Welcome to another edition of Basagan ng Trip. I'm Leloy Claudio. I teach history at De La Salle University. As always, kung meron kayong komento, gusto nyo akong kausapin, gusto nyo akong itroll, please tweet me at Leloy Claudio. So for today, ang gusto kong gawin is to start a kind of series of conversations.
Mga conversation about yung mga courses na ayaw kunin ng mga tao. Ito yung mga liberal arts courses or yung mga humanities courses. So I'm probably gonna run through the three ones na ayaw talaga kong kunin ng mga tao dahil impractical daw.
Philosophy, literature, and history. These are so-called impractical courses na mahal na mahal ko. So what I'm going to do is, for today, I'm going to focus dun sa Pilosopiya.
Diyan tayo magsimula sa Pilosopiya. Kasi ito naman yung isa sa mga pinakaluma, if not ito yung pinakaluma sa mga disiplina na yun. At ang guest ko ngayon ay isang colleague sa De La Salle.
Isa siyang associate professor sa De La Salle University Department of Philosophy. At siya rin ang presidente ng Philosophical Association of the Philippines. My good friend. J.J.
Joaquin. J.J., welcome to Basagan ng Trip. Salamat, Leloy. Salamat. So, let's start.
Very broad question. Ano ba ang filosofiya at bakit dapat nag-aaral ng filosofiya mga sudyante? Or specifically, kung pumipili ka ng kurso, why should you think about taking a philosophy course? No, I like the question.
So, ano muna yung philosophy? So, philosophy is a really old discipline. Sabi mo ka, napakatanda na yan.
2,500 years old na siya. As in dun sa Western Philosophy. So ano ba yung Philosophy? Philosophy is really yung study of everything.
Parang kahit ano yan eh. Pwede mong pag-usapan yung cloud sa alabas, pwede mong pag-usapan yung ilaw na yan, o pwede natin pag-usapan yung meaning of life at ano yung value ng life. Ngayon, bakit ba kailangan ng Philosophy na mga society? Kasi may mga skills ka ma-develop sa Philosophy. Like yung critical thinking skills.
Kailangan natin yan pag nag-iisip tayo. May creative skills din na makukuha. Pag nag-iisip ka about yung solution sa mga problema ng philosophy, nandun din siya.
Ngayon, sa history ng philosophy sa buong mundo, ang basic question lang naman, tatlo eh, kung iisipin mo. Anong nandyan, paano mo nalaman, at anong kahalagahan niya mga yan. So yun yung tinatawag na branches of philosophy na metaphysics, epistemology, tsaka yung axiology na tinatawag.
Ngayon, ikaw, atinista ka, syempre, alam mo itong mga basic areas ng philosophy na to, di ba? Theoretically. Theoretically. So, yung metaphysics, pag pinag-isipan mo yan, so ano yung nandyan? Ano yung, ano yung pag sinabi mong, ah, ito yung justice.
Ano yun? Ano yung justice? Or ano yung Diyos? Ano yung Diyos? Di ba?
So, yun yung mga metaphysical questions. At yung isa pang question doon, meron ba? Meron bang sense ng justice?
Meron ba talaga yung Diyos? Meron ba yung ganyan-ganyan? Tapos, ang sunod na question mo, kung meron, paano mo nalaman na meron?
So, yun yung mga tinatawag na epistemological questions or epistemic questions. So, dyan mapapasok yung ano ba yung rason natin para maniwalang may justice sa mundo or may justay sa mundo or whatever. Tapos, finally, meron kang tinatawag na value question or axiology. Anong kahalagahan ng mga bagay na yun? Ngayong alam mo na na may Diyos or may Diyos, or alam mo na na may justice.
Ngayon, bakit siya meaningful pag-usapan? Gaganda na mga tanong. Pero may trabaho ba dyan? Yan ang medyo nating pag-iisipan.
O kailangan mo mag-law school? Ang minsang pinag-iisipan kasi, ang philosophy, good for law school. Good training. Kasi why?
