Transcript for:
Kasaysayan ng Sinaunang Egypt

Ang Kabyas ng Egyptian Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing Pharaoh. Ang Pharaoh ang tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing din isang Diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Ang Pharaoh ang tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan. Kontrolado niya ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian at kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagsasayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas at pagpapanatili ng hukbo at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt. Ang mga sinakunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa ilog ng Nile. Tulad sa Mesopotamia, sumasailalin sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang kanilang mga iscribe ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag ng hieroglyphics o nangangahulugang sagradong ukit. Ang mga sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari. Pagsapit ng ikaapat na milenyo bago ang karaniwang panahon, Ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt at nang lumaon ang mga ito ay tinawag na Nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng Nome o Nomark ay unti-unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng mga pangrehiyong pagkakakilanlan. Panahon ng mga unang dinastiya. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Ilog Nile. Ang kaharian ng Upper Egypt sa Timog at kaharian ng Lower Egypt sa Hilaga. Maaari, Paling kayo ay nalito sapagkat ang kaharihan ng Upper Egypt ay nasa timog at ang Lower Egypt ay nasa hilaga. Ito ay dahil sa ang kanilang naging batayan ay ang elevasyon ng lupa mula sa sea level. Kaya't mas mataas ang elevasyon ng Upper Egypt dahil sila ay mas malayo sa dagat kahit sila ay nasa timog ng Egypt. Noong 3100 BCE, isang pinuno ng Upper Egypt sa katauhan ni Menes ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay daan upang mapag-isa ang mga lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay ay isa sa pinakaunang pharaoh sa panahon ng unang dinastiya sa Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, ay nagtalaga din siya ng mga gobernador sa iba't ibang lupain. Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng pagkahari ni Menes. Ang matandang kaharian ay nagsimula sa ikatlong dinastiya ng Egypt. Ang mga kahangahangang piramid ng Egypt na itinayo sa panahon ito ang nagsilbing monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at kanilang huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisya naman mula sa libu-libong tao na nagtayo nito. Isa sa pinakatanyag na piramide na naitayo sa Egypt ay ang Great Pyramid of Khufu sa Giza, Egypt na naitayo noong 2600 BCE at may lawak na 5.3 na hektarya at may taas na 147 metro. Si Pepe II ang kahuli-hulihang pharaoh ng ika-anim na dinastiya. Pinaniniwalaan na tumagal ng siyamnaput-apat na taon ang kanyang pamumuno at nanganghulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepe II nang maupo sa trono at pumanaw sa edad na isang daan. Kasabay ng kanyang pagpanaw ay ang pagbagsak ng Old Kingdom na nagsimulang humina dahil sa laganap na tagutom at mahinang pamamahala. Tinatawag na unang intermediang panahon. ang pamumuno ng ikapito hanggang ikalabing isang dinastiya sa Egypt. Nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya mula sa Herakleopolis na nagmula sa linya ni Pharaoh Aktoi at mula sa Thebes na nagmula sa linya ng Inyotef. Natapos ang kaguluhang politikal ng manungkulan, si Mentuhotep I at siyang naging hudyat ng pagsimula ng panahon ng gitnang kaharian. Nailipat sa Ichtawe ang kabisera sa Lower Egypt. Maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria at Eastern Desert upang tumuklas ng mga halagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nabuksan din ang kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete mula sa kabiyas ng Minoan. Dumanas ng kaguluhan ang Egypt nang dumating ang mga Hiksos mula sa Asia. Sinamantala nila ang kaguluhan sa Nile upang makontrol ang ilang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa Katimugan. Nagsimula ang paghahari ng mga Hiksos noong 1670 at tumagal ng isang siglo. Nagpatuloy ang pamamahala ng ikalabing tatlo at ikalabing apat na dinastiya sa Ejtawi at sa Tibs. Subalit ng lumaon ay nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa mga lupain. Ayon sa mga tala, ang ikalabing tatlong dinastiya ay nagkaroon ng limamputbitong hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang ikalabing-anim na dinastiya na tinatawag ding Great Hyksos Dynasty na namayani sa Avaris at nagawang palawigin ang kanilang pamumuno hanggang sa katimugang bahagi na umabot sa Thebes. Ang pamamayanin ng dinastiyang Hiksos ay natapos sa pag-usbong ng ikalabing pitong dinastiya. Nagawa nitong mapatalsik ang mga pinuno ng Hiksos mula sa Egypt. Ang bagong kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihas ng Egyptian. Naitaboy ni Amos ang mga hiksos mula sa Egypt noong 1570 at sinimulan ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa Delta hanggang Nubia sa Katimugan. Si Reina Hatshepsut, ang asawa ni Pharaoh Thutmose II, ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaeng pinuno sa kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. At sa kanyang pagamatay ay lalo pang pinalawit ni Thutmose III, anak ni Thutmose II, ang imperyo ng Egypt. Isa pa sa mga tanyag na pharaoh mula sa bagong kaharian ay si Amenophis IV o Akhenaton. Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming Diyos. Pinasimulan niya ang bagong reliyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang Diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Ang ikalabing siyam na dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I. Siya ay sinundan ni Sethi I at Rameses II. Si Rameses II ay isa sa makusay na pinuno na mga panahon ito. Sa loob ng dalawampung taon ay kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok. sa silangang bahagi ng Egypt. Nagtapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Ramesses II at Hathosilis III, ang hari ng mga Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng Daedid. Pinaniniwalaan din na ang Exodus ng mga Hudyo mula sa Egypt ay naganap sa panahon ni Ramesses II. Ang ikadalawamput isang dinastiya na tinawag din bilang Tanay ay pinasimula ni Smentes ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan naman ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman ng ikadalawamput dalawang dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenk I na isang general sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Marami ang nagtutunggali ang pangkat upang mapasakamay ang kapangyarihan at ito ay humantong sa pagkabuo ng ikadalawamputatlong dinastiya. Isang nagnangalang piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga nagahari sa delta. Umabot ang kanyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko kalaunan ang kanyang katunggali na si Tefnakte, ngunit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt at siyang nagpasimula naman ng ikadalawamputapat na dinastiya na hindi rin naman nagtagal. Nagsimula ang ikadalawamput-anim na dinastiya sa ilalim ni Semeticus. Nagawa niyang pagbuklo rin ang Middle at Lower Egypt at kalaunan ay nakontrol ang buong Egypt noong 656 BCE. Sa ilalim ng pamumuno ni Aprys, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ng mga taga Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit ang malaking pagkatalo ng kanyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang Sibir. na humantong sa paghaliling ni Amasis II. Hindi naglaon ay napasakamay ng mga Persians ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng ikadalawamputpitong dinastiya. Napalayas na mga Egyptian ang Persian sa pagtatapos ng ikadalawamputwalong dinastiya. Ngunit sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagre-rebelding lalawigan. Namuno ang mga Egyptian hanggang ikatatlumpung dinastiya bagamat mahihina ang mga naging pinuno. At panandali ang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persians at itinatag ang ikatatlumputisang dinastiya. Noong 332 BCE ay sinakop ni Alexander the Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kanyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kanyang pagamatay noong 323 BCE ay naging satrap o gobernador ng Egypt ang kanyang kaibigan at general na si Ptolemy. Noong 305 BCE ay itinalaga ni Ptolemy ang kanyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang panahong Ptolemyk. Ang dinastiyang Ptolemyk ay naghari sa loob ng halos tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-huliang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 BCE. Ang Kabyas ng Egyptian