Transcript for:
Heograpiya ng Timog Silangang Asya

Ang Geografia ng Timog Silangang Asya Ang Geografia ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng ibabaw ng daigdig. Ito ay nagmula sa salitang Griego na geo at grafia. Sa klaw ng Geografia ang pag-aaral sa mga anyong lupa at anyong tubig.

Likas na yaman. Klima at panahon, flora at fauna, at distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupa sa daigdig. Mayroon tayong pitong kontinente sa daigdig. Ito ang Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europe, Afrika, Australia, Antarctica at ang Asia.

Ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa lahat. Ito ay nahahati sa lamang rehyon, Hilaga, Kanluran, Timog, Silangan at Timog Silangang Asia kung saan nabibilang ang ating bansa. Ang lupain ng Timog Silangang Asia ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi. ang pangkontinenteng Timog Silangang Asya at pangkapuloang Timog Silangang Asya.

Ang mainland Southeast Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manakanakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irawadi, Salwin, Chowpraya, Mekong at Red River. Sa kabilang dako, ang insular Southeast Asia ay binubuo ng mga kapuloang nakakalat sa karagatan.

Kabilang dito ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia at Timor-Leste. Ang ilan sa mga kapuloang ito kasama ang bansang Japan ay kabilang sa rehyon na tinatawag na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean. Ang Pacific Ring of Fire ay isang malawak na zona kung saan madalas nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan. Hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol, dulot ng kanilang pagsabog. Ang ilan sa halimbawa ng mga bulkang matatagpuan dito ay ang Mount Mayon, Mount Pinatubo, Mount Taal at Krakatoa.

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehyon sa Asia. Sa Timog Silangang Asia ay matatagpuan sa lupain ng bansang Myanmar at Brunei ang malalawak na kagubatan. Mahigit sa 80% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba't ibang uri ng unggoy, ibon at reptile.

Sa kagubatan ng Myanmar ay matatagpuan naman ang pinakamaraming punong tik sa buong mundo. Ang Pilipinas ay maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal, lawan, kamagong, ipil. pulang nara, mayapis at iba't ibang species ng dapo. Sa bansang Myanmar ay matatagpuan sa lambak ng Irawadi River at Sitang River ang pinakamatatabang lupa.

Maging sa bansang Cambodia ay makakakita rin ang matatabang lupa sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap Lake. May iba't ibang pananim sa region. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng nyog at kopra.

Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ay karaniwang inaalaga ang hayop sa rehiyong ito. Sa Indonesia ay mayroong malaking deposito ng langis at natural gas, kung saan ang 80% ng langis sa Timog Silangang Asia ay dito nang gagaling. Gayun din ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig. Ang pagkakaiba-iba at katangit-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity.

Ang Asia, bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, ay itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit habang ang mga bansa sa Asia ay patuloy sa mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga mga patuloy na papunta sa kaunlaran. Kasabay din ito ay ang pagsulpot ng mga suliraning ekologikal at pangkapaligiran, bunsod ng hindi mapigilang pagunlad ng ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon.

Ang mga bansang asyano sa kasalukuyan ay humaharap sa masalimuot na interaksyon na mga isyong panlipunan, politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito. Sa pagtalakay ng mga suliraning at isyong pangkapaligiran ay makakatulong sa iyo ang mga sumusunod na termino. DECERTIFICATION Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na at kapag lumaon ay humahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity. Salinization.

Ito ay isang proseso kung saan lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon. Habitat. Ito ay tumutukoy sa tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.

Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o ang paghahawa ng kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar upang magbigay daan sa mga proyektong pangkabahayan. Hinterlands, mga malalayong lugar na malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado na mga pangyayari sa teritoryong sakop na mga lungsod. Ecological balance, balansing ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran. Deforestation, ito ay tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga punong kahoy sa kagubatan.

Siltation, ang pagdami at pagdagdag ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig mula sa isan lugar. Red tide, ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat. Ozone layer, isang susuan sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone.

Ito ang nagpuprotekta sa mga tao, halaman at hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays. Global climate change, ang pagbabago ng pandaigdigan o regional na klima na maaaring dulot ng likas na pagbabago sa daigdig o na mga gawain ng tao. Ang geografiya ng Timog Silangang Asya