Pamilya, pasado na ng alauna ng hapon, lunes, dito sa sityo Sukaben, Barangay Mambogan, sa Antipolo. Kung inyong makikita sa aking likuran, e patuloy pa rin yung pagragasa ng itong creek malapit dito sa lugar na ito. At kanitang inangala... lamang ay kinikwento ng mga residente dito kung gaano kataas yung baha. Kaninang bandang madaling araw, lampas daw ng first floor o lampas tao yung naging pag-agos ng baha dahil umapaw na yung creek at pumasok dito sa isang baha.
Wala nang pagtaas niya. Basta nakita ko na lang, nagpastao na yung tubig dito sa baba. May nasaktan po ba dito?
Wala naman po. Opo, nagsilikasan naman po. Lumikas po sila kagad. Agad-agad po as in wala silang nadala kahit pambihis na damit. Pero bakit nagsibalikan po agad-agad?
Hindi pa tatapos yung pagulan. Maglilinis po sila. Opo, bakit sobrang urgent po yung paglilinis? Hindi po ba kayo natatakot na baka umapaw ulit yung creek?
Yun nga, malalaman naman po pagka paalsa na yung tubig kasi hindi naman po talaga. talaga siyang bigla dito sa ilog. Makikita naman kasi, kumbaga, level-level naman yung pagtaas ng tubig. Hindi naman.
Siguro, pag nakita naman na nilang lumagpasta naman dyan, saka ulit sila aalis ng bahay. Ma'am Jenna, gano'po kalala yung pagbaha na naranasan nyo kaninang umaga? Ganito rin po ba nung Karina? Wala pong baha dito nung Karina.
Ah, so nabigla po talaga kayo? Oo, ngayon lang po. Kasi ang ilas po na baha dito is Glenda po yata. Ah, matagal na po yun?
Oo, Glenda po. So tapos, ngayon po ulit. Kaya hindi po ina- Inaasa na mga tao na ganun talaga tataas yung tubig kasi last time naman malakas yung karina.
Wala naman po siyang, hindi naman bumaha talaga dito. Mga ilang pamilya po yung apektado and ang abiso po ba is evacuation center muna o may mga ayaw pa rin po lumikas? Meron pong hindi lumikas talaga kanina. Kaya lang nung nakita nilang bumababa yung tubig, yung iba naman nagbalikan na yung mga lumikas talagang bumalik na ulit dito.
Ilang pamilya po na dito? Siguro mga ano po, mga... 60, 70 po. Yung nandito lang po sa baba. Opo.
At so far po, ang priority ngayon ay isalba yung mga gamit nila. Opo. Actually, wala pong naisalba siguro sila kasi lagpas tao yung baha dito. Okay.
Yung mga may second floor, yun lang po ang may naisalba po siguro. Pero yung talagang ano lang, wala po talagang maisasalba. Sa ngayon po, ano yung pinakakailangan ng sityo na tulong? Anong klaseng tulong?
Siguro po, yung mga damit, tsaka yung food, tsaka yung personal hygiene nila. Okay. Yan po siguro. Tsaka kumot.
Sige. Kasi marami pong bata. Marami po talagang kabataan dito, mga maliliit. Ah, yun po.
Sige. Salamat, ma'am. O sige po.
Thank you. At nakita niyo naman si ma'am Jenna na kanyapwento nga sa atin dito, itong sitwasyon dito sa sityo, so kabin. Pero sa kabila nung nakikita niyo yung mga nasirang kagamitan na halos nalimas na nga daw lahat nung gamit nila, e patuloy yung kasiyahan ng mga tao.
tao dito may kinakantahan pa nga ng happy birthday dito sa gilid at kanina ay may mga nagbabasketball pa dito. Sa ngayon, ayon sa barangay, eh hindi pa naman mataas yung banta ng pagbaha sa lugar. Pero umantabay lang kayo sa ating Facebook pages at ating social media website, pati na rin sa ating website na news.abs-tbn.com para sa karagdagang mga updates tungkol sa paghagupit ng bagyong enteng.