Maraming salamat. Kung tanungin ko kayo ngayon, kung ano ang gusto nyong maging, ano ang isasagot nyo? Sige, pwedeng shout out. Doctor?
Artista? Vlogger? Wait, meron mo vlogger? Architect, okay.
Madalas, sige, maraming salamat. Maraming talaga tayong gusto maging. Madalas ang sagot natin ay ang profesyon na gusto natin gawin.
Diba? Ang maging lawyer, engineer, architect, accountant. scientist. Nung bata ako, gusto ko maging isang Power Ranger. Meron din ba?
Gusto maging Power Ranger? Okay. Gusto ko rin maging isang mermaid at astronaut.
Gusto ko... Gusto ko rin magmadre at ang matagal kong pinanghawakan, gusto ko maging doktor. Hindi ba ito rin ang sinasagot natin sa tanong na ano ang pangarap mo? At siguro ito rin ang pinag-iisipan nyo ngayon, lalo na't ang iba sa inyo ay malapit na magtapos sa senior high school.
Dahil ang sagot sa tanong na ito, ang gagabay sa pagpili mo ng iyong kurso, sa pagpili ng university, sa pagpili ng susunod na hakbang. Tama ba? Sa dahil... Dami ng ginusto kong maging, ang pinili ko po ay maging isang public school teacher.
Ang tema natin ay retrospect. Kaya sinubukan kong balikan ang tanong na ito. Iisa lang ang buhay natin, di ba?
At hindi natin alam kung gaano ito kahaba. So kung iisa lang ang buhay, ano nga ba ang gusto kong maging sa nag-iisang buhay na ito? At naisip ko na, teka, hindi pala public school teacher ang gusto ko talagang maging. Ang pinakagusto ko...
ko pala ay maging isang mapagmahal na tao. Ang pagiging guro, ang trabaho ko. Ang pagiging mapagmahal, ang tinatrabaho ko. At ito, itong uniforming ito, ang pinili at pinipili kong maging anyo ng aking pagmamahal.
Kung sakaling tanggalin ko ito at magsuot ng iba, mananatili pa rin naman ang pagpili na maging isang mapagmahal na tao. Magbabago lang ako ng anyo ng pag-ibig. Pero sa ngayon, itong anyo, ang ang pinipili ko, ang magmahal bilang isang guro. Kayo, bilang senior high school students, kung babalikan natin ang tanong na ano ang gusto mong maging at iisipin natin siya bilang anong klaseng tao ang gusto mong maging, ano na ngayon ang sagot nyo?
Shout out ulit. Ako, mapagmahal. Ikaw, anoan sayo? Mapagbigay.
Marangal. Masaya. Masino.
Mabuti. Thank you. Diba? Maraming salamat sa mga sumagot.
Maari kayang imbis na propesyon, ito na lang, ang mga sagot natin ito, ang gawin nating basihan ng ating mga desisyon? Ang pagbili kung anong klaseng tao ang gusto mong maging ay isang desisyon na ikaw lang ang makagagawa. Nagahanap ka ng sense of power, ng sense of control, kasi pakiramdam mo, dinidiktahan ka sa mga gustong dapat pumunta. Ito, ito ang kapangyarihan mo.
Nasa sayo, hawak mo at may kalayaan kang hubugin ang sarili mong pagkatao. Sa sampung taon kong pagtuturo, marami akong studyante na laki sa hirap. Nakikita ko kung paano sila nalilimitahan sa kanilang mga pagpili ng profesyon. Kahit gusto nilang maging polis, doktor, nurse, chef, sundalo, maraming hadlang na nilagay ang kahirapan. Kapag bumibisita kami sa kanila, sa mga bahay nila, pinapasok nila.
namin ang makikitid at masisikip na eskenita at babagtasin namin ito hanggang sa looban para mahanap sila. Ito ang naging larawan sa akin ng kahirapan. Walang crossroad, crossroad. Hindi tulad ng karamihan sa inyo na may choices at options.
Ang meron sa kanila ay maze. Isang maze na puno ng masisikip na eskanita na nailatag sa kanila ng lipunan. Sisiksik ka habang hinahanap ang daan para makalabas.
At kung mawala ka, mananatili ka sa loob. Ganon ang buhay ni Jackson. Laking kalya si Jackson.
Ang tatay niya ay nakakulong Ang nanay niya ay nangangalakal ng basura Para magkaroon ng pera para sa sampung anak na magkakasunod At dahil hindi na niya matutukan ng mga anak Halos lahat ng kapatid ni Jackson ay nakulong rin o suki na ng barangay May isa na nawawak Wala at hindi na nakita. Si Jackson, ang pangarap niya ay maging sundalo. Gusto niya magtapos.
