Transcript for:
Kalinangan at Etnolingwistiko sa Timog Silangang Asya

HEOGRAPHYANG PANTAO NAN TIMOG SILANGANG ASYA Ang pagkakaiba ng kalinangan at mga pangkat etnolingwistiko Kilala ang lahat ng taong naninirahan sa kontinente ng Asia bilang mga Asyano. Ngunit bukod dito ay may pagkakakilanlan din ang mga Asyano batay sa bansang pinagmulan. Halimbawa ay Vietnamese mula sa Vietnam, Thai mula sa Thailand, at Pilipino mula sa Pilipinas. Ngunit bukod sa dalawang nabanggit na pagkakakilanlan ay maaari ding ikategorya ang mga tao sa Asia ayon sa pangkat etnolingwistiko na kanyang kinabibilangan.

Ibig sabihin, bukod sa pagiging Indonese, ay maaari din silang ikategorya bilang Javanese, Balinese at iba pa. Ang mga Pilipino ay maaaring maging Tagalog, Ilocano, Cebuano at iba pa. Ang pangkat etnolinguistiko ay tumutukoy sa pangkat ng tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura, at etnisidad.

Ang wika ay ang pangunahing instrumento na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang maipahayag ang ideya o damdamin. Ang kultura ay ang kabuoang katawagan sa mga kaisipan, kaugalian, tradisyon at gawi ng isang lipunan. At ang etnisidad ay ang mistulang kamag-anakan.

Kapag ang isang tao ay kinilala bilang bahagi ng isang grupo dahil sa pagkakatulad ng kanilang pinagmulan, ay itinuturing nila ang isa't isa bilang malayong kamag-anak. Sa mismong pangalan pa lamang ay nakikita na na ang mga pangkat etnolingwistiko sa Timog Silangang Asya ay may mga malalim na pagkakaiba sa larangan ng kultura, wika, relihiyon at tradisyon. Narito ang ilan sa mga pagkakaiba na mga pangkat etnolingwistiko sa mga bansa ng Timog Silangang Asya.

Sa larangan ng wika at panitikan, makikita sa bansang Pilipinas ang iba't ibang wika tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano at iba pa. Ang mga akdang pampanitikan at epiko ay nagpapakita ng malalim na kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. Sa bansang Indonesia ay natatangi ang kanilang wika tulad ng bahasa.

Pagdating sa relihiyon at pananampalataya, ay may malaking impluensya sa bansang Thailand ang relihiyong budismo. Mahalagang bahagi ng kanilang kultura ang mga templo. Sa Pilipinas, malakas ang impluensya ng Kristyanismo, partikular ang Roman Catholicism. Bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang mga simbahan at religyosong pagdiriwang. Pagdating sa tradisyon at kaugalian, sa bansang Malaysia ay nakaugalian ang pagpapahalaga sa mga pamilya at tradisyon.

Ang Ramadan ay mahalagang panahon ng pag-aayuno at pagninilay para sa mga Muslim. Sa bansang Cambodia, bagamat ang tradisyon ng Khmer Rouge ay nag-iwan ng malalim na epekto, ay patuloy pa rin ang mga tradisyonal na seremonya at kultura. Sa sining at arkitektura ay may malalim na kasaysayan ang sining ng bansang Vietnam. May impluensya mula sa China ang kanilang arkitektura at sikat ang Aoyay bilang isang tradisyonal na kasuotan. Sa Brunei ay makulay at dekoratibo ang kanilang sining at arkitektura.

May mataas na minaret at malalaking pintuan ang mga gusaling muslim. Pagdating sa pangkabuhayan at pamumuhay ay kilala ang mga Pilipino sa pagsasaka at pangingisda. Ang mga fiesta at iba't ibang kaganapan ay bahagi ng pang-araw-araw nilang buhay. Sa bansang Myanmar ay may malalim na tradisyon ng pagsasaka at pangingisda, at may impluensya ng Budismo sa kanilang pangkabuhayan.

Pagdating sa pamumuhay at kultura ay patuloy na umiiral ang tradisyonal na buhay sa Indonesia. Ang mga ritual at seremonya ay bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa Singapore ay may modernong pamumuhay at may mataas na antas ng teknolohiya at urbanisasyon.

Ngunit mahalaga pa rin ang mga tradisyonal na pagdiriwang sa kanilang kultura. Ang mga pagkakaiba sa kalinangan ng mga pangkat etnolinguistiko sa Timog Silangang Asya ay nagpapakita ng mayamang pagkakaiba-iba ng rehyon. Ito ay nagbibigay kulay sa bawat bansa at nagpakita ng kanilang natatanging kasaysayan, tradisyon at kultura.

Ating kilalanin ang ilan sa mga pangkat etnolinguistiko ng Timog Silangang Asya. Pangkontinenteng Timog Silangang Asya Sa bansang Myanmar ay makikita ang mga grupong Shan, Karen, Kachin, Burman, Atchang, Padaong at Kaya. Sa bansang Thailand naman ay naroon ang mga pangkat ng Niyaw, Mon, Thai at Muong Sa bansang Vietnam ay matatagpuan ang pangkat ng Akha, Vietnamese at Chino. Halos 70% ng populasyon ng bansang Lao ay binubuo ng pangkat etnikong Lao. Matatagpuan din sa bansang ito ang mga pangkat ng Laolong, Himong, Yao, Vietnamese at Chino.

Sa Cambodia, mahigit siyamnapung porsyento ng mamamayan ay mula sa pangkat etnikong Kimmer at ang natitirang bahagi ay kinabibilangan naman ng mga Chino, Vietnamese at Siam. Sa pangkapuloang Timog Silangang Asya ay matatagpuan sa Bansang Malaysia ang iba't ibang pangkat tulad ng Malay, Bumiputra, Sarawak, Badyaw at Orang Asli. Sa Bansang Indonesia, Javanese ang pangunahing grupo.

Samantalang ang natitirang bahagi ay binubuo ng mga Austronesian Malay at Maduris Sudanis. Sa Timor-Leste, ang pangkat na Tetum ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng pangkat etniko sa bansa. Sa bansang Brunei, ang mga pangkat etniko ay kinabibilangan ng mga Malay at Chino.

Sa bansang Pilipinas, karamihan sa mga Pilipino ay nagmula sa pangkat etnikong Kaustranisyan. Kabilang sa mga ito ang mga Bisaya, Tagalog, Ilocano, Moro, Kapampangan, Bicolano, Pangasinense, Igurod, Lumad, Mangyan, Ibanag, Badyaw, Iatan at iba pang mga tribo sa Palawan. HEOGRAPHYANG PANTAO NAN TIMOG SILANGANG ASYA Ang pagkakaiba ng kalinangan at mga pangkat etnolingwistiko