Transcript for:
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

Mabagpalayang araw sa lahat ng nanonood at nakikinig sa video na ito. Ang toon ng talakayan natin ngayong araw ay patungkol sa Teorya Hinggil sa Pinagmulan ng Wika. Teorya Hinggil sa Pinagmulan ng Wika, yung pamagat, no? Alamin natin ano ba yung iikutan ng mga usapin ng paksana ito.

Pag sinabi natin teorya, ito yung mga hakahaka, mga pananaw na merong batayan. para ipaliwanag ang isang bagay o penomino. Tungkol daw saan? Tungkol sa pinagmulan ng wika. Kaya ngayong araw, asahanin nyo sa buong video na ito, ang tatalakayin natin na yung iba't ibang mga hakahaka na may sapat na batayan tungkol sa pinagmulan ng wika.

Nung nakaraang unit sa talakayan sa klase, ay nalaman na ninyo yung kahulugan, katangian, at kahalagahan ng wika. Malama! o baka dumating sa punto na mapaisip kayo saan nga ba nagmula yung wika o kanino nang galing yung wika?

Meron bang nakatuklas nito? Sa katunayan, walang nakababatid kung paano nagsimula ang wika. Ngunit, maraming mga hakahanka o mga teorya tungkol sa pinagmula nito.

Sinubukang ipaliwanag ng iba't ibang mga siyentipiko at maging ng Biblia kung saan nga ba nanggaling yung wika na ginagamit ng mga tao. Sa pagtalakay sa iba't ibang mga teorya hinggil sa pinagmula ng wika, maaari itong mahati sa dalawang bahagi o dalawang kategorisasyon. Yung una, teoryang Biblikal, at yung pangalawa, teoryang Siyentipiko.

Pag sinabi natin teoryang Biblikal, ito yung mga teorya hinggil sa pinagmula ng wika na nakasaad sa Biblia. Kaya nga Biblical eh kasi nakabatay sa Bible o sa Biblia. At isa lang naman ang tinatampok dito, yung kwento ng Tore ng Babel.

Pagdating naman sa dalawang kategorya, yung teoryang siyentipiko, ito naman yung batay sa natuklasan ng iba't ibang mga mananaliksik. At nakabatay din ito sa agham o mga siyentipikong pag-aaral. Dito nakapaloob pa yung mga tiyak na teorya, kagaya na lang ng teoryang bawaw, teoryang dingdong, teoryang tata, teoryang pupu, teoryang singsong, teoryang yoheho, at teoryang... tararabumdi ay.

Ito lahat yung nakapaloob doon sa teoryang siyentipiko. Medyo weird yung mga pangalan o katawagan dun sa mga teorya, no? Pero mamaya, o maya-maya, aalamin natin kung bakit ganyan na lang yung naging katawagan sa mga iyon.

Simulan natin doon sa unang kategorya o yung teoryang biblikal. Isa lang naman yung itinatampok sa teoryang ito, no, na nakabatay sa Biblia. Ito nga yung kwento ng tore ng...

Babel. Ang kwento ng Torre ng Babel ang nagpapaliwanag kung bakit o kung paano nagkaroon ng wika at iba't ibang mga wika ang mga tao sa mundo. Mababasa ito sa partikular na bahagi ng Biblia sa Aklat ng Genesis, Kabanata 11, Kapitulo 1-8 o sa English sa Book of Genesis, Chapter 11, Verses 1-8.

Simulan na natin ano ba yung kwento na meron doon. Mula sa kwento ng Biblia, iisa lamang daw ang wika na ginagamit ng mga tao noong unang panahon. Kaya wala silang nagiging suliranin o problema sa pakikipagkomunikasyon.

At ang isang wika na ito ay ipinagkaloob o biyaya ng Diyos sa mga tao. Subalit, pagdaan ng panahon, naging mapaghangad ang mga At gusto nila o ninais nila nahigitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at mapangahas sila. Ninais nilang maabot ang langit dahil para sa kanila, kapag naabot na nila ang langit, ito raw ay indikasyon na kalibel na nila ang Diyos.

At dahil nga meron lamang sila kiisang wika na ginagamit, mas madali ang kanilang komunikasyon at mas mabilis silang nagkasundo. Nakapagplano sila. para maisakatuparan yung kanilang ninanais. At ang ginawa nga nila, nagkasundo sila na bumuo ng isang tore na aabot sa langit.

At ang tore na ito ay tinawag na Tore ng Babel. Madali nila itong nabubuo o nasimulan dahil nga iisa lang yung wika na ginagamit nila at nagkakaintindihan sila. Pero noong malaman ito ng Diyos, ginuho niya ang tore ng Babel.