Kaya naghahanap siya ng paraan para kumita. Nagbabarker, naghahakot, nangangalakal din ang basura. Pero... sadyang marahas ng pamamaraan sa kali kaya natuturin siyang maging matigas.
At dahil nakasanayan na piliin na maging matigas, natanggal sa eskwelahan. Pero ang sinasabi ko sa mga estudyante ko na tulad ni Jackson, sumusulat tayo. Tayo ng kwentong buhay na tayo rin ang bida. Kamusta ang bida ng kwento mo ngayon?
Natatalo na ba siya ng pagkakataon? Nahihirapan ba siya? Anong diskarte niya?
Hihingi kaya siya ng tulong? Ano ang mga gagawin niyang pagpili para makalabas dun sa maze? Anong klaseng bida meron ng kwento mo ay nasa kamay mo?
Mahalagang isipin ng isang kapangyari. na hindi maaalis sa'yo maging ng kahirapan ay ang kapangyarihang piliin kung anong klaseng tao ang gusto mong maging. Sa mga kwentong binabasa natin, madalas humaharap ang bida sa isang malaking pagpili na kailangan niyang gawin. Yung mga pagpiling talaga namang magbabago ang buhay niya.
Para sa atin, di ba yun yung kaabang-abang na parte ng kwento? Ano kaya ang pipiliin ng bida? Pero hindi natin napapansin na meron siya mga maliliit iit na pagpiling ginawa na kung wala, ay hindi siya makakarating dun sa malaking pagpili.
Ganon din tayo sa buhay, di ba? Madalas, inaabangan natin at natatakot tayo, kinatatakutan natin na maharap sa isang malaking pagpili. Talaga namang nakakatakot kung alam mong maaring magbago ang buhay mo pagkatapos, di ba? Kaya inihanda natin ang sarili natin sa mga life-changing decisions.
Pero baka kailangan natin mas maging maingat sa mga malaking pagpili. maliliit na desisyon na ginagawa natin ng mas madalas. Dahil madalas, hindi natin ito masyadong napapansin. Maganda siguro na paminsan-minsan huminto muna tayo at balikan ang mga maliliit na desisyong ito. Nabaglit ko po kanina na ang matagal kong pinahawakan ay kagustuhan na maging doktor.
Apat na taon din akong nag-pre-med course sa Ateneo, Biology. Handa na rin ang med school application form ko. Pero nung tinanong ako nung mentor ko kung kung gusto kong maging teacher, naguluhan ako. Bigla akong napaisip. At dahil napaisip, naharap ako sa isang malaking pagpili.
Magdo-doktor ba ako? O magiging guro? Ang nakatulong sa akin ay ang pagtingin sa mga maliliit na desisyon na nagawa ko na sa buhay hanggang sa puntong yun.
Binalikan ko na nung high school, pinili kong magtayo ng isang youth organization kasama ng mga kaibigan ko sa community. Nung college naman, pinili ko. na nagamitin ang mga summer ko para magturo ng public high school students. Pagkatapos ng college, pinili kong maging isang Jesuit volunteer at tumulong ako sa mga kabataan na gumawa ng mga proyekto para sa edukasyon.
Napansin ko na sa mga maliliit na desisyong ito, ang madalas kong piliin ay ang mga bagay na may kaugnay sa kabataan at edukasyon. Kaya siguro kahit tingin ng karamihan na tinilikuran ko ang mga... magagandang oportunidad para maging isang public school teacher, hindi naman nagulat ang mga taong nakakakilala talaga sa akin. Kasi kahit dati pala, kabataan at edukasyon na ang pinipili ko. Mga maliliit na pagpili na katulong sa mas malaki kong pagpili.
At sa ilalim ng lahat ng pinag-isipan kong yun, ang tanong na, dito ba ako mas magiging mapagmahal? Dahil yun pa rin naman ang taong gusto kong maging. Ngunit hindi rin naman natatapos ang kwento kapag nakagawa ka na ng isang malaking desisyon. O, teacher na ako.
Tapos, kailangan mo ulit panindigan ang malaking desisyon mong ito gamit ang mga maliit na desisyon na ginagawa mo araw-araw. Alam niyo marami sa amin pinili na maging teacher. Pero merong din mga napilitan maging teacher sa iba't ibang dahilan. Pero pinili man o pinilit, kaya pare-pareho kami magdidesisyon.
kung anong klaseng teacher ang gusto naming maging. At ito ang lumalabas sa aming pagtuturo at sa pakikitungo sa aming mga estudyante. Gusto ko maging mapagmahal na guro. Pero hindi ibig sabihin na ito ang pinili ko ay madali na siyang gawin.
