Transcript for:
Kahalagahan ng Kultura ng Pagdidiwata

Ako si Virgilio S. Almario, ang tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining. Malugod naming inihandog sa inyong lahat ang programang Buhay na Buhay. Isang lahing binubuhay ng walong kultura.

Ang bawat isa'y mayaman, malalim, may sariling pag-iisip at pananampalataya. Pinipinoy buhay na buhay sa tugok kong nananalaytay. Nagkakaibang ngunit nagkakaisa ang bawat isa buhay na buhay.

Marahil matapos ninyong mapanood ang aming opening billboard at marinig ang aming original theme song ay Naiintrig at napapaisip kayo Walong kulturang buhay na buhay? May mga magtatanong, di ba't iisa lang ang ating kultura? Meron din naman magasabing, ang kultura ng Pilipinas ay binubuo ng napakaraming ibat-ibang kultura.

Paano ngayon naging walo lang? Ang special 8-part documentary series ay bunga ng masigasig at masusing pag-aaral ni Professor Jun de Leon. Sinaliksik niya ang lahat ng authentic Filipino artistic expressions.

At ayon sa lumilitaw na pangunahing ritual, panukala o aktibidad ng sari-saring komunidad sa Pilipinas ay nabuo niya ang teorya ng walong kulturang buhay na buhay, noon pa man hanggang sa ngayon. Eto! Nakikiisa at di kailanman nahihiwalay sa kalikasan.

Ang tingin nila sa buhay ay isang kabuuan. Hindi pwedeng ipaghiwalay ang kalikasan sa mga sinasambang Diyos sa agrikultura, sa buhay ng komunidad, maging sa kamatayan. Ang lahat ng nililikha at ginagawa ay di kailanman may paghihiwalay. Ang buhay, ang kinabubuhayan, ang kamatayan, ang mga awit, ritual at sining.

Lahat ay may kinauugatan. Lahat ay bahagi ng iisang siglo. Isang siglong sumasabay at tanging ginagabayan ng kalikasan. Professor Jun, ano po itong kultura ng pagdidiwata at bakit nyo nadesisyonan na ito magiging una sa walong kultura? Natulungan ako ni Dr. Florentino Ornedo, isang cultural historian.

Meron siyang pag-aaral na halos kapareho ng ginawa ko pero sa kanya ay historical. Ano ang nauna? Pinakamatandang kultura sa atin ay kultura ng katutubo, ang indigenous peoples.

Marahil napunta na kayo sa Subic at napunod ang palabas ng mga aita kung saan ay tinuturo nila ang iba't ibang survival tactics sa gubat. Marahil natuwa kayo at sa isip nyo'y nasabi, di ko naman talaga kailangan ang kaalaman na yan. Pero para sa mga AITA, ang kagubatang kinagisnan ay buhay din.

Kaagapay na mapagbigay at laging maaasahan. Ang mga survival courses na tinuturo namin noong panahon panamerikano, yun po yung para sa kung paano mamuhay dito sa gubat ng walang-wala. So kahit kung marami ng teknolohiya ngayon, yung aming kultura hindi nawawala. Ang kaalaman mula sa kagubatan ay produkto ng libu-libong taon ng pakikipag-ugnayan ng mga aita sa mga puno, sa mga ibon at hayop, sa mga tanim, sa klima, at sa takbo ng panahon. Ang kaalaman na ito ay sagrado at mahalaga sa kanila.

Di nila tinuturing ang kalikasan bilang isang kaaway o isang bagay na pwedeng baliwalain. Meron kami mga tinatawag na anitong. Isa yun sa mga paggagamot ng mga aming mga katutubo.

At yung apumalyari namin isang ating Panginoon, Yesu Cristo. Ang tawag lang talaga ng ating mga ninunodon ay apumalyari. Tapos yung mga ibang kribot talaga namin, mga kanya-kanya na rin may sinasamba sila.

Minsan sa malalaking puno, sa mga batong, doon lang nakikita. Sa ngayon, pagamat kami may kanya-kanya ng paniniwala, Ang aming tradisyon mga tutubo, binubo pa rin namin para hindi lumayo sa amin ang aming tradisyon na yan. Mula sa kagubata nagmumula ang buhay. Mula rin sa gubat, nagmumula ang mga materyales na kailangan sa paglikha ng sining. Sining na sumasalamin sa adikain na pinahahalagahan ng isang kultura.