At para hindi na yun mabuo o muling maitayo ng mga tao, binigyan niya ng iba't ibang wika ang mga ito. At ito yung naisip niya ng mga tao. naging dahilan kung bakit may iba't ibang wika o lengwahe ang mga tao sa mundo.

Sa madaling sabi, iisa lang pala noon ang wika natin. At ito ay nanggaling sa Diyos. Subalit, dahil ginamit ito ng mga tao sa kasamaan o sa paghahangad, tinuruan ng leksyon ang mga tao na hindi dapat nila inaabuso o dapat ay maging content ko sila sa biyaya na ibinibigay sa kanila ng May kapat.

Yun yung nilalaman ng kwento ng Torre ng Babel o yung teoryang biblikal tungkol sa pinagmulan ng wika. Ito ay matatagpuan muli sa Genesis 11, verses 1 to 8. Samantala, ngayon dumako naman tayo doon sa pangalawang kategorya. Yung mga teorya tungkol sa pinagmulan ng wika na nakabatay sa siyentipikong pag-aaral o yung mga teoryang siyentipiko. Sa kagustuhan ng mga eksperto, ng mga scientist at mga lingwista na matuklasan yung pinagmulan ng wika, kasabay din nilang inaral yung evolusyon ng tao. At tama nga naman, syempre, para malaman mo yung pagbabago, yung pinagmulan, saka yung development ng wika, dapat tukuyin mo rin muna kung ano yung development o yung pinagmulan ng mga gumagamit nito.

At yun nga ay ang mga... tao. May pitong teorya na nakapaloob dito.

Una na nga dyan, yung teoryang bawaw. Mapapansin ninyo sa mga teorya o sa mga susunod na teorya na tatalakayin natin, meron at meron palaging mga hashtag. Yung mga hashtag na ito ay estrategiya ko para mas matandaan ninyo kung ano yung nilalaman ng teorya na yun.

Halimbawa, teoryang bawaw. Bakit ba ito tinawag na teoryang bawaw? Sa katunayan, ang teoryang bawaw o yung termen ng bawaw ay tumutukoy sa tunog na nalilikha ng isang aso. Ang aso ay may tuturing nating hayop. Ang sosyal, dito sa Pilipinas, ang tunog ng aso para sa atin ay aw-aw.

Minsan, arf-ar. Pero ano nga ba yung kaugnayan nito doon sa nilalaman ng teoryang bawaw? Ang sabi dito, ang teoryang bawaw daw ay naglalaman o nagpapaliwanag na ang wika ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan at mga hayop.

Malaki ang naging tulong nito sa paglika ng sariling wika. So ang hashtag natin ay hashtag hayop, hashtag kalikasan. Kasi sabi sa teoryang bawaw, natuturaw na gumamit ng wika ang mga tao sa pamamagitan ng panggagaya sa mga tunog ng hayop at kalikasan.

Ano-ano ba yung mga tunog ng mga hayop? Yung aso, aw-aw, o kaya arf-arp. Yung pusa, miaw-miaw.

Yung baboy, oink-oink. At marami pang iba. Ganon din yung mga tunog sa kalikasan. Kapag halimbawa, umihip ng malakas yung hangin, o yung tunog daw nun ay ginaya din ng mga tao. Yung kulog at kidlat, may tunog yan.

So, ginaya din daw yun ng mga tao. At yun na daw yung naging simula kung bakit nagkaroon ng wika. Isa sa mga nagpapatunay dito na sitwasyon ay ang Katawagan na nabuo natin para sa tuko. Ang hayop na tuko ay may tunog na tukko. Kaya ito na rin yung ginamit ng mga tao na bansag o tawag sa partikular na hayop na yun.

At iyon ang teoryang bawaw. Naniniwala na kaya tayong natutong magsalita o gumamit ng wika dahil ginaya natin yung mga tunog ng hayop at ng kalikasan. Ang pangalawang teorya naman ay ang teoryang Ding dong. So saan ba natin mauugna yung ding dong? Diba sa isang doorbell?

At ang isang doorbell ay isang bagay. Ano ba yung nilalaman ng teoryang ding dong? Ang ding dong ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng lahat ng bagay sa kalikasan. Pag sinabi nating bagay, ito na yung mga inbensyon o nilikha ng mga tao. Nalimbawa, yung martilyo tsaka yung bako.

