Isang mapagpalaya at malayang araw sa ating lahat. At ang ating pag-uusapan sa araw na ito ay bahagi ng ating talakayan patungkol sa Araling Panlipunan Baitang Pito, Kasaysayan ng Asia. Partikular sa Imperialismo at Kolonyalismo sa Timog Silangang Asia.
Matapos nating talakayin ang Imperialismo at Kolonyalismo sa Timog Asia, Kanlurang Asia, gayon din. Sa bahagi ng Silangang Asya, ang pinakabahagi o ang huling bahagi ng ating talakayan ay patungkol sa pananakop sa Timog Silangang Asya, kung saan ang Pilipinas ay bahagi nito. Tayo ay nasakop ng 327 years to be particular ng mga Espanyol dahil na rin ito sa hindi natin pagkakaroon ng pagkakaisa at watak-watak na pagkakaroon ng revolusyon. laban sa ating mga kaaway.
Ngayon ay tunghaya naman natin kung paano nga ba natin na ipaglaban ang ating karapatang pantao, gayon din kung bakit sumibol ang nasyonalismo sa Timog Silangang Asya, particular sa bahagi ng Indonesia, Malaysia, Myanmar, at maraming bahagi at bansa ng Timog Silangang Asya. Sa karagdagan, narito ang mga layuni na dapat nating matamo Matapos ang ating talakayan. Ang una ay naiisa-isa mga bansang kandulanin at mga ginawa sa Timog Silangang Asya. Aalamin natin ang mga bansang sumakop sa mga bansang matatagpuan sa Timog Silangang Asya.
Ikalawa ay naipaliliwanag ang kasaysayan ng imperialismo at kolonyalismo sa Timog Silangang Asya sa sariling pagkakaunawa. Ikatlo ay napahalagahan ang mga aral na iniwa ng kolonyalismo. sa mga Asyano sa Timog Silangang Asya. Ano nga ba dapat ang aral na maaitanim sa ating puso at sa isipan nang tayo ay sakupin ng mga mananakop ng mahabang panahon? At paano natin ito magagamit sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sakaling tayo ay magkaroon ng panibagong panahon o panibagong pamamaraan ng pananakop sa kasalukuyan at modernong panahon?
At ang panghuli, ay nakapagbibigay ng opinion at saluobin sa patakaran at programang inilunsad ng mga kanluranin sa ating regyon. Sa pagsisimula ng ating talakayan, tayo muna ay maglaro ng Think Fast. Sa larong ito, ako ay magpapakita ng ilang mga larawan at kailangan kayo ay mabilis na makapag-isip ng isang salitang maaari ninyong maiugnay sa larawan na inyong makikita. Kapag hindi kayo nakapag-isip ng mabilisan, at kayo'y makakaranas ng isang consequences o isang parusa. Handa na ba kayo para sa ating Think Fast?
Kung gayon ay simulan na natin para sa unang larawan. Simulan natin, anong-anong nga bang mga salitang maaari ninyong maiugnay mula sa larawang inyong nakikita? Mahusay!
How about para naman sa ikalawang larawan? At ikatlong larawan? Magaling ang inyong mga sinabi.
Maaari itong nagpapakita ng trabaho, ekonomiya. Ito na nagpapakita ng pagbibenta ng mga produkto. Mahusay, may babae, lalaki, may daladala.
Magaling kung ito ang inyong mga naiisip. At para sa ating pang-apat at pang-limang larawan, ano naman kaya ang inyong naiisip? Mahusay, ito yung maaari nagpapakita ng paggawa.
Sa pilitang paggawa, maaari rin ito ang pagbuo ng mga produkto, maaari rin ito ang pagpapahirap sa mga tao. Magaling ang inyong mga naisip kung kaya talagang tunay na hasang-hasa ang inyong mga nalalaman patungkol sa ating talakayan. Ano nga ba ang kaugnayan ng mga larawang ito sa ating talakayan sa araw na ito? Bilang pagbubuod ang mga larawan na inyong nakita ay may kaugnayan sa mga programa at patakarang pinatupad ng mga kanluraninang sakupin nila ang Timog Silangang Asya.