Sa kamay ng isang dalubhasang tagahabi, tulad ni... Bayabing Masolondolo, ang mga bunga ng kalikasan at ang mga mithiin ng kanyang komunidad ay nabubuo at nagkakaisa sa isang hinabing tela. Sa kanyang edad na higit na isang daang taon, si Bayabing ay dilang dalubhasa sa paghabi ng abakaikat. Nilalaman pa rin ng kanyang matalas na utak.

ang mga ritual at lasal na dapat ialay sa mga diwata na nagturo sa mga balaan ng sining ng paghabi. Kung sino ang master doon sa paghabi, yun talaga po ang gumagawa ng ritual kasi po siya po yung nakakaalam sa lahat ng proseso sa paggawa ng isang ritual. Sa paghabi talaga may sumasama sa amin ng mga spirit or...

Tinatawag namin na furalo. So yun po, kinakailangan talaga yun para yung spirito sa abaka ay papasok sa kanilang katawan o sa kanilang isip para hindi sila magkakaroon ng sakit. Ang buong proseso, mula sa pag-ipo ng mga materyales hanggang sa pagpapakintab ng nabuong tela, ay isang konkretong paraan ng pakikipag-isa.

Sa mga anito at biwata, at lahat ng ito ay nagsisimula sa isang ritual kung saan ang mga katulong niya sa paghabi ay pupunta sa batis at mag-aalay ng dasal. Ang buong ritual ay pinamumunuan mismo ni Bayabing. Ipandamang ito, ipandamang ito, ipandamang ito. Hindi lamang sa paghabi na sasalamin ang kultura ni Bayabing.

Ang lahat ng likha ng kanilang kultura ay isang salamin ng kanilang malalim na pakikipag-ugnayan sa kalikasan. Nung kultura'y buhay na buhay Sa kultura ng pagdidiwata, ang kapagyarihan ay binibigay sa mga nakatatanda na may taglay na kaalaman. Ang kaalaman nila ay di lang tumutukoy sa buhay at gawain ng mundong ito. Mahalagang bahagi ng kanilang kaalaman, At kapangyarihan ay tungkol sa spiritual, sa kultura ng pagdidiwata. Ang pamumuno ay nakaugat sa ginagalawang mundo na siyang maliit na bahagi lang ng mas malaking universo.

Ang mga itnig o tinggyan ng Abra ay kilala sa kanilang mga makukulay at masinsin na habi. Ngunit para sa mga dalobhasa, mahalaga rin ang kanilang mga ritual. Ritual na...

umuugnay sa kanilang mundo, sa mundo ng mga anito at tiwata. Isa sa pinakamahalagang ritual nila ay ang pag-alay sa mga pinain. Ang ibig pong sabihin ng pinain, yun po ang batong may buhay.

Yan po ay pinaniniwalaan ng itneg or tingyan na tinatawag. Pwede silang sumapi. sa mga napiling tao rin, nakatulad ng baglan.

Ang mga pinaing ay nilalagay sa mga sagradong espasyo sa bukana o sa gitna ng kanilang mga komunidad. Hindi maaaring dumihan o pabayaan ang espasyong ito. Bawal rin ang basta-bastang hawakan ng mga bato.

Tanging ang baglan o siyaman lamang ang may karapatang humahawak sa mga ito. kapag sinagawa ang Ritwal ng Pinain. May dami-dami sa pinain.

Ang sapulan, isang bawoy. Saka katayan yan, umalaka itidara. Saka yung atay, inakay dyan.

Ang Ritwal ay sinasagawa ng mga Pinakadalubhasang baglan kasama ang mga lalaki ng komunidad. Ngunit matapos ang pag-alay, ang buong komunidad ay binabaspasa ng dugo sa paa. Pinagsasaluhan ng lahat ang inalay sa pinain.

Nagkakaisa sila sa piging at sa sayawan. Dito nagahalo ang lahat, ang musika, ang sayaw, ang pagsalo-salo, ang pag-awit. Sa nakita nating pinaing ritual, paano binabahagi ng shaman ang spiritual power sa komunidad?