So kapag yan ay ginamit mo... May tunog na malilikayan. Yung pok, pok, pok, diba? At ganun din yung telepono, yan ay nilikha ng tao na kapag ginamit, may natanggap ka na tawag, yan ay mag-griring. Ganun din yung tambol.

Isa naman sa mga... Sitwasyon na magpapatunay dito ay yung nangyayari sa mga bata kapag sila ay nagsisimula pa lamang na matutong gumamit ng wika o magsalita. Narito ang isang senaryo.

May isang bata na madalas na nanonood ng cartoon. Yung cartoon na pinapanood niya ay yung cartoon na Thomas and Friends kung saan yung mga bida doon o yung mga karakter ay mga trend. Pero yung bata na nanonood noon hindi pa trend. yung tawag niya doon sa mismong mga karakter.

Kundi, chuchu. Kapag nanonood siya, ayan na, ayan na, chuchu na. Manonood na siya, no? Parang yun yung sinasabi niya sa kanyang mga magulang.

So, bakit ganoon? Dahil yung bata na yun, hindi pa siya pamilyar doon sa terminolohiya na tren. Hindi niya alam na yun yung katawagan doon. Ang binagbatayan niya ay yung tunog na nalilikha nito. Kaya pansamantala, chuchu muna yung tawag niya doon sa tren.

Pero kalaunan, Kapag naipakilala sa kanya yung tamang katawagan doon, tatawagin niya na rin itong trend. Ang pangatlong teorya naman ay ang teoryang pupu. O ito ha, baka mamaya maisip ninyo, ay oo ma'am, applicable yan sa mga bata. Kasi kapag ang mga bata ay napupupu, sinasabi nila, mami pupu o kaya daddy pupu. Wala po yung kaugnayan sa pagjejebs, no?

Narito yung pagpapaliwanag o yung nilalaman ng teoryang pupu. Ang sabi dito, Pinaniwalaan daw ng teoryang pupu na ang wika ay nagmula sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinuunang tao nang makaramdam sila ng masisidhing damdamin o matitinding emosyon kagaya na lang ng saya, ng galit kapag sila ay nasaktan, lungkot at pagkabigla. Tayo mga tao, likas sa atin na meron tayong mga naibubulalas na tunog kapag nakakaramdam tayo ng matinding emosyon. Halimbawa kapag nasaya. Diba natatawa ka?

So nakakalikha ka ng tunog na pagtawa. Kapag galit din, meron ka ding nalilikha ng mga tunog. Kapag nasaktan, minsan nasasabi mo o sambitla mo yung aray o kaya ouch. Kapag malungkot naman o nadismaya ka, minsan nababanggit mo o nabibiggas mo yung ayst.

At kapag nabigla ka naman o nagulat, napapasigaw ka. Sa teoryong pupu, yun yung pinaniniwalaan. na pinagmulan ng wika ng mga tao. Hashtag matinding emosyon. Ang pang-apat naman ay ang teoryang tata.

Batay sa teoryang ito, may koneksyon daw ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong sa pagkilala ng wika. Hashtag kumpas ng kamay.

Ipaliwanag natin. Sa katunayan, ang teoryang tata ay nag-ugat sa Pransya o sa Pranses sapagkat noong sinaunang panahon, wala pa silang wika, isa sa mga gesture na ginagawa nila kapag sila ay nagpapaalam doon sa mga taong kausap nila ay ang pagkumpas ng kanilang kamay sa galaw na baba at taas para silang kumakampay pero may movement na taas at baba. Kapag daw yun, ginagawa na nila, ang ibig sabihin nun, nagpapaalam na sila. Pero kalaunan, out of curiosity, yung kumpas ng kamay na yun na taas-baba, ginaya daw ng mga dila nila o ginaya nila sa pamamagitan ng kanilang dila.

At ang nabuo daw na tunog nito ay tata. Kaya daw sa Pransya, kapag magpapaalam na, ang sinasabi nila ay tata. At kung papansinin nyo din, sige, subukan ninyo, no, bigkasin ninyo yung tata.

Pansinin ninyo yung inyong dila, ang galaw ay taas at baba. Sa teoryang tata, ipinapaliwanag lang nito na may kaugnayan sa pagkatuto natin na gumamit ng wika yung kumpas ng ating kamay. Kasi nga, ginaya ito ng dila at nakalikha ng tunog.

At ang panlima naman ay teoryang tarara boom diay. O, di ba, parang dance step lang o kaya. dance moves sa TikTok. Pero wag mo yung maglala kasi yung Tararabumde ay wala yung kaugnayan doon sa mga TikTok moves na ginagawa ninyo. At hindi rin yan inspired sa sex bomb, diba, na get-get out.