Sa katunayan, narito ang ilang mga bansang nasa Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Europeo noong panahon ng imperialismo at kolonialismo sa Timog Silangang Asya. Ang Netherlands ay sinakop ang Indonesia. Samantalang ang Great Britain, tatlong bansa ang kanilang sinakop.
Nariyan ang Malaysia, Singapore at Myanmar. Sa kabilang banda, ang Spain ay sinakop ang Pilipinas sa unang yugton ng imperialismo at kolonyalismo. Samantalang sinakop naman ng United States of America ang Pilipinas sa ikalawang yugton ng imperialismo at kolonyalismo. Sa kabilang banda, sinakop naman ng France ang Indochina na binubuo ng Vietnam, Cambodia at Laos, na sa kasalukuyan sa kasaysayan... ng kasaysayan ng Asia.
Ito'y tinatawag bilang French Indochina. At ang panguli ay ang Thailand na kung saan ay nagsalbi bilang buffer state ng France at Great Britain. Ibig sabihin, pag sinabi nating buffer state, ito ay ang bansa na hindi sinako sapagkat ito'y nagsisalbi bilang daanan ng dalawang bansa, particular ng Pransya at ng Grand Britannia upang hindi makaroon ng anumang sigalot sa dalawang bansa.
at sila'y tuluyang makatuloy sa loob ng Timog Silangang Asya. Buffer State ang tawag sa Thailand. Unang sinakop ng mga bansang kanlunanin ang Indonesia na kung saan ito ay ang pagpasok ng mga Holandes o mula sa Holland o tinatawag natin sa kasulukuyan bilang Netherlands.
Sa pagpasok ng mga Holandes sa Indonesia, kanilang tinatawag natin. Dutch East India Company, ito isang kumpanya na naglalayong mapalawak ang kalakalan, pagpapalitan ng produkto at ang impluensya ng mga Ulandes sa Indonesia. Sa katunayan, sa pamamagitan din ng Dutch East India Company ay higit na napalawak ang kapanyarihan ng mga Ulandes sa Timog Silangang Asia. Sa pagpapunyagi o sa pagpapatayo ng kanilang kapanyarihan sa Timog Silangang Asia, kanilang tinayo ang Batavia.
At ang Batavia ay isang pamayanan lamang para sa mga Ulandes. So ibig sabihin, hindi pwedeng makapasok ang mga Indones. Walang karapatan ang mga Indones na mahimasok sa pamayanan ng mga Ulandes.
At ang Batavia ito ay para lamang sa mga mayayamang mga Indones. Ngunit sa mga simpleng mamamayan ay wala silang karapatan upang pumasok sa Batavia. Sa karagdagan, pinatupad din ang sistemang kultural.
At ang sistemang kultural ay ang pagsapilitang pagbubuwis sa mga magsasaka at sapilitang pagtatanim ng mga produkto, particular ng produktong bulak. At igit sa nagpahirap sa mga Indones ay ang pagpapatupad ng mataas na buwis. Ito rin ay ang pangungulekta ng di makatarungang buwis at pagkakaroon ng cash crops.
Natunoy na nagpahirap sa mga... At ito ang naging hudiyat ng pagkakaroon ng nasyonalismo sa bansang Indonesia na ay silang magkaroon ng kalayaan mula sa mga mabagsik at di makataong pagpapatupad ng mga Ulandes sa kanilang bansa. Sa kabilang banda, nakaranas naman ang hagupit ng kalupitan ang mga Malay mula sa Malaysia nang sila ay sakupin ng Great Britain.
At sinakop ng Great Britain ang tinatawag nating Malay Peninsula. Dito ay kanilang itinayo ang British East India Company sa Penang, Malaysia taong 1786. Dito rin ay ang kinuha ng mga Great Britain o ng mga Ingles ang Batvia na isang lugar sa Malaysia mula sa mga Ulandes. Dahil napabagsak nila ang Dutch East India Company.
