Ako si Betsy Enriquez. I teach at the College of Mass Communication dito sa UP Diliman. Among the courses I teach are Media, Gender and Sexuality, and Media, Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression. Ako si Carol Subricea, Professor in Philippine Studies ng Asian Center, UP Diliman.
Ako ay naging director ng maraming taon ng Center for Women's Studies, nakapagturo ng kurso on Gender, Society, and Culture. At ngayon, ako ang chair ng Technical Panel on Gender and Women's Studies ng Commission on Higher Education. Ako si Michael Tan, pag-Department of Anthropology, UP Diliman. Matagal na akong nagtuturo ng mga courses tungkol sa sexuality and gender. At ang isang field of specialization ko is Anthropological Linguistics, noong pag-aaral ng wika at lipunan.
Ako si Roland Tolentino ng UP Film Institute at nagtuturo ng Media at Komunikasyon sa Kuleyo ng Pangmadlang Komunikasyon na may particular na interest sa kasariyan at seksualidad. Ang pag-uusapan natin ngayon ay Sexism and Language. So, siguro mag-define tayo uli, pero yung sexism, ano ba ito sa Tagalog o sa Filipino?
Meron ba itong salin? Kasi napag-usapan natin ng mga nakaraan, nahirapan tayo minsan magbigay ng pakahulugan sa ating sariling kultura at wika dahil merong pagkakaiba doon sa kung paano ito kinokonsepto ng mga kanluranin. So, ano ba ang para sa atin ang sexism?
Yun muna, bago natin tunguhin yung language. Roland. Ang sexism ay ang preferensiya sa isang makalalaking kaayusan na ang mga salita at pagmumundo ay batay sa panuntunan ng patriarka.
Ibig sabihin nito ay pag hindi ka nakakasunod at namamaliit ka ay dahil nga may sexism sa kultura o sa wika kung saan ay may pandadaot sa pagkatao mo at sa kailangan mo. kasi ng pagtatanghal mo ng kasariyan at seksualidad mo. Ang lalim nung pagtadaot ha. Ano ba ibig sabihin ng pagdudusta? Ganyan?
Parang pang yuyurak, pang mamaliit, o pagiging opresibo ng kondisyon. Mike? Sexism.
Oo, sexism pa rin. Paano ba natin i-define ito? May Tagalog ba nito? Wala nga. Sexismo nga ang ginagamit.
Oo, sexismo. But more or less sexism is yung presumption na ang isang sex ay mas mahina or inferior to the other. Okay. Kasi usually nga ang sexism, tinutupay na sexism is the presumption that women are inferior to men. Okay.
Pero minsan may tinatawag din na reverse sexism na where you have it the other way around and many women will sometimes say... May nangyayari ba yun? Oo.
I think some women truly feel men are inferior to women. That is a form of sexism. Are you speaking about present company?
Carol, ano tingin mo? Oo nga, dahil nga wala tayong... yung Tagalog word for it, no?
Parang ang dating mo parang galing sa kanluranin ito. Pero kung titingin ka sa mga local language, siguro ito yung mga salitang nakakabastos sa pagkatao ng, lalo na ng mga kababayhan. Pero marami rin yung salitang nakakabastos sa mga kalalakihan, sa mga bata, matatanda.
And sexism extends to the LGBT, di ba? Yung sa... Kung So, Meron tayong tinatawag na heterosexism. Di ba?
Kung minamaliit ang babae at tinitignang superior ang lalaki kaysa babae, ganun din, minamaliit din ang LGBT. Dahil tinitignan yung mga heterosexuals ay tama at nasa tamang landas, pero yung mga LGBT ay naliligaw. Tama ba yun, Roland? Tama naman, ibig sabihin ay yung sexism na ito ay talagang parang built-in mechanism ng heterosexuality or ng straight male heterosexuality para ilaglag yung mga iba pang klaseng seksualidad at kasariyan para ituringang mas pinakapribilyado ito sa pagdanas natin. Ang tutok natin ngayon sa ating palatuntunan ay yung kinala...
Tama ng lengwahe, language, wika, sa seksismo o sexism. Mukhang ito talaga yung larangan na pang-araw-araw natin sinusuong, di ba? Sa pagbuo ng kung ano ba ang konsepto. Ibat-ibang konsepto, kabilang na ang gender and sex, no?
So, o... Roland, tayo yung mga media teachers dito. Anong masasabi mo tungkol dito?
Paano ba ang papel ng lenguahe o wika sa pagpapatibay ng mga konsepto natin tungkol sa gender and sex? Mahalaga ito kasi lumiligat ng kaibahan at kaantasan, hierarchy, na kung saan, kanyari, dahil tayo lahat ay galing sa akademe, lalo na particular sa philosophy or sa law, ay parating man. Man is the center of the universe, man is one.
Parang sinasabi na lalaki lang ang nakakaranas nito. Kailangan umayon ang mga babae at iba pang mga seksualidad at kasarihan sa karanasan ng lalaki. At sa eksplorasyon ng mga disiplina, alam natin, kunyari sa psychology, kefroin, hindi nagmamatter yung women's experience.