You get yung chance of reading stuff. Marami kang babasahin sa philo eh. Second, yung critical thinking, logic, yung reasoning, dun mo rin makukuha. So, yeah, good preparation for law school. Karamihan nga yata ng lawyers natin, siya ang anglisista, galing sa philo.
Is it one of the best and most popular philo courses? Yes, I think so. Pero isa pang yung na-associate sa philosophy, yung mga pare.
Yung mga pare natin, mga philo graduates din yung mga yan. Ibig sabihin, dumaan sila dun sa training ng philosophy. Sabi nga nung sinaunang panahon, yung philosophy is the handmaid of theology. Para maintindihan mo raw yung articulation ng trinity. o nung God, kailangan mo ng philosophy para doon.
Pero actually, pwede mong isipin na hindi lang naman yun yung trabaho ng philosopher. Bukod sa academic yung philosopher, pwede rin siyang nasa think tank. Pwede mo siyang gamitin sa advertising.
Pwede mo siyang gamitin sa mga nag-iisip about morality. So, maraming trabaho ang posibleng sa isang philosopher. Because it gives you an insight as to the nature of human beings.
The nature of human beings, the nature of society, the nature of everything. And it makes you ask the... biggest, most fundamental questions.
You don't get caught up in the weeds if you're a philosopher. At least you try not to. Actually, you're not just concerned about yung, sabi nga nila, the trees. But also yung pinaka-root nung trees.
Foundational yung questions. In philosophy, we always ask the question, why? Bakit? Bakit nagkaganyan yung mga bagay-baga? Ikaw mismo, JJ, paano ka naging pilosopo?
Ah, magandang katanungan yan. Kasi nung una pa lang, bata pa lang ako, mahilig na ako mag-basa. So nagbabasa ako ng history, kagaya mo. Mahilig din ako sa mga kwentong bayan, kwento about religion, kwento about societies, cultures, and so on and so forth.
Pero mahilig din ako sa math. So medyo ako sa algebra, trigonometry, calculus, yun yung mga trip ko eh. Logic, computer science, kaya yan. So sabi ko, anong discipline kaya ang pwedeng may history component at mayroong math component? So sabi ko, oh teka lang, philo.
Kasi yung philosophy pwede kahit saan eh. At ang masaya din sa philo, hindi ka lang concerned about yung logic part, hindi ka rin concerned about content part, pero how things hang together in a... big picture. So, ano naging track mo?
Nag-undergraduate ka sa philosophy, tapos nag-PhD ka. Paano ka naging isang philosopher? So, nagsimula ako as an undergraduate sa seminaryo. I was training to be a priest. Unfortunately, I was called, but busy eh.
So, anong nangyari? Pamiliado na ang ating kaibigan ngayon. So, yeah. So, lumabas ako sa seminaryo, tapos napunta ako sa isang magandang kuleryo, at nag-aaral ako ng philosophy.
kasi yun naman yung naging course ko na. Tapos nag-MA din ako ng Philo. Eventually, nagkaroon ako ng PhD at nagkaroon ako ng exposure sa labas. Kung wala tayong mga pilosopo, wala tayong mga gabay.
Isipin natin yung character na si Pilosopo Tasho, for example. I think naging gabay siya ni Crisosto Moibara pero naging gabay din siya nung lipunan. Anong pwedeng gawin ng mga pilosopo para maging gabay ng mga Pilipino? Actually, yung mga pilosopo natin, maraming pilosopo. Kahit sa Barberia, may pilosopo.
Kahit sa Jeep. Kanina, yung ating kasama doon sa nag-grab tayo, namimilosopo rin siya. In a way.
So, anong ibig sabihin ng namimilosopo? Nag-iisip ka about things. Kunyari, yung discussion about meron bang Diyos?
So, anong ibig sabihin ng pamimilosopiya about sa Diyos? Ngayon, isipin mo, may Diyos. Tapos, merong suffering sa mundo.
May evil. So paano mo i-reconcile yun? Yun yung isang trabaho ng philosopher. Kaya yun, sa nation building naman, so you have a notion of justice. Ano yung tama?