So ibig sabihin... May labanan pa sa pagitan ng Ingles at ng mga Olandes at higit na nagtagumpay ang mga Ingles dahil sa kanilang kakaiba at maunlad na pamamaraan ng pakikidigma at mga kagamitang pandirigma. Dito rin ay nagkaroon ng straight settlements bilang himpilang pang kalakalan. At sa katunayan, sa Malaysia rin ay naitatag o dito ay nagkaroon ng pagkakatatag ng Singapore sa tulong ni Raffles at Tengku. Hussein, na kung saan sila ang naging leader ng Singapore.
Bilang pagpupunyagi ng mga Ingles sa bansang Malaysia, kanilang itinayo ang Swage Settlements. At kapag sinabi nating Swage Settlements, ito'y tumutukoy sa mga trading centers o mga sentrong pangkalakalan ng Malaysia. Dito pinapasok at nilalabas ang mga produkto na mula sa Inglaterra.
Sa katunayan, ang Swage Settlements ay Nasa ilalim ng kapangyarihan ng viseroy. At kapag sinabi natin viseroy, ito ay nasa isang representasyon ng isang hari. So ibig sabihin, may isang taong nag-resymbolize o sumisimbolo sa isang hari na namamahala sa suede settlements.
At ang suede settlements ay binubuo ng apat na mga trading centers. Ito ay ang sa Penang, Malacca, Singapore at Labuan. At naitatag ang suede settlements sa 1910. Sa karagdagan, pinatupad din ng mga Ingles ang pagkakaroon ng sistema ng residential at residente.
Pag sinabi natin residential, ibig sabihin ito yung lugar na ino-occupa ng mga malay. At ang mga residente, yung mga... na naninirahan sa loob ng residential.
Ginawa namang mabuti ng mga Briton o ng mga Ingles ang pagsugpo sa mga kriminal na nagaganap sa Malaysia, higit lalo sa straight settlement at sa mga pagsugpo sa mga pirata na umuok ko pa ng iligal sa Malaysia. Habang yumayabong ang kapangyarihan ng Great Britain sa Timog Silangang Asia, nagawa nilang sakupin ang Burma na sa kasalukuyin ay tinatawag bilang Myanmar, kinakailangang bigyan ng proteksyon ng British ang India sapagkat ito ang kanilang crowning glory at dito nila kinukuha ang kanilang nyaman sa India at ang Burma ay magsisilbi bilang karagdagang pa-merkado o karagdagang pamilihan ng kanilang mga produkto na mula sa India so ibig sabihin dahil sa kop ng Great Britain ang India, kailangan nilang proteksyon ng ito sapagkat ito ay malapit sa Myanmar at mula sa Myanmar Ang Myanmar ang magsisilbi bilang mercado o ito ang pamilihan kung saan nila ibabagsak ang mga produktong kanilang nagagawa sa India. Sa karagdagan, bilang pag-aalsa ng mga Burmese laban sa Great Britain, ito ay nauwi sa tatlong ulit na digmaang Anglo-Burmese.
Sa katunayan, ang digmaang Anglo-Burmese ay tinuturing bilang pinakamahal at pinakamahabang digmaan na nilahukan ng mga Ingles. At dito'y pinatunayan ng mga Burmese na kaya nilang makipagsabayan sa mga Kanluranin. Kanilang pinatunayan sa tatlong digmaan, bagamat talo man, ay pinatunayan nilang kaya nilang masugpo o kaya nilang makipaglaban sa mga Ingles. At tunghayan natin kung ano nga bang naganap sa digmaang Anglo-Burmese.
Ano nga ba ang mga naganap noong digmaang Anglo-Burmese? Tandaan natin, na ang digmaang Anglo-Burmese ang pinakamahal at ang pinakamahabang digmaang nilahukan ng mga Ingles. At sa katunayan, ito ay nahati sa tatlong yugto.