Parati siyang may envy sa kung anong wala siya at meron yung lalaki. So ang pagkaunlad ng ating mga disiplina ay very sexist nga. na klase ng pamantayan, na kung saan ang pagdanas nga sa mga disiplina na ito ay nadadanas lamang sa pamamagitan ng lalaki. Makapangyarihan ang mga salita, kasi nga ito nga yung world ding na nililika, na usually ay nagkakahon din sa potensyal ng tao na umalagwa pa higit sa kanyang kantasan. So pag sinabi, pag tinutuksok ang bakla o lesbiana, ay Pejorative ang pagkaturing nito kasi nga iniisip sa isang heterosexist na lipunan na mas mababa ito.
Mas kahiyahiya na hindi ka nakaayon sa heterosexual na lipunan. Therefore, minumundo niya. Ibig sabihin, ikaw yung bakla na effeminate, hindi kaya makapagtanggol ng sarili mo, confused, duwag, etc. So, hindi lang siya salita.
Pero yung paraan ng pagdanas, pagmumundo sa karanasan mo, ay nililikha din sa pamamagitan ng isang sexist language. Naalala ko lang itong kamakailan, yung narinig natin, siguro naman nabasa ninyo o napakinggan sa balita, kung paano ni Yurakan, gamitin ko yung salitang Yurak, ni Senator Pacquiao ang mga LGBT. Di ba?
Sinabi niya, mas masahol pa. kaysa mga hayop. Ito siguro isa sa pinakasukdulang uri ng sexist language. Ang tanong ko, yung mga lingwahe ba ay pantay-pantay ng pagiging sexist o iba-iba? Yung mga anthropologists natin ang tanongin natin.
Mike? Iba't iba nga. May mga tinatawag na gendered. Kung pag-isipan ninyo yung differentiation, like sa English nga, businessman.
Oo nga. Pipilitin mo pa mga businesswoman, kaya may tinatawag na inclusive language ngayon sa English na Kasi nakikita napaka-powerful ang wika. Kung ikaw ay bata, lumalaki ka, lagi mong narinig, congressman. Parang wala sa posibilidad na ang babae maging member of congress. Tingnan mo sa Pilipino, puro kong na lang ang tawag natin.
We tend to abbreviate. But even our pronouns, siya. Wala tayong he or she. Asawa. kapatid, hindi rin tayo nagdodifferentiate ng lalaki at babae.
isang punto yan na hindi tayo sexy sa wika natin, at least sa Pilipino, sa Tagalog. Magsabuwa, may differentiation ng asawa. Mayroon, di ba, bana?
Bana na yung asawang lalaki. Yung asawang babae. Ako, bigla akong...
Nakalimutan. Pero may ano... But generally, ano pa rin, hindi, wala tayong distinction. Ito kaya, ay masasabi natin, dun sa ilan nating isang daang mahigit na lingwahe dito sa Pilipinas?
Karamihan, walang distinction. Walang pronouns. Okay.
Pero napigilan ba nito yung sexist language? Siguro hindi. Bagamat sabihin natin mas maganda ang Pilipino kasi walang pronoun na he or she, so hindi natin nilalagay na businessman, business, ganyan. Ang sexismo sa lingwaheng Tagalog naman ay napakalaya at napakayaman na pagbibigay ng mga descriptions, adjectives, mga ganyan. Kunyari yung...
Mga words na associated sa babae na hindi maganda, no? Emosyonal, palinkera. So marami naman nanganganak sa lipunan ng mga kataga na nagde-describe ng mga negative attributes.
...attribution sa babae. So, in a way, sexist din talaga ang Pilipino, no? Okay.
And masasabi mo rin doon sa iba't ibang wika natin, napakadami nating wika, di ba? Oo. Sa Ilocano, halimbawa. Ganon din. Marami din, no?
Ganon din. Paano naman yung visual language? Language din yan, di ba? So, sa larangan ng pelikula, halimbawa, Roland, pwede bang maging sexist ang visual language? Pwede siya maging sexist at stereotypical, no?
Kunyari, I'm... Pag sinabi natin sex-oriented film, ang idea natin ng babae sa visually ay sex object. Ibig sabihin, malaki ang kanyang hinaharap at balingkinitan at pang-miss universe na klase ng pangangatawan. Kung lalaki naman ito, kailangan ganun din, nagli-lived up sa role na Siya ay macho, sexual animal din, or even a sexual predator sa mga pelikula.
Pero ang nangyayari din sa pelikula natin ay medyo, hindi rin naman tayo lubos na sumusunod sa kanluranin. Kunyari sa action films na kanluran, sila talaga ay hyper-masculinized. Ibig sabihin, pangangatawan pa lang ay Arnold Schwarzenegger, o Jean-Claude Van Damme, na maskulado-maskulado talaga. Samantalang tayo ay...
Dahil siguro hindi rin tayo maka-affoid ng mga mamahaling explosives at mga action scenes. So ang mga action stars natin ay dinadaan na lang sa action sa bakbakan. Kaya nga ang transliteration sa ating action film ay pelikulang bakbakan.
Dahil doon sila nadidistinguish. So ibang bumugbog si FPJ, kay Ramon Revilla. So wala sa pangangatawan, in other words, na malaki ang pangangatawan nila. At mga pang everyday bodies, male bodies lang naman sila.
So nag-a-adjust din siya. Pero at the same time, alam natin na yung visual image na yun, translated to, at least for yung isang action king natin, to having many affairs in real life. Ibig sabihin na grab off, na paniwala taong maraming kababaihan na kapag nanuyo ito sa kanila, ay parang ganun ang proteksyon at seguridad. na makukuha nila dito sa lalaki na ito, sa imahen ng lalaki na ito.
