Magandang araw Pilipinas! Isa na namang araw ng pagkatuto? paglago at pagbabago ang inyong lingkod yunong Hamilcar Vahal, kaibigang guro sa asignaturang Filipino dito sa nag-iisang Deped TV. Masaya ako sapagkat pininilin nyo pa rin tumutok sa programang ito para matutok.
Walang anumang unos at panahon ang makapipigil sa atin para magpatuloy sa pagkatuloy. Samahan niyo kami sa paglalakbay at pagtuklas sa makulay at mayamang panitikan ng pinakamalaking kontinente sa daidig, ang Asia. Kumapit at maghanda, tayo'y maglalayag na sa panitikan ng Timog Silangang Asia.
Una nating gagalugarin ang mga akdang pampanitigan ng Timog Silangang Asya, kabilang ang Pilipinas sa rehyong ito, kasama ng mga karating bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam. Sa mga nabanggit na bansa ng ASEAN, Singapore ang maituturing na pinakamaunlad sa buong Timog Silangang Asia. Dahil sa gross domestic product nito na $103,181 per capita.
Ayon ito sa datos ng International Monetary Fund. Masik ang orihinal na pangalan ng isla ng Singapore. Hango ito sa salitang Javanese na tasik na nangangahulugang dagat. Kung mapapansin ninyo ang pisikal na anyo ng Singapore, napalinigiran ito ng tubig. Mula naman sa Temasek noong ikalabing apat na siglo, napalitan ang pangalan ng isla na Singapura o The Lion City.
Republic of Singapore ang opisyal na pangalan ng bansang Singapore. At ito rin ang siyang capital city nito. May kabuang higit sa limang milyong populasyon ang bansang ito. 75 bahagdan ng populasyon ay mga Chino.
Samantalang ang 25 bahagdan pa ng populasyon ay Malay at India. Budismo ang pangunahing reliyon ng mga Singaporya. May ilan din sa kanila ang Kristyano, Muslim, Taoist at Hindu.
Singapore din ang may pinakamalakas na ekonomiya sa Timog Silangang Asya. Dito matatagpuan ang pinakamalalaking kumpanya ng pagninegosyo, gaya ng mga bangko at pagmamanufacture ng mga sasakyan at komputer. Sila ang isa sa mga bansang may pinakamababang bilang ng unemployment rate at may pinakamataas sa bilang ng mga milyonaryo, ayon sa datos ng National Geographic.
ang kamangulad na bansa ay mayroon ding kinahaharap na suliraning. Isa sa maituturing na problema ng Singapore ay ang domestic violence. Sa datos ng Media Corp, isa sa mga nangungunang media network ng Singapore, tumaas ng 22 bahagda ng bilang ng mga pamilyang dumaranas ng domestic violence.
Ang kwento ng mga karahasan o domestic violence ay minsan nang nailathala bilang mga akdang pampingin. panitigan. Ngayong araw, isang katha ang ating mababasa at mapapanood tungkol sa kinaharap na suliraning pampamilya ng Singapore.
Ang kwento ay Pinamagatang Ang Ama, isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Pero bago natin basahin at tunghaya ng akdangang ama, Ibigay muna natin ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa may kling kwento upang lubos natin itong maunawa. Narito ang tala-salitaan para sa ating babasahing maikinipoto.
Unang bilang, nabigla ang mga bata as ipinakitang kaluwagang palad ng ama nang magdala ito ng pagkain. Ang salitang nakasalungguhit ay kaluwagang palad. Ano kaya ang kahulugan ng kaluwagang palad?
Ang kahulugan ng... Kaluwagang palad ay mga taong madalas na nakaalala sa iba at handang magbigay ng mga bagay na walang hinihintay na kapalit. Ikalawang bilang, sinimoy, otso anyos, sakitin at palahalinghing na parang kuting. Ang salitang nakasalunguhit ay palahalinghing. Ano kaya ang kahulugan ng palahalinghing?
Ang kahulugan nito ay... Nakagawi ang nililikhang tunog ng taong nahihirapan dahil sa dinaranas na karamdaman. Ikatlong nagmamasid ng mga bata sa kanilang ama habang nagkukubli sa mga halang.
Ang ikatlong salita ay nagkukubli. Ano kaya ang kahulugan ng nagkukubli? Ang kahulugan ng salitang nagkukubli ay nagtatago o... Ayaw magpakita.
Ikaapat na bilang, naninipat ang mga bata sa daladalang supot ng ama nang dumating ito. Ang salitang nakasulunguhit ay naninipat. Ano kaya ang kahulugan ng salitang naninipat?
Ang kahulugan nito ay patamang pagtingin sa isang bagay, magsubiin o tiyakin kung nasa ayos ang mga ito. Ikalima at huling bilang, siya ay nananatiling kimi nang kunin niya ang abuloy mula sa kanyang amo. Ang salitang nakasulunguhit ay kimi. Ano kaya ang kahulugan ng salitang ito? Ang kahulugan nito ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili o kawalan ng lakas ng loob.