Para sa unang yugto, ito'y naganap noong 1824 hanggang 1826, bunsod ng pagharang at pagsuporta ng Briton sa mga rebeldes sa Burma. Kung kahit nagalit ang mga Burmese sa pagkasinusuportahan ng mga Briton ang mga rebeldes sa Burma. At ito'y nauwi sa kasunduang Yandabo.
Sa katunayan, sa unang yugto ay natalo ang mga Burmese at tuluyang nanalo ang mga Briton sapagkat ginamit nila ang mga rebelde upang mapalawak at mapalakas nila ang kanilang hukbo at ang kanilang kapangyarihan sa Burma. Para naman sa ikalawang yugto, ito ay nauwi sa pagpunta sa Lower Burma sa British. Ibig sabihin, natalong muli ang mga Burmese sapagkat hinamo ni Commodore Lambert ang mga Burmese sa isang digmaang pandagat. Tandaan natin na may lakas at may kapangyarihan ang mga Ingles pagdating sa digmaang pandagat. At kilala sila sa pinakamay makapangyarihan na sandata pagdating sa mga digmaang pandagat.
Kung kaya't ito'y nauwi sa isang agreement o sa isang kasunduan na mapupunta ang Lower Burma sa mga Briton. At ang panghuling yugto ay ang pagkuhan ng Briton sa Mandalay. Pinigilan ng Britanya ang plansya noong 1885 na palawakin ang kapangyarihan sa Myanmar.
So ibig sabihin na pa sa kamay ng mga Ingles ang Burma sa tatlong yugto ng kanilang digmaan. Ito ay dahil sa kadahilan ng kailangan nilang maproteksyonan ang India. At tandaan natin ang India ay malapit sa Myanmar.
At ang kanilang pinaka-interes ay magsilbing isang tahana ng pamilihan. ang Burma para sa kanilang mga produkto. Matapos mapasakamay ng Great Britain ang Burma, dumako naman tayo sa isa pa sa naging makapangyarihan sa Timog Silangang Asia at ito ay ang Spain o ang Espanya. Nang kanilang sakupin ang Pilipinas at mapalaganap ang Kristyanismo noong 1564. Pinamunuan ng isang gobernador-general, partikula na si Miguel Lopez de Legazpi, ang Pilipinas. At siya ay sinunda ng marami pang mga gobernador-henera na nagpatupad ng iba't ibang mga patakaran at mga programa na para sa kanila ikauunlad ng kanilang bansa at ikakahirap naman ang bawat Pilipino.
Kung kaya't nasakop ang Pilipinas ng 333 years to be particular at tayo ay lumaban matapos ang kanilang mapangabusong mga panukala at patakaran sa ating bansa. Ano-ano nga ba ang kanilang mga pinatupad? Sa Pilipinas, ang una yung pagpapatupad ng polo-e-servisyo o tinatawag na forced labor na kung saan sa edad na 15 hanggang 60 years old ay kailangan na magtrabaho ng isang lalaki.
Ito ay sapilitan sapagkat kahit ayaw mo ang isang gawain ay kailangan mong gawin. Kung ayaw mo namang magtrabaho para sa gawain ito, kailangan mong magbayad ng isang tax o buwis na tinatawag na FALA. Na rin din ang tinatawag nating galleon trade o kalakalang galleon na kung saan ay tumatagal ng tatlong taon upang madala ang mga produktong ginawa sa Pilipinas sa ilalim ng mga Espanyol. Kung kahit ang mga Pilipino ay nakatunghanga matapos naantayin ang galleon.
And kumienda naman ang paniningil ng isang enkementero sa lupain. na sinasakaw o sa lupain na nirerentahan ng isang Pilipino. Bandala ay ang pagbibenta ng mga produkto sa isang mababang presyo. Ibig sabihin, luging-lugi ang mga Pilipino sa mga produkto ang kanilang binibenta sapagkat hindi makaturungan ang presyo na kanilang inilalagay sa bawat produkto ng mga Pilipino.
