Transcript for:
Kahalagahan ng Ekonomiks

Araw-araw, nagpapasya ang tao kung ano at alin ang higit na mahalaga sa maraming niyang pamimilian. Bata man o maedad, basta't may pangangailangan at kagustuhan na kailangang mapunan, ay masasabing may uugnay ang kanyang sarili sa economics. Kumakain at umiinom ang tao araw-araw. Ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsaka. Ibebenta sa pamilihan at pinibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga manginisda, dinadala sa mga pamilihan at pinibili ng mga tao. Halos lahat ng produkto at serbisyo na dumarating sa mga tahanan ay tila isang palaisipan kung saan nagmula at kung paano na ihahatid sa mga tao mula sa mga lumikha nito. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang economics at ano ang kaugnay nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ang economics ay nagmula sa saltang griego na oikonomia. Ang oikos ay nangangahulugang bahay o tahanan at ang nomos naman ay pamamahala. Sa mga tuwid, ito ay nangangahulugang pamamahala ng tahanan. Ang economics ay isang sangay ng aghampalipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Mapapansin sa kahulugan ang dalawang dalawang pangunahing suliranin sa economics, ang walang katapusang pangailangan at kagustuhan, at ang limitadong pinagukunang yaman. Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad. Ang sambahayan, tulad ng lokal, at pambansang ekonomiya ay gumagawa rin ng desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain. Nagpapasya rin kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaari nakatoon sa kung magkano ang inalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan at iba pang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya. Ang pamayanan ay kailangan gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at servisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang na banggit dahil sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at ang iba pang pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Ang yamang likas ay maaaring makulong. at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangan magdesisyon ng pamayanan upang matugunan ang kakapusan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapakipakinabang sa lahat. Ano ang gagawin? Paano gagawin? Para kanino? At gaano karami?