Tapos meron kang notion na, teka lang, ano ba yung government? So ano yung right government as opposed dun sa ano ba talaga yung tama? So you have yung, let's call it legal goodness, tapos may moral goodness kang pwedeng paglaro. So yung philosopher, ang ginagawa, tina-try i-articulate yung mga positions na yun.
Iniisip niya, ano nga ba ibig sabihin talaga pag sinabi mong tama yung isang bagay or just yung isang bagay? So sinasabi mo, lahat ng tao nagtatanong nito mga tanong na to. Pilosopo na sila. Kahit wala silang AB philosophy, PhD philosophy, basta tinanong mo itong mga tanong na to, in a way, you're already a philosopher. Oo, pag nagre-reflect ka about your life, about your standing sa mundong ito, ano yung meaning ng buhay mo, pilosopo eh Pero siyempre ngayon, mga panahon na ito, nagiging professional na rin yung philosophy.
So kailangan mo rin, hindi lang nag-iisip ka, kundi siyempre dapat i-labas mo yan sa ibang tao. Kagaya nito. So kung kunwari ikaw, ayaw mo naman mag-AB in philosophy, ayaw mo kumuha ng kursus sa philosophy, let's say gusto mo lang kumuha ng couple of courses, anong payo mo sa mga tao may passing interest in philosophy pero ayaw nilang gawing career? How can they get into it? Ah, maganda sa philo kasi pwede ka lang mag-basay.
So kahit di ka nga mag-coursework eh. Ngayon, pwede kang basahin yung trabaho nila Aristoteles, yung mga mag-girling na pilosopo natin, sila Plato. Basahin mo lang. Kasi yung mga gawa nila, ano yun eh, fundamental questions about the meaning of life.
Ano ba ang saisay ng buhay natin? Bakit ba tayo dapat maging ganito? Or ano ba yung tayo?
Hindi pa mahirap maintindihan yung mga yan? Di ba sasakit ang ulo niya? Di ba nose-bleed sa teksto na yan? Hindi naman kasi.
Kunyari, kung magbabasa ka ng Plato, ano siya eh, kwentuhan eh. Parang nagiinuman lang sila eh. Parang sinasabi ko, ano ba'y love? Yung isang dialogue ni Plato, yung simposya mo.
Ang pinag-uusapan nila, ano'y love eh. Sasabi ng isa, love ano yan eh, parang romantic yan eh. Kailangan may sexual, kailangan erotic eh. Sabihin ng isa, Hindi naman lahat ng love ganyan.
So, yun na. Nagsisimula na yung pamimilosopiya. So, ang hinahanap natin, ano nga ba yung tunay na nature ng love?
Pero ba't ko pa kailangang basahin yung Griego na parang thousands of years ago na buhay? Pwede ko naman basahin yung love column niya, yung self-help writer, di ba? Kahit ano, basa lang lang ako ng The Power of Positive Thinking by Norman Vincent Peale or The Secret. You know? Why don't I just read these books?
Pwede mo naman basahin yun, pero kasi yung pag-ginilay nila, Pagkakataon. ay may nauna na eh. Kailangan mong hanapin, saan ba nang galing itong...
So, minsan talaga, lahat naman ng ideas galing sa philosophy eh. Kung iisipin nga natin, lahat ng klaseng disiplina galing sa philosophy. Isipin mo, ano ba yung biology?
Sino ba yung father of biology? Sino ba yung father ng chemistry? Sino ba yung father ng physics?
Or whatever. Lahat yan, isang philosopher ang nagsimula. Sorry ha, hindi lang father, pari mother po.
Mother, oo. Meron din. Gender sensitive. Meron din tayong feminist philosophy.
Mga nagminilay ukol sa diferensya ng mga lalakit mga babae, tsaka yung power imbalances. These things are being done by feminist philosophers too. Actually, ayan ang maganda sa Lasal eh. Kasi ngayon, pinag-uusapan, hindi lang yun.
Lasal University. Lasal University. Okay, hindi lang yun.
So, ang pinag-iisipan kasi ng mga feminist philosophers, hindi lang yung difference eh. Pero, ano ba yung nature ng pagiging babae? Ano ba yung Ano ba yung nature ko nga rin ng pagiging bakla?
