Transcript for:
Pag-aaral sa Kultura ng Timog Silangang Asya

Hello there mga ka-L! At ngayon ay nasa second week na tayo ng ating pag-aaral sa Araling Panlipunan Grade 7. At ang topic natin ngayon ay pangkat na mga etnolinguistiko sa kapuluhin. ng Timog Silangang Asia. In fairness, ang hirap niyang ipronounce. Pero bago yan, ay atin munang alamin ang iba't ibang mga salitang ating makakasalubong sa ating pag-aaral ngayong araw.

At ang mga salitang yan ay ang mga sumusunod. Pinapakita. Napangunahan ng, syempre number one, etnolinguistiko. Isang sangay ng antropologiyang lingwistika na siyang nag-aaral ng koneksyong wika at kultura, pati na rin kung paano ang mga pangkat etniko ay nagmumula at nagsasaraysay sa kanilang mundong ginagalawan.

Number two, Buddhism. Ang pangunahing reliyon sa mga bansa ng Timog Silangang Asya na nagtuturo ng mga tuntunin. ng tulad ng pagtanggap at pagsunod sa batas sa batas.

Pangatlo, epiko. Ito ay mahabang kwentong pampanitikan na naglalaman na mga pambihirang tagpo at paglalakbay ng mga tauhan, kadalasang nagpapakita ng mga halaga at kultura ng isang lipunan. Ang apat, tradisyon.

Mga pamamaraan at gawain na ipinamana mula sa mga mga naonang henerasyon na nagpapakita ng kanilang kultura at pagpapahalaga. At ang panglima, arkitektura. Ito ay mga disenyo at konstruksyon ng mga musali at istruktura na nagpapakita ng kahulugan ng estetika at praktikalidad ng isang lipunan.

At dito tayo sa ating topic, pangkat ng mga etnolingwistiko sa kapuluan ng Timog Silangang Asya. Bulol-bulol na ako. Sa mismong pangalan pa lamang, nakikita na ang mga pangkat etnolingwistiko sa Timog Silangang Asya ay may malalim na pagkakaiba sa larangan ng kultura, wika, reliyon at tradisyon. Dari to ang ilan sa mga pagkakaiba na mga pangkat etnolingwistiko sa mga bansa ng Timog Silangang Asya. Magsimula tayo sa wika at panitikan.

Siyempre, hindi pa huhuli ang Pilipinas. Makikita sa buong kapuluan ng iba't ibang wika tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano at iba pa. Ang mga akdang pampanitikan at epiko ay nagpapakita ng malalim na kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. Tumungo tayo sa Indonesia.

Natatangi ang wika nila tulad ng bahasa Indonesia. May mga epikong gaya ng Ramayana at Mahabrata na nagpapakita. Pakita ng kahalagahan ng reliyon at kasaysayan sa kultura ng Indonesia. Let's move on sa reliyon at pananampalataya. Magsimula tayo sa Thailand.

Malalim ang impluensya ng budismo sa bansa. Mahalagang bahagi ng kultura nila ang mga templo o tinatawag na wat. Siyempre, hindi pa huli ang Philippines. Malakas ang impluensya ng kristyanismo, particular ang Roman Catholicism. Bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang mga simbahan at ang mga reliyosong pagdiriwang.

Tumungo tayo sa tradisyon at kaugalian. Magsimula tayo sa Malaysia. Nakaugalian ang pagpapahalaga sa mga pamilya at tradisyon. Ang Ramadan ay mahalagang panahon ng pag-aayuno at pagninilay para sa mga muslim.

Dito tayo sa Cambodia. Bagamat ang tradisyon ng Khmer Rouge ay nag-iwan ng malalim na epekto, patuloy pa rin ang mga tradisyonal na seremonya at kultura. Dito tayo sa sining at arkitektura. Sa Vietnam, may malalim na kasaysayan ng sining ng mga Vietnamese at may impluensya mula sa China ang kanilang arkitektura.

Sikat ang Audeay bilang isang tradisyon na kasutan. Sa Brunei naman, makulay at dekoratibo ang kanilang sining at arkitektura. May mga matataas na menaret at malalaking pintuan.

ng mga gusaling muslim nila. Sa pangkabuhayan at pamumuhay sa Pilipinas, kilala ang mga Pilipino sa pagsasaka at pangingisda, ang mga fiesta at iba't ibang kaganapan ay bahagi ng pang-araw-araw nilang buhay. Sa Myanmar, malalim ang tradisyon ng pagsasakat pangingisda sa Myanmar. May impluensya ng budismo sa kanilang pangkabuhayan. Sa pamumuhay at kultura naman, magsimula tayo sa Indonesia, patuloy na umiiral ang tradisyon na buhay sa mga nayon at kampo.

Ang mga ritual at seremonya ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay. Sa Singapore, modernong pamumuhay na may mataas na antas ng teknolohiya at at urbanisasyon. Mahalaga pa rin ang mga tradisyonal na pagdiriwang sa kanilang kultura.

Ang mga pagkakaiba sa kalinangan ng mga pangkat etnolinguistiko sa Timog Silangang Asia ay nagpapakita ng mayamang diversidad ng reyon. Ito ay nagbibigay kulay sa bawat mansa at nagpapakita ng kanilang natatangin kasaysayan, tradisyon, at kultura. Ito ngayon ang mga tanong ko mga ka-el.

Number one, ano ang mga Mga pangunahing reliyon sa Timog Silangang Asya at paano ito na ipapakita sa kanilang mga kultura? Number two, ano ang mga halimbawa na mga epikong nagpapakita ng kahalagahan ng reliyon sa Indonesia? Number three, paano nailalabas ng mga katutubong tao sa Timog Silangang Asya?

silangang Asia ang kanilang katatagan sa harap ng pagbabago at globalisasyon at paano ito nagpapakita ng kanilang natatangin kultura at ugnayan sa kalikasan. Medyo bahaba kaya basahin nyo na lang. At pang-apat, ano ang mga implikasyon ng modernisasyon sa mga pangkat etnolinguistiko sa Timog Silangang Asya?

At paano sila umaangkop upang mapanatili ang kanilang pagkakakinalan at kabuang pag-unla? Medyo mahaba huli, kaya basahin uli ito. At hanggang dito na lamang ating pag-aaral sa Week 2 ng Araling Panlipunan Grade 7.