Pwede naman natin napuntahan yung formal at informal language kasi meron tayong sinasabing lingwaheng pangkalye o street language. Ano naman ang pagkakaiba nun? Kay kakalayaan.
I guess, yes. Pare, mas sexist? Ibang antas eh.
Pero sige, baka pwedeng street language mo na kasi mas spontaneous yan. Okay, okay. Kung anong nasa isip, sasabihin ka agad na we can say baka mas diretsyo, even mas bulgar minsan.
Mas bulgar. Oo. So may ginagamit na terms dito.
At kung pag-aaralan natin, mukhang mas maraming mga figurative o negatibong term kung babae ang pinag-usapan. Mas objectified ang babae. Pag-isipan lang natin ang curse words ng pagmumura.
Oo nga. Maraming insulto sa babae. Maraming tinutukoy ang bahagi ng... Katawan. Katawan ng babae.
Which is self-sexist. Parang dumadami yan sa ating media ngayon. Unfortunately, yes.
Ang role models kasi natin. Kung mga liderato na ay gumagamit ng mga terms na yan. Kahit anong sabihin natin sa skwela na huwag mong gamitin yung, sasagutin ka bakit si ano, kung ginagamit. Kasi nga meron din tayo parang sa realidad ng kahit sa anumang bansa siguro na meron kang front stage at back stage.
Sa back stage pwede yun dahil sa mga amongst friends or sa intimate discussion lang naman na nababanggit ito or panalulusob ka ng kapitbahay mo marahil. Pero sa front stage dapat ay may sibilidad, may decorum dahil... Pangulo ka ng bansa o senador ka at dapat hindi ka nagtatransgress na pinag-ahalo mo itong mundo na ito dahil iba yung mundo talaga na pangharap ng publiko.
Malaking bagay ito kasi nga ay pag ginagawa nung mga pinuno natin, na-imbibe na okay naman pala. Pwede natin gamitin din ito pala sa formal na mga sitwasyon, yung ganitong klase mga lengwahe at mura. So okay lang kung iba yung pang front stage at pang backstage, okay lang ba yun? Ako nga bilang guro na mahigit 45 years na, medyo...
Medyo nalulungkot ako kasi nasa UP tayo tapos ginagabayan natin ng mga ibang eskwela. Ang nakakalungkot, hindi pa... Nasaan natin na-influensyahan yung mga probinsya, tsaka yung mga skwelahan, kaya laganap pa rin itong mga sexist language na galing sa kalye, palengke. At yun nga, itong liderato natin, nakala natin, lahat ng schools meron ng, di ba, yung mga politically correct language and governance. Yung pala hindi, napaka-populous pa rin ng language.
At nakakalungkot bilang isang guro. Na hindi pa rin pala natin na-influensyahan, no? Yung mga taong dapat ma-influensyahan natin. Yes.
Ang tingin ko kailangan maging conscious tayo na mangampanya na rin sa term na yan. Yung pagmumura sa nanay. We are a culture that claims mahal natin ang nanay natin. Nanay, pero pag minura mo.
Pero yung mura na yan, it's totally unacceptable even as street language. Sana magbago na yan. para maging consistent kasi medyo double standard pa tayo na in private okay lang yan. At saka nagtatawanan, parang gustong-gusto eh. Oo, oo, oo.
Napanggit mo yung politically correct language o yung political correctness. So, pwede ba ito para sa iba? Bakit daw kailangang supilin yung language nila o yung damdamin nila o yung nasa isip nila? Sexist kasi.
Yung kaibigan ng feminist, minsan may third family na sige ano kaya pwedeng to retaliate. Yung clandestine. closest with anak ka ng tatay mo.
Ako may narinig. Putong ama. Gano'ng nakahulugan eh. In fact, honorific yun kung talagang galing ka sa tatay mo eh.
Gano'n ba? Genetic proof na talagang ano ka. Bagamat nabanggit na sa ating pag-uusap ngayon, pero ano ba yung kasing, bakit ba ito issue? Bakit natin pinuproblema ang sexist language? Sa linguistics, may isang ng andit.
dito na may action na ang wika ay nagbibigay ng hugis sa pananaw natin at pati sa action natin. Language shapes our thinking. So kung tuloy-tuloy ang pag-sexist language, nag-titibay ng anong ng concepts natin, good or bad. Let's take yung isang one important example.
Kasi ang sexist language is often ang tawag natin essentialist. It presumes na ang lalaki ay gano'n. ganun, at ang babae, ganun.
So, just two very important phrases, lalaki kasi, at saka babae kasi. Yung lalaki kasi, ginagamit yan usually to justify kung ano ang lalaki. Like, dakong, dami-dami niyang asawa.
Eh, lalaki kasi. kasi. It's saying, okay lang lalaki kasi. Kung may reckless driver, eh, babae kasi. Ang babae kasi dito is, naku, babae na kasi.
Imperial ang babae. So, it has very different context. At pag paulit-ulit yan, you You see it with young children.
Batang-bata marunong naman. Ay, babae kasi, kaya reckless. And they carry it with them at sa susunod na henerasyon, matatransmit naman itong konsepto. Saka, syempre, lumili ka talaga ito ng diskriminasyon. Ibig sabihin, ang may access lang sa pag-akda ng sarili nilang mundo ay yung mga lalaki.
