Bidasari Ang epikong Bidasari ay nagmula sa Mindanao at nakabatay sa Romansang Malay. Nakapaloob sa epikong ito ang paniniwala sa kahalagahan ng buhay. Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng mga tao.
Ito ay ang ibong Garuda. Kapag dumarating na ang Garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao Upang magtago sa mga yungid, takot na takot sila sa ibong Garuda sapagkat ito ay kumakain ng tao. Minsan sa gitna ng kaguluhan, nagkahihwalay sa pagtakbo ang Sultan at Sultana ng Kimbayat. Ang Sultana ng Kimbayat ay nagdadalang tao noon.
Sa laki ng takot ay naisilang niya. ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog at naiwan sa isang bangka roon. May nakapulot naman sa sanggol.
Siya ay si Dayohara, isang mga ngalakal mula sa ibang kaharian. Pagkapulot sa sanggol ay kaagad naman niya itong iniuwi sa kanyang bahay at itinuring na sariling anak. Pinangalanan niya ang sanggol, ng Bidasari.
Habang lumalaki si Bidasari, ay lalo pang lumalabas ang kanyang angking kagandahan. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang kinikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, Ang Sultang Mungindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibuguin si Lila Sari.
Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang Sultan, kaya naman lagi niyang itinatanong dito kung siya ba'y mahal na mahal nito. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng Sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa Sultan. Hindi mo kaya akong makakalimutan kung may nakita kang higit na mas maganda sa akin? Kung higit na mas maganda pa siya sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Ang naging tugon ng Sultan. Nag-alala ang Sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito'y makita ng Sultan. Kaya't kara-karang inutusan niya ang matapat niyang kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng tauha ni Lila Sari si Bida Sari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng sultana si Bida Sari sa palasyo. Upang di umano'y gawing dama ng sultana, ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lillasari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niya na kung nais ni Lillasari na tuluyan siyang mamatay, ay kunin nito ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ay ipinakwikwintas ito ni Lila Sari at sa gabi ibinabalik sa tubig.
Kung patuloy niya itong gagawin, hindi maglalaon ay tuluyang mamamatay si Bidasari. Umayag naman si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi niya na si Bidasari. Isinuot nga ni Lila Sari ang kwintas na gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig ng gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.
Nag-aalala si Diohara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Dahil dito, nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat. At doon itinira ng mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mungindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang palasyo. Ito ay nakapinid.
Pinilit niyang buksan ang pinto at pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang magandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari at hindi niya ito magising. Umuwi si Sultan Mungindra nang hindi nakakausap si Bidasari. Bumalik ang Sultan kinabukasan at naghintay siya hanggang gabi.
Kinagabihan ay nabuhay si Bidasari at nakausap niya si Sultan Mungindra. Ipinagtapat ni Bidasari ang mga ginawa ni Lilasari. Galit na galit ang Sultan matapos ang pagtatapat. Iniwan niya si Lilasari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari.
Ngayon ay si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon, Ang tunay ng mga magulang ni Bidasari ay matahimik ng naninirahan muli sa Kimbayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito ay si Sinapati. Nang magpunta sa Kimbayat ang isang anak ni Diyohara, ay nakita niya si Sinapati.
Si Sinapati ay kamukhang kamukha ni Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita rito na kamukhang kamukha ito ng kanyang kapatid. Tinanong ni Sinapati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila.
Pinasama ng ama ni Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati, ay kapwa silang nagilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang magkamukha. Natunto ng Sultan at Sultan ng Kembayat ang nawawala nilang anak na si Bidasari. Nalaman din ang Sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.