Sharing ritual yan eh. Kasi humingi ng blessing mula sa taas para talaga lalo pang merong kapangyarihan yung shaman na ma-edress sa community. At yung kapangyarihan yun ay sinasagisag din ng pagkain.

Kapag ang kapangyarihan hindi lang abstract yan eh. Kailangan merong concrete manifestation. Kalikasan na bubuo ng isang komunidad.

Komunidad na may buong kulturang gumagabay sa kanilang gawain, sining at pamumuno. Kulturang may tama at makataong pananaw sa kayamanan. Sa ritual ng hinagabi ng mga ifugaw, makikita natin na may kaakibat na responsibilidad ang pagiging isang mayaman o kadangyan.

Para sa mga ifugaw, ang kayamanan ng lupa at ng ani ay isang biyayang dapat ingatan. Sa tradisyonal na kultura nila, ang maitanghal na isang kadangyan o may kaya sa lipunan ang isa sa pinakamataas na ambisyon. Ngunit, kasama ditong obligasyon na maging mapagbigay sa mga digaanong pinalad sa lipunan. Ang bawat bahagi ng Pag-angat sa kanilang lipunan ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng kanyaw o papiging kung saan ang buong komunidad ay makikisalo sa yamang nakamtan ng isang pamilya. Ang hagabi ay isang malaking upuan na yari sa buong troso.

Ito ang pinakamaggarbong sagisag ng kayamanan sa mga ifugaw. Mula sa pag- Pagpili ng tamang puno ng mga mumbaki, pati na ang pagukit nito, kailangan pakainin ang lahat ng kasama sa trabaho. At kapag dinala na ito mula sa gubat para iligay sa kanilang bahay, isang malaking piging muli ang dapat ihandong sa komunidad. Bilang pag-alala sa kanilang mga ninuno, pinagkaisahan ng Pamilya Dulnuan ang pagpapagawa ng kanilang hagabi. Pinangunahan ng mag-amang Ambrosio Sr. at ng kanyang panganay na lalaki Ambrosio Jr. ang pagsasagawa ng hagabi at ng ritual nito.

Nung nag-perform sila ng Uyaoy, ito lang ang hagabi na hindi nila natupad, nagawa, because unfortunately, patay sila. Kaya ngayon, inisip namin na as children. Ituloy namin itong hagabi.

Itong kahoy na ito is akasya na tinanin ng lolo namin. Nung ginawa namin itong hagabi is nagkatay muna kami ng manok para sa sacrifice. And then it takes two weeks para magawa itong hagabi.

Matapos ukipin ang buong troso. Dinala ito sa harap ng bahay. Lahat ng lalaking angkan ang nagtulong-tulong sa pagbubuhat.

Ang mga kamag-anak nilang mumbaki ay dumiyay pamula sa malayo upang pangunahan ng ritual at ang pagbaspas sa hagabi. Ayon sa tradisyon, tatlong malalaking baboy ang dapat ihandog sa ritual. Ang karnito ay pinagpaparti-parti sa mga mumbaki.

at sa lahat ng nagsidalog. Parang roll call ang naganap matapos ang kainan, kung saan ang bawat pamilya ay binigyan ng pabaong karne. In our tradition, kadangyan or social status is determined by how many people you feed. It is not how much money you save in the bank.

Ang pamilyang ito ay tulad rin ng maraming pamilyang may ugat sa kultura ng pagdidiwata. Masasabing ang isang paanan nila, ang nakatuntong sa modernong daigdig at yung isa naman, ay pirmeng nakatayo sa kinaugalian. Alin ang mas matimbang sa kanilang puso?

Sina lang makakasagot niyan. Ngunit, di mapagkakaila na ang tradisyon ay isang angkla sa kanilang buhay. Maaaring nag-iiba ng anyo, at pamamaraan, ngunit patuloy na pinagkakapitan. Kasama sa ating episode, yung mga mangyan, anuhong kalagahan ng kanilang surat mangyan sa ating kultura ng pagdidiwata? Sapagat ang kultura ng pagdidiwata sa lahat ng kultura ng Pilipinas, Sorry to say this, pinakamalikhain.