Yung mga makapag-transgress, trespass, at malagwa. Samantalang yung iba pang mababay at iba pang LGBTQ, ay binibigyan mo lang sila na hanggang dito lang sila at paalam na po. Ibig sabihin ay hindi nila ma-realize ka na kanilang being dahil nakakahon na kagad kung ano pa ang pwede nilang gawin sa buhay. So hindi nila nare-realize ang complete na pagkataon nila. Okay, Carol?
Ako sa larangan ng anthropology, kasi male-dominated ng anthropology nung magsimula siya, diba? At kakaunti kaming mga babaeng anthropologists na pumasok. Meron akong mga personal experiences of sexism, no? Pero ang isa nung medyo namulat na ako, pagka kasi naging presidente ako ng association, ganyan.
So, pag pinapakilala ako sa conference, lagi akong pinapakilala, sexy, sexy speaker. Here comes our sexy, sexy and cute, whatever. Pa na yung mga adjective referring to my... And then, one time I remember, one big national conference, or I spoke, yes, I'm Dr. Subrichea.
I'm sexy, but I happen to be very intelligent too. Yung nag-introduce sa akin si Sir, kilala mo, teacher natin, medyo napahiya siya, tapos pagkatapos nun, nag-apologize na siya. Kasi lagi akong dinidescribe na sexy, oh cute.
Ganyan, hindi tinitingnan yung talent ko. Feel na feel ko na kasi ilang years na na gano'n ng pag-introduce sa akin. So binanatan ko na. Pero hindi yan unique. Lagi yan nararanasan ng mga pangalawa.
mga kababaihan, no? Minsan, pag may mga bisita kami sa bahay, tapos, minsan yung isang pinsang lalaki, oh, this is, this is my cousin. Not only is she intelligent, she's also beautiful. At least, she's intelligent. Oo, yun, ganun.
Pero ganun pa rin, di ba? Parang dinidefine ka based on what you look like, di ba? Parang yun ang bataya ng pagka, ng identidad mo, no? Kung, yung value mo bilang tao, kung maganda ka o pangit, di kawawa naman yung pangit, di ba? So, paano natin lalabanan ang sexist language?
Tayong nasa larangan ng pagtuturo. Kanina sabi mo, Carol, parang ang feeling mo, nalulungkot ka dahil... Parang hindi natin nagawa yung dapat nating gampanan. Paano gagawin natin? Ewan ko.
Siguro kulang pa ang ginagawa natin. Siguro pagibayuhin pa natin. Pero talagang nakakagulat na nagkaroon tayo ng mga pinuno na talagang dala niya sa kongresa, sa halls of ano. Ang napakabastos, sexist na lingwahe. Hindi lang language, apat behavior.
Nakikipag lips to lips, sinahawakan, hinihipuan yung mga babaeng kasama sa stage. Yung mahalaga dito yung language nga is not just verbal, yung body language. Body language. At dito nga, grabe minsan, kabastusan yung mata, yung mga dito.
Magandang din ako dito kasi binanggit ni Carol yung pag... pagpakilala sa'yo. And I think we have to be conscious, hindi lang sa conferences, pati sa day-to-day gatherings. And let's turn the table around. Kung pinapakilala ang lalaki, usually mga achievements naman in business, in how many publications yung bag, yung mga ganun.
But no one ever, I realized that there's only one time na may isang binanggit na he is a very devoted father, he has children. Ako mismo ang nagulat na people don't usually think na yan din ang bahagi din yan ng accomplishments mo, ang pagkatao mo. And sana nga lalabas din yan na because the domestic sphere does not count, unfortunately, sa mundo. Yes, it's a value. Yes, it's a contribution.
Kaya ang kababaihan, yung pagkananay, ang pag-aruga, pag-ano dito, ay nawawala sa pagkatao niya. And I think part of countering the sexism must be giving pagpapahalaga dito. Sa pag-tuturo natin, ang binabanggit niya ay kailangan maging gender sensitive or even gender free, gender neutral yung ating kalakaran sa pag-tuturo. Ang sinasabi o paggamit natin ng terms o pag nagsasalita nga, lalo na sa Ingles ay hindi lang he, parate or he, she.
At kahit naman daw incorrect, grammatically pwedeng them, parate, or they, or even for singular or plural na reference. Ang binabanggit din ay kailangan din ito sa klase ng pedagogy din. Ang sinasabi ay kapag daw may dalawang studyante na nagtasang kamay, isang babae o isang lalaki, ang laki doon ang tendency na piliin kaagad yung lalaki dahil very rare naman sila nagsasalita, madalang.
At kapag meron silang sinabi ay nagbi-build on yung teacher sa mga punto na nirace nila. At dapat ganun din sa mga kababaihan na kapag nagtasang kamay ay mabigyan ng pagkakataon. At maging balance din sa mga punto na nirace nila ay inaakyat natin sa antas na kung saan nakakatulong sa diskusyon natin para sa araw na yun. Sa observation, yun ba ginagawa natin yan sa UP? Not consciously.
Not consciously nga eh. Kaya dapat siguro may training din tayo sa pedagogy na gender sensitive or gender sensitive research for example. Yun nga gusto kong tanungin natin si Mike kasi siya yung chancellor natin.
