Kung ikaw ay mahilig sa jigsaw puzzle at kapag tinitingnan mo ang mapa ng mundo, marahil ay maiisip mo na pupwedeng idugtong ang isang bahagi ng kontinente sa isa pang kontinente dahil sa parang pinagbiyak lang sila. Ano nga ba ang Pangea at bakit ito tinaguri ang The Supercontinent? Yan ang ating aalamin sa episode na ito ng Knowledge Base.
Noong 1912, isang German scientist na si Alfred Wegener ay nagpakilala ng Continental Drift Theory. Ayon sa kanya, ang mga kontinente na ating nalalaman ngayon ay dating nakakompres sa isang proto-kontinent na tinawag niyang Pangea o lahat ng lupa sa wikang Filipino. Mahigit 300 milyong taon na ang nakalipas nang ang superkontinent na ito ay maghiwalay.
at bumuo ng mga kontinente hanggang sa naging kasalukuyang anyo nito ngayon. Pinatunayan ni Wegener ang kanyang ideya sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakapareha ng mga ayon sa kanya ay magkaugnay na mga kontinente. Katulad na lamang ng South America at Afrika, na ang mga labi na mga hayop at halaman na makikita sa dalawang kontinente na ito ay magkakapareho lang na hindi naman matatagpuan sa ibang kontinente.
Isang halimbawa nito ay ang Misosaurus, na isang ancient freshwater reptile na hindi kayang tumawid ng Atlantic Ocean. Kaya naisip ni Wegener na baka magkaugnay nga ang South America at Afrika at sa mga ilog at lawa nito noon ay pwedeng nanirahan ang mga Misosaurus na ito. Katakataka din na ang mga matatandang bato sa mga baybaye ng Brazil ay makikita rin sa west coast ng Afrika. Konbinsido ka na ba? Okay.
Isang katunayan daw nito ay ang pagkumpara ng radiometric ages. Ayon sa pagsasaliksik ng mga dalubhasa, napansin nila na ang edad ng mga bato na matatagpuan sa West Africa ay kapareho lang sa mga basement rocks ng South America. Isa pang katunayan o mano ay ang magnetic polarity evidence na sinasabi ng mga siyentipiko. Ang magnetometer ay isang kasangkapan na may kakayahang subukat ng magnetic field intensity. Sa pamamagitan nito ay pwede mo nang makita ang mga magnetic properties ng mga bato sa maraming mga lokasyon.
Ayon sa pagsasaliksik ng mga geologists, ang mga lumang bato na magkakapareho ang edad at naroon din sa parehong kontinente ay nakaturo sa parehong lokasyon. Pero, Ang lokasyong iyon ay hindi ang kasalukuyang magnetic north pole. Samantalang ang mga lumang bato naman na may magkakaibang edad ay hindi nakaturo sa parehong lokasyon at sa kasalukuyang magnetic north pole.
Ang lokasyon ng pole ay tila nag-iiba. Namangha naman ang mga gentipiko nang malaman na ang north magnetic pole ay nag- bago ang lokasyon sa paglipas ng panahon. Ang ibig lamang sabihin ito, gumagalaw nga ang mundo paglipas ng panahon.
Isang magpapatungay din na ang sangkalupaan nga ay isa lang ay ang Plate Tectonics Theory. Ayon sa teoryang ito, ang outer layer ng Earth na kung tawagin ay crust ay binubuo ng mga magagaal na mga malalaking plato ng mga sulidong bato. Ang mga plates na ito, dahil sa mas magaan lamang, ay lumulutang sa mga mahihinang uri ng layer ng mga bahagyang natutunaw na bato sa itaas na bahagi ng mantel.
Dahil dito, naniniwala ang mga eksperto na ang convection na nangyayari sa mantel ay tumutulong sa paggalaw ng mga kontinente. Ano nga ba ang ibig sabihin ng convection? Habang ang init na muna sa innermost layer ng Earth na ang tawag ay core, ay pumupunta sa ibabang bahagi ng mantle rocks, ang temperatura ng mga patong nito ay tumataas, lumalambot, at pumupunta sa ibabaw.
Dahil dito, itinutulak naman pababa ang mga malalamig na mga bato. Parang mga peking kaibigan lang natin, di ba, na hinihila tayong pababa. Dahil sa paulit-ulit na pangyayaring ito, nakakabuo ito ng convection currents. Nakikita natin ngayon na dahil sa paikot na galaw na ito ng mantle, ay isa itong malaking factor sa paggalaw ng mga plates, hence ng mga kontinente.
At ayon sa mga dalubagham, ang mga plates at ang mga kontinente ay patuloy pa rin namang gumagalaw hanggang sa ngayon. sa average rate na kulang sa limang pulgada kada taon. At sana ay mayroon kayong natutunan at nasihan sa ating pagtalakay ng supercontinent na Pangea. At kaibigan, sana'y huwag mong kalimutan ng mag-like at mag-share ng video na ito at isubscribe na rin ang aming YouTube channel para maging updated ka sa susunod naming mga videos. Maraming salamat sa panunood, kaibigan.
Paalam! Music