Yan ang exact opposite ng consumerist culture. Gumagawa sila ng sarili ng tula, awit, sayaw, hobby, ritual, lahat na. Kaya yung pagkakaroon ng sariling pagsulat, maraming pagsulat, surat mo yan, ay manifestation niya ng pagiging malikhain ng mga katutubo natin, yung kultura ng pagdidiwata. Sa pagkatiknan niyo, sila ay self-sufficient people.

Hindi na kailangan mag-import ng makuno. Tapos nandun lahat ang kailangan sa kanilang komunidad, kitang-kita natin na ito ang kultura na masasabi natin matulaeng kultura. Kasi creative poetic culture, yan ang katatubong kultura natin.

Si Merlyn Bilog at Inteng Bilog ay nagmula sa angkan ng isang gawad manilikha ng bayan o Gamaba Awardee. pumanaw na si Ginaw Bilog, ang karangalan na ginawad ng ating Republika bilang pagkilala sa patuloy na pagsasaliksik, paggamit, at pagturo ng surat mangyan ni Ginaw Bilog. Yung sinasabing mangyan script ay nasa eskol na.

Ang tawag doon ay mangyan script. Sa amin ay hindi pa itong turo sa eskol. Sulat mangyan talaga.

Ang aming sulat ay mula sa aming kanununuan. Wala kaming papel pero hindi namin nakakaligtaan kasi mula sa aming kanunuan punta sa amin. Doon sinusulat sa ganitong kawayan. Ang patinig ay tatlo lang.

Ang katinig ang bilang ay 18. Mahalaga daw po ito sa amin dahil ito daw ay para sa ating mga nanuuna. Kailangan, hindi pwedeng pag-iwanan hanggang sa mga bagong numerasyon. Ito yung nabanggit sa akin na noon ang sabi niya ay bago siya mawala, huwag na huwag kalimutang ituro sa mga bata.

Ang sulat ng mga mga dahil ito ay ang ating tunay na kultura na kahit saan makakarating. Yun lang ang bilid sa akin na huwag kalimutan ituro pat sa mga bata. Ang ambahan po ay halos napaka magandang bagay para sa amin din na kung saan kahit hindi kami magkakilala.

Pag nag-atag po sa isang daan, sa daan, kahit kunyari nasa partisyang oksidental o gano'n, pagka nagpa-atag po, parang yung dipag-uusap, ang kontalaga yung nga-nga. Mamaya mag-aambahan na yan. Parang nagkukwintuhan, importante po yun. Pangalawa, pagka sa may okasyon, maging kasayahan namin.

Pagka nakarinig yung mga bata, masaya. May nag-aambahan, nag-umaawit. Meron pong sistema na mga bata na kukupya sa pamagitan ng pagsasaulo, memorize.

Meron namang, katulad ng tatay ko nun, masyadong talagang isang interested. Marami siyang sulat, marami siyang libro na sa akin, talagang napakahalaga itong sinasabing kultura. Paano ka makilala, katutubo ka kung wala ka nang alam sa anong uri ng kultura.

Tradisyon, mga kagamitan, paniniwala, ritual, wala kang alam. Si Merlin at Inteng ang nagpapatuloy ng kaalaman ni Ginaw. Napakataas pala ng antas ng sinapit ng ating mga kapatid na hanggang ngayon ay namumuhay sa kultura ng pagdidiwata. Dahil sa kanilang paggalang sa kalikasan.

Dahil sa kanilang patuloy na paniniwala sa mga gabay at kaalaman na nakuha nila dito, buo at nagpapatuloy ang siglo ng kanilang buhay, sa kanilang sining, sa kanilang mga ritual, sa kanilang mga panukala tungkol sa pamunuan at kayamanan, pati na din sa kanilang paggamit ng sariling paraan ng pagsulat, ano ang nakikita at matututunan natin? Maaring hindi na tayo makabalik sa wagas na pamumuhay nila, ngunit kailangan nating bigyang pansin ito. Baka naroon ng susi sa isang kaalaman na naikubli, bahagyang nalimutan, ngunit na sa puso pa din natin, buhay na buhay.

Buhay na buhay, sa bukod kong nananalaytay Pipiloy buhay na buhay, sa bukod kong nananalaytay