Ang tribute o tributo naman ay ang pagbibigay o paghahandog sa hari o sa gobernador-general ng Pilipinas. Nauwi sa Revolusyong Pilipino dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol noong 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Dahil sa mga mapang-abusong kamay na ginawa ng mga Espanyol ay namulat ang mga Pilipino. At dito'y nagkaroon tayo ng mga ilustrado. Mga ilustrado yung mga Pilipinong nagkaroon ng oportunidad na makapag-aral sa ibang bansa.
At dito'y natuluyan silang magkaroon ng kamalayan na kailangan pala na ang bawat tao ay mayroong karapatan. Karapatang makapagsalita, karapatan na magkaroon ng edukasyon, at karapatan na magkaroon ng dignidad sa lahat ng panahon. Matapos tayong mapasakamay ng mga Espanyol sa mahabang panahon, tayo naman ay kanilang ipinagbenta sa mga Amerikano sa pamamagitan ng kasunduan sa Paris, na kung saan ibinenta ang mga Pilipino sa halagang $20 million. Nagkaroon ng digmaan noong 1898 sa pagitan ng Amerika at Espanyol na naganap sa Intramuros, ngunit sa katunayan ito lamang isang kalukuhang digmaan sapagkat ito'y planado at nais lamang ipakita rito ng mga Espanyol na ayaw nilang mawalant sila ng dignidad na kaagad-agad silang natalo ng mga Amerikano.
Napa sa kamay ng Amerikano o ng mga Amerika o ng Amerika ang Pilipinas bilang kolonya. At ang pagpapatupad ng tinatawag nating manifest destiny na ibig sabihin ay trabaho o talagang ito ay isang fate or destiny kapalara ng mga Pilipino na sila ay tulungan ng mga Amerikano sa pagkatrabaho daw ito ng mga Amerikano sa pamamagitan at sa pagsasaad ng tulang white man's burden. Pinatupad sa Pilipinas ng mga Amerikano ang tinatawag nating Tidings-McDuffie Law na pinapatupad ng batas na ito na makakaroon muna ng sampung taong pagsasariling bansa, ibig sabihin temporary, o itong tinatawag nating Commonwealth Government, kung saan sa lahat ng mga pinapatubad nating batas, ay kailangan muna itong sangayunan o bigyan ng consent o ng permisyon ng namamahala sa Amerika. At kailangang maipakita ng mga Pilipino na kaya nating tumayo sa ating sarili mga paa pagkatapos ng sampung.
taon. Ngunit, ang kapalarang ito ay nagimbal sapagkat tayo ay sinakop ng mga Japon na magkaroon ng ikalawang digma ang pandaigdig. Tuntunin naman natin ngayon ang paghahari ng pransya sa Indochina.
Tandaan natin, ng Indochina ay binubuo ng tatlong bansa. Ito ay ang Laos, Vietnam at Cambodia. Bakit tinatawag silang Indochina?
Indo ibig sabihin sa India. China mula sa China. Sapagkat makikita natin dito ang impluensya ng India at China. Tandaan natin, Indochina.
South of India, East of China. Na kung saan yung makikita natin sa ating mapa. Makikita natin ang kultura ng Indochina, ng India at China. Sapagkat narito ang mga reliyon, ang mga kinagawian, ang mga kultura at tradisyon na siyang makikita sa Vietnam.
Law at Cambodia hanggang sa kasalukuyang panahon. Gayunpaman, nagwagi o nagapi ng Pranses ang mga Vietnamese na nagnais paalisin ang mga Jesuita sa bansa. So naisin ang mga Vietnamese na mapaalisin ang mga Kanluranin at naisin ang mapaalis ang mga Jesuits na kung saan ay mula sa France. Ngunit hindi sila nagtagumpay sapagkat malakas ang kapangyarihan ng mga Pranses. Sa kabilang banda, Nagbigay ng tulong ang pransya sa Cambodia, bunso ng pagsalakay ng mga Ayutthaya.