Pagiging tomboy? Hindi lang naman gender na male, female na eh. Kasi ano nga ba tayo?
LGBTQI? Di ba may intersex na? Ano yun?
Di ba yun yung mga questions na pwede nating pag-usapan sa feminist philosophy or gender's philosophy. By the way, magpa-plug lang ako. May conference po kasi kami sa feminist philosophy sa November 15 to 17 sa Holy Angel University sa Pampanga. So kung gusto niyo sumama, sama kayo. Pag-uusapan namin yung mga issues na yun.
Ako mismo, ang paborito kong pilosopo si Aristotle. And si Aristotle, he was called a peripathetic philosopher. Peri dahil paa. So naglalakad siya at yung pilosopiya niya ay nagagaling dun sa kanyang experience ng paglalakad at pagtingin sa kung ano mga nangyayari sa kapaligiran niya. So, is there any advice you can give for people para yung araw-araw nila na paglalakad?
Walking around the city, pag-drive, pag-commute, pagpunta sa school, mas maging philosophical yung experience na yun. Actually, sabi nga ni Plato, philosophy starts with wonder. Yung parang mamamanghakay, ba't nagkaganito?
Pag nag-start ka na magtanong na bakit ganito yung arrangement ng mga bagay-bagay, bakit na iba itong bagay na tokay sa bagay na yun, nagsisimulahan ang mga philosophy. Ngayon, syempre, mahaba na yung history ng philosophy. Ang next step mo, alamin ano na yung sagot ng ibang philosopher tungkol dito.
At evaluate kung tama ba yung mga sinasabi nila. Yun yung start na maging philosopher ka. So, but daily tips, JJ. Kularing, lalagad ka pa puntang school.
Ano yung pwede mong gawin para mas maging... philosophical yung experience na yun? Ako sa amin, kasi may training kami, mag-isip ka ng isang interesting topic.
Diba? Kaya yun, yung butas sa shirt mo. Nakakita ka ng butas. Ano nga ba ibig sabihin ng butas? Ano ba yung pag sinabi mong hole?
Diba? Yung hole ba ay nakatastas na whatever na nandyan? Ibig sabihin, ina-assume mo ba na nag-iexist yung hole na yun?
Kaya isipin mo, ah hindi lang pala holist yung ina-assume natin nag-iexist eh. Baka pati shadows, baka pati tikpa lang or whatever. So doon ka na na mag-iisip eh. So kailangan lang may sense of wonder kayo.
Sa lahat na makita mo, sa lahat ng mga bagay na na-e-experience mo, doon nagsisimula yung philosophy. So kung yan eh, maglalakad ka sa kanto, bibili ka ng kung anong candy, isipin mo, bakit ko bina-value tong mga bagay na to? Tapos maanganak na yun?
Maanganak na yun. I'd like to end there, no, JJ? Because yung nanganganak na tanong, sa akin yun yung pinaka-importante.
Minsan kasi sa ating lipunan, pag nahanap na natin yung sagot, nagre-relax na tayo. At yun yung end ng critical thinking. I think yung what philosophy encourages us to do is to ask the next question, and the next question, and the next question. Kaya nga, yung image ng mga tao ng pilosopo is yung kind of godfly, yung makulit, yung namimilosopo ka. And to some people, that's a negative thing.
Why, why, why, why, why? But actually, yun yung kailangan natin ngayon. kasi The moment na certain na tayo about our beliefs, that is the moment when we cut off new knowledge, that is the moment when we cut off new people, and the great philosophers, my guest included, ang panawagan nila is, kahit ano pa yan, kahit butas pa nga sa shirt mo yan, magtanong ka.
At pag nagtatanong ka, pag kinakausap mo yung sarili mo, at kinakausap mo yung ibang tao, hindi ka lang tatalino, hindi lang gaganda yung kalidad ng buhay mo, kundi para sa akin, magiging mas mabuti ka rin yung tao, lalawak yung puso mo. At yun ang value ng filosofya para sa akin. Thank you very much J.J.
Joaquin for guesting dito sa Masalim. Salamat din, Laloy.