Yung ating bang mga guro ay gender sensitive? Ay, naku. Naku.
Ayan na. Ang dami pa rin paglabag dito. And naisip ko nga baka ang problema kasi hiwalay ang gender orientation natin.
Hiwalay ang pedagogy. Maganda sana kung naka-integrate na yan. Kasi hindi lang sa...
yung pagtawag sa studyante, yung pati yung response, may research na ginawa sa Amerika nung napansin nga nila, kung lalaking nagtaas ng kamay, not only are they privileged, meaning they are called, they are praised na, that's a very good question. Kung babae daw, I'm sorry, turn-taking, mahalagay yung turn-taking. Kung lalaking nag-interrupt, sasabihin ng teacher, oh, that was a very good point.
Kung babaeng... Nag-interrupt sa sabihin ng teacher, now you know we have to wait our turn. So, are we conscious? I think sa grade school, baka ginagawa pa rin yan.
So, how do we moderate the classes? How do we, I think we have to take extra effort na ang babae kasi you may even have to coax them, kasi traditionally ang babae hindi nagsasalita so you actually have to call out the women in class to empower them to speak up. Kasi ang socialization natin eh, huwag kang nagsasalita, tahinik ka lang, lalo na kung may lalaking nagsasalita, diba?
Paano, Carol? Oo, tama. Tapos ang isa pa sa sexism, yung paggamit ng metaphors.
Okay. Naalala ko noon, nung binubuo pa natin yung katagawa, what would constitute sexual harassment, no? Kasi UP naman ang nag-contribute sa batas, eh, kinuha natin dito.
Ang isa sa mga report, yung mahilig ang mga teachers sa metaphors. Okay. Ang isang example na binigay ng isang studyante yung nag-file ng complaint sa amin, binidescribe niya yung mga Yung mga bundok, mga malalagong, Sierra Madre o yung Mayon Volcano, very lush, very magandang shape ng mountain na ito.
Maraming halang... Katulad ng ano niya, tinura. O ganon. So napahiya daw yung bata, yung babae. Kasi yung boobs niya.
Katulad ng konya, ginanon daw. Yun daw yung bundok ng Mariyang Makiling. Magandang shape, maraming alaman. At kasing lago ng ganyan. Iyak daw ng iyak yung bata.
1990s ito sa CSSP. Tapos tinanong ko, nagtanong kami, anong mga metaphors? Napaka-sexist ng maraming metaphors. Yung to highlight, to describe, to enrich your language. Some of the metaphors being used are very sexist.
O dibdib ni ano, mga ganyan. Tapos puwet yung mga ganyan, mga metaphors. Saka nare-reinforce din kasi itong sexist language ng kind of reception.
Yung kunyari, pag may lalaki na nagbigay ng green joke o bastos na joke, tatawa yung barkada niya. So, nare-reinforce na tama lang ang ginagawa niya. At kahit na no-offend ka bilang babae dahil nasa company ka nito mga lalaki, ay wala ka nang gagawin. Pero ang dapat talaga, kinocall out mo sila na hindi dapat tawanan nito kasi minamaliit nito yung iba pang kasarihan at seksualidad. Paano naman natin lalabanan yung katwira na, kao naman nagbibiru lang eh, pikon ka naman.
Lagi ako nasasabihan nga. Precisely nga sa mga biro, dumadalo itong mga sexism na ito. Ibig sabihin, pag yun pinalampas natin, mapapalampas na rin natin yung iba pang mga kapihan ng babae, bakla at kung ano paman sa lipunan natin. So, i-call out natin dahil wala talagang tamang context ng pag-unawa at positibong reception sa mga ganitong klasing bastos na mga remarks. Mike, dito sa UP, sa atin sa Diliman, marami tayong kurso, di ba, na tinatalakay ang gender.
Lalo na nitong nakaraang siguro 10-15 years, dumarami itong mga kursong ito, no? May epekto ba? Tumataas ba yung level of... Naku, napabuntong hininga si Carol. Gusto ko lang malaman kung may positive impact tayong nakikita.
Ang tingin ko, I mean, slowly may progress naman. I mean, after how many years, at madalas nga natatagpuan kong mga... mga dati kong mga studyante.
Just the other day nga, may malaking alumni reunion, may lumapit na, Sir, do you remember me? Always naman. Oh, 20 years ago, sinong matanda? Then, I took your sex course.
Did it help? Oh yes, I'm a very good husband. Habi ko na sa nangasawa mo, I have to talk with her first.
Para maraman kung totoo yung sinasabi niya. I think, in terms of gender relations, yes. Pero ang wika, I wonder. I think, mas recent kasi ito na, Nagiging conscious din tayo na metaphors, all of these things.
Part of the things we do sa courses na yan is actually to help desensitize people. Kasi, ang din dito eh, medyo may ano tayo na words which we think are bastos, dapat we should be more comfortable, di ba? Anatomical part.
So, we try to get students to say it without feeling ashamed about it. But maybe, ang cool lang dito is to still have an element na... Pero mag...
Pero kailangan ingat pa rin tayo sa paggamit ng ano because these are terms that can be very insulting at times. So we want them to be comfortable calling, yun nga eh, but dibdib pa rin. I don't know kung masensor dito. Ang suso ay suso, ang dibdib ay dibdib. Oo, iba yun.