So ibig sabihin, sa Cambodia naman ay sila'y naakit sa pagtulong ng mga pransya sapagkat ang Ayutthaya isa rin sa mga... mga kaharian na meron sa Cambodia at nais silang paalisin nais silang paalisin ng mga naninirahan o ng mga mamamayan sa Cambodia ngunit hindi nila ito nagawa sapagkat tumulong ang mga pranses sa pamamagitan nito bilang pagbigay ng utang na loob sa mga pranses kanilang ibinigay ang Batambang at si M. Rip samantalang, pag-usapan naman natin ang naganap sa Lao niligtas ng pranses si Haring Oyun Kam Mu... ng law.
Kaya pumayag itong magpasakop. So, ibig sabihin din, tinulungan ng pranses ang mga law upang matulungan ang kanilang haring si Haring Mu. So, ang nangyari dito ay napasakamay ng mga pranses ang law sapagkat ibinigay nila ito.
Pumayag silang magpasakop sapagkat ang akala nila ay tunay na kaibigan ang mga pranses. Ganun lamang kadali kung paano inakit ng mga Pranses ang kalooban ng mga Cambodians at ng mga Lao samantalang mga Vietnamese ay higit na nanlaban sa mga Pranses. Gayunpaman ay alamin natin kung ano nga ba ang mga patakaran na kanilang ipinatupad sa Indochina.
Ano-ano nga ba ang mga patakaran na pinatupad ng mga Pranses sa French Indochina? Ang una ay ang pagpapatupad ng Corvie na kung saan ito rin ay maihahalin tulad Sasapilit ang pagawa o polo-i-servisyo na kung saan ay dinadala ang mga lalaki sa mga gawaing pambayan na mayroong mababang pasahod. Ikalawa ay ang paghahati-hati ng distrito na pinamumunuan ng Supreme Council o ng isang gobernador. Sa pamamagitan ng paghahati-hati ng distrito ay mahati-hati rin ang layuni ng bawat taong naninirahan sa isang lugar na magkaroon ng pagbubuklod.
o magkaroon sila ng idea na labanan ang kanilang mga mananakop. At ang ikatlong patakaran ay ang pagtatatag ng private council para sa pagbabuwis. At colonial council ay para naman sa pagpapatupad ng batas. Upang masiguro ng mga mananakop ang kanilang kapangyarihan ay kailangan nilang gawin ang mga paghahat-gahati ng mga konseho. At iba't ibang mga trabaho ang kailangan nilang ibigay sa mga konsehong ito.
upang makita at mamamanan nila ang kanilang mga sinasakop. Higit lalo pagdating sa pagbabuwis, kailangan nilang makakuha ng malaking pera sa kanilang mga nasasakupan at kailangan ng batas ay laging para sa mga kanluranin at hindi para sa ikauunlad ng kanilang mga sinakop na mga mamamayan. At ang panghuli ay ang pagkakaroon ng reforma sa edukasyon, politika at tukuman.
Ngunit tagasunod lamang ang mga nasasakupan. So ibig sabihin kahit pinaunlad man nila ang edukasyon, ito pa rin ay para sa kanilang pansariling kagustuhan. Halimbawa sa Pilipinas ay nagpatupad ng mga Amerikano ng edukasyon.
Ngunit ang kanilang tinuro ay Ingles para sa kanilang ikauunlad at hindi para sa ikauunlad ng kanilang mga nasakop na bansa at mamamayan. Dumako naman tayo sa pinakahuling bansa na ating tatalakayin. At ito ang...
Siam o ang lupain ng malaya na sa kasalukuyan ay tinatawag bilang Thailand. Sa Thailand, tinawag sila bilang buffer state na kung saan ay daanan ang dalawang makapangyarihang bansa na nananakop sa Timog Silangang Asia. Ito ay ang France at ang Great Britain. Sa pamumuno ni Haring Mongkut at Haring Chulalongkorn ay nagawa nilang maging malaya ang kanilang bansa mula sa pag-uokipa o pananakop ng mga kanluranin.