Inaasahan kong mauunawaan ninyo ng lubos ang babasahin nating maikling kwento sa... tulong ng ating mga talasalitaan. Magkahalo lagi ang takot at pananabi kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulong ng dugo at napapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabi ay sa pagkain na paminsan-minsay iniuuwi ng ama.
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama. Lamang ay napakarami nito upang maubos siya ng mag-isa. Pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa.
Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kanikanyang parte ang lahat, Kahit ito'y sansubu lang ng masarap na pagkain sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat at ni Katitin ay walang may iwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, 12 anyos, at isang babae, 11. Matatapang ang mga ito kahit napayad. At nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ng maliliit.
May dalawang lalaki, kambal, na 9 anyos, isang maliit na babae, 8 anyos, at isang 2 anyos na paslip pa. Katulad ng iba, ay mainay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga batang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang palad nito.
Sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansik gisado at masaya nilang pinagsaluhan ng pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyon ito. At ngayoy hindi naguuwi ng pagkain ng ama. Ang katunayan ay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuing lasing at nang gugulpin ng kanilang ina.
Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila. At kung gising pa sila pag uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang tinitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain.
At ang mga batay nagsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makikita. Inis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina.
Madalas iyong marinig na mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito. At kinamukasan, ang mga pisngi at mata niyon ay namamaga. Kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi palagi ang marinig na mga bata mula sa kanilang ina.
Hindi isang uri ng nagmamakaawa at ninineribos na pagtawa at malakas na bulalas na pagungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuwi ang ama ng mas gabi kay Sadati at mas lasing kay Sadati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahil ay si Muimoy, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahiling magtuklak ng langib sa galis na kalat sa kanyang mga binti na nagiiwan ng mapulapulang mga patsi. Gayong paulit-ulit siyang pinagbabawalan ang ila.
Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Habang matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras. Habang siya ay nakaupo sa isang bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata na di makatulog.
Walang pasesa sa kanyang pinakamatandang lalaki at babae. na malakas siyang irireklamo sa ina na paggagalitan naman siya sa pagod na boses. Pero sa gabing naroon ng ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakupo sa mesa.
Iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilosan ni Agnes ng ama at ito'y nakabulahaw na sigsigang. At kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sakbuan ay ang sanhin ng kanyang kabwisita.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang masama ang timpla dahil nasasante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang halinghin at di mapatahan ang dalawang pinakamatandang bata. Gayong binalaan nilang, Papaluin ito. Walang ano-ano.
Ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakamusumukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kwarto kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasa ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, Si Mui Mui ay namatay at ang inalamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng layon.
May isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayo na nakakatanda sa sakiting bata dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmuk, doble ang kanilang pakikiramay.
Dahil alam nilang na walang ito ng trabaho. Nangulegta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama, na di kawasa, awa sa sarili, ay nagsimulang humagulguni. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan, madaling nakarating sa kanyang amo.
Isang matigas ang loob, pero mabait na tao, na noon di nagdisusong. kunin siya ulit para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang loob. Ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy. Hindi nitong iabot sa asawa ng lalaki, imbe sa lalaki mismo.
Nang makita niya ang dating niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kailangang muling libangin. Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumuluwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.
Kaya't madalamhati siyang nagtatawa. Kaawa-awa kong uwi-uwi. Kawa-awa kong anak. Nakita niya ito sa libingan, sa tabi ng gulon, payhat, mabutla, napakaliit.
At ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa pati puno niyang mga balikat at brasong kayo manggi ay nakakatakot din natin. Pinilin siyang aluin ng mga kapitbahay na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata. Pubulong-bulong. Lasingo nga siya at irresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa.
Nakining iniabot naman ito agad sa kanya tulad ng nararapan. Binilang niya ang papel de banco. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak, hindi na kailanman.
Matibay ang pasya na lumabas siya ng bahay. Pinagnastan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta?
Tanong nila. Sinunda nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila.
Dahil tiyak nila, nauuwi itong dala muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita.
Pero, iyon ba'y kahon ng mga tsukulate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahonyatan ng biskwit. Nagtaka mga bata kung ano nga ang laman niyo.
Sabi ng pinakamatandang lalaki, Piskwit. Nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Hocek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay Candy, yung katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau So, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay.
Ang kambal ay nagkasa sa pandidilat at pagngisi sa pananabik. Masaya na sila anuman ang laman niyo, kaya't nagtalo at... Hula ang mga bata, takot na hipuin ang yaman na walang senya sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito. Nakapagpalit na ng damit at dumiretsyo sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapit na mga kamay sa pinag-iinteresang yaman.
Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari kanila na sana. Nagbuna ng dalawang akamatanda ng matiyak. Hindi sila maririnig ng natin kung saan sa pupunta. Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod ng malayo-layo sa ama.
Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay. Pero ngayon isang bagay lamang ang nasa isip nito. at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing gulo, kahuhukay pa lamang ng puntod na kanyang hinintuan. Uhod at tinukot ang mga laman ng subot, na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahitbing nagsalita.
Kamamahal kong anak, wala may alay sa iyo, kundi ang mga ito. Sarit ang gabi mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ng mga bata.
Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunin anumang saglit. Pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kami sa dentro.
Sa isang iklak, ang kanina pang inip na inip na mga bata Dundo magsasayangan, sinira ng ulan ang malaking bahagi niyo. Pero sa natira sa kanilang nailigtas, nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di na nila mararanasang muli. Ang Ama, isang maikling kwento mula sa Singapore, isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.
Ang binasa at natunghayan nating akdang pampanitikan ay isang uri ng maikling kwento. Ano nga ba ang maikling kwento? Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang nagiiwan ng iisang kakintala, umuukit at tumatanim sa pag-iisip. Kadalasan ang natatapos itong mabasa sa iisang upuan lamang, karaniwang nakabatay ang mga paksa sa mga tunay na buhay na pangyayari.
Ano pat ang mga mambabasa ay madaling makaugnay sa salaysay nito? Kaya naman masasabing ito ay isang payak, ngunit masining na salamin ng buhay ng isang tao. Pero gaano nga ba kaikli ang mikling kwento? Ano nga ba ang ideal na haba nito? Ayon kinaluntok et al sa kanilang aklat na Pluma, malikhaing pagsula, 30 minuto hanggang 2 oras.
ang itinatagal ng pagbasa ng may kling kwento. Ang ideal na haba nito, ayon sa panuntunan ng gawa Don Carlos Palanca sa pagsulat ng mga akdampang panitikan, ay sampu hanggang dalawamputlimang pahina, karaniwang sukat ng papel at doble espasyo. Sa mga magazine, binubuo ang may kling kwento ng pito hanggang sampung pahina. Samantala, sa mga kwentong pambata, Lima hanggang sampung pahina lamang. Malakay at suriin na natin ngayon ang ating dinasa at datunghayang abdang ama.
Sino-sino nga ba ang pangunahing mga tauhan sa kwento? Ano sa tingin ninyo? Ang batang si Mui Mui na may karamdaman at ng kanyang ama ang siyang mga pangunahing tauhan sa kwento.
Nasaksihan at tabasa nating si Mui Mui. ang siyang naging dahilan ng pagbabago ng kaasalan at pananaw sa buhay ng kanyang ama. Ikalawang tanong, paano sinimulan ng may akda ang kwento? Inilarawan sa unang bahagi ng akda ang magkahalong saya at takot kapag nag-aabang ang mga anak sa kanilang ama. Masasaksihan din natin sa unang mga bahagi ang sulirining kinaharap ng kanilang pamilya.
Ang bilang ng miyembro ng pamilya, ang kahirapan, ang pagtugon sa pangunahing mga pangangailangan ng pamilya, ang pagbibisyo ng ama, at higit sa lahat, ang karahasan o domestic violence. Ikatlong tanong, ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kwento? Sa unang bahagi ng akda, kapansin-pansin ang mga di ka nais-nais na katangian ng ama. Inilahad sa...
At sa unang talata ng kwento ang minsanan lamang na pagdadala ng ama ng pagkain para sa kanyang pamilya at kung hindi pa mangingi alam ang ina na mapartihan ang kanilang mga anak, wala silang makakain sa hapungan. Malinaw na ipinakita sa bahaging ito ang pagiging makasarili ng ama at hindi niya pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Kayo, alin pang mga katangian ng ama ang napunan ninyo sa iba pang bahagi ng kwento? Isulat ninyo ang inyong mga opinion sa inyong self-learning mojo.
Sa susunod nating pagkikita, nais kong sagutin ninyo ang sumusunod na mga tanong na magsisilbinin yung takdang aralin para sa episode na ito. Una, anong mga pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di mabuting pag-uugali ng ama? Isa-laisa ito.
Ikalawa, paano ipinakita ng ama? ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak. Ikatlo, paano nagbukas ang kwento? Ikaapat, anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kwento ito?
Abangan naman sa susunod nating episode ang mga sangkap o elemento na may kling kwento at mga uri nito. Bibigyan fokus naman natin sa mga elemento na may kling kwento ay ang banghai at limang batay ang bahagi nito. Hanggang sa susunod nating pagkikita, muli ang inyong kaibigang guro, Kinoong Hamil Q. Carvajal. Magbasa, magsulat, makinig at maghaya.
Dahil sa Filipino, ang karnungan ay patuloy na maglalayan. Maraming salamat. Mabuhay ang wikang Filipino, mabuhay ang panitikang asyan.
Music