That's used. terms as they should be used. But to convert the terms into something as to put down someone, ibang bagay na ito.
Ikaw, Carl, anong tingin mo? May efekto ba? na positive? I want to be very happy today.
May positive and negative. Marami akong nakikita. Nasa National Research Council conference kami nisang araw.
At may mga vice chancellors, mga chancellors, presidente na lumapit sa akin. At nagpapasalamat sila na graduate sila ng UP, yung gender sensitivity nila. Pero nalulungkot ako pag nakikita ko yung mga UP graduates na senators at house representatives. Parang wala tayong naibigay na influensya sa kanila.
Napaka-sexist ng language nila, pag-interrogate pa rin nila. Ito lang ginawa nila dito sa dalawa nating mga ano. Talagang hindi ko ma-imagine isa UP graduate, College of Law. Yung pagtatanong niya, nakakalungkot talaga. Kung pwede lang bawian ang diploma.
Okay. Ako naman natutuwa sa UP dahil at least alam mo naman tayo Betsy sa College of Mass Communication. Talaga man sumasabog ang iba't ibang expressions of sexuality dito dahil nga sa global...
demand, parang feminine courses ang inooffer natin na hindi naman dapat. Pero ibig sabihin lang, may comfort zone yung ating mga sudyante, palahil ito yung sa buong UP system na kung saan ay may comfort zone nga na nagiging expressive sila sa usapin ng gender and sexuality na bilang mahalagang pagdanas, mahalagang klaseng identidad sa pagdanas ng kanilang mundo. Naalala ko nga sa guidance office, sinasabi na may mga ilang kumukonsulta sa kanila na parang nababagabag. May fear sila na pagka-graduate nila, wala na yung ganitong sanctuary pagdating sa issue ng Kwan dahil dito ay expressive sila at nagagawa nila, samantalang pagbalik nila sa mga bahay nila o komunidad nila o pag nagtrabaho sila, baka hindi na patas yung trato sa kanila.
So isa pa lang ang dapat nating pag-isipan is, paano sila may empower paglabas nila sa UP? Kasi dito, safe space ito eh. Diba? They're safe here. Pero paglabas, parang ibang mundo.
Parang masalimut, lalo yung mundong hinaharap nila. So siguro ito ang pwede nating tutukan. Paano kaya?
Kailangan nating influensyahan ang lipunan, no? Para handang tanggapin ang mga graduates natin. Pero ang yabang naman natin.
Pero tama, tama yung perspective na yun. Pero sa atin, sa ating kinalalagyan, anong pwede nating gawin pa? Maliban doon sa mga itunuturo na nating mga kurso.
Ano kaya? O balik-balik pa na, more than political correctness kasi ang batayan pa rin ay dangal, respect for people. Pwede natin ibalik itong, so it's not just political correctness nga but respect for people's Yung humanity nga, yung pagkataon niya.
Oo, oo. Which, kaya yan ang hamon sa atin kasi mga kurso natin sa kasarihan at sa kaseksualidad, we want people to feel comfortable with themselves, with their bodies. Precisely yan ang isang problema natin.
Traditionally, hindi pinag-uusapan ng katawan, hindi pinag-uusapan ng sex, and we do a lot of that in class. And then we want... That to be accompanied by respect for others, so that that includes yung wika nga na okay lang na gamitin ang mga terms, but how do you use those terms in relation to other people? And yes, mas madalas ang babae kasi ang iniinsulto, but we have to recognize too that...
all the other genders are also affected. Think about how men are expected to be strong all the time. Kung umiyak ang lalakin.
Tumataas ang kila, lalo pa kung bata, di ba? Ano ka ba? Bakla ka ba? We need a language that allows people to be who they are.
Dalaki man ng babae, men to be emotional. Di ba? Pati yung term, emosyonal, is negative. And what's wrong with men becoming emotional?
Oo nga. And what's wrong when women are strong? When they say, medyo strong siya. Negative din.
Dominating. Oo, ganun. So how can we help people to... to see yung sa communications, yung subtext, ano ba ang punto niya to be able to read through.
Hindi ko kabisado ang curriculum natin, pero sa tingin ko, parang marami-rami na rin tayong mga kursong ganito sa humanities and social sciences. Sa sciences kaya? Hmm...
Ano sa tingin ninyo? Wala kasi tayong taga-science dito eh, no? Pero yung sa observation ninyo? Doon sa mga gabay na binibigay ngayon, kunyari sa engineering, meron naman kasi in terms of use of space, kunyari paggamit ng train, yung safety and security. Kung ano yung field, lalagyan mo, titignan ka ng gender issues or magja-gender reading ka.
So, kunyari sa engineering ngayon, yung mga tinitrain nila pag-design ng mga train, titignan nila yung design is appropriate para sa elderly, sa babae, at dinidesign na rin nila. So, tinitignan nila yung gender biases doon sa field, field of work nila. So, marami na rin siguro ginagawa sa sciences. Sa design siguro, paano yung language?
Sa language, beyond the call. Wala, baka may... May ano na rin dito. First, the natural sciences, ay napaka-dominated pa rin ng lalaki. In fact, we go to our science buildings, maki itong lahat pang physics, no?
Pulo mga great physicists of the times, karamihan picture ni Einstein. Hindi lumilitaw ang mga women scientists. And yung consciousness na yan, consciousness napakalaga.
