Transcript for:
Inilunsad na Matatag K-10 Curriculum ng DepEd

Inilunsan ng Deped ang bagong curriculum para sa K-10. nasisimulang ipatupad sa susunod na taon. May mga nabawas mula sa kasakuyang kurikulum pero may asignatura rin balak idagdag. Saksi si Maris Umal. The curriculum is overloaded with too many lessons or subjects. Yan ang dahilan ayon mismo kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte kaya compromised ang learning delivery sa basic education sa bansa. Kaya naman matapos ang dalawang taong pagreview, inilunsad na ngayong araw. ang matatag K-10 curriculum. MA stands for Makabagong Curriculum na Napapanahon. TA stands for Talino na Mula sa Isip at Puso. TA stands for Tapang na Humarap sa Anuman ang Hamon sa Buhay. G stands for Galing ng Pilipino na Ngingibabaw sa Mundo. Pinasalamatan ang Vice Presidente si dating Education Secretary Leonor Briones sa inisiyatibong simulan ang curriculum review. Sa bagong lunsad na matatag K-10 curriculum, 70% daw ang nabawas mula sa kasalukuyang curriculum na ginagamit ng mga pampublikong paaralan. Pero lalo raw itong makatutulong sa pag-intindi ng husto sa natututunan, pagpapanatili ng kaalaman, at mas efektibo at mas makabuluhang learning experience. Sa grade 1 at 2, mula sa dating 7 learning area, magiging lima na lang ang subjects. Pagdating ng grade 3, saka madaragdag ang science. Pagtungtong sa mas mataas na baitang, saka madaragdagan ang science. pa ng iba pang mga asignatura. Mapapalitan naman ang values education ng GMRC, pagtungtong sa grades 7 to 10. Gusto rin daw sanang maisama ni Vice President Duterte ang peace education. Peace education is heavily integrated in all learning areas. Awareness, social responsibility, disaster risk mitigation, human security, but all these are really meant to make our children and our learners Be aware that they have to seek peaceful resolutions to conflicts even in the classroom. Phased implementation ang gagawin sa matatag curriculum simula sa school year 2024 to 2025 hanggang sa 2027 to 2028. Meron pa rin daw assignments na ibibigay maliban pag weekend. Paglilinaw naman ang DepEd. Meron pa rin tayong K-12 na una lang po talagang ma-review, ma-repaso at masagawa itong matatag agenda or yung bagong curriculum for K-10. Pero tuloy-tuloy pa rin naman po yung K-12. In fact, we are now reviewing yung ating... grades 11 and 12. Para sa GMA Integrated News, Maris Umali ang inyong saksi.