ba? Eh what if, alimbawa, huwag mong palagpasin ng 15 years? O 10 years. Pag lumagpas ng 10 years, may additional tax kang ganito. Pag lumagpas ng 15 years, mas malaki pa yung additional tax mo. Gawin natin na para kang bumili ng brand new car. E di kung ganun, after 10 years, talagang sisirain mo na lang yung ano mo. Yung sasakyan mo, o wag mo nang gagamitin. Para, in that case, maiwatan yung traffic sa Pilipinas. That's an example of regulatory tax. Okay? Regulatory tax. Okay? So, it is often a device for regulation or control. Tinatawag din yan na implementation of state's police power. That is actually our next topic sa next video. Yung three inherent powers of the government. The power to tax, police power, saka eminent domain. So, therefore, tax. or taxation may also be exercised in implementing the state's power or the state's police power. Kagaya ng mga sinampol ko. Another example. Wala naman siguro minor na nanonood ng video na ito. So, alimbawa lang, mga clubs. Okay? Yan. Diba? Meron tayong tinatawag na, so syempre, pag di ka patapos sa tax 2, or kung ano man yung course code nyo sa next na tax subject nyo, may tinatawag tayong mga amusement taxes. So para hindi ka masyadong pumunta sa mga bars, etc., may amusement taxes. O kaya, limbawa, na, Alaman ng gobyerno na itong massage center na ito ay hindi talaga massage center. So ang dami ng mga massage centers sa Pilipinas na sa totoo lang ay hindi naman pala talaga massage lang. So in that case, the government may impose tax na malalaki, onerous taxes, sa mga operators ng mga massage parlors. But actually, ang purpose ng gobyerno is para nga... i-discourage sila na mag-operate ng massage parlors. So, alimbawa, ex-sads ko lang itong example natin. Eh, one million a day. Sample lang, one million a day. Sa palagay mo, mag-ooperate ka pa ng massage parlor mo, mag-stop ka na lang. O, pag ganun, naiwasan talaga yung paglaganap ng, alimbawa, prostitution. Okay? So, yan yung tinatawag na regulatory or compensatory. So, while the primary purpose of taxation is to raise revenue for the support of the government, taxation is often employed as a device for regulation or control. Okay, yan din yung implementation of state's police power. By means of which certain effects, conditions envisioned by the government may be achieved. Kagaya ng letter A. O, nadiscuss ko na yan ha. Yan yung sigarilyo. Yan yung alap. Okay? Yan yung sa prostitution. Okay? Yan yung sa traffic. Reduction of social inequality. Ang yaman niya, hindi tayo singyaman niya. Suwerte niya, mayaman yung pamilya niya. Yung mga magulang niya, so may mamanahin siya. Eh kaso tayo, hindi naman mayaman ang mga magulang natin. So alimbawa, matay magulang mo, wala kang mamanahin. Unlike them. Para naman. Pag medyo mabawas-bawasan yung social inequality, itax natin yung pagpapamana ng mga magulang nila sa kanila. Okay? So, topic nyo yun sa next tax subject nyo. Okay? Tinatawag nating transfer and business taxation. May tinatawag tayong estate tax. Tax sa pag-transfer ng pag-aari ng namatay sa kanyang mga tagapagmana. So, that's letter B. And economic growth. So, limbawa, meron kasi tayong mga... Taxpayers na special ang kanilang mga taxes or meron silang kakaibang mga taxes. Kagaya ng mga companies registered under Philippine Economic Zone Authority. Mga companies na registered under BOI, etc. So the objective is, actually, if you compare their taxes, medyo mas mababa kaysa sa regular taxes natin. At regular taxes ng mga ordinary companies. So the objective... is actually for economic growth. So, alimbawa, create tayo dito ng industrial park, eco-zone. So, dyan mag-stay ang mga companies registered under PESA, alimbawa. But actually, the purpose is to improve the economic growth in the country. Kasi, syempre, may mga mamumuhonan tayong mga foreign entities, etc. Okay? So, yan yung... Ibig sabihin ng secondary or regulatory purpose. So, I hope maliwanag sa inyo yung tatlong diniscuss ko. Definition of taxation, aspects of taxation, saka purposes of taxation. So, thank you very much. I hope may natutunan kayo sa video nito. So, God bless you all.