Pero papasok din tayo sa wika. Isang example dito, for the longest time ever, yung description ng... Reproduction is a passive ovum yung sa babae.
Tapos ang lalaki sperm cells, may paligsahan pa yan, competition. Moving towards the ovum. At isa lang ang tatagumpay. Kulang na lang, naka ganun pa siya sa Olympics. Pero lumalabas ngayon sa biological studies na it's not a passive ovum being competed for.
May ginagawa din ng ovum, may enzymes din na nare-release. ano, and... There's sexism also in the description of reproduction.
At binabago na ngayon dahil nga may mga babae din na pumapasok sa sciences. And that's another example. They excel and everything. May glass ceiling paglabas na nga sa careers nila. But yes, I think we will need also to have something on gender in the natural sciences.
I remember, Carol, one of the courses I took nung nag-PhD ako eh, dun sa Women and Development Studies na gusto nilang baguhin yung, halimbawa, we use the term penetration when describing the sexual act. So sabi ni Inday, sabi niya, why not enveloping? Kung a different point of view. Di ba baliktas?
So, iba ang penetration center. Pwede. Pwede yan. Pero parang binaliktad mo lang. It's not invasive.
It's not so invasive. Di ba? So, naiba yung perspective.
So, language is also perspective. Di ba? Yung pananaw natin. Yes, Roland.
Maganda yung idea ng language is perspective, perspectival. Kasi, ibig sabihin ay, ginawa din tayo sa kulu yung kultura natin sa modern times. na na-shape siya towards becoming really sexist. Nalala ko yung tinuro ko yung Malakas at Maganda.
Oo nga, ano? Ay pag binasa mo yung myth na yun, yung legend na yun, ay hindi naman malinaw ang gender designation. Ibig sabihin, nag-crack lang yung ibon at tinuka yung kawayan at lumabas si Malakas at si Maganda. Pero hindi is-penesify na yung unang lalaki ay si Malakas at ang unang babae ay si Maganda. Ibig sabihin, it could be either or.
Batay dun sa retelling, sa written retelling ng myth na yun. So, may pagka-gender neutral dahil hanggang sa kasalukuyan may malakas na... Pabae, magandang lalaki. Ang nangyari lang din siguro ay yung paraan na natin ng pagbasa, yung pagkatuto natin basahin ito, na tayo na nagbigay ng attribution dito sa mga salita na ito.
Ibig sabihin yung lente natin ng pagbabasa na galing din naman sa mga institusyon natin sa lipunan, ang nagbigay sa atin na i-prefer siya na siya ay panlalaki o pambabaheng karasa. karanasan lamang. At kung pambabae ito, mas mababae siya ang kalidad kaysa sa panlalaking karanasan. So yung pagpapakahulugan, naiiba rin sa paglakad ng panahon. Di ba?
Nag-iiba yung perspective. Pero meron din ibang mga kababaihan halimbawa na ina-appropriate, nabanggit mo ito kanina, Mike, ina-appropriate yung mga salitang dating pejorative na matuturing natin. Kahit yung mga sa gay discourse din, yung bakla ngayon, ay positibo na. Oo, diba?
Halimbawa, diba, sa feminism, for example, na-appropriate na natin yung mga salitang dati pejorative like witch. Oh, that woman is a witch. You turn around the meaning, yeah. Oo, binaliktad natin.
You turn the pin on its head, diba? So, iniba na natin. Sa gay language, ganun din ba?
Mga halimbawa dito? Kunyari, ang bakla dati ay pejorative, pero nireclaim na ito ng grupo na ito na yung self-designation nila, nakaiba sa iba pa mga kasariyan. Tapos lahat ng yung gay speak na tinatawag ngayon ay...
pejorative siya to begin with kasi hindi mo siya pwedeng gamitin para sa everyday language. Pero makikita natin na kumakalat na rin siya na pati yung mga lalaki ngayon ay gumagamit na rin ng mga ganitong gay speak or gay slang na mga salita. Oo.
Sa atin sa kababaihan, Carol, ano ba mga halimbawa natin? Hindi, sa history halimbawa, kala natin dato lang. Pero ngayon, in-inscribe na rin natin ang power sa babaylan.
So, inaayos na rin. Tapos ang babaylan ngayon, hindi na lang female-related power, LGBT na rin, space. So, nag-evolve naman yung appropriation ng mga concepts.
Nabanggit mo yung history, no? Sa history din natin, absent karaniwan yung mga kababaihan, no? Noong palang mating mga revolusyon, may mga henerala. Pero hindi natin nababasa ito, di ba? Gumawa na sila malumkamagay.
Meron na tayong mga kaunting dagdag dyan. At naipapasok na rin natin sa literatura. So, pumapasok na rin sa ating mga kurso na hindi naman nakatutok sa gender, pero na mainstream na. Pinapasok na natin sa mainstream disciplines.
Ano pa ang dapat gawin? Pwedeng balikan din yung... When we say literatura, kasama na rin dito ang mga alamat, mga folk tales natin. Maraming may mga tema din na lumilitaw ang kababaihan. as powerful in their own right.
Yung paborito ko ay, let's make it very quick, Alonsina sa Panay. Yung asawa niya kasi tagalikha ng langit. At ako naman, lilikha din. Sabi niya, babae ka lang.