Madalas, mas mahirap maging mabuting tao. Mahirap na nga maging teacher dahil ang dami mong iisipin, ang dami mong kailangan gawin, kailangan ko pa magsakripisyo para sa mga estudyante yung hindi ko naman kaano. Mas madali na huwag na lang mag-offer, mag-alok ng remedial classes. Makakakain ako ng tanghalian at hindi ko pa kailangan habaan ng pasensya ko na magturo ng mga batang nahihirapan sa klase.
Pero alam nyo, sobrang sulit. ulit, nung makita ko yung ngiti sa mukha ni Lorena, nung makaperfect siya sa makeup quiz. Matagal na kasi siyang humihindi. Matagal niya ng pinipiling humindi. Hindi magtiwala sa sarili.
Hindi gumawa ng trabaho. Kasi pakinamdaman niya, bakit? babagsak din naman siya.
Hindi makinig kasi tingin niya hindi naman niya makukuha. Buong buhay niya sa elementary, puro line of seven siya dahil ito ang pinipili niya at nakasanayan niya ng paniwalaan. Pero sulit ang pagod at pasensya nung nagsimula niyang makita na kaya niya pala. Mas madali, natanggalin na lang namin sa klase si Allen kasi mahirap talaga siyang pasunurin.
Nung gugulo sa klase, hindi nakikinig, sumasagot, laging wala ang atensyon. Sabi ng doktor, posibleng ADHD at may oppositional defiant behavior. Sa totoo, mas madali magturo kung wala siya sa klase.
Pero natutuhan ko sa sampung taon na ang batang pinakamahirap mahalin, ang siyang dapat at pinakakailangan ng pagmamahal. Mahirap mag-isip na mga paraan para gabayan si Allen, pero sobrang sulit nung kahit paunti-unti, may nakikita kaming pagbabago sa kanyang pag-uugat. Mas madali rin na huwag na lang isipin si Jackson at ang pangarap niya makapagtapos.
Hindi ko naman na siya estudyante, high school na siya. Mas madaling huwag ko na lang siyang alalahanin. Pero sobrang sulit yung palagi yung pangungumusta. Nung biglang isang araw, nag-message siya na, Ma'am, gusto ko pa po mag-aral. Pahelp po ako.
Sobrang tua ng puso ko kasi nagpa siya siyang gumawa ng hakbang para makaalis dun sa maze. Sa klase ko, nagsasanay kami na kahit mahirap, pipiliin namin maging mapagmahal. Naisipin ang kapwa.
Kaya pinilitan namin ang goal namin. Dati ang goal namin, papasa kami. Ngayon, naging lahat gagaling. Naging parte ng pagtuturo ko na magturoan din sila. Tuwing matatapos ako sa lesson at bago ako mag-quiz, kailangan nilang magturoan ng kanilang partner, ng kapartner nila.
At siguraduhin, na makuha ng bawat isa ang lesson. Kasi para sa amin, kung ikaw lagi ang highest, ang tawag sa'yo, matalino. At walang masama sa pagiging matalino. Pero iba ang magaling na tao.
Ang challenge namin sa isa't isa ay gamitin ang talino para makatulong sa iba. Mas mahirap ito, kaya kung magawa mo, magaling ka. Kaya lahat gagaling. Hindi lang gagaling sa academics o hindi gagaling sa pag-angat ng iba. Sana sa pag-aaral nyo, anumang kurso ang aralin mo, ang kunin mo, piliin nyo na hindi lang maging matalino.
Piliin nyo sanang maging magaling. Na kapag nakakaangat ka na, gamitin mo ang talino at talento mo para iangat ang iba. Dahil kung maraming Pilipino ang gagawa nito, hindi na natin kailangan maghintay ng may iisang tao na mag-ayos ng sistema ng lipunan. Dahil kung maraming Pilipino ang gagawa nito, hindi na natin kailangan mag-ayos ng mga iisang tao na mag-ayos ng lipunan.
paraan para mapabuti ang buhay ng ating kapwa Pilipino. Mahirap piliin maging isang mapagmahal na tao kasi kailangan mong lumabas at higitan ng sarili. Sa paglabas ng sarili para kang binabatak, para kang sinestretch, para maisale, maisama, mayakap mo ang kapwa.
Hirap at masakit mabatak, pero sa tuwing mababatak ka naman, lumalago ka bilang tao. Patapos na ang talk na ito, pero hindi patapos ang kwento ng bawat isa sa atin dito. Marami pa tayong pagpiling kailangan gawin.
gawin. At lumalago tayong magkakasama sa tuwing pipiliin natin higitan ang ating sarili. At sa pagpiling ito, mas naiintindihan natin hindi lang kung ano ang ating pagkatao, kung hindi kung paano maging tao.
Maging tao para sa kapwa, at maging tao na nakikilakbay sa kapwa. Maraming salamat po.