So wala yung kinaugnay doon. Ang teoryang Tararabumde ay dito pinaniniwalaan na yung mga tao daw ay natutong gumamit ng wika o nagsimula ang wika sa mga tunog na nalilikha nila sa mga ritual. Noong sinaunang panahon.

Ano ba yung mga ritual? Ito yung mga seremonya na idinaraos ng mga sinaunang tao kapag sila ay nagdiriwang. Dito, kadalasan, meron... silang mga binaybiggas na orasyon o mga chant. At pinaniniwalaan sa teoryang Tararabumde ay na ito daw yung pinag-ugatan ng wika.

Dito raw nagsimula na natuto ang mga tao na bumiggas. At ang ika-anim naman ay ang teoryang Sing-Song. O huwag kayo malilito ha, may teoryang Ding-Dong.

Yung Ding-Dong, ang sinasabi doon, yung mga tao natuto dahil ginaya yung tunog ng mga bagay. Dito sa sing-song, iba sa title pa lang, no? Sing-song, ano ba yung sing? Pagkanta. Yung song, awitin o kanta.

So, paano natin ito mauugnay sa teorya tungkol sa pinagmula ng wika? Ang teoryang sing-song, tinataliwas nito yung binabanggit ng mga naunang teorya na ang mga tao ay nagbubulalas o bumibigkas ng maiikling tunog. Dito kasi ang gustong sabihin, Hindi raw yun totoo o hindi daw yun makatotohanan dahil sa katunayan daw, yung mga tao natuto sila na bumigkas o magumamit ng wika dahil yung mga tunog na nalilikha nila ay inaawit o binibigkas nila sa paraang musikal o pakanta. Yung mga tunog na alam daw ng mga sinaunang tao, pakanta daw nila yun, binibigkas. At yun na daw yung naging simula.

ng pagkatuto nila na gumamit ng wika. O, teoryang singsong, hashtag, musikal. Kasi musikal yung paraan ng pagbikas ng mga habang bulalas o mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao. At ang panghuli ay ang teoryang yoheho.

Sa teoryang ito, ang pinaniniwalaan naman ay nagmula ang wika sa mga tunog na nalilikha sa puwersang physical ng tao. Kapag daw nagtatrabaho, halimbawa, diba, tayo ay gumagamit ng pwersang physical para maisagawa ito. At kapag daw tayo ay nage-exert ng pwersa doon sa ating trabaho o kaya sa ating ginagawa, meron doon tayong nalilikha ng mga tunog. Halimbawa, kapag nagtutulak ka ng mabigat na bagay, diba, ang tunog niyan, parang yung tunog na nagtutulak at nahihirapan ka. Kapag ikaw ay nangangarate, diba, Meron kang nalilikhang mga tunog, hindi ka naman nakamute, diba?

Na ano ba yung tunog doon? Yung hya, hya. O kaya naman kapag susuntok ka, diba? Minsan dahil na nag-exert ka ng lakas, napapa-hmm, eto ka, nasuntok na kita. Ayan, diba?

O yun yung halimbawa. At sabi sa teoryang yung heho, yung mga tunog daw na yun na nalilikha natin kapag gumagamit tayo ng pwersang pisikal, yun daw yung pinagmulan ng ating wika. Natuturaw tayo na magsalita at gumamit ng wika dahil sa mga tunog na iyon.

Iyan yung iba't ibang mga teorya na nakapaloob sa teoryang siyentipiko. Nakapaloob yung teoryang bawaw, teoryang dingdong, teoryang pupu, teoryang tata, teoryang tararabumdeay, teoryang singsong, at teoryang yoheho. Nawa ay marami kang natutuhan mula sa Talakayan na ito.

Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga teorya na yan ang sa tingin mong mas kapanipaniwala para sa iyo? Yung teoryang Biblikal ba? O yung mababasa sa Biblia? O itong mga teoryang Siyentipiko na kagaya na lamang?

Teoryang Bawaw? Dingdong? Teoryang Pupu? Teoryang Tata?

Teoryang Tararabumdiay? Teoryang Singsong? O Teoryang Yoheho? Alin dyan ang pinaniniwalaan mo? Wala namang mali o tamang sagot kasi tatandaan natin lahat ng ito ay mga teorya palama.

Maraming maraming salamat sa iyong pakikinig at nawa ay magamit mo ang mga natutuhan mo sa talakayan na ito sa mga magiging klase nyo pa sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kultura Pilipino. Paalam at padayon!