Nagsimula sa kahariyang Shakhri na binuksan ang kaharian para sa mga kanluranin. Noong panahon ng kahariyang Shakhri, nais nilang matutong mag-Ingles at naniniwala sila na sa pamamagitan ng mga kanluranin ay matututo silang gamitin ang wikang ito. At sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng kaugnayan ay maari silang magkaroon ng modern na sasyon. Sa karagdagan, ninais din ni Haring Mongkut na maturuan at matutong kanyang nasasakupan ng Ingles. Kung kaya't buong puso niyang niyakap ang mga kanluranin.
Mahusay ang diplomasiya o ang pakikiisa o ang pakikipag-usap ng dalawang haring ito kung kaya't nanatili silang malaya. Ngunit ang ibang bahagi ng Thailand ay nasakop. At hindi naman talagang tuluyang sakop na sakop sila.
Ngunit ang ibang mga bahagi ay napasakamay ng dalawang bansa. at nagsilbi bilang buffer state dahil sa geografiya na lokasyon ng Thailand. So nasakop man sila, ngunit hindi ganun yung grabe na epekto ang kanilang naramdaman.
Hindi tulad ng mga bansang sinaradong kanilang mga bansa dahil ayaw nilang masakop kung kahit nagkaroon ng maraming epekto, negatibong epekto sa kanilang bansa at sa kanilang pamumuhay. Sa kabilang banda, ang Thailand ay nanatili pa rin malaya sapakat ito'y nagsilbi bilang buffer state ng Great Britain at Pransya. Bilang pagtatapos ng ating talakayan sa araw na ito, tayo muna ay magkaroon ng sanay, sanayin at At pag sasanay, ako'y magbibigay ng mga katanungan at kailangan ninyong masagot ang bawat tanong para sa unang katanungan o para sa unang pangungusap.
Itinuturing bilang pinakamahal at pinakamahabang digmaan ng British. Ito ay ang magaling, ang tinatawag nating digmaang Anglo-Bormis na tumagal ng tatlong unit o yugto. Ikalawa, patakaran ng France nakatumba sa sabilitang pagawa. Ito ay ang mahusay, ang tinatawag nating corvy.
Pangatlo, pagbibenta ng mga produkto ng mga Pilipino sa mababang halaga. Ito ay tinatawag bilang magaling ang bandala. Pangapat, binubuo ng Vietnam, Laos at Cambodia na nasakop ng mga Frances.
Ito ay ang magaling ang French Indochina. At ang panghuli, mga bansang nasakop ng Britanya. Sa Timog Silangang, Asia, may tatlong bansa silang nasakap at ito ay ang Mahusay, ang Myanmar, Singapore at Malaysia. Nawa klase ay tayo yung may natutunan sa ating talakayan sa araw na ito. Unang-una, kailangan nating malaman na hindi porket naging mabuti sa atin, ay ganun din ang hangarin para sa ating bansa at para sa ating mamamayan.
Ang mga leader sa kasalukuyan ay kailangan maging wais, maging matalino. at kailangang unawain ang kahilingan ng kanilang mga nasasakupan. Ikalawa, kailangan din natin matutunan na tayo ang magsilbing liwanag ng ating bansa.
Tayong nakakaalam ng ating pangangailangan at tayong nakakaalam kung anong ikakabuti ng bawat isa sa atin. Huwag natin itong iasa kanino paman. Ikatlo, kung meron mang magkakaroon ng concern o nais na mapaunlad ang ating bansa, Ito ay ang ating mga sarili.
At nawayang pagbabago ay magsimula sa ating mga sarili. Hanggang sa muli, klase! Para sa mas malawak na kaalaman, narito ang mga sanggunian na maaaring ninyong gamitin upang higit ninyong malaman ang kwento sa likod ng imperialismo at kolonialismo ng mga kanluranin sa Timog Silangang Asya. At upang higit nating malaman ang mga aral na maaaring nating matutunan sa kwento ng pananakop ng mga kanluranin sa mga asyano.
Paalam, klase!