So, nag-disappear si Alonsina and eventually, bumaba pala siya. Siya ang tagalikha dito sa Earth. And the husband said, bumalik ka naman, Alonsina. Ayaw niyang bumalik.
So, every time he calls out to her, balik ka na, balik ka na. Yan ang kidlag at kulog. At anong response ng alunsina? Hindi siya bumabalik.
So, umiiyak si, yung asawa niya at yung luha niya, yan ang unang ulan. So, yung kwento na yan is so loaded about women and men and their power, the power that they have. At marami pang iba, tungkong langit, sinong gumawa ng langit, babae din yan. Pero hindi privilege, no?
Because of the male nature ng history. So na-silence itong mga story. Pero ngayon ay babalik na.
Bumabalik. Merang hugo kayo natin ulit. Ay, naku, pero kailangan bantayan. Yung alunsina nakita ko sa isang textbook.
ginawang ano daw, na disobedient wife. O, sige, tingnan natin. Disobedient wife.
Disobedient wife, okay. So, siguro sa pelikula, dapat din gawin natin ito, Roland? Sa pelikula, TV. Oo, pero ginagawa na rin, kasi sa pag-aaral, kunyari sa film history, sa hundred years niya, sampu lang ang women directors.
Pero dahil nga na-democratize yung technology, yung digital cinema, ay mas marami ng women directors at technicians ang pumapasok. So yung breakthrough yung nangyari sa last Metro Manila Film Festival na for the first time na pumasok yung... Competition yung isang documentary film.
At ang nanalo ay isang woman filmmaker. So ibig sabihin, unti-unti nakakapag-breakthrough na, bagamat mabagal pa rin dahil for every time na makapag-breakthrough, meron ka naman sandusen na mas tinatangkilik ng mga pelikula na rom-com na kung saan na mati-easy lang ang mga babae at mga lalaki. Sila pa rin ang Prince Charming na darating lang para iligtas sa kanilang mga lugar itong mga babae.
At isa pang issue bago siguro tayo magpaalam, hindi naman natin matatawaran na mayroon talagang magandang bunga yung pagpasok ng mga babae sa iba't ibang larangan. Pero minsan may mga babae rin sila rin, ang daladala rin nilang diskurso ay masculine pa rin. Paano ang gagawin natin dito?
Gaya yung mga nanay natin, di ba? It doesn't mean na biologically female ka, yung consciousness mo, gender sensitive na. Yun ang nakakalungkot. Kasi minsan nakikipagbalit-aktakan ka sa kapwa mo, kabaro mo. Pero dapat talagang ipag-ibayuhin pa natin.
Ang ating advocacy para maintindihan din ng mga kababaihan, lalo na ng mga kababaihan, ang gender issue. Ako palagay ko dapat ito magsimula sa loob ng tahanan. Kasi sino bang unang-unang humuhubog ng ating kamalayan?
Diba mga nanay natin? So yung mga nanay, lola, tiyan, yan ang mga magsusunod. ...upil sa iyong pagiging babae, di ba?
Huwag kang kumilos ng ganyan, huwag kang mag-D4, huwag kang maikli ang palda, huwag kang magpaligaw sa gano'n, yung mga ganyan, di ba? Yan, huwag kang tumungaw sa bintana. Ay, naranasan ko yan. Pero kailangan din natin magkaroon ng greater sensitivity din sa LGBTQ. Yes.
Ibig sabihin ay kailangan din sila mapumasok sa forefront na wala pa tayong instances na nakapag-breakthrough politically. sa top offices natin ang openly ay kabahagi ng mga sector na ito. So, paano natin gagawin yun, Roland?
Any suggestions? I think we need to give suggestions. The gay transgender ba na student council natin?
Ah, oo. Talagang pre-nomote natin siya and we really showed to the world that it was one of the best. Tapos meron tayong house rep ngayon na transgender. So kailangan talaga katulad na ang ginawa sa women's struggle, yung mainstreaming din, kailangan ipaloob na rin sa framework of governance natin. Paloob ko naman, meron tayong impact na rin.
Meron din namang impact, hindi lang sa loob ng UP, although baka biased yung pagtingin ko. Pero maging sa labas din naman, gaya ng mga nabanggit nyo, meron naman tayong sa kongresong lumalaban para sa mga karapatang pambabae at LGBT. At meron na rin namang mga universidad na unti-unti nagiging gender sensitive.
Di ba, pinapayagan na yung cross-dressing ng isang universidad. Doon sa isang klase ko ngayon, I will not mention names, 15 students. Many of them are openly gay. Teachers.
teachers sila, public government school officials, but they're still afraid to identify themselves. Kasi kung if they openly say, I'm like this and I'm a very good dean of my college, makakatulong. So, in-encourage ko rin sila na pwedeng kayo models kayo, pahayag nyo na kung sino kayo, tapos ipakita nyo yung magagandang ginagawa nyo para maging modelo din kayo. Okay.
Although, we need to give them courage or let them find that courage to be able to do this. Sayang wala na tayong oras, kailangan na nating magpaalam Huwag po kayong mag-alala Marami pang pagkakataon na tayo ay magkakasama-sama upang pag-usapan mga issue tungkol sa gender at sexuality. Ako po si Betsy Enriquez. Ako si Carol Subricea. Ako si Roland Tolentino.
At ako si Michael Tan.